Library

917 Words
The Heart Of Geniuses by:b_phyxiaters Zaechy's POV Andito ako ngayon sa Municipal library ng Bayan namin at naghahanap ng librong basahin.ano pa nga ba diba? hindi ko kasama si Sheen kasi wala talaga siyang kahilig hilig sa mga libro. mas gugustuhin pa nung manood na lang ng mga k-drama keysa masiraan ng ulo sa mga malalalim na english words na hindi niya maintindihan. Ewan ko ba pero Mas gusto ko talaga magbasa keysa magtelebabad sa cellphone o tv. Ang old school noh? hindi ko din alam pero kinalakihan ko naman ang teknolohiya pero never kong kinahiligan. The smell of an old book and the appearance of the letters gradually faded. For me it's more fun reading books pumunta na ako sa librarian section at humiram ng card catalog ng librong hinahanap ko. The notebook by Nicholas Sparks,napakaganda lang ng istorya nito at hindi ako magsasawang basahin siya ng paulit ulit. meron siyang movie adaptation pero para saakin mas maganda padin ang istorya ng mismong libro "Shelf B...ito na ba yun?" tanong ko sa kawalan at tinignan ang signage upang makasigurado "ito na nga!,asan na ba kasi yung librong yun..." sabi ko at iniikot ang mata upang mahanap yung libro isang ikot pa at nahanap ko na.ayun sa taas na taas! tama bang ilagay yun doon!? ang taas taas paano ko makukuha? don't get me wrong ha, hindi ako pandak sadyang napakataas lang nun na kahit akong katangkadan ay hindi yun makuha tatalon na sana ako upang abutin yun kaso nung pagtalon ko may tumama sa ulo ko! braso ng lalaki! pagkatingin ko may pangit na lalaki akong nakita tss Si Avier! "ito ba yung inaabot mo?" tanong niya saakin "oo,salamat sa pagkuha,akin na!" sabi ko sabay lahad ng kamay upang kunin yung libro "Hahaha ano ka sinisuwerte!? Ako ang kumuha nito kaya ako ang magbabasa" "Kupal ka talaga!! sa lahat na lang talaga nakikipagagawan ka pati ba naman dito!?" sigaw ko "First to get,First to Read" nangiinis na sabi niya "tss nakakabwisit ka talaga sunod ka ng sunod! just tell me if you want to be a dog and I'll buy you a leash, tutal mukha ka namang aso!" bulyaw ko sakanya ayaw ko ng makipagaway dahil baka palayasin pa ako ng librarian dahil maingay ako kaya kumuha na lang ako ng ibang libro para basahin "tabi ka nga diyan!" sabi ko sakanya at dumiretso na sa isang couch sa gilid pustahan tayo at susunod yan. isa...dalawa...tatlo... sabi ko sainyo eh sumunod nga siya at umupo sa kabilang couch Hinayaan ko na lang siya at nagbasa na lang ako ng tahimik pero hindi pa ako nakaka isang chapter ng mapansin ko na kanina niya pa ako tinititigan "Hoy Kupal! anong tinitingin tingin mo diyan ha?!" sita ko sakanya "Wag ka ngang piling diyan di kita tinitignan!" "eh anong tinitignan mo dito sa gawi ko?" tanong ko ulit "ahhh-ah yung ano... yung libro na hawak mo! oo tama yung libro..mas maganda kasi yan dito sa The notebook mo,akin na nga palit tayo!" sagot niya ulit "tss sabi ko na nga ba,nagpapansin ka lang talaga kanina kaya mo kinuha yang libro na yan" sabi ko "Tss ikaw naman ano?Assumera of the year?" sabi niya saakin Aba! Sira ulo to ah! tumayo ako at kinuha yung libro sakanya tsaka ko ipinalit yung saakin at dahil ayaw ko na din siyang kausapin, dumiretso nalang ako sa librarian at iniwan ang i.d ko "ibabalik ko na lang po ito bukas" sabi ko at umalis na dun sa library bwiset talaga yang Avier na yan!! lagi na lang nakikipag kompetensiya! arrrGGHh bwiset! ?incoming call-Sheen Huevas? "Hello Sheen? Bakit?" bungad ko kay sheen "Ahh wala lang...asan ka ngayon?" tanong niya "Tinext ko naman saiyo kanina diba? nasa library ako,pero wala na ngayon. andito ako sa labas ng library bakit ba?" "ahh papasama kasi sana ako sa mall kasi diba birthday na ni papz sa monday, wala pa kasi akong regalo pwede ka ba?" tanong niya ulit "oo ba! wala padin akong regalo kay tito sabay na lang tayo bumili" sabi ko "sige sunduin mo na lang ako sa bahay,bye!" sabi niya at ibinaba na ang tawag Nang makadating kami sa mall ni Sheen dumiretso agad kami sa isang gift shop "uy ano bang magandang regalo?" tanong ni Sheen "ikaw,ano bang balak mo iregalo?" sagot ko "Hindi ko alam...kain na nga lang muna tayo nagugutom na ako!" sabi ni Sheen "Mukha ka talagang pagkain pero di ka naman tumataba!" Asar ko "Tse!" Dumiretso kami sa isang resto at umorder na si Sheen At habang naghihintay sakanya nagtingin tingin muna ako sa paligid nahigip ng mata ko ang isang lalaki kabulto ni... kuya? si kuya bayun? akala ko ba nasa ibang bansa siya? iniwan ko sandali ang lamesa namin at sinundan yung lalaki pero nawala na lang siya sa paningin ko "baka namalik mata lang ako" sabi ko sa sarili ko at bumalik na sa resto "Zae san ka ba nagpunta!?" Tanong Sheen habang hawak hawak ang tray ng pagkain namin "ahh wala may tinignan lang ako" sagot ko "bakit hindi ka naman nagsasabi! nawalan tuloy tayo ng lamesa" sabi naman niya "Sorry akala ko kasi nakita ko si kuya kaya sinundan ko eh hindi naman pala!" sabi ko nalang kay Sheen "Paano naman mapupunta ang kuya mo dito friend, Nasisiraan ka na ata ng bait" "Kumain na nga lang tayo!' sabi ko "Sige nga kain ka ng nakatayo!" Asar niya At nagtawanan nalang kaming dalawa Pero sana lang talaga hindi si kuya yung nakita ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD