Si Kevin.
Nasa dibdib ko na ang kamay ko na kanina ay nasa noo. Sa pagkakataong hindi mo inaasahan, di ko lang pala sya makikita, makakabanggaan at makakausap pa ng saglit.
Kilala nya ako, tanda nya ang pangalan ko.
"Nakabili na ako, ikaw ba Juno?"
Bumalik ang atensyon ko kay Dar nang marealize na hawak na nya ang pagkaing gusto nya. At ilang minuto na pala akong nakatayo sa gilid dahil hindi makapaniwala.
"Teka, bibili lang ako ng tubig" nagmadali na ako at bumalik na rin kami kina Brix.
Hindi ko lubos na maisip na sa simpleng bangga-an namin na iyon, doon pala magsisimula ang hindi ko inaasahang pagkakaroon ng kulay ng imahinasyon ko saamin ni Kevin.
Makalipas ang isang buwan na pag-aadjust ay nagsimula na ang klase namin, kasabay nang pagsisimula din ng kwento namin ni Kevin.
Napansin kong madalas na syang mag like sa mga post ko, at picture ko. Pakiramdam ko ay napapansin na nya ako. Madalas na din kami nagkakasalubong sa school at walang beses na hindi nya ako nginingitian.
Hanggang dumating ang gabi na hindi ko inaasahan. Nag message sa akin at dun nagsimulang makilala namin ng lubos ang isa't isa. Napag usapan din namin yung letter na natanggap nya kay Louie noon.
"Crush mo pala dati kapatid ko ha hahahhaha" sabi nya
"Hindi naman masyado" sagot ko
"Gusto mo ikamusta kita sakanya? Hahaha"
Mukhang tawang tawa sya na naging crush ko kapatid nya noon. Hindi ata tumatak sa isip nya na sya yung crush ko nung sinulat ko yung letter na yon. Tumatak sa isip nya yung sa kapatid nya.
Napagod ako sa pang-aasar nya kaya iniba ko na ang topic.
"Nagvo-volleyball ka pa ba ngayon? Gusto mo bang mag-varsity?" Tanong ko
Please lang, tama na about kay Kael. Naaalala ko lang yung teddy bear na tinapon nya.
"Hindi ko naman talaga gusto mag volleyball, gusto ko lang yun kasi nakakatakas ako sa mga quiz dati hahaha" reply nya
Napangiti ako habang binabasa ang bawat sagot nya. Mabuti naman iba na ang topic. Ngayon lang kami nagkausap online ng ganito katagal. Nag simula ng 6pm umabot ng 9pm. Hindi kami nawawalan ng pag-uusapan. May sense din pala akong kausap, dahil palagay ko hindi naman sya naiinip.
"Haha madaya ka pala, eh ano pala ang gusto mong laruin noon pa?" Sagot ko
"Online games lang." mabilis na sagot nya
"Naglalaro ka pa ba sa may internet cafe malapit sa lumang bahay?" Tanong ko
Hindi ko na naisip na baka magtaka sya kung bakit ko alam na doon parin sya naglalaro. Bukod kasi sa pinuntahan namin sila noon ni Gly para sumama kay Louie, eh nakikita ko pa rin sina Kuya Frank madalas doon. Pero bigo ako makita sya nung time na grumaduate na sila
"Oo, paano mo alam?"
Napabuntong hininga ako. Sabi ko na nga ba tatanungin nya iyon, pero ano pa ba isasagot ko? Dapat ko bang isagot na sa tuwing nakikita ko syang online eh tumatakbo ako at dumadaan doon ng pasimple para makita sya?
"Ah, kasi malapit ang bahay namin doon. Madalas ko pa ring nakikita sina Kuya Frank don" sagot ko
Marami pa kaming pinag-usapan hanggang sa umabot kami ng mag aalas dose.
"Tulog na ako" sagot ko
Pero kumabog lalo ang dibdib ko ng mabasa ang sagot nya
"Gusto mo bang mamasyal tayo sa dati nating school?"
"Sinong kasama natin?" Sagot ko
Nanginginig at namamawis ang palad ko
"Tayo lang dalawa"
Ilang minuto kong tinitigan ang sagot nyang iyon.
Inhale
Exhale
Nawala na ata ang makapal kong mukha, dahil ngayon nahihiya na ako. Ang daming tumatakbo sa isip ko sa mga oras na to.
Gusto rin kaya nya ako? Paano kung gusto na rin nya ako? Anong gagawin ko? Hindi ba't mas gusto ko ang isang lalaki pag hindi nya ako gusto. Paano naman kung pareho na kami ng nararamdaman? Ano na bang kasunod nito?
"Uy?" Message nya ulit
Huminga ako ng malalim at pinindot ang enter. Sinarado ko na rin agad ang laptop pagka send nung message at tumakbo na sa kama
"Sige"
Bakit ako pumayag? Hindi ako sanay na lumabas kasama ang lalaki. Maliban kung kaibigan ko, pero iba kasi pag may nararamdaman ako doon sa tao. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang hindi ako makahinga.
Totoo ba to?
Maaga akong bumangon at tinungo ang laptop. Agad kong binuksan ito at binasa ang huling message ni Kevin.
"Sige, magkita tayo bukas sa internet cafe. Alas dos ng hapon."
"Good night :)"
Active 8 hours ago.
Hindi talaga ako nakatulog, para akong uminom ng dalawang baso ng kape bago humiga ng kama. Hindi ko ma-explain nararamdaman ko. Tama bang pumayag ako? Hindi naman boyfriend and girlfriend agad kami diba? Pag pumayag ka ba na makipag kita at mamasyal kayo ng kayong dalawa lang eh ibig ba sabihin noon mag boyfriend girlfriend na kayo? Hindi naman diba?
Nakikita ko sa tv, tinatanong pa ng lalaki ang babae sa personal.
Nanlaki ang mata ko, napasabunot ako bigla sa sarili ko. Paano kung tanungin nya ako? Paano kung hindi ako makasagot. Ayaw ko pa naman ng mga ganung tanong pag sa personal na. Hindi naman kasi ako madaldal sa personal. Sa chat lang ako madaming nasasabi, pero pag sa personal na tahimik lang ako. Kahit nga ang chat ko ay puro "hahahahahahaha" ang mukha ko naman ay hindi nakatawa.
Paano kung ma-realize nyang pangit pala ako, maganda lang ang kuha ko sa picture. Paano kung makita nya ako ng malapitan. Mahawakan nya ang buhok ko na matigas. Kasi hindi ako palaging nagsusuklay.
Bigla akong napatayo at inabot ang suklay, napaharap din ako sa salamin at nakita ang maitim sa ilalim ng mga mata ko. Yan ang resulta ng hindi pagtulog ng maayos. Ngayon pa naman kami magkikita.
Sanay lang ako sa mga crush, pero pag crush na rin ako at gusto ako makasama? Ano bang dapat gawin?
Kinakabahan talaga ako.
"Tama ba desisyon ko?" Chat ko sa group chat namin.
Madami na kami ngayon sa group chat na ito, naidagdag na namin sina brix mula nung magsimula ang klase.
"Desisyon saan?" Sagot ni Dar
"Nagdedesisyon ata sya kung gagawin na nya yung assignment o mang-gagaya nalang sya hahaha. Madali lang naman yung assignment, binibig deal mo naman." Sagot naman ni Brix
"Baliw." Sagot ko
"Anong desisyon ba yan? Seryoso mo naman masyado" sagot naman ni Gly
Napahinga ako ng malalim. Sasabihin ko ba sakanila?
Maya't maya ang tingin ko sa orasan, habang papalapit ang alas dos lalo akong kinakabahan.
"Si Kevin kasi" sagot ko
"Inaya ka mag-date?" Mabilis na sagot ni Gly
"Sinong Kevin? Yung 2nd year?" Sagot naman ni Dar
"Ahh, kay Juno pala lagi nakatingin yon pag dumadaan sa room natin. Akala ko kay Brix hahahaha" sagot naman ni Andrei
"Hahahaha bading pala" sagot naman ni Jona
Kaya ayoko kausap itong mga 'to pag minsan eh. Kasi di sila nagseseryoso
"Paano mo nasabi, Gly?" Sagot ko
"Halata namang dun din punta nyo, lagi mo na syang ka-chat nitong mga nakaraan no?" sagot nya
Napakunot noo ko, ang galing naman nya
"Oo, hehe" sagot ko
"Atleast sinabi mo samin, alam namin kung kanino ka hahanapin pag di ka na nakapasok sa lunes" sagot ni Brix
"Baka kidnapin ka non" sagot pa ni Andrei
Napahawak ako sa noo ko, lalo lang silang dumagdag sa iniisip ko. Imbes na kumalma ako, lalo akong kinabahan.
"Go girl! :P" sagot ni Dar
Sinara ko na ang laptop at dumiretsyo sa cabinet
Wala naman na akong magagawa, kaya mag reready nalang ako. Ang sama naman isipin kung hindi ako magpapakita sakanya. Iisipin ko nalang na friendly date lang ito, walang kung anong mangyayari. Hindi ba't friendly date nga lang ito?