Mathew POV:
' Nakita kong nabilaukan siya na wala naman siyang kinain, tiningnan ko kasi siya dahil baka mawala to sa paningin ko at basta nalang akong iwan dito sa bahay at dito pa talaga pinatay ang nahuli nilang tauhan ni Roman. Kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan sa balikat. " Claire, are you okay?" Masama pa naman ang tingin niya sa akin, tsaka bumaling sa mga kapatid niya. " Kayo, tigilan niyo ako sa mga kalokohan niyo. Ikaw kuya Paul General director ka ng NBI ganyan ka sa akin. Ikaw naman kuya chief director ka ng mga pulis tapos kung mag isip ka sa akin hindi naman tama." Ano kaya ang pinag uusapan nila at namumula itong mukha ni Claire. " Hi dude, musta dyan? nasaksihan mo ba ang mga kaganapan dyan? kelan kayo makakarating dito sa palawan at hinintay na kayo dito?" Nakita na kasi ako ni Anthony at Paul kaya nila ako kinausap. " Iwan ko dito sa kapatid niyo, may kakausapin pa to mamaya sa bar. Kaya hindi ko alam kung anong araw kami pupunta dyan. Sige kayo na muna mag usap baka lapain na ako nito sa sama ng tingin sa akin. At hinalikan ko siya sa pisngi. " Bunso, ano yun? bakit humalik yun sayo? magsabi ka nga ng totoo bunso?" Si Paul talaga kinukulit ang kapatid niya naririnig ko pa kasi dahil medyo malapit pa ako. Lalapit na sana ako sa tauhan ni Claire ng tumawag si mommy sa akin. " Anak, naghahanap si Marcus sayo, ito kausapin mo. Kanina pa kasi to naglalaro dito. At alam mo anak, ang ganda dito sa resort ni Claire, grabe ang ganda talaga. Mamangha ka pagkakita mo nito." Balita pa ni mommy sa akin, halata lang ang view sa likuran nila. Pero ano yung sinasabi ni mommy ni resort ni Claire? may resort si Claire na tinayo? kita niya ba rin ang pagpapatayo ng resort sa pagiging memeber of mafia niya? " Daddy!" Sigaw ni Marcus sa akin. " Ang gwapo talaga ng anak ko. " How are you daddy? where is mommy?" Akala ko pa naman ako lang kukumustahin. Pero okay lang masarap pa rin sa pakiramdam na natuto na siyang makipag usap. " How are you baby?" Kukumustahin ko din ang anak ko, matagal na panahon na hindi ko siya naasikaso. " I'm fine dad, please take care there, and tell mommy I miss her so much. When will you come here dad?" Na miss na daw niya si Claire, ako kaya na miss kaya niya? " Did you miss me also baby?" Kailangan ko na tong sundan si Marcus magbibinata na. " I miss you both dad. I will wait you here." Saka siya umalis sa video call namin ni mommy.
" Ano ang balak mo ngayon kay Claire? alam ko may nangyari na sa inyo, kelan ba kayo magpapakasal? sundan niyo na din si Marcus para masaya naman ang bahay mo. Teka pala, andito ang dad mo gusto ka kausapin." Binigay ni mommy kay daddy ang phone sa kanya. " Dad, hindi ko alam na nandyan kana agad sa Palawan." Nalaman ko lang kasi na nasa palawan na siya ng si Claire ang nagsabi. Sunod ng sunod nalang kasi kami kay Claire, paano, siya ang nakakaalam sa mga kalaban. " Nagtaka nga ako kung bakit ako pinasundo ni Claire. Apat pa na sasakyan ang sumundo sa akin. Pagkagaling ko kasi ng bahay, biglang may mga sasakyan na huminto yun pala mga tauhan ni Claire at tumawag sa akin na sumama ako sa pinadala niyang tauhan. Anak, Claire is not an easy girl na pwede lang daanin sa kalokohan. Dapat seryoso lagi king seryoso ang pag uusapan, ayaw niyang palpak na trabaho pala, mahirap din daw pala yan magalit. Kaya mo ba siyang pakisamahan?" Bulong ni daddy sa phone. Para namang marinig siya ng Parents ni Claire.Ang sabi kasi ni mommy, malawak ang lugar. Makikita ko yun kapag andun na kami. " Mag iingat kayo, sana masagot mo din ang tanong na yun anak." Kaya ko na bang sagutin si daddy? sasagutin ko na sana ng tinapik ni Claire ang balikat ko. " Serbantes, kailangan na nating kumilos dahil nag aantay na ang kaibigan ko sa bar, baka mamuti na ang mata nun at hindi na makakita pa pag uwi niya. Reminder lang Serbantes, Stephanie didn't know who I was, so please, when you ask a question make sure that it's not about me and no mafia words Am I clear to you Mr. Serbantes?" Kung makapag remind lang wagas, matanda kaya ako sa kanya. " Yes, ma'am." Sabay saludo ko sa kanya at sumunod sa kotse niya. Ang ganda talaga ng kotse niya. Magkano kaya niya to binili? " Claire? bakit lahat ng kotse mo ay maganda? mamahalin at hindi basta basta na mga kotse." Naintriga talaga ako sa mga kotse niya. " Tama ka, hindi ito basta basta mamahalin ito at binili ko ito ng mahal at mahal din ang bayad sa tax. Mabuti nalang at hindi pa ako lugi. Kakain muna tayo bago makipagkita kay Stephanie, baka mangisay na ako sa gutom lalo na ikaw ang kasama ko. Ilibre mo nalang muna ako dahil wala pa akong sahod." Akala naman nito mahirap siya, mayaman pa nga ito sa akin. " Parang hindi lang mayaman ah, sige na libre kita, pero ang bayad nun ay yan oh." Sabay turo ko sa harapan niya. Kaya namula ang pisngi niya sa ginawa ko. " Nasa kotse tayo Serbantes, wag ka ng hihirit dahil hindi ka makaka score ngayong gabi. At hindi ito ang tamang oras, gutom na ako at kailangan ko ng kumain." Saan kaya niya nilalagay ang kinain nito. Sa liit ng tiyan niya, walang puson pa. Kain ng kain pa pero hindi tumataba. " Naiihi pa ako at napoopoo pa ako. Sandali lang huh, magpark lang ako dyan at ihi muna ako at poopoo." Bumaba siya ng sasakyan at nakita ko siyang pumasok sa loob ng kotse, teka bakit dyan siya magbawas sa loob ng kotse? " Claire, nahihibang ka na ba? gusto mo ba akong himatayin dito? bakit dito ka loob ng kotse magbawas? mangangamoy tong kotse mo." Inis kong saway sa kanya. Kababaeng tao walang pakialam sa paligid, pagtingin ko sa kanya. Tapos na siya magbawas? unbelievable woman. " Alam mo ang ingay mo. Ano sa tingin mo hahayaan kong maamoy mo ang dumi ko dito sa kotse?" Pero nakita ko kasi talaga siyang nasa loob ng kotse siya nagdumi. " May sariling cr iyong kotse at banyo. Lahat ng kotse ko ay mayroong ganito. May kainan pa nga ito. Gusto mo ipakita ko sayo mamaya para manilawa ka." Nagulat ako sa sinasabi ni Claire. May sariling banyo at kainan ang kotse na to? seryoso? " Gutom na ako, kain na tayo." Nagpuppy eyes pa talaga siya. Nanghibina ako kapag gumagawa siya ng ganyan. " Halika ka na nga baka mangisay ka pa dyan hindi na ako makasal sayo." Saka ko siya hinalikan at hinila papasok ng restaurant. Pagpasok namin may tumawag sa kanya. " Kayo na ang bahala dyan, black arrow will assist you kung ano ang gagawin. Make sure na walang palpak na trabaho mananagot kayo sa akin. Marami pa akong gagawin at kailangan ko pang linisin ang mga trabaho ng NBI at mga pulis. Yes, may tiwala ako sa inyo kaya niyo na yan." At pinatay niya ang tawag. At nagpahila na siya sa akin. Umupo kami at siya na ang pina order ko. " Mga pagkaing pinoy dito kaya ikaw na ang bahala mag order." Kinuha niya ang menu at nag order na siya. " Two order of rice, sinigang, lechon, iang order ng chicken, hipon at bulalo, ang dessert naman ay dalwang cappuccino ice cream at ube halaya. That's all." Anong that's all ang pinagsasabi nito. Ang daming inorder niya maubos kaya namin yun? " Nagtaka ka ba kung marami akong inorder? gutom na ako Serbantes kailangan ko ng energy. Baka may mahuli ako mamaya para may lakas ako." Lumuwa ang mata ko sa mga sinasabi niya. Anong klaseng babae itong kaharap ko? maliit na babae sang katutak ang inorder. Nagsidatingan ang mga pagkain na inorder namin, wow, ang dami lang huh. Halos mapuno ang table namin. " Kain na tayo at kanina pa ako nagugutom." Susubo na sana siya ng may babaeng tumawag sa kanya. " Savannah Claire Fortalejo?" Sino kaya ang babaeng ito? " Tita Gemma?" Familiar ang pangalan niya sa akin. Sino ang babaeng ito. " Tita Gemma kailan ka pa nakarating dito sa pinas? hindi ka nag mesaage sa akin." Tampo niya kunyari. " Last week pa iha, teka sino itong kasama mo." Baling niya sa akin. " Mathew Serbantes tita Gemma." Nangunot ang noo niya na tumingin sa akin. " Siya ang anak ni Maynard Serbantes at Carissa?" Tumango si Claire sa kanya. " Magkakilala kayo tita Gemma?" Takang tanong ni Claire, hindi ko matandaan kung sino siya at bakit niya ako kilala. Oo kilala ako dahil nga negosyante ako, pero iba ang kutob ko sa babaeng ito. " Siya ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko." Anong pinagsasabi nito? " Tita, hindi siya ang dahilan kung bakit namatay ang anak mo." Gulat niyang tingin kay Claire. " Pinatay siya tita, pinatay siya ng taong nakaalam na isa siyang spy. Kaya wag mo ibunton kay Mathew ang sisi tita dahil alam ko na ang taong pumatay sa anak niyo na kaibigan ko." Bakit ako napasama sa kamatayan ng anak niya eh hindi ko siya kilala?" Gulong gulo ang isipan ko ngayon. " Sige iha, mauna na ako. Mag usap nalang tayo sa susunod nating pagkikita." Lumabas na siya nang reataurant at matalim ang tingin na pinukol niya sa akin. Naguguluhan talaga ako sa babaeng yun?. " Let's eat now Marcus, nag aantay na sa atin si Stepahnie." Paano ako makakain nito kung hindi ko malalaman kung sino ang babaeng yun? " Sino siya Claire/ Bakit niya ako dinamay sa pagkamatay ng anak niya?" Tumingin si Claire sa akin na parang may pinapahiwatig. " Ina siya ng babaeng nakasama mo at pinatay sa loob n bahay mo. Ina siya ng asawa mo na ina ni Marcus Leandro na kaibigan ko. Siya si Lyneth Amadios- Serbantes." What the heck, kaibigan niya si Lyneth, pero papaano? " Si Lyneth ay isang spy ng mafia kaibigan ko siya sa training, naging malapit ang loob ko sa kanya kaya naging magbestfriend kaming dalawa. Hindi namatay sa sakit sa puso ang asawa mo kundi pinatay siya, pinalabas lang na may sakit siya sa puso, nabisto kasi siya ng mga kalaban mo sa kompanya kaya nilason nila si Lyneth para wala ng hendrance sa pagkuha ng kompanya mula sa sayo, kaya nangako ako kay Lyneth na pagbabayarin ang mga taong walang awa na pumatay sa kanila. Mathew, I'm sorry kung nilihim ko sayo ang lahat. Kilala na kita bago pa lang ako pumasok na nanny Marcus. Gusto ko lang kayong protektahan sa mga kamay ng mga kaaway mo dahil hindi mo sila kaya. I'm so sorry dahil ang asawa ng kaibigan ko kay minahal ko. Mathew, mahal kita simula nung nakita kita na kasama mo ang mga kuya ko na nagsundo sa akin sa airport. Hindi ko lang pinahalata dahil may mga mission pa akong dapat gawin at asikasuhin. Pero hindi ko mapigilan ang puso ko. Kaya sana, mapatawad mo ako sa pagmamahal ko sayo." Labis ang katuwaan ko sa sinabi niya na mahal niya ako. Pinahid ko ang luha niya na tumulo sa pisngi niya. baka akalain ng mga tao pinaiyak ko siya. " Salamat Claire, mahal na mahal din kita, salamat dahil binigyan mo ng sagot ang mga tanong ko sa aking isipan. Maaaring bata ka pa sa paningin ng mga tao, pero matanda kana para sa akin at mamahalin kita ng lubos, sasabihin ko na ito kay Marcus, since you love me back." Hinalikan ko siya kamay at pinisil ito ng mariin saka kami kumain ng tahimik at ninamnam ang binili nmaing pagkain.