Beginning

1853 Words
KEVIN I was 14 years old when i met Kevin, i can say that he is my first love. Kahit nung mga panahon na iyon, hindi ko pa talaga alam ang ibig sabihin ng salitang first love. Pero nung mga panahon na rin na iyon, alam kong totoo yung nararamdaman ko. Una akong humanga sa kapatid nya. Ang weird diba? Mas bata pa saakin, sa amin ang kapatid nya. Pero nung napanuod ko syang maglaro sa field nung unang nakita ko sya, para akong baliw na nakangiti habang pinagmamasdan sila. Nagsimula lumalim yung pag hanga ko nung isang beses na sumali kami sa kanila dahil kakilala ng kaibigan ko ang isa sa kaibigan niya. "Kael" ang pangalan nya Simula nung araw na yon, lagi na kaming sumasali sa laro nila tuwing hapon pag tapos ng klase. Minsan, kakausapin nya lang ako dahil sa laro namin, pero pagkatapos non, pag uwian na parang hindi na nya ako ulit kilala. Nagpatuloy ang ganung set up hanggang sa nakahalata na ang kaibigan ko na gusto ko si Kael, hindi naman sya kagwapuhan pero may something sa kanya na nakakapag pangiti sakin. Siguro dahil sa mga nakakatuwang biro nya, isa sa lagi nyang inaasar ay ako. May hika ako at sobrang payat nung mga panahon na iyon. Kaya kapag sya ang taya, laging ako ang hinahabol nya dahil madali nya akong maabutan. Parang musika sa tenga ko tuwing tumatawa sya. Simula ng mapansin nilang ako lagi ang hinahabol ni Kael, nagsimula silang lokohin kami. Pero gaya ng sinabi ko nung una, mas matanda ako ng isang taon sakanya. Kaya nailang sya nung lokohin na kami sa isa't isa. Okay lang naman sakin, ang lokohin nila kami. Pero hindi okay kay Kael. Iniwasan na nya ako pero lalong lumalim nararamdaman ko simula ng iwasan nya ako, baliktad ata utak ko. Kung kailan alam kong di ako gusto, mas lalo kong nagugustuhan ang isang tao. Ako na ang humahabol sakanya, pero sa tuwing hinahabol ko sya humihinto sya sa pagtakbo. Marahil gusto nyang abutan ko sya para tumigil na ako kakahabol dahil naiilang sya. Okay lang naman sakin. Dumating ang December at christmas party na namin, bumili ako ng teddy bear at nagpagawa ng keychain na hugis puso at nakaukit ang initials ng pangalan namin. "J" and "K" Itinago namin sa ilalim ng upuan nya sa classroom ang teddy bear kasama ang keychain habang nasa labas sila naglalaro. Mula noon, hindi ko na muna inisip kung anong magiging reaksyon nya pag nakita nya ang regalo ko. Hindi naman nya malalaman na galing iyon sakin. Pero hapon nung sumunod na araw, tinawag ako ni Gly isa sa kaibigan ko. Hawak nya ang teddy bear na binigay ko kay Kael. "Nakita ko sa basurahan" aniya habang inaabot sakin Hindi ako nakapag salita, maraming tumatakbo sa isip ko. Isa na doon ang naaawa sa sarili ko. Mali naman talaga ang humanga sa mas nakakabata sakin. Kung iisipin ko ngayon, ang creepy non. 14 years old ako, at sya ay 13 years old. Para na nga naman nya akong ate. Pero iba ang takbo ng isip ko noon. Kinuha ko ang teddy bear at tinago sa bag ko. Nakita ko rin ang keychain na kalahati ng puso na may nakaukit na letter ng initial na pangalan ko "J" dahil nasaakin ang kabiyak na letter "K". Maghapon akong malungkot. Hindi na rin ako sumali pa ulit sakanila. Umuuwi na rin agad ako pagkatapos ng klase. Lumipas ang ilang buwan na iniiwasan kong makita si Kael sa school, isang beses hindi ko na naiwasan. Hapon na iyon at iniintay ko nalang ang ilan kong kaibigan bago mag uwian. May tumigil na lalaki sa harap ko na nakamotor at may hinihintay. Alam kong mas matanda sya saakin dahil iba na ang kanyang uniform, hindi na sya naka short at polo. Pants at polo na. Naisip ko na baka graduating na sya dahil ganoon ang uniform ng lalaki samin pag nasa huling year na bago grumaduate. Hawak nya ang cellphone nya habang nakaupo pa rin sa motor nya. Parang pamilyar sya, o may kamukha sya. Tumigil ang pag hinga ko ng makitang lumapit sakanya si Kael. Tama, pamilyar sya. May kamukha nga sya, si Kael. "Kuya ni Kael yun, si Kevin" bulong ni Gly. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala sya dahil sa kakatitig ko sa magkapatid. Dahan dahan akong tumango at tumayo sa kinauupuan namin. "Tara na" bulong ko Sumunod naman agad sakin si Gly at naglakad na kami palabas ng school. Nag tama ang tingin namin ni Kevin, sa di ko malamang rason. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Naisip ko, bakit ganto epekto ng tingin nya sakin. Nagtagpo din tingin namin ni Kael pero mabilis kong binawi ang tingin ko. Wala. Wala akong naramdaman, siguro inis. Pero hindi bumilis t***k ng dibdib ko di tulad ng kay Kevin. Hindi ko sya kilala at ngayon ko lang sya nakita pero ganun na ang epekto nya. Pagkauwi sa bahay, hiniram ko ang internet modem sa tita ko at binuksan ang laptop ko. May bagong app ngayon na kung saan makikita mo ang ilang mga kakilala mo sa online. Bigla kong naisip isearch ang pangalan ni Kael. Pero alam kong hindi sya ang pakay ko, may iba akong gustong makita. Si Kevin. Saglit pang pag hahanap ay nakita ko na, pinindot ko ang profile nya at nakita ang picture nyang nakangiti. Hindi ko maintindihan pero parang matagal ko na syang kilala. Dahil makapal ang mukha ko nung mga panahon na iyon, pinindot ko ang button sa baba ng picture nya "Add friend". Ilang oras ang lumipas nakakain na ako ng hapunan pero walang bagong notification. Hindi pa nya ina-aaccept. "Baka hindi pa sya nag oonline" sa isip ko. Hindi ko alam pero bigla akong naging interesado sa buhay nya. Hindi na kay Kael, kung hindi sa kuya nya. Ang weird kasi bigla nalang naglaho yung lungkot na naramdaman ko nung malaman kong itinapon ni Kael yung regalo ko sakanya. Mabilis na natuon ang pansin ko kay Kevin mula nung magtama ang tingin namin at nakaramdam ako ng kaba. Bigla akong napatayo at binuksan ang bag ko. Kinuha ko ang keychain at tinitigan iyon. "Baka hindi talaga Kael ang ibig sabihin ng K dito, kung hindi Kevin" natatawa ako sa sarili ko ngayong naaalala ko to. Baliw ata talaga ako. Lalo ko pang nakumpirma na mas nagugustuhan ko lalo ang lalaki pag alam kong hindi ako magugustuhan nung ikalawang linggo ng Pebrero. May palarong pambayan sa school namin noon at kasali si Kevin sa larong volleyball. Wala pang nakakaalam sa mga kaibigan ko na may nabubuo na akong nararamdaman kay Kevin kahit puro pang sstalk lang naman ang ginagawa ko sa kanya online. Nalaman kong mahilig sya maglaro ng online games, at mahilig sya tumambay sa internet cafe malapit samin. Isa kasi iyon sa lugar ng mga lalaking mahilig maglaro ng online games. Sa tuwing nakikita ko syang online, dumadaan ako ng pasimple sa internet cafe para masilip kung nandun nga sya. Pero sa dami ng tao doon, madalas akong bigo. Umupo kami ng mga kaibigan ko sa gilid ng volleyball court para manood. Isa sya sa lalaro ngayon. Sa dami ng player, sa kanya lang ako nakatingin. Baliw na nga ata talaga ako. Sa tuwing makaka score ang team nila ay sobrang tuwa ko. Pero napaltan iyon ng inis ng may dumating na mga babae sa kabilang gilid ng court, siguro ay kaklase nila iyon o ka-batch dahil tuwang tuwa din sila tuwing makakascore ang team nila Kevin. Kung kanina ay nakatingin ako kay Kevin, ngayon ay sa isang babae na. Napansin ko kasing sa tuwing bibitawan ni Kevin ang bola ay bigla syang titingin dito at ngingiti. Nawalan na ako ng gana. Wala naman kaming relasyon, pero parang galit na ako kay Kevin. Nagseselos ba ako? Siguro. Makapal nga ata talaga mukha ko noon dahil pagkatapos ng laro nila ay naisipan kong magsulat sa likod ng notebook ko pagkauwi ko galing school. "Dear Kevin" ang panimula nito, pakiramdam ko kausap ko sya ng mga oras na to. Sinabi ko lahat ng nararamdaman ko at dun ko napagtantong, gusto ko nga sya. Confirm. Di ko akalain na posible palang magkagusto ka sa taong hindi ka naman kilala at hindi mo din naman lubusang kilala. Humanga ka lang sa itsura at pagkatao nya sa online. Pero mapaglaro ata talaga ang buhay, isang beses ng matapos ang kanilang laro sa online games ay inaya ako ni Gly na sumama kina Louie. Kaklase namin na mahilig din mag laro ng online games. Doon ko nalaman na magkakilala na si Louie at Kevin dahil madalas silang maglaban sa online games. Pagdating namin sa computer shop ay saktong tapos na ang laro nila kaya nagkayayaan pumunta sa bahay ng isa sa mga kalaro nila. Si Kuya Frank. Nandoon din si Kevin kasama ang ilang mga kaibigan nya. Nag foodtrip kami hanggang sa lumalim ang gabi, naglabas ng alak si Kuya Frank. Bata pa kami kaya juice lang ang ipinainom nila sa amin. Pero gusto ko ng tumikim hehe. Nalaman ko rin sa gabing ito na makulit pala si Kevin, mapagbiro at kaibigan ang lahat. Hindi mo mararamdamang hindi ka kasali sa usapan nila. "Bibili lang ako ng yelo" sabi ni Kevin. Ramdam kong nangangati ang paa kong sumama sakanya kaya di ko napigilan. "Sama ako". Makapal talaga ang mukha ko. Ngumiti sya at sinenyasan akong sumama. Kumakabog lalo ang dibdib ko, nakakabingi. Kaya hindi ko namalayang kinakausap nya pala ako habang naglalakad kami. "Uy" aniya ng hindi ako sumagot Bigla akong napalingon kasi naiiwan ko pala syang maglakad kaya binagalan ko para makasabay sya. Sobra ang kaba ko ng mga oras na to. "Nang-iiwan ka naman eh, naiilang ka ba samin?" Tanong nya "Hindi naman, iniisip ko lang baka mapagalitan na ako sa amin dahil gabi na" nagsinungaling ako Pero bigla ko rin naalala, baka nga mapagalitan na ako ni Mama. Ayaw pa naman nyang nagpapagabi ako. Pero ang paalam ko kasi gumagawa kami ng project. Sinungaling din ako that time. Pabalik na kami sa bahay ni Kuya Frank ng magtanong uli sya. "Anong section ka?" "Section Narra, kay Mrs. Avila" sagot ko "Talaga? Yan din section ko last year" naalala ko, mas matanda sya sakin ng isang taon Better kung iisipin kumpara kay Kael na ako ang mas matanda. Syempre, anong better dun kung alam kong hindi naman nya ako magugustuhan. Isa pa, napaka bata pa namin para isipin ang ibang bagay. Siguro, ako lang kasi magkapatid silang naging crush ko. "Mabait si Ma'am Avila no? Kaso boring yan magturo haha, pero lagi akong excuse kasi nagpapractice kami ng volleyball." Totoong ma-kwento sya, hindi ka maiinip kapag kasama sya. Lalo naman akong kinilig. Gusto ko na rin tuloy mag volleyball. Baliw talaga. Nang makabalik na kami, inabutan kong nakatayo na si Gly at Louie. Pauwi na pala sila, buti nalang ay inintay nila ako at nakasabay na sakanila pag uwi. Pag dating ko ng bahay ay agad kong chineck ang account ko online, napangiti ako ng makita ang notification ko. Inaccept na ni Kevin ang request ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD