Chapter 19

1183 Words
Savannah Claire POV: ' Medyo lumuwag ang pakiramdam ko ngayon na nasabi ko kay Mathew ang totoo. " Ibig sabihin, nung nakidnap sana ang anak ko plano mo din yun para mapalapit sa anak ko?" Yan naman ang hindi plano dahil nagkataon na pagpunta ko doon muntik ng makidnap si Marcus. " That was out of the plan, nagpunta ako dun para bisitahin ang kaibigan kong si Stephanie. Nagkataon din na kikidnapin ang anak mo sa mismong eskwelahan nito." Pag amin ko sa kanya, mabuti nalang talaga at naligtas ko ang buhay ni Marcus. " Ingatan mo si Marcus, kailangan ka niya, mahal ka niya at namiss na niya ang aruga ng isang ama." Kawawa din kasi Marcus Leandro. Namatay na ang kanyang ina sa mga kamay ng walang puso, parang wala na din siyang ama dahil sa laging busy ito. ' Pagkatapos namin kumain, nagpunta na kami ni Mathew sa bar kung saan nag aantay ang kaibigan ko. Pagpark ko ng kotse binigay ko na yung susi sa nagbabantay sa valley. " Ma'am, magandang gabi po, nasa loob na po ang kaibigan niyo." Kilala na kasi kami dito dahil lagi kaming nagpupunta ni Stephanie dito. Ang ibang bar mga tauhan ko na ang gumagawa na bantayan din ito para easy lang sa akin ang kumilos. " Salamat." Saka kami pumasok sa looban ng bar. Tumingin ako sa paligid, kunti pa ang tao dagil alas otso pa ng gabi. " Beshy." Si Stephanie na yun. Ang tinis lang ng boses parang ipis. " Kumain ka na ba bago ka nagpunta dito? kasi kami kumain na, busog na busog na ako ngayon." Lagi kasi itong nag skip ng meals kapag may pupuntahan. " Ang daya mo talaga beshy, hindi pa ako kumain dahil inantay kita. Kumain ka na pala, hindi kana man napoopoo ngayon? o tapos na ang milagro na ginawa mo sa loob ng kotse mo?" Alam na kasi ni Stephanie na lagi ko yang ginagawa dahil mismo siya nakasaksi. " Grabe ka naman yata sa akin Stephanie, may kasama ako oh?" Napatingin siya kay Mathew na nagulat. " Ay, sorry Mathew, mga kalokohan kasi itong beshy ko walang panama sa mga babae mo hehehehe." Nag peace pa talaga siya kay Mathew. " Miss, Stephanie wala akong babae ngayon kundi ang kaibigan mo lang." Napanganga naman siya sa sinabi ni Mathew. " Isara mo yang bibig mo, mamaya may maligaw na langaw dito, papasok dyan sa bigbig mo malulon mo pa." Sabay sara sa bibig niya, hindi siya makapaniwala na may boyfriend na ako ngayon. " Beshy, totoo ba ang narinig ko, ikaw ang babae niya ngayon? nakamove on kana kay Noel Alejo?" Ang daldal talaga nitong babae na to. Tumingin si Mathew sa akin at kay Stephanie. " Noel Alejo? ang binatang naaksidente at sunog ang mukha na na pinugutan pa ng ulo?" Andito na naman kami dahil nabanggit na naman ang pangalan ni Noel. Kaya medyo kumulo ang dugo ko doon. Pinukpok ko ang table at sumigaw. " Enough!" Tumingin ang mga tao sa akin, as in sobrang lakas ng pukpok ko sa table. " I'm so sorry beshy, I'm so sorry." Tumayo siya at niyakap ako sa may likuran, nanginginig ako sa galit. Pero kailangan kung mag control dahil kaibigan ko siya at boyfriend ko na si Mathew. " Ma'am, okay lang ba kayo dito?" Lumapit ang isang waiter sa amin at isang guard ng bar, kapag may ganito agad sila lumalapit sa akin. " Okay kami dito, pwede na kayong umalis." Umalis sila at hindi pa kumalma ang katawan ko kaya nagpaalam ako na pupunta ng cr. " Steph, let me go to the bathroom. I want some air. Order your food and drinks I'll pay it later when we go home. Tell, Justin it's under my name." Umalis na ako dahil sumikit ang dibdib ko. Bago ako umalis humawak ako kay Mathew sa balikat at tumango ito bilang sang ayon niya na sige lang. Pagliko ko sa may cr nagmamadali ako dahil gusto kong makahinga agad dahil sobrang sikip ng dibdib ko dahil naalala ko na naman si Noel. Namiss ko na siya at kailangan kong mabigyan ng katarungan ang pagkamatay niya. Pumasok ako ng cr at naupo ako sa may bowl ng may marinig akong mga ungol. " Oh, ang sarap mo talaga. Idiin mo pa ng matagal, ooooh, ayan sige pa ipasok mo pa. Bilisan mo at malapit na ako, sabay ako sayo. Ooooh, ang sarap mo talaga." Yan ang naririnig ko. Mga walang modo kahit dito sa cr, ginagawa ang milagro. Hindi ako makapagconcentrate kaya binuksan ko ang pintuan gamit ang sipa ko. " Ay, what the hell?" Galit pa ang babae, nakahubad pa sila ng nakita ko. " Next time, wag niyong gawin sa cr ang ganitong bagay dahil ang lakas ng ungol ninyo. Nakakadistract. Mga wala kayong dilekadesa na pagkatao. Dito ninyo ginagawa ang mga yan. Magbihis na kayo at lumabas baka ma viral pa kayo at ma news kinabukasan." Nahihiya sila na pinulot ang mga damit nila sa sahig. Nakakadiri ang mga taong ganito. " Layas na at wala ako sa mood mag antay sa inyo, baka mapatay ko pa kayo." Baka sila ang mapagbuntungan ko sa galit ko ngayon. " Okay, okay." Lumabas na sila ng cr at bumalik ako sa bowl para umupo. " Sana hindi ka namatay Noel, sana naligtas pa kita nung tumawag ka sa akin at sinundan ka. Sana buhay ka pa ngayon." Nakamove on ako sa kanya, pero hindi ang paghihigante ko sa mga taong walang puso na pumatay sa kanila. Gumaan na ang pakiramdam ko at lumabas na ako. Nakita kong nakatayo si Mathew sa harapan ng cr. " Bakit ka nandito at iniwan mo ang kaibigan ko?" Inis na sabi ko sa kanya. " Ang tagal mo kasi mag isang oras ka ng hindi bumalik kaya nag alala ako sayo, ang kaibigan mo kumakain kasama sila Lemuel, Fritz, at Nicholas kaya may kasama siya doon." Ano naman ang ginagawa ng tatlong yun dito. Kaya bumalik na kami sa upuan namin at naghaharutan sila na hindi namamalayan ang pagdating namin ni Mathew. " Alam mo, iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Papayag ka bang ligawan kita?" Talaga namang nambula pa itong si Fritz. " Subukan mong saktan ang kaibigan ko at ako ang makakalaban mo." Nagulat ang tatlo na nagsalita ako. " Wag mo ng tangkain na ligawan ang kaibigan ko dahil sangkatutak ang babae mo. Pati may asawa pinapatulan niyo. Magtino muna kayo bago ninyo makuha ang kaibigan ko. Baka di ko kayo matantsa at mabalian ko kayo ng buto." Balak pang idamay ang kaibigan ko sa mga nonsense nila huh, akala nila siguro di ko alam ang mga kalokohan nila. " Beshy naman nagbibiro lang naman si Fritz." Aba, pinagtatanggol pa ang lalaking ito. " Bakit, biro din ba sa kanya ang hawakan ka sa kamay?" Namula naman siya dahil nakita kong nakahawak pa sa kamay si Fritz. Kaya bumitaw ito. " Claire, sorry huh, pero pwede ko bang ligawan ang kaibigan mo? papayag ka ba?" Talagang sinusubukan ako ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD