Bride

1009 Words
The Heart Of Geniuses By:b_phyxiaters Zaechy's POV "Hahaha Zaechy mukha kang inulingang espasol bride na hindi pinakasalan!!" Bulalas ni Sheen Pagpasensiyahan niyo na ang kaibigan ko, ewan ko kung lumilipad ba ang utak "Iniiwasan na kitang barahin Sheen,pero tanga ka ba talaga? Ghost Bride nga diba?! So Bride na hindi pinakasalan kaya nagmumulto!" Sagot ko naman sakanya Truthful speaking,hindi ko talaga alam kung paano nakakapasa itong si Sheen kung simpleng common sense ay wala siya tss "Edi wow! Bakit ka ba pumayag na magmukhang tanga?" "Atleast mukha lang eh ikaw? hindi ako pumayag noh! Pinilit nila ako!, bwisit talaga yang heinz na yan sinabi niya dun kay ma'am morales na ayaw ko daw magasikaso sa booth kaya pinatawag ako sa faculty" "Anong sinabi mo?" "Sinabi ko kay ma'am na hindi naman totoo yun at pinaamin ko si Heinz, pero ayaw niya kaya kinausap ko siya at sinabi niyang titigil lang siya pag pumayag ako maging ghost bride niya!" "Told 'ya, hindi titigil yun makuha lang ang gusto" "Humanda talaga siya saakin mamaya" Ilang sandali pa ay tinawag nadin kami para pumunta sa booth "Guys! Tawag na tayo sa booth natin, nagagalit na daw si ma'am morales" sigaw ni kyle saaming lahat "Tara na zae ayusin mo pananakot mo ahh para benta!" Sabi ni Sheen "Ikaw din ayusin mo pagbebenta mo ng ticket para may takutin kami" I'm so funny ? "Grabe ka talaga! Hmpp!" Dapat kasi ako nalang sa ticket station eh! Kung hindi lang talaga para sa grade ay never kong gagawin 'to Pagdating namin ay pina ambunan agad kami ni ma'am ng katakot takot na sermon "Ano ba yan! Kayo talagang mga bata kayo, sa tingin niyo ba may bibili ng ticket niyo kung nakapila sa harapan yang mga bag ninyo?! Bakit hindi niyo nalang iparada para mas maganda!" "Sorry po ma'am" sabi naming lahat "Sumasakit ang ulo ko sainyo! Ayusin niyo yan!" Sabi ni ma'am at pumunta na para icheck ang ibang booth Sakto namang pag alis niya ay ang pagdating ni heinz na super late it's time to take revenge HAHAHA "Oyy Heinz bakit ka late ha?" "Ahh pinaayos ko pa kasi yung make-up ko para mas nakakatakot,masyado ka namang concern Zeachy my luvs" nakakalokong sabi niya "Tss,sabi ni ma'am kung sino daw yung pinakalate na dadating siya ang magbubuhat ng lahat ng bag at ibabalik yun sa room" pagsisinungaling ko para makaganti "Wait... What?!" "Wala naman ng ibang late diba?" Tanong ko sa lahat halatang natatawa sila pero nanatiling tahimik dahil ayaw din naman nilang magbalik ng mga bag "Ibabalik ko lahat ng yan sa 4th floor?!" Sigaw niya na parang tanga "Obviously! May 30 minutes na lang ang natitira bago magstart kaya bilisan mo na!" Nanlulumong hinakot niya ang ilang bag at nagtatakbo paakyat ng 4th floor "Uy teh, ganti lang ang peg?" Natatawang Tanong ni Sheen "Dapat lang yan sakanya, hindi niya dapat ako kinakalaban" sagot ko Pagkatapos nga ng 25 minutes na pagbabalik balik ay bumaba na siya para hakutin ang last na mga bag Minsan nakakaloka din itong si ma'am morales eh! magbibigay ng maling instruction tapos siya pa ang galit sabi niya kasi kanina na ibaba daw namin yung mga bag namin at baka manakawan sa taas, tapos nagagalit siya nung binaba namin Pero okay nadin atleast nagantihan ko yung kutong lupa nayun "Guyss pumwesto na kayo magistart na dali!" Sabi ni Sheen kaya nag ayos na kami at pumwesto Pinatay na ang ilaw sa loob ng horror booth at ang tanging ilaw lang ay ang red na dim light nandito kami ni Heinz nakapwesto sa may parang kabaong na ewan Ilang sandali pa ay Papadaan na ang grupong tatakutin namin lima sila. mukhang couple yung dalawang pair at yung isa parang loner na nakasuot ng cap Nung dadaan na sila saamin dahan dahan akong lumakad at sinabi ang linya ko "Huhuhuhu hindi niyo alam kung gaano kasakit maiwan! Kayat papatayin ko ang kahit sinong masaya dahil sa pagibig!" Sigaw ko with matching iyak iyak pa at inilabas ang pekeng kutsilyo ko Ewan ko nga bakit may salisalita pang nalalaman yung mga kaklase ko "Yaaaaa! babe ayaw ko mamatayyyy!! Babeee!!" Sigaw sigaw nung isang babae "Tao lang yan! Sipain ko pa yan eh! Wag ka na matakot baby ko" pangaamo niya sa gf niya Ako? Sisipain niya?! Kapal ng mukha nitong lalaki na ito ahh Handa na sana akong sugudin yung lalaki nang biglang nagsalita si heinz "Ano?! Sinong sisipain mo?! Lumayas na nga kayo dito baka masipa ko lang talaga kayo parehas!" Sigaw ni Heinz na siyang nagpatakbo sa lahat maliban dun sa loner "San ka nag pakamatay?, Don't worry I understand you,iniwan din kasi ako" Ang weird niya soaperr!! Pero teka nga... tinanggal ko yung cap niya sabi ko na ehh, si Nathz! Yung broken hearted naming kaklase "Nathz ano bang ginagawa mo dito?! Bakit wala ka sa pwesto mo?" "Wala lang tinry ko lang kung matatakot ba ako,gusto kong malaman kung may iba pa akong nararamdamn bukod sa lungkot" saad niya "Tama na ang drama nathz isumbong kita diyan kay ma'am morales eh" sabi ni Heinz "Eh kung ikaw kaya isumbong ko?!" Banta ni nathz atsaka umalis Lumabas na muna ako ng booth tutal tapos naman na yung first round umupo muna ako at uminom ng tubig "Hoy asan si Heinz?" Tanong ni kyle "Wag mo akong hino- hoy ah! Bakit ba?!" "Pinapatawag kayong dalawa sa Guidance office now na daw!, Kayo ha... Anong ginawa niyo?" Usisa ni kyle Tinawag ko na si Heinz at pumunta na kami sa guidance office habang papunta doon ay kinausap ko siya "Hoy Heinz! Kainis ka talaga noh?! Dinamay mo pa ako dun sa pambabanta mo sa ungas na yun" "Wow lang ha? Hindi ka man lang mag thankyou eh ikaw na nga lang yung tinulungan ko" sagot niya "Hindi naman ako nagpatulong saiyo eh epal kalang talaga!" "Bahala ka na nga sa buhay mo!" Sabi niya at mabilis na naglakad patungo sa guidance office Mukha atang mapapasubo pa ako nito Haysss! Tumakbo na lang din ako para makahabol sakanya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD