The Heart Of Geniuses
By:b_phyxiaters
Zaechy's POV
"Good morning class! nacheck ko na nga pala yung exams ninyo kahapon, eto oh Heinz paki distribute na lang" utos ni ma'am morales sa lalaki naming kaklase
"Tsaka nga pala... malapit na ang Foundation day ng school natin, required ang buong klase na magtayo ng isang booth,we're open for suggestions basta pumunta na lang kayo sa faculty room if ever napagdesisyunan niyo na yung booth na itatayo ninyo" sabi ni ma'am
"No problem ma'am andiyan naman si Zaechy, siya na ang bahala HAHAHA" sabi ng loko loko naming kaklase
"Hoy itigil niyo yan ah! Score ng isa,score ng lahat, 10% yan ng performance task ninyo at kung malalaman kong kaunti lang ang nagtratrabaho at hindi lahat nag pa-participate ize-zero ko kayong lahat!" Sermon ni ma'am
"Wow naman Zaechy my luvs, perfect mo na naman ang exam! Baka naman gusto mo akong i-tutor,open ang bahay namin plus malaki ang sweldo,promise" sabi ni Heinz saakin sabay abot ng papel ko
Nabwisit ako kaya tinapakan ko ng madiin ang paa niya
"Hindi ako interesado sa offer mo!" Sabi ko sakanya
"Aray naman Zaecy my luvs niloloko lang naman kita ehh, grabe ka naman makaapak ng paa!" Sagot naman niya
tumingin ako kay Sheen at nakita kong tumatawa siya kaya tinignan ko siya ng masama
"Okay sorry nakakatawa kasi eh" Sabi ni sheen
"Zaechy dahil ikaw ang class president ikaw na muna ang mag discuss sa class about sa booth ninyo. iiwanan ko muna kayo marami pa kasi kaming gagawing preparations" bilin ni ma'am saakin
"Yes!! Walang klase!!" Sigaw naman ng mga utak baryo kong mga kaklase pagkatapos umalis ni ma'am at nagingay na sila pare parehas
Tumayo na ako at pumunta sa harapan,kinalabog ko ang desk ni ma'am para tawagin ang pansin nila
"HOY!! Makinig kayo kasi kung ayaw ninyo ng mataas na grade ako gusto ko! Kaya sumunod na lang kayo okay?!" Sigaw ko na siyang nagpatahimik sakanilang lahat
"Please magtaas kayo ng kamay kung mayroon kayong suggestions"
Mayroong isang nagtaas ng kamay
"Yes Jean?" Tanong ko dun sa nagtaas ng kamay
"Pwede lumabas para umihi?"
Tumawa ang lahat sa tanong niya
"Nakakagulat ka jean! akala ko may suggestion ka, iihi lang pala Hahahah" bulalas ni kyle
"Umihi ka na para hindi ka nakakagulo" sagot ko sa tanong nung babae
Tss mga Stupidents talaga! Argghh bwisit!
Nagtaas naman ng kamay ang usa pa naming kaklase na si Nathz
"What if gumawa tayo ng hugot booth para naman may mapupuntahan yung mga kagaya kong iniwan" sabi niya with matching maluha luhang mata pa
"Edi ikaw lang nagenjoy!" Sabat ulit ni kyle
"Hoy kyle! Kanina ka pa ahh! May balak ka bang maging Commentator ha? Lagi ka na lang may sinasabi! Manahimik ka nga akala mo naman kung may maisa- suggest ka" sigaw ko
"Good idea kaso nga lang Hindi naman kasi lahat broken hearted kagaya mo, for fun kasi dapat ang booth hindi yung pupunta ka dun para umiyak pero okay din"
"Ako may suggestion!" Sabi ni Heinz
"Ano?"
"Horror booth! sigurado akong tayo ang pinakapupuntahan ng mga schoolmates natin" sagot niya
"Tama!" Sagot naman ng iba naming kaklase
"Hindi ba masyado ng gamit ang horror booth?every year na lang may ganun! iba iba lang ang section na gumagawa" tanong ko
"Bat hindi nalang tayo magbotohan kung pumayag ang nakararami edi ikaw ang magiging ghost bride at ako ang magiging ghost husband"
"Payag kami! HAHAHA" sabi ng karamihan maliban kay Sheen dahil alam niyang magagalit ako pag pumayag siya
"Tanga ka ba? San mo ba narinig yang ghost husband na yan ahh? Walang ganun! Kaya nga nagmumulto yung ghost bride kasi iniwan siya ng supposed to be husband niya eh!"
"Ayaw mo yun Unique? Mas maraming pupunta" sagot niya na sinangayunan ng iba naming kaklase
"Ikaw na ang bahala! Ikaw nadin ang magasikaso at pumunta sa faculty!"
"AyAy captain!"
Kinuha ko ang bag ko at lumabas na tutal break time naman na,sinundan naman ako ni Sheen
"Uy galit ka ba?" Tanong ni Sheen
"Hindi! Epal lang kasi yung Heinz na yun! Papampam!"
"So ano papayag ka talaga na maging ghost bride ni Heinz" tanong ni Sheen
"Hindi noh! Kapal naman ng mukha niya! Hindi naman ako pumayag sa sinasabi niya!"
"Alam mo naman yung si Heinz hindi titigil hanggang makuha niya gusto niya" Sabi ni sheen
"Magkamatayan na hindi ako magiging ghost bride nung kutong lupa na yun!"
"Wow sanaol may nickname. kay Avier kupal tas kay Heinz kutong lupa Hahahah" bulalas ni Sheen
"Manahimik ka! baka gusto mo ding magka nickname?!"
"Oo eto na nga tatahimik na nga eh!"
"Ikaw naman anong balak mong ganap sa booth?" tanong ko kay Sheen
"ano siguro doon na lang ako sa ticket area ako na lang ang taga benta" sagot niya
"talaga lang ha? baka mamaya malugi tayo bigla! HAHAHA charr"
"grabe ka naman saakin Zae! ganun ba talaga ako kabobo? Kaya ko naman sigurong mag compute kong bente bente lang. Ansakit pinapaiyak mo ako Huhuhu" sabi niya at nagkunwaring umiiyak
"Uy niloloko lang kita ang ibig ko kasing sabihin baka walang bumili kasi ampangit mo Hahahah" loko ko sakanya
"Wow ha coming from you!?"
"oo bakit?! May angal ka ba Ms. sheen Huevas?" sabi ko naman
"Sabagay may itsura ka naman talaga plus mayaman pa! libre ka nga kahit turon lang! Manlilibre na yan yieee. Manlilibre ang bestfriend ko!!"
"Oo na mukha ka talagang pagkain!" Sagot ko naman
"Atleast hindi mukhang keso! Zaechyzzee! Picture! Picture!" pangaasat niya
"Yuck ang corny mo girl! Eww! Kaderder!"
"So, feeling coño ka na niyan?" Tanong niya
"Hindi HAHAHA"
"
Gawin mong tatlo yung turon ko Ha?" Lambing niya
Hayys ewan ko talaga dito sa babaeng ito