Chapter5

1355 Words
Frei?? Sino to?? Niloloko ba nya ako?? Binuksan ko ang inbox nya at nakita ang mga message na galing lahat kay "Frei". Nanginginig ang kamay ko habang binabasa ang palitan nila ng mga mensahe. Nagbabadya na ring pumatak ang luha ko, nahihirapan na rin akong huminga. Iisa o dalwang message lang ang makikitang galing sakin. Ganoon sila kadalas magka-text ni Frei. "Lowbat na ako, charge muna ako ha. Message kita agad mamaya" - Frei "Kain ka na, love you" - Kevin "Makikita na naman kita mamaya sa practice, hehe" - Kevin Tumutulo na ang luha ko sa mga oras na to. Unang beses. Unang beses kong maramdaman ang ganitong saya "Kain ulit tayo bukas, kahit tayo nalang dalawa wag na natin silang isama" - Kevin "Nalabhan ko na ang panyo na pinahiram mo saakin. Ibalik ko sayo bukas" - Frei Unang beses ko rin palang iiyak dahil sa lalaki. Kasama ba talaga to pag nag-mamahal ka? Normal ba na masaktan ng ganito? Hindi ba't pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa. Pero hindi ko naman ginagawa ang ganito. Ang makipag usap sa ibang lalaki. Alam man lang ba ng babaeng iyon na may kami ni Kevin? O baka hindi man lang ako kilala nung babaeng yon? Hindi ba nya kami nakikitang magkasama ni Kevin? Walang tigil ang pag-iyak ko. Pakiramdam ko'y mauubusan na ako ng hininga. Ni-lock ko ang kwarto at patuloy na binasa ang mga palitan nila ng mensahe. "Gamitin mo lang ang panyo ko, para hindi ka pawisan" Napapikit ako sa sakit ng nararamdaman ko. Yun din ba yung panyong pinahiram nya saakin noon nung unang beses kaming lumabas na kaming dalawa lang? Yung araw na napaka importante at memorable sakin? Hinihimas din ba nya ang buhok ng babaeng yon sa tuwing magkasama sila? Pinupunasan din ba nya ang pawis ng babaeng yon? Kinuha ko ang inhaler ko habang nanginginig ang kamay ko. Baka mawalan ako ng malay at malaman pa nila mama na umiiyak ako dahil sa lalaki. Nang dahil LANG sa lalaki. Pero para sakin, hindi kasi sya lalaki LANG. Mahal ko sya, minahal ko sya. Tapos lolokohin nya lang ako? Utay utay na napaltan ng galit ang lungkot na naramdaman ko. Ano bang ginawa kong mali? Boring na ba akong kasama? Nakakilala sya ng mas maganda? Habang busy kami sa kani-kanilang pag-aaral at sa mga extra curricular activities, niloloko na pala nya ako. Pero hindi eh, kahit gaano pa kami ka-busy kung manloloko talaga eh magloloko talaga. Kahit pa bantayan mo yan. Bakit hindi man lang sumagi sa isip ko na kaya nyang gawin sakin yon? Dahil ba masyado syang mabait at maalaga saakin? Ganito pala ang pakiramdam ng broken hearted. Walang gana kumain, walang gana makipag usap kahit kanino. Kahit inaasar ako ng mga kapatid ko, wala na akong pakialam. Wala akong kibo. Pumasok ako ng school kinabukasan kahit ang bigat ng pakiramdam ko. "Nakagat ba ng ipis mata mo?" "Ano nangyari sa mata mo?" Pinagtatawanan nila ang mata ko pero wala akong pakialam. Parang lumulutang lang ako buong klase. Tulala lang ako at walang pumapasok sa isip ko habang nagtuturo ang teacher namin sa harap. Dumating ang recess, pero hindi ako umalis sa upuan ko. Sumubsob lang ako sa lamesa ko at nag iintay na matapos na ang araw na ito. "Juno, nasa labas si Kevin" sigaw ni Andrei mula sa pinto ng room. Huminga ako ng malalim at pinipigilan ang nagbabadyang luha na papatak na naman. Akala ko ba naubos na ito kagabi? Tumayo ako at kinuha ang cellphone nya sa bag ko. Dali dali akong lumabas at padabog na inabot ang cellphone nya sakanya. Agad din akong bumalik sa loob ng room matapos nyang makuha ang cellphone. Hindi ko sya tiningnan man lang. Nandidiri ako sakanya. Narinig ko pa syang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko na sya nilingon. "Ay magka-away kayo?" Tanong ni Dar "Kaya pala parang kinagat ng ipis mata nya, umiyak pala" sabi naman ni Brix "Anong ginawa mo?!" Inis na tanong ni Gly Hindi ko na narinig ang mga usapan nila, wala na rin naman akong pakialam. Sumubsob na uli ako sa lamesa ko at narinig ko na naman ang pagtunog ng sikmura ko, kagabi pa akong walang kinakain. Ang hirap pala ma-broken hearted, nakakagutom. Lalapitan na sana ako nila Brix nang dumating na ang susunod naming subject teacher. Inintay ko nalang matapos ang klase buong hapon. Wala pa rin akong kinakain, wala rin akong kibo buong mag hapon. Para lang akong estatwa sa gilid habang pinapanood silang nagtatawanan, ni ngumiti hindi ko magawa. Kagabi pa pala nakapatay ang cellphone ko, at wala akong ganang buksan iyon. Tutal may kausap naman ng iba si Kevin. Sino ba pa ang kakausapin ko? Pag-ibig na nagbigay sakin ng inspirasyon para mag-aral ng mabuti. Pag-ibig din pala magbibigay ng rason para mawalan ako ng gana sa huli. "Wag mo hayaang maapektuhan ang ibang bagay sa buhay mo, dahil lang sa pag-ibig na yan. Bata ka pa, marami ka pang makikilala" Nagulat ako ng sabihin bigla iyon ni Mama. Wala akong kinukwento sakanya mula nung makilala ko si Kevin. Pero parang alam nya lahat ang nangyayari. "Paano mo alam, ma?" Tanong ko Nagbabadya nang pumatak mga luha ko habang nakatalikod sya at naghuhugas ng pinggan. "Ramdam ng ina kapag may pinagdadaanan ang anak, nung mga nakaraang araw iba yung saya mo, pero ngayon ni hindi ka makausap at makakain sa sobrang lungkot mo. Lalaki lang yan 'nak." Sagot nya Hindi ko na napigilan at humagulhol na ako. Yumakap ako sa likod nya at hinayaan nya lang akong umiyak. Pagkatapos non, nakaramdam ako na parang nawala ang bigat sa dibdib ko. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib, ang gaan pala kapag hindi mo tinatago ang mga luha mo. Tama, hindi dito natatapos ang buhay. Lalaki lang sya. Lalaki lang yan. Binuksan ko uli ang laptop at nabasa ang message ni Kevin. Iisa lang ito mula nung araw na binalik ko ang cellphone nya. "Sorry" Wow. Yun na yon? Matapos ang lahat? Matapos ang lahat lahat na pinaramdam nya sakin. Ganun lang kadali para sa lalaki? Porke may iba na sya? "Juno, tara kina Brix" Pagkabasa ko ng chat ni Gly ay agad akong naligo at nagbihis. Hindi ko hahayaang malungkot ang sarili ko nang dahil sa lalaking iyon. Na hindi man lang nakonsensya nung sinaktan ako. So bakit ako mag aaksaya ng luha sakanya? Hindi namin pinag usapan si Kevin sa buong maghapon na magkakasama kami kahit sanay na silang kasama sya tuwing lumalabas kami. Malaking pasalamat ko din sa mga kaibigan ko dahil pinasaya nila ako sa mga araw na sobrang lungkot ko. Lumipas ang ilang linggo, unti unti ko nang nakakalimutan si Kevin. Pero sa hindi inaasahan, gustong gusto ata talaga akong saktan ng buhay. Hindi pa ata sapat na mabasa mga palitan nila ng mensahe. Dahil ngayon, kitang kita ng mga mata ko na magkasama sila. Masayang nagkwe-kwentuhan. Silang. Dalawa. Lang. Biglang bumalik sa ala-ala ko nung nagsisimula palang kami, sa dati naming school. Bumalik ang lahat ng sakit. Ang lungkot. Ang galit. Naramdaman kong may umakbay saakin at bumulong. "Wag na tayo dyan" Unti unting lumalabo ang mata ko dahil sa mga luhang pinipigilan ko. Sumisikip din ang leeg ko, pakiramdam ko'y sinasakal ako. Napahawak ako sa dibdib ko. "Uy, wag mo na isipin yon Juno" paghawak ni Dar sa kamay ko Hinimas naman ni Gly ang likod ko. Sinong matinong lalaki ang hahayaang maramdaman ito ng babaeng mahalaga sakanya? Wait, mahalaga ba talaga ako para sakanya? Wala. Walang matinong lalaki ang hahayaang masaktan ang babaeng mahal nya. Kaya si Kevin? Wala syang kwenta. Manloloko. Yun sya. Masama na pero, hinihiling ko na sana maramdaman nya rin itong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko naman ito deserve pero bakit nya hinayaang maramdaman ko ito? Isa lang ang sagot don, kasi wala syang kwenta. Sana lokohin ka rin nyang babaeng pinalit mo sakin. Hinding hindi ko makakalimutan itong pinaramdam mo saakin. At sa huling pagkakataon, nagsulat muli ako sakanya pero hindi na para ipaabot sakanya kundi para sunugin kasama ang lahat ng ala-ala naming dalawa. "Dear Kevin, Dito na nagtatapos ang kwento natin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD