IHP 2

2281 Words
IHP 2 "Babe, anong flight mo ngayon?" Tanong ni William. Naglalakad kame ni William ngayon dito sa airport kasama ang ibang mga co-stewardess ko at co-pilots. Napa-ngiti ako nang makita ang mga taong namamanghang naka tingin sa amin. Buti nalang parehas kame ng flight at schedule ni William ngayon. At hindi ko sasabihin sa kanya iyon. I'm gonna surprise him later pag land namin sa London. Ngumuso ako. "Flight C ako ngayon, Will. See you the day after tomorrow, babe?" Sabi ko at nag-kunwaring malungkot. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "I'll miss you, babe. You behave, okay?" Aniya at kinurot ang tungki ng ilong ko. Natawa naman ako at tinaasan ito ng kilay. "You behave, mister!" Wika ko.  Ngumiti ito. "Of course I will, Miss. Bye na? I love you, babe..." Malambing nitong sabi. Malawak akong napa ngiti. "I love you too, babe." Nanlaki ang mata ko sa gulat nang hatakin niya ako at halikan sa harap ng napaka raming tao! God! Kaagad kong naramdaman ang pagiinit ng mukha ko. This is some serious public display of affection! Narinig ko ang hiyawan ng co-stewardess at kantsawan ng co-pilots namin. Ipinalibot ko ang braso ko sa kanya at hinalikan din siya pabalik. Naramdaman ko ang pag-ngisi niya. Lalo lamang akong napa pikit. Nakakahiya! Napahiwalay kame sa isa't isa nang may marinig kameng tumikhim sa harapan namin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita si Mr. Nepumoceno na naka kunot ang noo at salubong ang kilay na naka tingin sa amin. Walang emosyong makikita sa mukha nito ngunit ganoon na lamang ang takot at kabang nararamdaman ko. His presence shouts arrogance, ruthlessness and authority.  "What the f**k are you doing?" Malamig ngunit may diin nitong sabi.  Para akong nabuhusan nang malamig na tubig! Nakakahiya! Napayuko na lamang ako at narinig kong humingi ng paumanhin si William. Nag angat ako nang tingin dito at napasinghap ako nang makita ang malamig niyang itim na mga mata na naka titig sa akin. "Get. f*****g. Back. To. Work." Malamig nitong sabi at nag lakad paalis.  Tila naubusan nang lakas ang tuhod ko nang umalis ito sa harapan namin. Hindi ako naniniwala sa mga kwento at sabi sabi ng mga katrabaho ko ngunit mukhang tama nga ang mga sinasabi nila kay Mr. Nepumoceno. He is one cold man. Cold as ice and stoic as rock. Parang iniwan ako ng kaluluwa ko sa aking katawan nang dahil sa takot at kaba! Hangga't maari ay sana hindi ko na siya makasalamuha pa.   Hinawakan ni William ang kamay ko at pinisil iyon. "I'm sorry, babe. I'll go now." Marahan nitong sabi. Tumango ako. "Wala iyon. Bye, William. Drive safely." I said then I waved goodbye. Naghiwalay na kame ng daan at dapat ay didiretso na din ako sa eroplano nang may biglang humatak sa akin. Pag-angat ko nang tingin ko ay nagulat ako sa nakita dahil si Mr. Nepumoceno ang humahatak sa akin! Tatanggalin niya na ba ako sa trabaho? Sisigawan at papagalitan ba ako nito? Abot abot tahip ang kaba at takot na nararamdaman ko ngayon! I literally felt my knees shaking in fear and nervousness. Napatingin ako sa kamay niyang hawak hawak ang kamay ko. "Sir, where are you taking me?" Mahina kong tanong dito. Hindi ako pinansin nito at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa makarating kame sa parking lot. Binitawan nito ang kamay ko at binuksan ang pinto ng kotseng nasa harap namin sabay iminuwestra ang loob. Natigilan ako at napa titig dito. Wala itong emosyon sa mukha at napaka lamig ng kanyang mga mata.  "Sir? Pardon?" Naguguluhan kong tanong. Umigting ang panga nito. "Hop in." Tipid niyang sabi. Napa awang ang labi ko. "Pero, sir, may trabaho pa po ako." Matalim ako nitong tinignan. "I'll take care of it. I'm your boss so get the f*****g in!" Tila nawawalan ng pasensya nitong sabi. Hindi na ako sumagot at sumakay na lang sa kotse niya nang dahil sa takot. What the hell is his problem? Kung hindi lamang ako nagtatrabaho sa kanya at wala akong respeto ay baka nasagot ko na siya pabalik. He's so grumpy and a control freak! Nakakainis! Sumakay din ito sa kotse niya at mabilis na pinaharurot paalis ang kotse niya. Nasira tuloy iyong surpresa ko para kay William! Huminga ako nang malalim bago tumingin dito na seryoso lang na nag-mamaneho. Medyo mahaba ang buhok nito na marahang tumatakip sa kanyang mga mata. Matangos ang ilong niya at mapupula ang mga labi. Ang mga panga nito ay depinang depina na pag hinawakan mo ay parang mahihiwa ka. Mahahaba ang pilikmata nito at malalim ang mga mata na parang malulunod ka kapag tinitigan mo ito.  Napatagilid ang ulo ko at napatingin sa mga braso nito nang hawiin niya ang buhok niyang naka tabing sa mukha niya. Tila bato bato ang mga braso niya at malapad ang kanyang mga balikat na para bang kaya kang protektahan kahit saan. At sa istilo ng polo niya ay makikita mong maskulado ang kanyang katawan dahil sa pagkaka hapit nito sa kanya. Dumagdag pa ang pagka moreno niya na lalong nakadagdag sa pagkalalake at kagwapuhan niya.  I badly want to laugh because handsome is an understatement. If william looks like an angel... he looks like one of the insanely drop dead gorgeous villains in the movies! Napailing na lamang ako bigla at humarap sa kalsada. What are you doing, Ezra Maddisson? Why the f**k are you comparing your boyfriend to him? Napabuntong hininga na lamang ako at pumikit ng mariin. I already miss William. Kinagat ko ang labi ko. "Sir, can I ask you where we're going?" Tanong ko nang di na ako makatiis. Nanatili itong naka tingin sa kalsada. His biceps flexed when he maneuvered the car. "Austin... Just call me, Austin. We're going to my house..." Tila may pinalidad at tinatapos ang usapan nitong sabi. Napaawang ang labi ko at nag iwas na lamang nang tingin. Hindi ko siya maintindihan. Bakit kame pupunta sa bahay niya at ano namang gagawin namin duon? At higit sa lahat bakit niya ako isinama? Nang makarating kame sa mansyon nito ay pinag buksan niya ako ng pintuan. Nagpasalamat lamang ako at namamanghang pinagmasdan ang mansyon na nasa aking harapan. Kung malaki na ang mansyon namin ay tila dinoble nang laki ang mansyon nito. Hinawakan nito ang kamay ko at hinatak papasok sa loob ng mansyon.  His interior is a combination of spanish and modern. Everything inside shouts class and elegance. Wala kang ibang kulay na makikita kung hindi itim, puti at brown. Ang mga bintana nito ay matataas at kitang kita ang labas. Sa gitna nang salas ay mataas ang kisame at mayroon duong naka sabit na chandelier.  His mansion is huge! Pero walang katao-tao dito. It looked so gloomy and lonely. Hindi katulad sa mansyon na puno ng kwentuhan at tawanan.  Marahan ako nitong hinatak at sumunod lamang ako sa kanya hanggang sa makarating kame sa tapat ng isang kwarto. Humarap siya saakin at seryoso akong pinagmasdan kaya malaya din akong napatitig sa mukha niya. Napaawang ang labi ko nang mapansin ang kulay ng mga mata niya. Napakaganda nitong mga kulay abo. Nag iwas ito ng tingin. "There are clothes inside. Go and get changed. I'll just cook in the kitchen." Tipid nitong sabi at nag lakad na paalis. Naiwan akong naka-titig sa likod nitong naglalakad pababa na walang naiintindihan sa nangyayare. Naiiling akong pumasok sa kwarto at ang laki nito. May nakalatag na puting sleeveless skater dress sa kama at may puting doll shoes sa gilid. Napapikit ako nang mariin at umupo sa gilid ng kama. Isinama niya ba ako dito para mayroon siyang makasabay na kumain? He could've just said so. Hindi iyong bigla bigla nalang siyang nanghahatak at ginagamit ang kapangyarihan niya. Sinuot ko ang puting bestida na inihanda niya sa akin at namangha nang makitang saktong sakto ito sa akin. I tied my long black hair in a high ponytail and stared at my reflection in the mirror. Tinagilid ko ang ulo ko at pinakatitigan ang buhok at mga mata ko. I've always love my jet black hair and eyes. I think that not a lot of people has them. Kadalasan ay dark brown ang mga ito na napagkakamalan lamang nilang itim.  I sighed and wear the doll shoes before heading out of the room. Dahan dahan akong nag lakad pababa sa engrande nitong hagdanan. I followed the smell of the food and it lead me to the kitchen. Tahimik akong umupo sa bar stool at pinagmasdan na nagluluto si Austin. I bite my lips as I look on his muscular and sexy back. Kitang kita kase ang kakisigan nito sa puting muscle tee niyang suot. He's wearing a white muscle tee and a black board shorts. Napalingon ito sa akin at nanigas sa kinatatayuan. "Jesus... You scared the s**t out of me, Maddisson." Wika nito at pinasadahan ng kamay ang buhok niya. "Kanina ka pa dyan?" Nag peace sign ako dito at ngumiti. "Sorry po...Kararating ko lang din." Sabi ko at tinagilid ang aking ulo. Bigla akong nakaramdamam nang gutom dahil sa bango ng niluluto niya.  Sandali siyang napa-titig saakin bago naka-bawi. "Maddisson, tell me about yourself." Tipid at seryoso nitong sabi. Tumaas ang dalawa kong kilay. "Ano po bang gusto niyong malaman sa akin? And people around me call me, Ezra not, Maddisson."  Kumunot ang noo nito at tila naiirita. "I'll call you however I want to, Maddisson. Now, tell me something about yourself. I mean, anything, hobbies?" Napakamot ako sa batok ko saka ngumuso. "Okay... I like to bake any kind of pastries and play sports." Tumaas ang kilay nito. "Really? What kind of sports do you play?" Tumango ako saka ngumiti. "Yeah. I can actually play any kind of sports but lawn and table tennis, volleyball, swimming, basketball, badminton, and billiards are my favorite." Sabi ko at hindi napigilan ang excitement. He shook and playfully smirk. "Alright, let's eat then we'll play table tennis after..." Nanlaki ang mata ko sa excitement. "Really? Let's have a battle? I'm sure I'll win. Table tennis is my favorite!" Excitement is evident on my voice. His smirk turned into a smile. Bigla akong natigilan at napa-titig sa guwapo nitong mukha. "Let's have a match then..." Marahan niyang sabi. Excitement rushed through my veins! It's been a long time since I played table tennis! Inihain ni Austin ang niluto niyang paella at roast beef. Biglang nanubig ang bagang ko. Napa tingin ako sa kanya nang lagyan niya nang pagkain ang plato ko. "Thank you..." Mahina kong sabi. Tumango lamang ito at nagsimula na ding kumain. My eyes widen in shock when I realized that he's a good cook! I ate a lot and I couldn't care less. Maybe, Austin is really not that bad after all. Dapat lang ay mas kilalanin natin ang isang tao nang lubusan bago natin ito husgahan at hindi maniwala sa sabi sabi ng mga taong nakapaligid sa kanya. Dahil sa estado nga naman ng buhay ni Austin ay maraming tao ang gugustuhin siyang sirain at hatakin pababa. Nang matapos kameng kumain ay dumiretso kame sa play room niya. Napalibot ang tingin ko dito at namangha. May malaking couch sa gitna sa gilid nuon ay may billiards table, sa kabila naman ay may table tennis. Sa harap ng couch ay may flast screen television as sa gilid nang tv ay mayroon pang pintuan papasok. I took a peek and saw that it's a mini bar! Napalingon ako kay Austin nang tawagin ako nito. "Maddisson... Come here..." Tipid nitong sabi.  Naglakad ako papalapit sa kanya. Nasa harap ito nang isang kabinet. My eyes widen in awe when I saw tons of table tennis rackets inside the closet. "Choose on then we'll play." Wika niya at kumuha ng isa. Kinuha ko ang raketa na naka agaw nang pansin ko. It's white and brown. Simple lang ito ngunit napaka ganda at naiiba sa lahat. Tinignan ko si Austin at napa ngisi ito nang makita ang raketang kinuha ko. He gave me the first serve then we started playing. He's a great player I can say. Parang matagal na siyang naglalaro nito. Naka tatlong rounds pa kame bago tuluyang pag pawisan kahit naka aircon naman ang play room niya. Napangiti ako at tinaas ang kamay ko. "I won!" Sabi ko at maligayang ngumiti. He crooked his head and looked at me with a smirk on his face. "Yes, you won..." He said then murmured something that I didn't hear. Inabutan niya ako ng towel tsaka bottled water. Nag-punas ako ng pawis at ganoon din siya. Pero napansin ko na hindi niya pinunasan yung likod niyang basang basa at naupo nalang basta sa couch. Napailing na lamang ako at lumapit sa couch saka tumabi sa kanya. I tapped his shoulder. "Austin, talikod ka muna." Sabi ko. Kunot noo akong tinignan nito. "Why?" Pagtataka niya. Hinawakan ko ang balikat niya at ako na mismo ang nag-talikod sa kanya saakin. Kumunot ang noo ko at pinunasan ang likod niyang basang basa. "May pawis ka pa sa likod, baka matuyuan ka at magka-sakit ka pa. Mag palit ka na nga ng sando, basang basa oh..." Hindi ko napigilang sabi. Umigting ang panga nito. "One lucky bastard..." He muttered something but I was too preoccupied to process what he said. Ngumiti ako at marahang tinapik ang braso niya. "Ayan! Tapos na, mag-palit kana ng damit." Sabi ko dito. Tumango ito saka tumayo. "You change too. Just go to the room I brought you earlier and open the closet." Tumango ako at naglakad papunta sa kwartong pinagpalitan ko ng damit kanina. Pumasok ako at binuksan ang walk in closet duon. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko itong punong puno ng damit pang babae. Kanino kaya ito? Sa girlfriend niya? Kapatid? Or sa mga babae niya? Napailing na lamang ako at kumuha ng isang yellow sunny dress at nag-palit na. Kinuha ko na ang gamit ko at inantay si Austin sa may sala. "Let's go? I'll take you home." Seryoso nitong sabi. Napakagat ako sa labi ko saka tumango. "Okay..." To be Continued... Vote and Comment!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD