Chapter4

1187 Words
Mabilis lumipas ang oras, dumating ang alas dos at nagpaalam na ako kina Mama. First time ko ito. Pero siguradong hindi ito first time ni Kevin. Binagalan ko ang paglalakad papuntang internet cafe. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang kakawala na ang puso ko. Habang papalapit ako, nakita ko na sya kausap sina Kuya Frank. Tinuro ako ni Kuya Frank kaya napatingin sya sa kinatatayuan ko. Nagpaalam na sya kina kuya Frank at nakangiting lumapit sakin. Ang ganda ng ngiti nya. Hinding hindi ko makakalimutan ang ngiti nyang ito. Pinagmasdan nya ako, tiningnan nya ako maigi sa mukha. At parang nagpipigil sya ng tawa nang makalapit sya saakin. "Bakit?" Tanong ko, baka may dumi sa mukha ko "Natulog ka ba?" Natatawa tawa nyang tanong Napahawak ako sa ilalim ng mata ko at naalala yung eyebags ko. Napangiti sya at hinawakan yung kamay ko para alisin sa mata ko "Joke lang" bulong nya Pero hindi pa rin nya binibitawan ang kamay ko Nagsisimula nang magpawis ang palad ko, sobrang kaba ang nararamdaman ko. Pero may halong excite na ngayon. Nakarating kami sa dati naming school, marami kaming pinag usapan. Isa na doon kung saan ko sya unang nakita. Binalik nya ulit ang topic na kung paano ko naging crush ang kapatid nya. Umirap ako pero nakangiti pa rin habang umiiwas sa tanong nya. "Baka kaya naging crush mo sya, para makilala mo ako. Ayie" Natigilan ako sa sinabi nya at lumingon sa likod para hindi nya makita ang pamumula ng pisngi ko. Ramdam na ramdam kong namumula na ako dahil umiinit na ang mukha ko. Madami pa kaming pinag usapan. Para bang hindi sapat yung mga napag usapan namin noon sa chat. Marami pa pala akong malalaman tungkol sa kanya, ganun din sya saakin. Nakita namin ang slide na pinaglalaruan namin noon. Kung dati ang pakiramdam ko napakalaki nito, pero ngayon maliit nalang. Mababa lang pala ito. "Oh? Mag sslide ka? Mainit yan ah" babala nya pero nag slide pa rin ako. Nawala na ang takot ko noon. Dahil para saakin mataas ito noon, pero hindi na ngayon. Siguro dahil lumaki na ako. Sumunod na rin sya at nakailang slide kami. Rinig na rinig ang tawanan namin ng bigla syang tumingin sakin at tinuro ang mukha ko "Dumudugo ilong mo" Sh*t. Bigla kong hinawakan ang ilong ko at napatingin sa daliri ko. Dugo nga. "Dito ka muna, may panyo ako" inilagay nya iyon sa ilong ko matapos kong umupo sa lilom. Hawak nya kamay ko habang hawak ko ang panyo at tiningala nya ang ulo ko. "Sabi ko sayo mainit eh" aniya Malapit ang mukha namin sa isa't isa. Na-aamaze ako sa mukha nya, habang ang itsura nya puno nang pag-aalala at takot "Okay lang ako" sabi ko para kumalma sya "Dito ka lang ha, bibili lang ako ng tubig" Bigla syang umalis at tumakbo. Dumudugo na ang ilong ko pero nakangiti ako. Ganito pala ang pakiramdam. Ang saya pala. "Dear Kevin, Sobrang saya ko nung araw na yon. Salamat at pinaramdam mo saakin ito. Hindi ko ma-explain ang pakiramdam na 'to. Ngayon ko lang naramdaman pero ang saya. Parang kahit sa pag sandok ng kanin nakangiti ako. Habang naliligo ay napapakanta ako. Kahit siguro sa pag-tulog ay nakangiti ako. Gusto ko laging nakikita at nakakausap ka. Inlove na ba ako? Totoo na ba to? Grabe, ganito pala ang pakiramdam. Hindi ko na gugustuhing matapos pa. Kahit sa klase ginaganahan akong mag-aral. Dahil alam kong pagtapos ng klase, nasa labas ka ng room namin nag-iintay. Ang sarap sa pakiramdam."  Lumipas ang isa, dalwang taon na masaya lang kami. Lagi na rin namin syang kasama kahit saan pumunta. Kahit sa bahay nila Gly o Dar, kasama namin sya. Kaibigan narin nya ang kaibigan ko at kaibigan ko na rin ang kaibigan nya. Masarap sa pakiramdam, lalo na kapag una. Unang halik, sa ilalim ng puno. Third year ako at graduating na uli sya. Halo halong kaba, saya at lungkot ang naramdaman ko nung maramdaman kong dumampi labi nya sa labi ko. Unang halik namin ito mula ng magkakilala kami. Sobra ang respeto nya sakin, dahil na rin bata pa kami pareho. At hindi sya gumawa ng mga bagay na hindi ko gusto. Ilang gabi rin akong hindi nakatulog nung mangyari ang first kiss namin. Sobrang saya ko, parang walang papantay sa sayang naramdaman ko nung mga araw na iyon. Nasundan pa iyon ng pangalawa, pangatlo hanggang sa hindi ko na mabilang na beses. Para kaming kambal na hindi mapaghiwalay, lagi kaming magkasama kahit saan pumunta. Kahit pagkain sa recess, dapat ay sabay kami. Lagi nya rin akong hinahatid pauwi at madalas sunduin sa bahay. Pero hindi pa alam ni mama, ayokong malaman kasi mapapagalitan talaga ako. Masaya kami, sobrang saya. Lalo nung mga unang taon namin. Masaya, kapag una. Masaya, sa umpisa. Habang tumatagal kami lalo, nararamdaman ko ang pagbabago nya. Marami rin syang sinalihang extra curricular activities sa school. Marami syang nakilala, ganoon din ako. Sumali sya sa banda ng school at sumali naman ako sa choir. Naging busy kami pareho pero hindi namin nakakalimutan i-text ang isa't isa. May cellphone na kami pareho. Pero lumipas lang ang dalawang buwan mula nung kumanta ako sa misa sa school, lumabas uli kami at nakasama sya dahil hindi na rin sya busy sa pagpapractice. Napansin ko na kahit magkakasama kami ay busy sya sa cellphone nya. Sino bang ka-text nya eh magkasama naman kami? Binalewala ko nalang iyon at nagpatuloy sa panunuod ng tv. Habang sina Dar kumakain ng popcorn. Magkatabi kami ni Kevin kaya naririnig ko ang cellphone nya pag nagnonotif ito. Hindi ko masilip dahil nakatalikod sya sakin. Nakakaramdam na ako ng inis, kaya nung matapos ang movie tinanong ko sya "Sino nga pumatay sa bida?" Hinuhuli ko sya kung nanuod ba talaga sya "Ewan." Mabilis na sagot nya Yumuko uli sya para mag-cellphone kaya tumayo ako at pumunta ng cr. Huminga ako ng malalim. Ganito ba talaga kapag tumatagal na? Nagbabago? Ang alam ko naman sa sarili ko, wala akong pinagbago. Kahit naging busy ako nitong mga nakaraang buwan, hindi ko nakakalimutang mag-update sakanya. Kapag nakakasama ko sya, sinisigurado kong lahat ng masasayang nangyari kinukwento ko sakanya kahit parang wala syang pakialam. Hindi sya ganito dati. Ramdam kong may nagbago. Napuno na ako kaya nung mag-uwian, pinagmasdan ko syang mabuti. Ganoon pa rin ang galaw nya. Puro cellphone. Bakit pa kasi nauso ang cellphone. Naka upo kami sa tricycle. Una akong ihahatid kaya may naisip akong gawin. Nung malapit na akong bumaba, bigla kong inagaw ang cellphone nya at tumakbo papasok sa bahay. Sinigaw pa nya pangalan ko pero nakalayo na ang tricycle. Tumatawa tawa pa ako habang papalayo sila. Maibabalik ko naman ito bukas sakanya. May computer din naman sila para makausap ko pa sya pag-kauwi nya. Kinakabahan akong dumiretsyo sa kwarto, matapos kong magpalit ng damit umupo na ako at binuksan ang cellphone nya. Unang bumungad sakin ang isang text message na gumuho sa mga pangarap ko. Pangarap ko para saming dalawa. Pangarap na sana hanggang huli ay kaming dalawa ang magkasama. "Ingat kayo, mamaya nalang uli tayo mag-text <3" - Frei.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD