" Boss, napatay lahat ang nagbabantay sa kompanya ni Mathew, nadetect ni black butterfly na may mga tao tayo sa kompanya, ano na ngayon ang gagawin natin boss?" Hindi ito maaari, kailangang mapasakin ang kompanyang yun. " Alam mo ba kung nasaan ang anak niya? pumapasok pa ba ito sa skwelahan? kailangan ninyong bantayan ang batang yun dahil siya lang ang pag asa natin na makuha ng buo ang kompanya nila Mathew Serbantes na yun." Malaki ang galit ko sa kanila dahil niloloko lang ako ng mag ama. Ang sabi ako ang mamahala sa kompanya na yun pero anong ginawa nila hindi sa akin ni Maynard Serbantes pinasa ang kompanya, naghirap ako sa kompanyang yun kaya dapat lang na mapasaakin yun. " Boss, may balita ang ibang tauhan natin, hindi na daw pumapasok ang anak ni Mathew skwelahan, at ayun pa sa isa kung kasamahan boss nakita daw niya na may kasama itong babae, napag alaman na yaya daw ni Marcus ang babae. Boss anong balak natin sa babae na yun kung sakali?" Nagtanong pa talaga ang animal. " Patayin ninyo ang mga malapit na tao sa pamilyang Serbantes. Balakid lng sila sa mga plano ko." Hindi ako titigil hanggabg hindi mapasaakin ang kompanya na yun. Babanggain ko lahat makuha ko lang ang gusto ko. " Boss, may isa pa akong nalaman, umatras si Mathew sa kasal nila madam Romana. Ang alam ko boss, may girlfriend na daw si Mathew na iba." Doon ako nagwala, binalibag ko lahat ang gamit ko sa sala. " Gawan niyo ng paraan." Singhal ko sga tauhan ko. Hindi ito maaari. Si Romana lang ang pwedeng umangkin kay Mathew. " Boss, nagbackout na ang lahat ng malaman nila na pinatay ni black butterfly ang lahat ng tauhan natin." Kinuha ko ang baril at pinutok ko ito ng pinutok.
" Boss, tama na, sa ngayon kailangan nating maghanda dahil si black butterfly ang kalaban natin, mayroong NBI pa at mga pulis." Punyeta! diniktahan pa ako ng gonggong nato. Hindi nalang nila gawin ang tama para mapasaakin na ang kompanya. Kaya sinuntok ko siya. " aahh, boss bakit mo naman ako sinuntok?" Nagrereklamo pa talaga. " Dapat kasi ginawa niyo ang nararapat para mapasaakin na ang kompanya, mga pulpul kayo kung utusan lagi kayong palpak, tanggap lang kayo ng tanggap ng sweldo wala kayong maibalita na maganda sa akin!" Sinigawan ko na ang lahat para mawala ang galit ko. Mga inutil na tauhan walang magawa na tama sa mga pinapatrabaho ko. " Utusan mo ang mga tauhan mo na hanapin ang mga Fortalejo at Serbantes kapag wala silang magandang balita sa akin, sila ang ilalagay ko sa hukay." Ang akala nila maisahan ako? nagkakamali sila. Mga traydor na Serbantes, kumuha pa ng mga kakampi. At ngayon si black butterfly pa talaga. Malaman ko lang kung sino ang black butterfly na yan buto lang niya ang walang latay. " Sabihan mo ri Roman at Romana na kumilos na at baka wala na akong mapala sa kanila papatayin ko sila." Si Roman at Romana ang pinapain ko sa mga kalaban ko para hindi ako madetect ng kalaban, pero baka malaman na nila kung sino ako dahil napipilayan na nila si Roman. Itong si Romana, pinalabas ko na anak siya ni Roman dahil kailangan ko siyang gamitin. Romana is my niece. Ako ang pumatay ng mga magulang niya para mapasaakin ang yaman nila. Ngayon na nagtagumpay ako hindi maaaring hindi ako manalo dito sa laban na ito. " Sige boss sasabihan ko sila." Umalis na ang mga tauhan ko at ako nalang naiwan mag isa. Kailangan kong mag isip ng maganda.
" Uncle?" Andito pala ang pamangkin ko. " Sorry uncle, ngayon lang ako nakadalaw dito. Kumusta ka na? may update ba sa pagpapakasal ni Mathew sa akin? kelan daw ang kasal namin para makuha mo na ang kompanya nila na matagal mo ng inasam na maangkin?" Hindi ko muna sasabihin sa kanya ang lahat. " Wala pang balita sa mga tauhan na itinalaga ko sa kompanya. Mag antay ka lang Romana para din ito sa kapakanan natin, mapasaiyo din sa huli si Mathew." At niyakap niya ako. Kailangan ko na itong madaliin, pero ang problema kung saan sila ngayon hahagilapin. " Kampante naman ako uncle, alam mo na, by the way I have good news for you today kaya ako nandito. Nakalusot na ang mga droga na pinadeliver ko sa ibang bansa at sa mga karatig probinsiya. Fiesta na naman ang gobyerno sa pera na nilaan natin para sa kanila hindi lang mabisto ang pinadeliver natin. Ang kompanya na gusto mong makuha naglaan na rin ako doon para sa pagpapalawak ng ating negosyo sa droga. Parating na ang delivery from China, may kasama itong droga sa loob at ayun sa narinig ko, binigyan nalang ng pera ang nagbabantay sa custom para makalusot ang bagahe natin." Magaling talaga itong pamangkin ko. " Mahusay, Romana. Ipagpatuloy mo yan." Si Romana ang kaisa isa kung pamangkin na natira. Alam din niya na ako ang pumatay sa mga magulang niya, at ginahasa ko din ang ina niya. Dahil din siguro sa galit niya sa mga magulang niya noong bata pa siya na pinalayas siya kaya wala na siyang pakialam kung ano ang gawin ko sa kanila. Pero maganda din naman itong si Romana, malaki ang dibdib siguro hindi niya ako tanggihan kong kukunin ko ang p********e niya. Besides, marami ng lalaki ang nakagalaw sa kanya. hahahaha.
" Bakit ganyan ka makatingin sa akin uncle? parang may pagnanasa ka pa sa akin?" Marunong talaga siyang tumingin sa lalaking gusto siyang tikman. " Wala naman iha, may naisip lang ako na may kinalaman din sayo. Sige na, may kailangan pa akong gawin puntahan mo na si Roman para magkausap kayo. At wag mo kalimutan na mag update sa akin." Paalisin ko na ito baka mamaya magawa ko ang iniisip kong galawain siya. Umalis na siya at pumunta ako ng kwarto. May tinawagan ako nang may kumatok sa akin. " Uncle, babalik ako mamaya para kukunin ang mga kontrata natin sa pagpapadeliver ng mga droga sa ibang bansa." Tumango ako at tumingin sa dibdib niya papuntabg baba. " Uncle, alis na ako baka mamaya magalaw mo ako dito ng walang permiso. Hindi pa ako high, mamaya nalang siguro kapag high na ako para masarap akong galawin sa kama." Kumindat pa ang animal. Humanda ka sa akin kapag gusto kitang galawin. Uncle niya ako pero kaya ko siyang galawin kung gustuhin ko man. Pero hindi ko yan gagawin sa kanya dahil siya lang ang makakatulong sa akin ngayon.