Mathew POV:
' Savannah Claire Fortalejo, hindi ba ako nagkamali na ibigin ka? " Anak, alam ko na iba ang kinikilos ni Claire, pero alam ko rin na gusto niya tayong protektahan baka naman kausapin mo ang ninong mo na ayaw mo magpakasal sa anak niyang si Romana?" Hindi ko talaga maisip kong sino ang Romana na yan? walang sinabi si ninong sa akin na may anak siya? " Dad, I don't have to do that. Kung gusto niyo po kayo ang kumausap sa kanya. Just tell him that I have already a girlfriend." Kailangan ko munang malaman ang tunay na pagkatao ni Claire, bago ako mag decide sa mga hakbang na pwede kong gawin.
' Pagkatapos namin ni dad mag usap, lumabas kami pareho. Laking gulat namin na nakaupo ang tatlo kung kaibigan sa may sulok na nginig na nginig. Ano ang nakain ng mga ito.
" What happen to the 3 of you, bakit parang naiihi na kayo dyan sa salawal niyo?" Nagtaka talaga ako at at pati si dad hindi alam ang gagawin, lalo na at nakita namin ang tauhan ko na.. wait? patay na? sino ang may pakana nito? bakit pinatay ang bantay ko dito at mga guard ko dito lalo na ang inasign ko na magmatyag sa mga kilos ng mga tao dito sa kompanya?.
" Dude, Claire kill them all with a knife only, she's scary dude," Sumbong pa ni Nicholas sa akin. Anong nangyari dito? " Wait, anong si Claire ang pumatay nito?" Ano ba ang pinagsasabi nila sa akin? lumapit si dad sa amin na nangangasim ang mukha. " May naghahanap kay Claire sa baba, pinapasok lahat ng bantay mo dito sa kompanya. May ililigpit daw silang kalat, utos ng kanilang makapangyarihang boss." Makapangyarihang boss? sino naman yun? " Wait, dad, sino naman ang sinasabi nilang makapangyarihang boss? teka lang bakit patay ang mga tauhan ko dito sa kompanya?" Biglang lumapit si Fritz, Lemuel, at si Nicholas sa amin ni dad. " Claire was behind all of this dude, believe us please. Siya ang pumatay lahat nitong mga tauhan mo dito sa kompanya mo." Si Lemuel ang taong ito ang nagbabala sa akin tungkol kay Claire Fortalejo, kilala niya ba talaga si Claire ang iniibig kong babae? " Dude, Lemuel was right, his telling you the truth. Claire is the black butterfly na kinatatakutan ng lahat. Siya ang agent ng mga NBI, mga pulis." NO! hindi totoo ang mga sinasabi nila sa akin, hindi mamamatay tao ang aking mahal. Bakit kailangan nilang siraan si Claire sa akin? may gusto ba sila sa babaeng mahal ko? " Dude, maniwala ka naman sana?" Dagdag naman ni Fritz. Nang magsalita na sana ako, biglang nagsidatingan ang mga taong pinapasok daw ng mga guard ko dito sa kompanya. " Ito na nga ba ang sinasabi ko, kapag si boss ang kikilos lagi tayong may nililigpit na ganito, kayong mga pasaway kayo binabangga kasi niyo si boss ayan tuloy sa impyerno kayo pupulutin." rinig ko pang sabi nung nagliligpit. Pagkatapos nilang ligpitin ang mga patay sa kompanya ko biglang sumulot si Claire. " Hindi safe ang kompanya mo, ang mga tauhan na pinagkatiwalaan mo ay nagtraydor sayo. Kaya wala kang makuha na info tungkol sa mga nangyari dito sa kompanya dahil ang mga tauhan mo ay hindi loyal sayo, and I will tell you the truth. I am the black butterfly na kinatatakutan ng lahat, ngayon na alam mo kung sino ako, kayo ni tito ay nanganganib ang buhay ninyo. Please follow my order kung gusto mo pang mabuhay at makita mo ang anak mo na si Marcus." Talaga lang huh? tinatakot ba niya ako? lumingon siya sa tatlo kong kaibigan at lumapit siya sa kanila at takot sa mukha ang namutawi sa mga mukha nila. " kayong tatlo, you need a bodyguard this time, I will asign a bodyguard na well train so that they are capable to protect you no matter what." Kung ganun, hindi nagsisinungaling ang mga kaibigan ko tungkol sa mga haka haka. Pero bakit ganito na siya ngayon? saan ang babaeng pinalaki ko at hinintay ng napakahabang panahon? " Pasensya na kung pati kayo nadamay sa sitwasyong ito, hindi ko kasi alam na andito kayo sa kompanya ni Mathew. I mean sir Mathew. " Si daddy hindi makapagsalita dahil sa nangyari. My gosh Claire, ano ba itong pinasok mo? " Everybody, back to the hide out, I want a report ASAP, kailangan kong maimbistigahan ang kung may tao bang nagplano ng lahat ng ito. Give me a quick report as of today. Everyone, call the head of the pulis, and the NBI, isama niyo na ang military general para alerto ang lahat." Sumunod lahat ang mga tao sa kanya. May 4 na tao na naiwan at nilapitan niya ito. " Black arrow, thank you sa tulong mo. 1, 2, 3, salamat sa mga info na binigay niyo sa akin kanina. Hindi ko ito magagawa kung wala kayo sa tabi ko. Ikaw 2, ihatid mo sa mga pulis ang mga evidence na nakuha mo. Ikaw naman 3 hack all of the cctv here. Ikaw 1 pumunta ka sa hide out at kolektahin mo ang mga nakuha nating weapon. At ikaw, black arrow, ang kanang kamay ko, maiwan ka dito para imbistigahan ang mga tao dito sa kompanya. Iuwi ko muna ang mga ito at baka dito pa sila mahimatay." Tumango lahat sa kanya at pagkatapos may tinawagan siya. " Kuya, secure everybody, specially mom and dad. Use my chopper to send them to Palawan, everything is already set." Kuya ang tawag niya, malamang ang dalawang kapatid niya yun kung hindi si Paul, si Anthony yun. " Claire, ayaw pa naming mamatay huh? wala pa kaming tagapagmana. Kung pwede sana, ngayon na kami magkaroon ng bodyguard na sinasabi mong well train" Si Fritz talaga oh. Alam naman niyang nakakahiya kay Claire. Isa pa mayaman naman siya bakit di siya kukuha ng bodyguard? kinuha ni Claire ang phone niya at may tinawagan.
" Bring me the 3 person who are well train, their work is a bodyguard of the 3 rich person na kaibigan ni sir Mathew. Tell them their salary is 300 thousand." Saka niya binaba ang phone niya at tumingin sa tatlo kong kaibigan, at nakita kong lumuwa ang kanilang mga mata dahil sa sahod. " Are you joking? Claire? 300k is much as for bodyguard." Reklamo ni Nicholas, kaya tinapik siya ni Claire sa balikat. " Hindi basta basta ang mga bodyguard niyo. Tauhan ko sila na member sa mafia organization kung saan ako nagtrabaho, 300k is not enough for them, baka nakakalimutan niyo kapalit ang buhay niyo dito dahil babantayan kayo 24/7 para walang mangyari sa inyo, lalo na ngayon na alam niyo ang identity ko. Mag isip kayo, pera niyo o buhay niyo?" Nagpasiuna na siya maglakad papunta sa kanyang sasakyan. What the heck, yan ba ang sasakyan niya? seryoso ba siya? paano nakuha niya ang sasakyan na yan eh wala yan dito sa pinas? " Ikaw kasi eh, pahingi hingi ka pa kasi ng bodyguard, dapat kasi inantay natin siya na magbigay sa atin para hindi tayo magbayad ng mahal." Pagmamaktol pa ni Lemuel. Lagot kayo ngayon. " Alam niyo mas mabuti na rin yang ganyan kaysa buhay niyo ang mawala, lalo na wala pa kayong asawa at anak. Alalahanin niyo ang sinabi niya, well train dahil nasa mafia siya nagtrabaho." Tama naman si dad, itong kaibigan ko kasi gusto nalang thank you ang serbisyo ng ibang tao sa kanila. " Pero tito, 300k is very expensive for bodyguard only. Dinaig pa nila ang nagtrabaho sa gobyerno." Hihirit pa talaga si Nicholas.
" Dude, we don't have choice, we must accept what black butterfly told us, ayoko pang mamatay. Kaya naman natin bayaran sila. Wag na tayo magreklamo." Mabuti pa itong si Fritz hindi na umaangal. " Guys, see you around, kailangan ko na rin umuwi para makausap si Roman at Romana na hindi matutuloy ang kasal nila ni Mathew." Paalam ni daddy. Tsaka siya tumalikod ng tumawag si Claire sa akin. " Where's tito?" Singhal niya sa akin. Bakit sinisigawan na ako nito ngayon eh kahit mahal ko ito yaya pa rin siya ni Marcus. " Where is tito Mathew, answer me!" Aba, namihasa na siya ah.
" He said he want to talk to ninong Roman and the name Romana na hindi na matutuloy ang kasal namin." Bigla naman niyang pinatay ang tawag, kaya tumawag ako sa kanya. " Bakit mo ba ako pinatayan ng tawag? Claire naman, I'm not yet done to talk to you, remember, even I love you so much still your the yaya of my son." Pambihira ang babaeng ito, boss pa rin niya ako. " Hindi mo sana pinayagan si tito na umalis dahil delikado sa kanya!" Teka, delikado kay dad? napagtanto ko pala na alam niya na ang pagkatao ni black butterfly. " Minsan naman Mathew, think better. Kaibigan mo nga may mga bodyguard na si tito pa kaya?" Wala na, galit na talaga siya sa akin. Susunod na naman ako nito for our safety. " Call tito right away." Pinatay niya agad ang tawag at tinawagan ko si dad. " Dad, where are you? Claire is very mad. She ask me to call you because it's dangerous that you already know her identity. Go home right away dad. I don't want Claire to scold me." Bilin ko kay dad. Mabuti nalang at sinagot niya kaagad ang tawag ko. " Iho, uuwi ako ngayon, hindi na ako tumuloy sa ninong mo dahil yun ang narinig ko kay Claire kanina. Although we need a bodyguard I have to protect myself too." Mabuti nalang talaga at sumunod din si dad.
' Papaliko na ako ng hallway ng tawagin ako ng mga kaibigan ko. " Dude, kung ano man ang mangyari handa kaming tumulong na mga kaibigan mo." Ang sweet lang ni Fritz na kaibigan. Kaya ngumiti ako. " Salamat dude." Nagwave na ako sa kanila at sumakay na ng kotse pero hindi pa ako nakasakay ng kotse may humila sa akin at hinalikan ako. Pagdilat ko si Claire pala.
" Huwag ka basta basta sumakay ng kotse na hindi mo tsinecheck baka matosta ka pa sa loob." Ang galing talaga ng timing niya ano? " Akala ko nakauwi kana?" Tanong ko dito. Umiling naman siya bilang sagot. " Kiss talaga ang pampagulat mo sa akin?" Ngumiti naman siya. " Hinahanap ka ni Marcus, tumawag sa akin kanina. I told him we're on our way back home para sunduin siya, kaso malayo yun dahil pinadala ko siya sa palawan para don na muna siya. Mahirap na, punterya din siya ng mga kalaban mo sa kompanya para lang makuha nila ang pinaghirapan mo. Si tito at tita pinalikas ko na rin. Ang mga kaibigan may mga bodyguard naman ok lang sa kanila na wag ng ilikas dahil mga lalaki naman sila." Parang nabagyuhan lang ang peg niya, inilikas talaga ang term niya. Nakakatawa lang siya magsalita kaya napapangiti ako kahit gulong gulo ang isipan ko. " Bakit ka nakangiti dyan?" Tanong niya sa akin. " Wala, namiss lang kita kahit hindi pa kita lubos na kilala." Nalungkot naman siya sa sinabi ko. " Pasensya na Mathew huh? sa totoo lang, hindi mo pa sana dapat malaman kung sino ako. Pero dahil naipit na ako sa sitwasyon, kailangan ko ng gamitin ang alas na meron ako.
' Hindi ko man siya lubusang kilala ngayon, pero balang araw makilala ko rin siya ng lubos. " Tara na, doon kana sasakay sa kotse ko." Pagtingin ko sa kotse niya ang ganda lang talaga. Bakit kaya may mga ganyan siyang sasakyan na mamahalin pa? " Ikaw na magdrive baka kapag ako lilipad tayo." Nananakot ba itong babae na ito? hinila niya ako papunta sa kotse niya, namangha ako sa ganda ng loob. " Claire, paano ka nagka kotse ng ganito?" Tanong ko sa kanya at tumingin siya sa akin. " Nabili ko to after ko magdecide na sumali sa mafia organization, naging agent ako ng NBI at pulis, but before that I was train as assassin sa America abgo ako sumabak sa training ng Marine na kasapi din sa sinalihan kong mafia organization." Pag amin niya sa akin. Nakakatakot nga siya. Nang hinawakan ko ang kamay niya ngumiti siya sa akin. " Bakit ka ba naging ganito? hindi ko akalain na ang babaeng hinahanap ko, pinangarap ko at minahal ko ng patago dahil bata pa ay ganito pala. Pumapatay ba kayo ng innocent people?" Umiling siya sa akin. Kung ganun pinipili lang nila ang kanilang pinapatay. " Walang kinalaman ang mga inosenteng tao sa trabho namin bagkus, tinutulungan pa namin ito para sila ay kumita, nagbibigay kami ng pera sa kanila para puhunan sa pagnenegosyo." Akala ko talaga masama na siyang tao. " Mathew, may alam ako sa lahat ng bagay, alam ko rin na ang asawa mo ay walang sakit sa puso. Kundi pinatay siya dahil alam ng kalaban mo sa kompanya na spy ang asawa mo kaya nilason nila ito. Hindi ko muna sasabihin sayo ang lahat. Wait for the right time, I will tell you everything." Ano pa ang nalalaman niya tungkol sa amin? minabuti ko nalng muna na manahimik dahil hindi ko pa alam ang lahat lahat mula sa kanya.