Chapter 2

1291 Words
"Friends na kami" hindi lang online, pati sa personal. "Si Juno, inlove kay Kevin hhahahah" message ni Gly sa groupchat namin "Oo nga, halatang halata ka Juno. Susumbong kita" sagot naman ni Louie Hindi ako makasingit sa usapan nila dahil ang bibilis nilang magreply "Sino naman si Kevin?" Sagot ni Kai, isa sa kaibigan namin na nasa ibang section kaya madalang naming makasama "I-search mo, kapatid ni Kael hahahahaha. Sa kuya nya pala mauuwi" sagot ni Gly "Tumigil nga kayo" tanging nasagot ko lang Nag scroll na uli ako sa account ni Kevin. Hindi ko tinigilan hangga't di ko nakikita ang pinaka dulo ng wall nya. Masaya lang akong ini-stalk sya ng maalala ko yung babae nung naglalaro sila ng volleyball. Nakita ko ang comment ng isa nyang kaibigan na nakatag ang pangalan ng babae nung magpalit sya ng profile picture, nitong nakaraang buwan. "Chelsea Maranan" Pinindot ko ito at pinagmasdan ang profile picture nya. Maganda sya, kumpara sa akin. At siguradong ka-edad ito ni Kevin. Lahat ng post ni Chelsea ay naka like si Kevin. Sana ay ganun din sya sakin. Subukan ko kaya mag post. "Ang sarap ng ulam namin" Ilang minuto pa marami ang nag comment at nag like pero wala si Kevin. Dinelete ko rin agad kasi hindi naman nag like si Kevin, kahit alam kong online sya. Binalikan ko ang account ni Chelsea at nakita na ang gaganda ng post nya, parang matured na talaga. Pero pag ako ang nag iisip ng ipopost, parang ang hirap. Di pa kaya ng utak ko. Mahilig ako mag basa kaya naisip ko na sa susunod na post ko, tungkol nalang sa binabasa ko. Lumipas pa ang ilang linggo ay lalo akong nahulog kay Kevin. Nung malapit na ang graduation nila ay bigla kong naisip ibigay yung teddy bear na binigay ko noon sa kapatid nya pero tinapon lang ito. Wala akong budget eh, pinag ipunan ko pa naman yung pinambili ko doon, di ako nagmeryenda ng isang linggo para makabili non. "Okay lang yan, di naman nya malalaman na binigay ko ito noon sa kapatid nya". Pero pagdating ko sa school, nakangiting lumapit sakin si Gly. "Binigay na ni Louie yung regalo mo kay Kevin" Napakunot ang noo ko kasi hawak ko pa ang teddy bear. "Anong regalo?" "Yung love letter mo. Nakita ni Louie sa likod ng notebook mo, yung pinasa natin sa english." Shit. Tumakbo ako papasok sa hall kung saan ginanap yung graduation ng 4th year pero tapos na ito. Kanya kanya nang picture ang mga estudyante at magulang nila. Hinahanap ng mata ko si Kevin, kasi gusto kong bawiin yung sulat. Hindi iyon ang gusto kong ibigay, kasi yung sulat na yun naglalaman ng mga salita na baka ikabigla ni Kevin. Masyado na kasi akong nag-feeling doon sa sulat. "Bakit nyo naman pinakialaman ang notebook ko" inis na sabi ko kay Louie nang makabalik ako sa classroom namin. "Mag-ddrawing sana ko sa likod ng notebook mo, bakit kasi dun ka naglalagay ng love letter hahaha" sagot nya "Binasa nyo ba?" Tanong ko nalang dahil wala naman na akong magagawa. "Ayoko nga, ang corny eh" sagot ni Louie Inakbayan naman ako ni Gly at Kai. "Okay lang yan, hindi mo naman na sya makikita simula sa pasukan." Pero napalitan ng lungkot yung inis ko ng marealize na, graduate na nga pala sya at sa ibang school na sya sa susunod na pasukan. Hindi ko na sya makikita araw araw. Hindi ko na sya mapapanood mag laro ng volleyball. Hindi ko na maririnig yung malakas na tawa nya tuwing dadaan sila sa labas ng classroom namin. Ang lungkot naman. "Dear Kevin, Nakakainis ka, hindi ko maintindihan kung ano ginawa mo sakin. Isang tingin mo lang, nakuha mo na loob ko noong hapon na yun. Wala na akong pake sa kapatid mo, di naman nya ako crush din. Siguro ikaw, crush mo din ako. Sana maging crush mo din ako. Nung naglalaro kayo ng volleyball kanina, naiinis ako kasi tingin ka ng tingin sakanya. Maganda sya, bagay kayo. Pero gusto ko magustuhan mo din ako. Maganda din naman ako eh, sabi ng mama ko. Pero alam ko maganda din ako kasi may nagkakacrush din sakin. Hindi ko lang pinapansin kasi ikaw ang crush ko. Siguro paglaki ko, mapapansin mo na ako. Sana pag lipat mo ng school, maging close tayo. Gusto ko kung san ka papasok next year, dun din ako. Para maging close tayo. Intayin mo ako ha? Bye bye." Ang lungkot ng buong last year ko. Wala na akong ibang nagustuhan mula nung lumipat na si Kevin ng school, malapit na din kaming matapos sa school year, pero sa sobrang busy hindi ko na nagawang mag check online. Hindi ko na rin alam kung nasan sya ngayon. Kailangan ko lang mag focus kasi malapit na ang graduation namin. Nung araw ng graduation, nilapitan kami nila Kael para magpaalam. Hindi na nga pala ako nakakasama sakanila mula nung tinapon ni Kael yung regalo ko. Pero wala naman na akong nararamdaman para sakanya kaya hindi na ako naiilang. "Congrats! Good luck next year" paalam ni Kael habang kumakaway samin. Sakin? Sakin lang sya nakatingin habang papalayo, pero baka pakiramdam ko lang iyon. Lumipas ang summer ng puro kalokohan lang ginawa namin nila Gly, madalas kaming tumambay sakanila at manood ng iba't ibang movies. Sa mga panahon na to, nakalimutan ko na si Kevin. At hindi ko rin alam kung anong naging reaksyon nya sa letter ko. "May pasok na tayo bukas, magkakaklase pa rin tayo pero ibang school na" sabi ni Gly habang kumakain ng hotdog "Oo nga eh, kinakabahan ako. Si Louie iba ang section nya satin, mas mataas sya" sagot ni Kai Isa lang tumatakbo sa isip ko nung mga oras na to, dahil bigla kong naalala si Kevin. Akala ko nakalimutan ko na sya, pero hindi pa pala Same school kaya kami? Makikilala pa kaya nya ako? Kasi natuto akong mag ayos ng sarili nung matapos ang graduation namin. Laging maikli ang buhok ko noon, pero ngayon pinili ko itong pahabain. Medyo pumusyaw din ang kulay ko dahil hindi na kami naglalaro sa labas, lagi nalang kaming nakatago sa kwarto at nanunuod ng movie. Kung baga nag dadalaga na. Excited ako sa bagong school bukas at bagong mga kaklase. Pero hindi ko naisip na ito din yung simula ng pagbabago ko, pagbabago ng takbo ng buhay ko. Dahil kay Kevin. Nag simula ang pasukan na masaya, lahat ng estudyante excited pati narin ang mga magulang. Lahat bago, paligid, uniform, mga gamit sa school at ilan sa mga kaklase. Mabilis kaming nagkakila-kilala ng magsimula ang unang subject. Nagpakilala kami isa isa at pati na rin ang magiging advisor namin sa taong ito. Sa mga panahon na ito, na-ooverwhelm ako. Pero sa saya at excite. Naisipan namin nila Gly maglakad lakad sa buong school nang matapos ang unang klase namin. Nagbabakasakali na makikita ko ulit sya, humihiling na sana nandito din sya. May bago kaming kasama at magiging kaibigan. Sina Brix, Jona, Andrei at Dar. Masaya kaming naglalakad lakad ng makaramdam ako ng uhaw. "Balik muna ako ng canteen" sabi ko dahil nalampasan na namin ang canteen kanina. "Sama ako" sagot ni Dar Naglakad kami ni Dar pabalik ng canteen, nilingon ko sina Brix dahil huminto din sila at inintay na kami. Pero pag balik ko ng tingin sa harap ay bigla akong bumangga sa kapwa ko estudyante. Pero mas matangkad sya sakin. Sigurado akong lalaki "Sorry, sorry po" sabi ko habang hawak ang noo Nang mapatingin ako kung sino ito, naramdaman ko na naman ang pagkabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko sa mga oras na to. "Uy! Juno? Dito ka din pala haha, good luck!" Sabi nya habang kumakaway palayo samin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD