Pressure
The Heart of Geniuses
by: b_phyxiaters
Zaechy's POV
"Tss nakakainis! bakit ba kasi siya ang nanalo?!" sigaw ko sa kawalan,sabay sipa sa mga batong nadadaanan namin pauwi
"malamang teh siya ang naunang nakapindot nung buzzer" sagot ng bestfriend kong si sheen
"isang puntos lang naman eh! tsaka bakit ko ba nakalimutan yung 'Supercalifragilisticexpialidocious'
na yun"
"teka ano? super delicious? super fragile exploration?, ay ewan! bakit ba kasi ako nakipagkaibigan sa henyo?! eh eto nga ako tamang kopya lang,di tuloy ako makarelate"
"Supercalifragilisticexpialidocious,yun yung word na nagchacharacterize sa dicoveries ni kepler"
"Ahhh so yun yung nakalimutan mo?" tanong ni Sheen
"oo yun na nga! Nakakainis talaga yang Avier nayun kahit kailan! parang asong sunod ng sunod.biruin mo yun halos lahat ng contest na sinasalihan ko andun din siya!"
"baka naman alam mo na...tadhana!,destiny!,Fate! sugar spice and everything nice" parang tangang sagot ni Sheen
"Tadhana? tadhana mo mukha mo!nakakahiya talaga Sheen,ineexpect ng mga tao na ako ang mananalo lalo na at school natin ang naghost nung quiz bee!"
"malay mo naman manalo ka na sa susunod.don't worry Team Zaechy ako Forevs!" pampalakas ng loob na sabi ni Sheen
"Loka loka lang gurl?,Malamang kakampi ka talaga saakin dahil bestfriend mo ako.atsaka bat ka naman kakampi sa kupal na yun taga ibang school yun dzuhhh! baka gusto mong sugudin ng buong schoolmates natin"
"Oo na Zae wala na akong sinabi,ikaw na ang winner!" sagot niya
Mas lalo lang lumala ang iniisip ko ng maalala na pantay na pala kami
"4/4 na ang score pantay na kami! kainis talaga! ako yung nangunguna dati eh"
"ano bang scoring yan? para saan?" Nagtatakang tanong ni sheen
"yun yung bilang ng mga panalo namin sa lahat ng contest na magkalaban kami at sa susunod sisiguraduhin kong ako na ang mananalo" sabi ko sakanya
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa hindi na namin namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay ko
"Zae andito na tayo sa bahay niyo, pano ba? una na ako ha?" sabi ni Sheen
"Sige sheen bye! Labyuu!" sabi ko sakanya
"Labyu too"
pagkatapos kong magpaalam kay Sheen pumasok na agad ako sa bahay namin
nakita ko agad sila mommy at daddy na kausap si kuya through skype ano pa nga bang bago...
"Hi mom...dad,pasok lang po ako sa kwarto ko" sabi ko sakanila
Alam kong hindi naman nila ako papansinin Kaya nagulat ako ng magsalita si dad
"How was it? nanalo ka ba?" tanong agad ni dad saakin
nahihiyang umiling ako sakanya
"what!?you didn't win? ano ba kasing klaseng review ang ginawa mo ah?! nagcellphone kalang siguro buong gabi noh? nakakahiya kakilala ko pa naman yung mga teacher doon"
"dapat gayahin mo yung kuya mo oh..succesful sa buhay, wag kang mgapaka tamad dahil walang mangyayari pag ganun" dagdag naman ni mom
ayaw ko na sana silang sagutin kaso napuno nadin ako
lagi ko nalang tinitiis ang pangmamaliit at pagkukumpara nila saakin kay kuya
Kahit sobrang nakakasakit at nakakababa na ng confidence
"opo mom and dad! kumain na ba ako? ayos lang ba ako? proud kayo saakin.yun po ang dapat na sinasabi ng magulang! hindi yung lagi niyo nalang po akong kinukumpara!" sigaw ko at tumakbo sa kwarto ko
Napakasakit bilang anak na malaman mong hindi ka sapat para sa mga magulang mo
na walang kwenta lahat ng pinaghihirapan mo dahil in the end hindi naman nila ma a-appreciate yung mga sacrifices mo
kung alam lang nilang halos hindi na ako matulog manalo lang sa contest na ito
Humiga ako sa kama ko at umiyak ng umiyak,siguro nga hindi yun dahil magaling ang mga kalaban
siguro ako ang may kasalanan,kasi wala akong kwentang anak at estudyante
Dinig ko mula sa labas mg pinto ang paulit ulit na kalampag at sigaw nila sa pangalan ko
Nagulat siguro sila dahil nakaya ko silang sagutin dahil hindi ko talaga gawain yun
ngunit wala na akong pakialam dahil wala din naman silang pakialam saakin
kinuha ko ang phone ko,kinonnect sa speaker at nagpatugtog ng malakas
Ayaw ko lang na madinig nila ang pagiyak ko
"ahhh! Ayaw ko na! Pagod na ako!" Umiiyak na sigaw ko
Umiiyak lang ako ng umiyak hangang maispan ko na tawagan si Sheen dahil siya lang naman ang nagiisang nakakaintindi saakin
Naaalala ko padin kung paano ko siya nakilala...
nung bata ako ayaw kong shinishare ang mga laruan ko sa ibang bata kasi akala ko deserve ko lahat ng yun ,dahil laging wala ang parents ko at yun ang way nila para libangin ako
pero there was this little girl in the park na nagpapahiram ng mga laruan niya sa ibang bata
siya yung dahilan kung bakit ayaw nang makipaglaro nung mga dating kalaro ko kasi kinalaro niya na silang lahat
kaya nagalit ako sakanya kinuha ko yung doll na lagi niyang hawak at sinira yun sa harap niya.
pagkatapos kong gawin yun sinabihan niya ako na kaya daw ayaw makipaglaro ng ibang bata saakin kasi daw pangit ang ugali ko
Umiyak ako nun,walang pumapansin saakin pero lumapit siya at nagsorry dahil mali daw yung sinabi niya,
nag sorry din naman ako and the next day hinayaan ko na yung ibang bata na hiramin ang laruan ko,natuwa siya nung nakita niya yun at dun na nagsimula ang friendship namin
kaya para saakin hindi tama yung sinabi niya na hindi dapat siya nakipagkaibigan sa henyo dahil di naman daw siya matalino,eh ako nga nakipag kaibigan sa Anghel at life saver na gaya niya
Hindi ko talaga alam ang mangyayari saakin kung wala siya sa buhay ko
Nagpapasalamat na lang ako dahil kahit hindi ako sinuwerte sa magulang ay sinuwerte naman ako sa kaibigan
Isang Napaka supportive na kaibigan.