IHP 3

1802 Words
IHP 3 Pagka hatid sa akin ni Sir Austin kahapon ay kaagad din siyang nag paalam. Ang sabi niya ay sa susunod na lamang ako na flight pumasok ngunit bukas pa iyon. Si Sir Austin naman kase ay napaka gulo dahil sa lahat nang pwedeng hatakin ay ako pa ang naisipan niya. Ano naman ang gagawin ko dito? Wala akong maisip na gawin lalo na't mag-isa lamang ako dito sa condo unit namin. Naiiling akong tumayo saka nag lakad patungo sa kusina. Naisipan ko na lamang mag hurno upang maibsan ang pagka balisang nararamdaman ko. Makalipas ang ilang oras ay natapos akong mag hurno ng sampung iba't ibang klase ng cakes at cookies. Kawawa talaga ang kusina sa akin kapag natapatan ako nang sobrang kawalang magawa. Anong gagawin ko dito? Hindi ko naman kayang ubusin lahat ito! Napabuntong hininga ako saka sinubsob ang mukha ko sa lamesa. Napakunot ang noo nang may marinig ang tunog mula sa doorbell. Kaagad akong tumayo saka nag lakad patungo sa pintuan saka pinihit ang siradura nito. Mabilis na kumalabog ang puso ko nang makita ang taong nasa harapan ko. "Sir Austin?" Anong ginagawa niya dito? Napatingin ako sa suot nito at agad na namangha sa kakisigang taglay niya kahit na naka simpleng navy blue button down polo at puting board shorts lamang siya na pinaresan niya ng topsider. Napasinghap ako saka pilit na isinantabi ang naisip. Kunot ang noo nito at seryosong naka titig sa akin. "Can I come in, Maddisson?" malalim ang boses nitong tanong sa akin. Kaagad akong tumango saka nilakihan ang bukas ng pintuan. "Oo naman... Pasok ka." Inumwestra ko ang loob at pinauna itong pinapasok. Iginiya ko ito papunta sa salas at pinaupo sa sofa. Napaawang ang labi ko nang biglang maalala ang mga cake at cookies na hinurno ko. Ipauwi ko nalang kaya sa kanya yung iba?  "Sir Austin, sunod ka sa akin..." sabi ko dito at ikinilos ang kamay kong parang inaaya ito. Kumunot ang noo nito saka tumaas ang isang kilay. "Call me Sir again and I'll fire you." walang kabahid bahid nang pagbibiro nitong sabi. Napakagat ako sa labi ko saka tumango. "Sabi ko nga! Tara, Austin..." Nabalot ang mukha nito sa pagtataka ngunit ngumiti lamang ako at nag lakad na patungo sa kusina kung nasaan ang mga cake at cookies na hinurno ko. Kaagad din naman itong sumunod sa akin. Umupo ako sa bar stool malapit sa tapat ng counter at pinagmasdan siyang namamanghang naka tingin sa mga gawa ko. Tinagilid ko ang ulo ko saka ngumiti dito. "Maupo ka. Ano ang gusto mo? Wala kase akong magawa dito sa condo kaya naisipan ko na lang mag-hurno..." sabi ko sa kanya. Ngumuso ito saka umangat ang isang sulok ng labi. "Ibang klase ang depinisyon ng paglalaro mo para maibsan ang kawalang gana mo, Maddisson..." Nahihiya akong ngumiti dito. "Hindi naman. Mahilig lang talaga akong mag-hurno... Anong paborito mong cake?" Tumango ito. "Dulce de Leche, Red Velvet tsaka Chocolate Mousse..." tipid nitong sabi. Kumuha ako ng platito at pinaghiwa ko ito nang Mango Bravo saka kumuha ng kahon para ilagay ang mga cake na paborito niya. Inilagay ko duon ang Dulce de Leche, Red Velvet at Chcolate Mousse. Umupo ako sa harapan nito saka pumangalumbabang pinag masdan ito habang kumakain nang gawa ko. Malawak akong napa ngiti nang makitang kinakain nito ang gawa ko. "Iuwi mo na lamang ang mga paborito mong cake sa bahay mo... Wala talaga akong magawa ngayon saka tamad na tamad na ako kaya naisipan kong mag-hurno. Nagiging halimaw talaga ako kapag nasa kusina..." natatawa kong sabi. Ngumuso ito. "Talaga? Ito ang pinaka masarap na Mango Bravo na natikman ko, Maddisson." Natawa naman ako at umiling. "Hindi naman! Paniguradong mas marami pang mas masarap diyan sa gawa ko... pero salamat sa papuri." masaya kong sabi. "Bakit ka pala pumunta rito?" Binaba nito ang tinidor na hawak saka pinunasan ang labi niya. "Wala akong pasok ngayon at katulad mo ay wala akong magawa kaya ako nag punta dito, Maddisson... Baka pwedeng mag laro tayo o lumabas?" wika nito at uminom ng tubig, hindi tinatanggal ang titig sa akin. Biglang lumakas ang kalabog ng puso ko nang marinig ko ang pagbigkas niya sa pangalan ko. Hindi ko alam ngunit sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko ay may nararamdaman akong kakaiba. Huminga ako namang malalim saka isinantabi iyon. "Wala talaga akong balak lumabas ngayon..." lalong tumalim ang titig nito sa akin. "Pero pwede tayong mag movie marathon kung gusto mo... Marami namang pagkain rito kaya..." nagkibit balikat ako. Ngumuso ito. "I actually brought some DVD's..." wika niya saka inilagay ang isang kamay sa batok. Lumawak ang ngiti ko saka napa kagat sa ibabang labi ko. "Sige..." tugon ko dito. Pumunta ako sa salas at inayos ang panonooran namin. Inilatag ko iyong sofa bed dahil mas masarap manood nang palabas kapag nakadapa o di kaya'y nakahiga. Hindi n'yo ako masisisi dahil ganoon talaga ako! Tinignan ko ito. "Austin, ikaw na bahala sa panonoorin natin... Kukuha lang ako ng popcorn. May gusto ka pa bang iba?" tanong ko dito. Huminga ito nang malalim. "You're more than I can ask for, Maddisson..." He muttered. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko narinig ang sinabi niya. "Ano?" Umiling siya saka tipid na ngumiti. "Popcorn's fine.." Tumango ako. "Sa inumin? Anong gusto mo?" "Water will do..." Ngumiti ako. "Okay... Kukuha lang ako." Hininaan ko muna ang liwanag ng ilaw sa salas bago dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng isang malaking lalagyanan at nag-salin duon ng popcorn. Bigla kong naalala si William. Sa tagal naming magka sintahan ay ni isang beses ay hindi pa kame nakapag movie marathon. Sa tingin niya ay pang bata ito at corny. Napabuntong hininga na lamang ako at kumuha ng isang pitsel ng tubig. Pag balik ko sa salas ay nakahiga na duon si Austin at nakapatong sa mga binti nito ang kumot. Napangiti ako at naglakad papalapit dito. Inilapag ko ang pitsel sa lamesa saka tumabi kay Austin kasama ang popcorn. Inilagay ko ang popcorn sa tabi namin. "Ganoon ba talaga kalamig?" natatawa kong tanong dito. Ngumiti ito saka umiling. "Komportable lang tsaka manonood tayo ng horror film. Baka kaylanganin mo..." Nanlaki ang mga mata ko. "Horror? Yung nakakatakot?" Kinakabahan kong tanong. Ayoko nang horror films! Narinig ko ang halakhak nito tapos ay pinlay niya na ang palabas. Dali dali kong inabot sa kanya ang popcorn saka nakihati ng kumot sa kanya at nagtalukbong hanggang leeg. "Hey..." namamaos ang boses nito. Napakapit ako nang mariin sa kumot. "Hmmm?" tanong ko nang di siya tinitignan. Gusto kong mag ituon ang atensyon ko sa palabas. Ito ang unang pagkakataon na makakanuod ako nang nakakatakot na palabas kaya hindi ko mapigilang masabik. Napatili ako nang may biglang nakaka gulat na eksena, pagkatapos kong tumili ay para akong baliw na tumatawa sa hindi ko malamang kadahilanan. Napatingin ako sa katabi ko at kunot noo itong naka tingin sa akin habang naka taas ang isang kilay na para bang ineexamina ako. "Bakit ka tumatawa? Dapat ay natatakot ka, Maddisson..." nalilito nitong sabi sa akin. Lalo lamang akong natawa. "Hindi ko din alam, Austin. Siguro dahil ito ang unang beses kong manood nang nakakatakot na palabas at ito ang kauna unahang beses na nagulat ako sa isang palabas?" patanong kong sagot. Napatili nanaman ako nang may biglang sumulpot na nakakatakot na babae sa eksena. Napamura ako dito at lalong binalot ang katawan ko ng kumot. Sumiksik ako kay Austin at ni hindi na nahiya kung magka dikit ang mga katawan namin. Yumakap ako sa braso nito dahil nagsisimula na talaga akong matakot. "Hindi kita maintindihan..." naiiling na sabi ni Austin ngunit may multo nang ngiti sa labi nito. Ngumuso ako at nag peace sign. "Pasensya na, nakakatakot pala talaga..." Tumango ito. "Here..." Napa-tingin ako sa kanya. May hawak siyang popcorn at nakatapat ito sa bibig ko kaya ngumanga na lamang ako. Sinubo niya iyon sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Biglang lumakas yung t***k ng puso ko. Umiwas ako ng tingin at nanood na lamang. Mas lalong lumakas ang kabog at tambol ng dibdib ko nang tinanggal niya ang naka-yakap kong kamay sa braso niya at inakbayan niya ako kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Marahan akong napahawal sa dibdib ko nang maramdamang parang lalabas na ito sa sobrang lakas ng pag tambol. "Dito kana mag hapunan. Anong gusto mong kainin?" Ngumiti ito. "Sige. Kahit ano ay ayos na sa akin." Tumango ako. "Sige, mag aayos lamang ako." "Pwedeng manood?" tanong nito, puno nang pagka sabik ang mga mata. Ngumiti ako.  "Oo naman," Tumayo ako at nag lakad patungo sa kusina, narinig ko naman ang mga yapak niya sa likuran ko. Ano bang pwede kong lutuin? Wala akong maisip. Naba-blanko yata itong utak ko. Humarap ako dito habang kinakabit ang apron. "Anong paborito mong pagkain?" tanong ko. Seryoso akong tinignan nito sa mga mata. "Wag kang tatawa kapag sinabi ko sayo, ha?" Tinaas ko ang kanang kamay ko saka ngumiti. "Hindi ako tatawa, pangako..." Tinagilid nito ang ulo niya saka pinagmasdan ako habang nagtatali ng buhok. "Bicol express..." Ngumuso ako. "Talaga? Ano namang nakakatawa, duon? Masarap kaya ang bicol express... Yun nalang ang lulutuin ko..."  wika ko dito saka malapad na ngumiti. "Hindi ko alam. Iyong mga kaibigan ko kase ay tumatawa sa tuwing bumibili ako ng bicol express, sabi nila ay mura at madumi ito." marahan niyang sabi. Kumunot ang noo ko saka pinakuluan ang baboy. "Walang mura at madumi pag dating sa pagkain... Yan ang mahihirap sa ibang mayayaman, masyadong mataas ang ere..." naiiling kong sabi. "Mayaman ka rin naman, Maddisson." sabi niya. Tumango ako. "Oo, sabihin na nating mayaman ako. Pero hindi katulad nila... hindi ako maarte pag dating sa mga bagay bagay." Nanatili lamang itong tahimik ngunit nakita ko ang tipid na pag taas ng sulok ng isang labi nito. Sinimulan ko nang lutuin ang bicol express at naka-titig lamang siya sa akin buong mag-damag. Bakit kaya bicol express ang paborito niya? Napailing na lamang ako at pinagpatuloy na ang pagluluto. Nang matapos ako ay sa bar counter na lamang kame kumain. Pareho lamang kaming nanatiling tahimik habang kumakain. "Bakit bicol express ang paborito mo?" bigla kong tanong dito. Natigilan ito sa tanong ko ngunit agad ding naka bawi. "Lagi akong ipinagluluto ni Mommy noon ng bicol express kaya..." nagkibit balikat ito habang nanatiling naka titig sa plato niya. Nanlaki ang mga mata. "Hala! Nakakahiya naman pala... Baka wala pa sa kalahati nang lasa ng luto ng Mommy mo ang luto ko..." Ngumiti ito saka napailing. "Sa totoo lang ay kalasa ng luto mo ang luto ng Mommy ko..." Napangiti ako, "Talaga? Ang galing naman!" Kinagat nito ang ibabang labi niya. "U'huh... Pwede mo ba akong ipag luto sa mga susunod pang araw?" Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit ako? Pwede ka namang ipag luto ng Mommy mo..." Sabi ko nang naka-ngiti. Nanatili itong naka yuko saka nakatitig na lamang sa pagkain niya. "You see, Maddisson... My mother is in heaven now..." wika nito saka pilit na ngumiti. Bigla akong nakaramdam ng awa at lungkot para sa kanya. Hindi ko kakayanin kung mawawala sa akin si Mommy! "Sige, pwede kitang ipagluto. Tawagan mo lang ako kapag magpapaluto ka. Wag lang kapag mayroong trabaho." bawi ko. Nag angat ito nang tingin sa akin at tinitigan ako. Naramdaman ko ang pag kalabog nang dibdib ko dahil sa intensidad na ipinaparating ng mga mata niya. "Pwede kang hindi pumasok kapag kaylangan kita, Maddisson... Hindi naman mababawasan ang sweldo mo kaya wag kang magalala." Huminga ako nang malalim saka tumango. "Sige," To be Continued.... Vote and Comment...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD