Chapter 14

1773 Words
Savannah Claire POV: ' Nagpaalam kami ni Marcus na umalis ng bahay para sa day off ko, gusto rin kasi niya sumama sa akin. Tumawag pa siya sa daddy niya para siya daw ang magpaalam para payagan daw ako. " Mommy, dad will allow me to come with you. Doon na rin po tayo matulog mommy, gusto ko makalaro sina uncle Anthony at uncle Paul. Pwede po ba mommy?" May pa beautiful eyes pa siya sa akin. Natawa nalang ako sa kanya. Lagi ko kasi kinukwento ang mga kuya ko sa kanya kaya madali lang sa kanya ang maalala kung ano ang mga pangalan nila. " That's good baby, so, let's go now?" Humawak siya sa kamay ko palabas ng kwarto hanggang sa makababa kami ng hagdan. " Kawawa naman si sir Mathew." Yan ang narinig ko sa usapan ng mga katulong dito sa bahay. " Bakit mo naman nasabi yan? sa yaman ba ni sir Mathew kahit magsahod tayo ng malaki sa kanya, hindi yun nalulugi. At saka, di ba, ok na rin si sir Marcus na andito ang mabait, sexy at magandang yaya niya? kaya nga nagbago ang ugali ni sir Marcus dahil sa kanya." Oo nga ano, bakit nga naman kawawa si Mathew. " Mommy, are we not going?" Si Marcus, dahil sa kakalaro ng gadget niya, hindi na niya alam na pinag usapan na pala ang daddy niya. " Oo nga, manang, bakit kawawa si sir Mathew?" Nakinig muna ako para malaman ko ang storya. " Paano, ipapakasal siya sa anak ng ninong niya na hindi naman niya mahal. Isa pa, hindi ko rin akalain na mapapasunod si sir Maynard ni sir Roman." Kaya dali dali akong umalis kasama si Marcus. Sinuot ko ang eye glasses ko na may monitor, para mabilis ko malaman ang mga info na galing mismo sa tauhan ko. Pero hindi ako makabuwelo dahil nasa likod ko si Marcus. " Baby, can I leave you to my kuya's and parents? I have something to do this time, I'm going to meet your dad at the office. After that, we will pick you up here when my businesses are done." Tumango siya bilang sagot. Kaya tumawag ako kay Stephanie para hindi na siya mag antay sa akin sa bar kung saan kami magkikita. " Steph, our meeting will be cancel, let's meet around 7pm at the same place. I have something to do." Sana, hindi na siya papalag pa. " Grabe ka gurl, kahit nanny ka na, naging spy ka pa, naging all around kana. kaya mo pa ba? bakit kasi ayaw mo pa bitiwan ang pagiging agent mo s***h member of mafia organizations? ako ang natatakot sa maging kahinatnan mo. Kapatid, sana naman makakita pa ako ng pamangkin mula sayo. Kaya, bruha, wag ka mamatay ng maaga." Pilosopo talaga itong kaibigan ko. Pati kamatayan ko binanggit pa talaga. " See you around Stephanie." Binaba ko na ang tawag at tinawagan sila mommy at daddy. " Mom, dad, were on our way, kasama ko si Marcus, at iwanan ko muna siya sa inyo dahil may asikasuhin pa ako sa opisina ni Mathew. Kayo na po muna ang bahala kay Marcus." Bilin ko sa mga magulang ko, mamaya pa kasi sila kuya Paul at kuya Anthony uuwi dahil may tinapos pa silang imbestigasyon tungkol sa mga malalaking tao na sangkot din sa sinasabing droga. " Mommy, I don't want to go home yet, I want to sleep in your house. You said, my two uncles will be here soon, I will wait them. I want to play with them, because daddy is very busy sa work niya. He doesn't have time for me." Lumingon ako kay Marcus habang nagdadrive, kawawa ang batang ito hinahanap din niya ang kalinga ng isang ama. " I am so much thank you po, na kayo ang nagbabantay sa akin. Because I am more secure and protected by you mommy." Ginulo ko ang buhok niya at hinalikan. " I will protect you Marcus, no matter what." Yan ang pinangako ko sa mommy niya nung nagpunta ako sa kwarto niya at kinuha ang picture ni Lyneth. " Thank you po, mommy." Nag smile naman siya bago nilipat ang tingin sa bintana ng kotse. ' Pagdating namin sa bahay. Dali dali siyang pumasok sa loob. " Wow, is this your house, mommy? so beautiful, elegant decors. And the pool very big and wide. Wow, there is playground too and have a basketball place. Mommy, can I play now? this is so much fun." Tumakbo na agad siya sa palaruan para maglaro, nakita ako ng mga magulang ko ng bumaba sila sa hagdan. " Kumusta anak?" Tanong ni daddy sa akin. " I am very fine dad." Tinapik niya ang balikat ko at tumingin sa naglalarong si Marcus. " Siya na ba ang anak nina Lyneth at Mathew? ang laki na pala niya. Binata na kung tingnan." Nagagalak silang makita si Marcus,wala na kasing bata dito sa bahay, kaya nung ako na ang nagbantay kay Marcus masaya sila dahil bata daw ang babantayan ko at para daw masanay ako sa pagbabantay ng bata para daw sa pag aasawa ko. " Manang manang lang sa ama, mahal ko. Tingnan mo oh, mahilig sa basketball." Tinawag ni mommy si Marcus. " Hello po, granddad, grandmom. How are you po?" Nakakatuwa si Marcus, ngayon ko lang siya nakitang masaya. " We're good, iho, gusto mo ba maglaro ng basketball with me?" Nagulat siya sa tanong ni dad. " Are you sure po granddad?" Ang mata ni Marcus, makikita kong natutuwa siya. " I am strong enough to defeat you, hahaha." Tumawa naman si daddy. Nagkasundo ang dalawa at nagpunta sa playground para magbasketball. " Tingnan mo ang ama mo anak, tuwang tuwang kay Marcus. Para talaga silang maglolo. Anak, kailan mo ba kami mabibigyan ng apo? wala pa nga yatang nakakuha dyan sa pagkabirhen mo." Inubo ako sa mga sinasabi ni mommy. Gusto na talaga niyang magka apo sa akin. Antay na muna sila sa baby namin ni Mathew. " Anak, mabuti naman at dinala mo si Marcus dito sa bahay. Teka ka nga pala anak, di ba, may pupuntahan ka pa? sabi mo sa akin kanina na may pupuntahan ka?" s**t, kanina pa ako ako dito. Muntik ko ng makalimutan na may assignment pa pala ako. " I'll get going mom." Mamaya ko na sila asikasuhin pagbalik ko. " Dad, can you watch Marcus for me? I have to go, I have important something to do." Sigaw ko pa kay daddy, para makinig niya dahil ang layo nila sa akin. " Bye, mommy. See you later." Nag wave pa ako sa kanila, at umalis na. ' Habang nagdadrive ako papuntang opisina ni Marcus, nakatanggap ako ng tawag mula kay tres. Si tres ang naghahack ng mga cctv para makakuha ng information. Malaki ang tulong na nagawa niya sa akin, lalong lalo na sa mga emergency mission. " Any news from inside of the office, tres?" Siya kasi ang inutusan ko maghack ng mga cctv sa loob ng office ni Mathew. " Boss, nandoon na ang ama ni sir Mathew. Ang tatlo niyang kaibigan nasa lobby. At possitive boss, ipapakasal ng kanyang ama si Mathew sa anak ng kumpare niyang si Roman na mastermind sa pagpatay nina sir Noel at ma'am Lyneth." Pagbalita ni tres sa akin. Hindi ito maaari, kailangan kung mapigilan ang hakbang ni Roman. " Bantayan mo ang paligid, tawagan mo si dos at si uno na magmanman para secure ang area. May tauhan si Roman sa loob para mag spy kung ano man ang ginagawa ni Mathew." Bago ko binaba ang tawag ni tres, tumingin ako sa side mirror, may taong sumusunod sa akin. " Black arrow, I need your help this time. Someone following at me and I want to trick them." Pagkasabi ko kay pinatay niya agad ang tawag. Nang I connect ko ito gamit ang eyeglasses ko at earpiece ko. Nakita kung natumba ang sasakyan na sumusunod sa akin. May sariling tauhan din si black arrow dahil siya ang kanang kamay ko. bumalik siya galing sa bakasyon ng tumawag ako sa kanya para tumulong. " Thank you, black arrow, maaasahan ka talaga kahit kailan." Pagpapasalamat ko sa kanya. " Walang laban ang mga yun sayo, lalo na at hindi nila alam na ang sinusundan nila ay isang black butterfly ng mafia organization. Kailangan mo ng magmadali boss, baka di muna maabutan ang mag ama. Baka madatnan mo nalang silang bangkay na at wala ng buhay." Anong ibig niyang sabihin? " What do you mean, black arrow?" May nakapasok kaya sa kompanya ng mga Serbantes na hindi nila tres na track?. " May nakapasok sa opisina ng mga Serbantes. Hindi nila tres nakita dahil ordinaryong tao lang ito. Inutusan siya ng anak ni Roman na si Romana para bigyan ng lason ang iinumin nilang coffee." Nagmadali akong nagdrive papuntang opisina nila Mathew. Pagdating ko doon, narinig kong nag uusap pa sila. Dali dali akong umakyat. " Nasaan ang opisina ni Mathew Serbantes?" Tinuro naman nila sa akin pero ang gamit nila ay ang nguso nila. Ang gugwapo sana, kaso I already gave my virginity to Mathew. " Tito, hindi ako papayag na magpakasal si Mathew sa mga taong kriminal. Gusto niyo po ba na masira ang dignity ni Mathew dahil sa kanila? hindi pwedeng hayaan ko na mapahamak si Mathew at wala itong kompanya sa kanya. Kung takot kayo na mag withdraw si Roman bilang partnership mo, ako ang sasalo nito. Hindi ko hahayaang madungisan ang kompanyang ito ng mga pangalan na hindi kaaya aya." Sabi ko kay tito habang nakikinig ako sa mga pinag uusapan ng tatlo sa kabila na may taong sumisilip sa gilid ng opisina ni Marcus. Lumabas ako at pinuntahan yun. Ngayon, malalaman na ng mga tao na ako ang black butterfly na nagtatago ng identity para makakuha ng mga infomation. " Ahhh," Paglabas ko, walang sabi sabi, binunot ko ang kutsilyo at hinagis sa taong nagmamasid sa gilid ng office ni Mathew. Pagtingin ko sa tatlong kaibigan ni Mathew, nanginginig sila. " Don't worry, masama silang tao kaya kailangan silang puksain. " Ikaw ang black butterfly na laging sinasabi ng mga Fortalejo brothers?" Tumango ako sa tanong ni Lemuel. " Claire, tama ba ang pumatay ng tao?" Nagtanong pa talaga. Kaya tumawag ako sa hide out namin kailangang malinis na ang mga d**o dito sa kompanya. " Pumunta ka dito sa kompanya nila Matthew, come quick may dapat pa akong asikasuhin." Ang mga tauhan ko yun sa hide out ang tinawagan ko. Kailangan kong mag imbistiga lalo na at nasa kompanya ang taong napatay ko kanina lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD