#17

2079 Words
Chapter 17 I could physically slap myself right now. Kung hindi ba naman ako tanga, bakit ko namang nakalimutan na nasa kabilang table lang pala si kage? Ngayong akala ko ay ang pagpatuloy na pagiging mabait niya sa akin kagabi ay tila maglalaho pa. Ngayong ay tila galit na naman siya. At mukhang dinamay ko pa ang mga kaibigan ko. "Are you having fun?" Aniya pagkatapos akong higitin palabas ng restaurant...Papalayo sa gwapong lalaki. "W-what?" "Are you enjoying seeing me frustrated? Ginagalit mo ba talaga ako?" "B-bakit ka naman magagalit? Nag—nagseselos ka ba?" I can't help but hope. Dahil 'yon lang naman ang tanging rason. 'Yon lang ang nag-iisang rason. Pagalit niyang hinilamos ang kamay sa mukha. "I didn't said that" he murmured. "Huh?" "Gusto mong mabura ang galit ko sayo diba? You want me to trust you again?" Mabilis akong tumango. "Oo" "Then don't do something that would anger me." He said seriously. "And that would include?.." "Talking to other guys." Kumunot ang noo ko. "Is that a rule i need to comply? I can't do that. Alam mong hindi pwede." Unti-unting dumilim ang mukha niya. His forehead was starting to crease as he threw me his most intense glare. "And why is that?" "Hindi iyon maiiwasan. I mean, paano kung may kumausap sa'kin? I don't wanna come out as rude. Tsaka si van! Lalaki din si van. Does that mean hindi ko din siya pwedeng kausapin?" It took him a minute to fully grasp what i just said. He blew a heavy breath afterwards. "Okay fine. Just don't..flirt" he said frustratingly. "Yes boss. Copy" saludo ko pa habang nangingiti. He looked at me unbelievably at tatalikod na sana. "Where's my kiss?" "Your what?" He seemed shocked because of my shameless demand. "My kiss." "Isn't that a little over the top of demand? You. Don't order me what to do lady. Think twice before you open that uncontrollable little mouth of yours. Hindi pa kita tuluyang napapatawad. Just because I'm talking to you right now, doesn't mean we're completely oka—" "Ang dami mo pang sinasabi" ngisi ko pagkatapos siyang halikan sa mga nakaawang niyang labi. Mukhang hindi niya naman inaasahan na gawin ko iyon. I spoke inches away from his lips. Hindi niya naman ako tinulak palayo. "See you later, my jealous baby" kindat ko at kumaripas na ng takbo. Hinihingal akong tumigil nang makalayo na sa kaniya. Napangiti ako nang maalala ang mga pinagagawa ko. Kung alam ko lang na ang pagselosin siya ang tanging rason para mapansin at kausapin niya ako, sana ay ginawa ko iyon noon pa. It looks like jealous kage is still there, trying to free himself from his unbreakable chains that he cuffed himself into. Dumukwang ako saglit para hubarin ang tsinelas na napasukan ng maraming buhangin dahil sa pagtatakbo. Umupo ako sa malaking bato na naroon para mapagpagan ng maayos. This part of the beach, ay hindi matao. I saw three people, pero malayo sila sa aking kinaroroonan. Napagdesisyunan kong manatili muna rito. I liked the peaceful ambiance. But the spot was rather familiar. Nang ilibot ko ang tingin ay naalala ko, this was the same spot na inupuan ko nung gabing dineklara ko ang pagsuko kay kage. Funny how I'm still chasing him even until now. This only means that I'm not really a woman of words. Tumayo na ako at aakmang babalik na sa hotel nang may maramdaman akong parang may nakatingin sa akin. Nilibot ko ang tingin ko pero parang wala namang katao-tao. Dumako ang tingin ko sa isang partikular na spot. Kung aalahaning mabuti, ito yung parehong mapunong lugar na kung saan ay may nakita akong may nakatingin din sa akin nung gabing iyon. Ang tanging pagkakaiba lang ay maaraw ngayon, kaya nasisilayan ko ng mabuti ang lugar. Nakikita kong mabuti ang isang nakaitim na lalaki na ngayon ay nakatingin sa akin. Hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil sa hoodie na suot. Nang tingnan ko ang kaniyang kamay, wala naman siyang hawak na ano. But i felt eerie just by looking at the mysterious stranger. Nakaramdam ako ng kaba. Kahit na hindi naman siya gumagalaw o humahakbang. "Hey! Uh..."i spoke kahit na kinakabahan na din ako. I tried hard not to stutter because I'm afraid if he'd sense my fear, he would try to take a step towards me. Ayoko namang biglang tumakbo dahil baka habulin lang ako kung totoong masamang tao nga siya. "Are you a tourist?" Hindi siya sumagot. He was just standing there eerily. Binasa ko ang nanunuyong mga labi. "C-can i help you?...Perhaps?" I eyed the man. I didn't want to blink. Dahil baka sa isang kisap mata lang ay matatagpuan ko na siyang nasa harapan ko. I know something was off about him, i mean, sino bang balot na balot, nakaitim na jacket at jeans sa beach mismo? Come to think na ang init init! Kung may tao lang sa paligid, kanina pa ako sumigaw ng tulong. I'm too afraid. I silently wished na sana ay may mapadpad dito. Or if it's too much to ask, i wish kage to be here. Like the last time. Halos mahiwalay ang aking kaluluwa sa katawan nang may biglang tumapik sa aking balikat. Napatalon ako sa gulat. "What's the matter? Para ka namang nakakita ng multo niyan!" He chuckled. "Riggs!" Hiningal kong saad sabay Kapit sa kaniyang mga braso. "Anong nangyari sayo? Bakit namumutla ka? Kanina ka pa hinahanap ng mga kaibigan mo. Especially your guy friend? I saw kage dragging you from the resto kaya tinulungan ko na din siya sa paghahanap sayo" "Riggs! Umalis na tayo dito! Bilisan na natin!" "Bakit! Anong nangyayari? Zephyrine, kumalma ka. Hinihingal ka" Hinawakan niya ako sa balikat, blocking my view from the strange man. "You should calm down" "H-hindi! Hindi mo naiintindihan! M-may..yung lalaki riggs! Sa likod mo!" Kumunot ang noo niya. "Saan?" Lumingon siya. At sa kinatatayuan nung lalaki kanina, ay wala na siya doon. Na tila bigla na lang itong naglaho. "Ano bang pinagsasabi mo?" "U-umalis na tayo dito. P-please." Hagulgol ko. Concerned was now written on his eyes. There was still confusion pero tumango din naman siya. Naglalakad na kami paalis sa lugar na iyon pero hindi pa din ako mapakali. Kaya kahit nakabalik na kami sa restaurant na palagi naming tinatambayan ay lumilingon-lingon pa din ako. "Ano ba kasing nangyari sayo?" Abot ni van sa'kin ng tubig. Nakapasok na kami ng resto pero ang tingin ko ay nasa labas pa din. Nagpaalam naman muna si riggs sa akin. Hindi ko naman alam kung saan pupunta. "Zeph?" Maingat na Tapik ni sumner sa aking pisngi. "B-baka kasi sumunod" "Sino?" Nilingon ko ang mga kasama, kita sa kanilang mga mukha ang taka "Yong lalaki nga!" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses. "Hindi ka namin maintindihan zeph. Kumalma ka muna. Take a deep breath bago mo ikwento sa amin ang buong nangyari." Sabi ni tasmine sa malumanay na boses. "I was—i was running. And i stopped real quick to catch my breath. And i was about to leave when i saw a man wearing a black hoodie below the shade." I whispered. "You didn't see his face or anything?" Umiling ako. "Was he holding a gun? Or a sharp object maybe?" "Wala naman. But he was so scary standing there. Like he would attack me anytime. Kaya hindi ako umiwas ng tingin." "Why didn't you run then? Or asked for help?" "Van, believe me, I'm not a member of a track and field kaya baka naabutan niya lang ako kung saka-sakali." "Where is she?" Napaatas ako ng tingin nang marinig ang boses ni kage. "Over there" I don't know what came over me, but when i saw him nearing, i became emotional all of a sudden. At nang lumuhod siya sa harapan ko at sinapo ang aking pisngi ay tuluyan nang may nahulog na butil na luha sa aking pisngi. "K-kage" hagulogol ko. Nothing seems to change, from him, still him, i can find my comfort. Sa kaniya ko lang naipapahayag ang sama ng loob ko, ang takot ko. "Hush now. I'm here" he shushed. Wiping my tear using his thumb. He then turned to the person behind him over his shoulders. "Who was it riggs?" He asked in a serious tone. "I swear man, i don't know. Basta nakita ko na lang siyang nakatayo doon. Hindi siya gumagalaw at parang may tinititigan. At first i thought she was just spacing out. But then she started panicking and crying when she saw me." "Hindi mo nakita 'yong mukha nung lalaki?" "No, I didn't" "Are there no other people in that area?" "None" Kage let out a deep breath and diverted his attention to me. "Who was it? Sinaktan ka ba niya? Nakalapit ba siya sayo?" Inipit niya ang buhok na nakatabon sa aking mukha sa likod ng aking tenga. Tiningnan ko lang siya at tsaka umiling. "Excuse me kage ah? Pero sabi kasi niya nakasuot ng itim na hoodie 'yong lalaki. Ang pinagtataka ko lang, kung holdaper nga 'yon. Bakit hindi siya lumapit sa pinsan ko?" Ani ni sumner sa likod ko. "I-it was in the same spot. N-nung gabi na nagkita tayo?" "Where?" "Doon sa mapunong parte? N-nung lumabas ako nung madaling araw? "Lumabas ka ng madaling araw?" It was van who spoke. "I also saw a person that night, remember? W-what if it turns out that the guy that i saw that night and earlier was actually the same person?" Nanlaki ang mga mata ko. Natatakot akong bumaling kay kage. "Am i in trouble again? Like five years ago?" Pagkatapos ng pag-uusap namin 'yon ay agad din naman nila akong hinatid sa hotel room ko para magpahinga. Hinatid nb mga lalaki ang mga girls sa kanilang mga cabin pagkatapos ay binalikan yung lugar na sinasabi ko. Kage was the one who brought me here since van, i think, had been in trouble after kage reported to my dad. Which I didn't know na nag-uusap pa pala sila hanggang ngayon. I think van had received an earful from dad, he still does dahil nasa labas ito ngayon na katawagan pa rin ang ama. Kaya kami lang ni kage ngayon ang nasa elevator paakyat ngayon. Akala ko nga ay aalis na siya pagkatapos niya akong ihatid pero mukhang anytime ay wala pang balak. We stopped at the door. Binuksan ko iyon gamita ang card na hawak. I stepped inside at nagdadalawang isip pa ako sa sasabihin. "S-salamat sa paghatid kahit na hindi naman na kinakailangan." "Why?" Nag-isang linya ang kaniyang kilay. "Kasi sa tingin ko safe naman dito sa hotel e. I mean may mga guards naman sa labas" "Still, we still don't know who he is. As you've said, you didn't see his face. What if naka check in din siya dito diba? Or worse, he can be in the same floor with you" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Napalunok ako sabay luminga-linga. "I'm already scared as it is! Stop it!" Saway ko nang tumawa siya ng mahina. Ilang minuto ang tinagal ng tawa niya at bumalik din naman sa pagseseryoso. "Kidding aside zy, you should always be careful. Stop wandering around all alone and—" "Wait! What did you just called me?" Umawang ang labi ko sa tinawag niya sa'kin. I felt my heart melt because of the infamous endearment he once used for me. Natigilan naman siya at mukhang hindi namalayan na nasambit niya iyon. Umiwas siya agad ng tingin. Ilang minuto ulit kaming natahimik nang ilahad niya ang kamay niya. "Come here" he motioned his hands. Lumapit naman ako. Nagulat ako ng hawakan niya ako sa magkabilang pisngi sabay higit. I felt my heart thump loudly as he slowly planted a kiss on my forehead, it was so slow that i can feel the sincerity. "I miss you" wala sa sarili kong sambit. All i can feel here in this very moment is pure bliss. I wish we can just stay like this for the rest of our lives. I closed my eyes lightly when he planted another kiss on the tip of my nose. After that he looked at me in the eyes. Our face was only a few inch apart. "Don't scare me like that again" he said eyes still staring. "H-huh?" "I don't want to lose myself again. But I'm more afraid on losing you." "Kage" "Don't worry me like that again, that's the other rule"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD