#16

2857 Words
Chapter 16 Narinig ko ang paghawi ng kurtina, pagkatapos no'n ay tumama ang nakakabulag na sinag ng araw, sakto talaga sa aking mata, it made me groan as i felt the pang of pain in my head. "Get up zeph. It's already late" "Five minutes" i rolled on the other side of the bed at tinabon ang malaking unan sa aking ulo. Nakarinig ako ng yabag at ilang segundo pa ay may biglang humablot ng unan na iyon mula sa akin, naiinis na minulat ko ang mga mata. "Ano ba! Nakakainis ka naman e!" I yelled in annoyance. "It's way past lunch. Bumangon ka na sabi" Aniya na napagmulat sa akin. "Ano?" "Hapon na kaya bumangon ka na" naglakad na siya papuntang pintuan. "Hihintayin na lang kita sa resto. Bumangon ka na diyan. Wala pang laman ang tiyan mo simula kagabi" aniya at sinarado na ang pintuan. Kagabi? Kagabi... Oh shittttt! Kage and i..kage and i kissed!..we f*****g kissed kagabi! Napatili ako sa naiisip. I rolled on my bed and buried my face on the pillow. Fucking!—Oh my godd! He kissed me! He f*****g did! He initiated the kiss! Oh my god! It's been so long! I..i miss him. Kaagad akong bumangon at tumungo na sa cr para maligo. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Papansinin ko ba siya? Papansinin niya ba ako? Baka mapahiya na naman ako pag hindi. Papunta na ako ngayon sa resto. I was in the shore walking alone when i somewhat felt my stomach flip. Hindi ko alam kung ano ang rason basta bigla akong nasusuka. Mabilis akong tumakbo sa mga kakahuyan at doon sumuka sa tabi ng isang puno. Sumuka lang ako ng sumuka. May isang butil pa ng luha na kumawala sa aking mga mata. As i stared at my vomit, a flashback started to flash on my head making me shiver. "Zephy! Happy birthday! I got you a cake—zeph?" Rinig kong tawag ng kaibigan mula sa labas. Naririnig ko din ang walang tigil na pag ring ng phone na sa tingin ko ay ang ama ang tumatawag. Siguro mangangamusta o magbabati. Tumigil din naman iyon ilang segundo pa. Hindi ko magawang tawagin siya dahil sa nanghihina ako ngayon dahil sa walang tigil na pagsusuka. I was helplessly lying on the shivering tiled floor of the bathroom. Thinking about death. Thinking on how i ended up like this. Today's my birthday. And just like the birthdays for the last two years, i celebrated none. Paano pa ako makakapag celebrate na halos hindi na nga ako nakakalakad ng maayos na hindi nanginginig ang buong kalamnan. Besides, I couldn't celebrate it with someone else, it's always me and van. Nanghihinang Napatingin ako sa pintuan nang bigla iyong bumukas. I looked up only to see my friend holding a cake and a camera on the other. He was all smiles at first, before he saw my state. Nabura ang ngiti sa kaniyang mga labi. Nagmamadali niyang nilapag ang mga iyon at lumuhod para mapantayan ang mukha ko. "I'm okay" i assured before he could even say anything. I closed my eyes habang siya ay nilibot ang tingin sa sahig where i left a handful of mess. "Hey!" Napatingin ako sa biglang tumapik sa balikat ko. She looked at me then on the ground na kung saan ay sumuka ako. "Are you okay?" I looked at her weirdly and astonishingly. Why did this girl decided to talk to me? I mean, hindi naman sa pagmamaldita pero, sa pagkakaalam ko ay hindi naman siya masyadong namamansin e. I thought she has a world of her own? "Clover right?" Tumango siya. "Okay ka lang? Do you need help?" I blinked twice and heaved a deep sigh. Nakakapanibago. Sa ilang araw na magkasama kami, gustuhin ko man siyang kausapin, pero mostly kasi kung hindi tahimik lang ay nakatulala siya. Kaya hindi na lang ako nag-abala. She's still grieving, i know. "No, I'm okay. Thank you. Anong..anong ginagawa mo dito? Mag-isa ka lang?" "Napadaan lang ako. Pupunta ka rin sa resto?" Tumango ako. "Okay. Sabay na lang tayo. Doon din punta ko e" napatingin ako sa braso niya nang hawakan niya ako doon na tila inaalalayan. I looked at her face and she just smiled slightly at me. "If you don't mind. Namumutla ka e. Baka bigla kang matumba or what" Tumango lang ako ulit. "T-thank you" At sabay na nga kaming naglakad. On the whole walk, we were just both silent. Nao-awkwardan talaga ako. Nang makarating sa restaurant, nakita kong kaming dalawa na lang ang kulang. The girls again, sat separated from the boys. Si van lang talaga ang nakaupo kasama nila sumner. "There you are. Saan ka ba galing?" Liya then heaved a sigh. "Sa cabin" Simpleng sagot ng katabi. "Ikaw zephyrine. Bakit ang tagal mo?" Sita ni van. "Zephy, bakit parang namumutla ka?" Pansin ng pinsan. "Huh? Uh..." nag-isip ako ng rason, hindi ko naman pwedeng sabihin na nagsuka ako, baka pagalitan na naman ako ng doktor kong kaibiga— "I bumped into her. And she was vomiting" napapikit ako dahil sa sinabi ni clover. "Huh? Nagsuka ka? Bakit?" Cali asked. "Masama ba pakiramdam mo? Teka..buntis ka ba?" Panlalaki ng mata ng pinsan. Bakit? Nakakabuntis ba ang paglamas ng dibdib? "H-hindi! Bakit naman ako mabubuntis?" "Ayan! Inom pa nga" vasilius rolled his eyes. Inirapan ko siya, "umupo ka na dito. Nakapag order na ako para sayo. Kumain ka na dahil walang ibang dahilan kung bakit ka nagsuka kundi ang pag-inom mo kagabi na walang laman ang tiyan" sermon niya. "Hindi na nga mauulit." "Talaga lang! Bawal ka naman talagang uminom e! Pinagbigyan lang kita kagabi!" Aniya at may inalabas na gamot sa kaniyang maliit na pouch na palagi niyang dala-dala. "Tse!" I spat and turned to my food. Agad din akong napasimangot. "Ano 'to?" "Pumpkin soup and broccoli pasta. Eat it. It's your lunch" simpleng sabi niya as he asked the waiter for some water for my daily medicine. "And you call this lunch?" I commented disgustingly. Bumaling siya sa'kin at sinamaan ako ng tingin. "Eat.it.zephyrine.linett." mariin niyang sabi kaya wala na akong nagawa kundi pumikit na lang taga subo. Baka pati dumi ko mamaya ay healthy na din. "This is the reason why kung bakit hindi ikaw ang pinapapili ko sa mga pagkain ko." "Deal with it. 'Yan ang nirecommenda ng physician mo at ako" Wala akong nagawa kundi sumimangot na lang habang kumakain. Hindi naman masama ang lasa. Ayoko lang talaga dahil mukhang super healthy talaga. Five years na nasa ospital ako, puro healthy foods ang pinapakain sa'kin. Tapos ngayon na nakalabas na ako, puro healthy pa din? What a shitty life! Napatingin ako sa tabi ng aking plato nang may naglapag ng nakakatakam na pagkain doon. Sa unang tingin pa lang ay labag na iyon sa sinasabing 'healthy food' ni van. Nagtatakang tinaas ko ang tingin para makita ang taong nagbigay no'n. "Bakit mo siya binibigyan ng ganiyan?" Rinig kong takang tanong ng kaibigan sa aking gilid. "She should eat what she wants to eat" sagot ni kage. "Why are you stopping her?" "You don't get it. Bawal nga sa kaniya ang mga fatty foods" naiiritang sabi namn ng kaibigan. "And she obviously doesn't want what you're giving her" Kumunot ang noo ng kaibigan. "I just want what's best for her. And what you're giving her is definitely out of her diet plan" "She seems healthy to me already" nailang ako nang pinasadahan ni kage ng tingin ang katawan ko mula ulo hanggang paa."so what's the purpose of it?" "I'm her doctor. I decide what she eats" mariing sabi ni van. Na tila sagad na sagad na kay kage na kalma pa din ang mukha. "My friend tavis there, he's a doctor too. And i think, we are all surrounded by these ladies here that are also in the same medical field. I need a second opinion" binaling niya ang tingin sa mga babaeng kasama namin. Naalala ko na ang pinsan ay nakapag graduate nga pala ng nursing. Baka ang mga kaibigan niya ay gano'n din. "Ladies? What do you think? Isn't he just you know..overreacting?" Nakuha ng attensyon ko ang pinsan na tinaas ang hintuturo na tila may sasabihin sana pero hindi na tinuloy. Kaya si yassy na lang nagsalita pagkatapos tumikhim. "K-kasi kage? Uhm...I think i agree with uhm..van? Kasi alam naming uh.." tumingin saglit ang kaibigan sa akin at umiling naman ako. "Kasi bawal talaga sa kaibigan namin." Nahihirapan pa siyang mag explain. "Oo. Kahit nga ang pag-inom ng alak bawal din e." Sabat naman ni tasmin. Kumunot ang noo ni kage. Siguro nagtataka na bakit halos lahat ay bawal sa akin. "Why? Why is that? Is she sick?" Taka niya. "Ah! Ano kage..ano. Bawal lang talaga dahil ano..may sinusunod ako na diet plan. 'Yon lang talaga." Sabat ko. Natatakot na baka may masabi sila. "Sorry" ngiwi ko. "So you won't eat this?" "Hindi ano! Kaka—kakainin ko. Kakainin ko" bawi ko. "Zephyrine" mariing sabi ni van. Nang lungunin ko siya ay masama na ang tingin niya sa akin. "Subukan mo lang" "Ngayon lang. please? Please van?" Pakiusap ko sa kaniya. Umiling siya at natahimik kaming lahat nang tumayo siya at walang sabing umalis. Mariing kong pinikit ang mga mata at malakas na bumuntong hininga. Nilingon ko si kage habang nakangiwi. "P-pasensya ka na huh? Ano..susundan ko muna siya. Babalik lang ako" ani ko at mabilis na tumayo para sundan ang kaibigang nagalit pa ata. Sinundan ko ang nilikuan niya kanina. It turns out nasa banyo lang pala siya. Mabuti naman. Hinintay ko siya at tsaka hinarangan nang makalabas na. Tinaasan niya ako ng kilay. "What are you doing here?" "Sorry" i said poutingly. "That won't work on me" matigas niyang sabi. "Uyy! Sorry na" i poked his arm "sorry na. Ngayon lang naman e. Promise simula bukas, susundin na talaga kita. Hindi na ako magri reklamo." "Totoo ba yan?" Taas kilay niya. I raised my hand for a swear. "Promise. Ngayon lang naman 'to e. Cheat day ba" "Hoy zephyrine! Sumusobra ka na huh! 1 week ka ng cheatday! Pinagbigyan na nga kita sa pag-iinom mo kagabi e!" Napatawa ako. Pansin niya pala 'yon? "E sa hindi ko kasi pwedeng hindian si kage e. Alam mo namang nagpapalakas ako doon e." "Kage ka ng kage! Ano bang pinakain sa'yo ng lalaking 'yon at hindi mo kayang sukuan?!" "T*te!" Natatawa kong sabi. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko kaya nabatukan pa ako. Sa huli ay nagtawanan na lang kami. "Ano bang nangyari? Bakit kinausap ka niya ngayon? May nangyari ba kagabi na hindi namin alam?" Pang-uusisa ni sumner nang makabalik na kami sa table. "W-wala Naman" iwas ko ng tingin at kumain na lang "Hmm..e bakit ka niya binigyan niyan?" Nguso niya sa kinakain ko. I just looked sideways, kunwari hindi ko siya narinig. "May pinakain nga daw sa kaniya" tatawa-tawang sabi ni van. "Ano naman?" Kunot noo ng pinsan. "T*te nga daw" pagkasabi no'n ay may narinig ako nabilaukan. May narinig din akong tumawa ng malakas at pagsinghap. "A-ano 'yon?" Nabiglang tanong ni tas. "T*te" Nagugulat kong naihampas ang katabi sa braso. "Van! Ano ba!" Napipikon kong saway nang makitang halos lahat ay tumatawa na din. Inulit pa talaga! "Ano! 'Yon ang sabi mo diba?" Tawa niya. "Oh" was all my cousin can say at tila nahihiyang yumuko. Kita mo na! Pati pinsan ko nao awkwardan din! Gagong 'to! "Hoy maliya! Kanina ka la diyan sa phone mo. Kumain ka kaya muna ano?" Sita ni cali sa kaniyang kaibigan. Nginitian lang siya nito at bumalik pa rin sa pagtitipa sa kaniyang cellphone. "Ano bang ginagawa mo diyan?" Sinubukang tingnan ni sumner ang kaniyang phone pero nilayo niya iyon. "Hmm? Ah wala." "Anong wala? Patingin nga ako" wala ng nagawa yung isa nang iharap na ng pinsan ang phone sa kaniya. "Dating app?" "Nagde dating app ka? Bakit? Wala na ba kayo ng boyfriend mong bugok?" Liya just shrugged her shoulders at hindi na pinansin ang mga kaibigan. "Etong si zeph. Bakit hindi mo gawan 'to ng account" nabigla ako ng tinuro ako ni van. "Huh?" Agaran kong sabi. "Oo nga no?" My cousin agreed. "Sign her up liya. Para naman makahanap na 'to ng bagong pagkakaabalahan" "No, thank you" agaran kong iling. Ilang segundo pa ay may nag ring na telepono sa aking gilid. It was van's. He excused himself for a moment saying that it was his dad. Ako naman ay nililibot ang tingin dahil sa aming lahat ay ako ang tapos nang kumain. Ilang minuto pang pagtingin-tingin lang sa labas ng glass walls ay may namataan akong lalaking papasok ng restaurant na kung saan kami naroon. He has a light skin, na talagang nagbabagay sa suot niyang Hawaiian shirt at khaki short. He also has lean body which is to die for! Pero kung pagkukumparahin sila ni kage. Mas lamang si kage ng konti. Konti lang naman. But all in all. He is damn gorgeous! Like a f*****g calvin Klein model! Kung titingnan mula sa kaniyang gawi, it would look like my eyes were all glimmering. Like literally! I'm drooling! Siniko ko ang pinsan sa tabi para kuhanin ang attensyon. Kinunuotan niya ako ng noo. Nginuso ko sa kaniya yung lalaki. "Look at that stud" "Holy...my goodness! Is it sinday?" halos lumuwa din ang kaniyang mga mata ng natanaw niya ang lalaki. Hindi tumagal ay kinuha niya din ang attensyon ng mga kaibigan namin and we all shared the glory that God himself bestowed upon us. "Suddenly, i'm single." Hindi ko alam kung sino ang nagsabi no'n at wala na akong balak na lingunin. I was busy staring at the greek God. We were literally feasting our eyes. Kung saan siya tumutungo ay nakasunod din ang ulo namin. Kaya halos mawalan na kaming lahat ng hininga nang lumapit siya sa banda namin para siguro dumaan. "Hi!" lakas loob na sabi ng kung sino. Nang lingunin ko, si liya iyon. Nagtataka man ay lumingon pa din ang lalaki, nang makitang galing iyon sa grupo namin ay ngumiti siya. Revealing his perfectly pearl white teeth. I waved my hand flirtingly naman nang dumapo ang tingin niya sa'kin. "Hello?" He smiled cheek to cheek at liya. "I'm liya." Nilahad niya ang kamay niya. "Hello liya." "But do you know that i also have a second name?" "No, I don't. What is it?" He was still smiling. He seems friendly. Akala ko kasi suplado dahil may itsura. "Baby. I can also be called baby. Pero if you want, you can call me both" hagikhik nito. The guy let out a deep laugh out of humor. "Okay, sure. Liya..baby?" He chuckled making liya shriek aloud. "Ano ka ba maliya! Mahiya ka nga! Ang luma na niyang banat mo eh!" Cali shrugged her off. Siya naman ang naglahad ng kamay. "I'm—i'm single" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "No! 'Wag kang maniwala diyan. Kung titingnang mabuti, malalaman mong scam 'yan." Sumner cut off. "Actually, ikakasal na nga yan e." "Oh! Congratulations then" the guy greeted. It was sumner's turn to introduce herself. "I'm sumner, but i can be yours." Bilib nga naman ako sa kalandian ng pinsan ko. Talagang it runs in the family talaga. What sumner said made him laugh loudly again. "Girls, i—" "Ako, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." May inabot si tas dito na tila alam ko na kung ano. Ang pinagtaka ko lang ay kung kailan niya iyon sinulat? It was a tissue with her number on it. "You can hit me up anytime, yeah?" She said in her most flirty voice. Napatawa ako nang tinulak ni yassy ang kaniyang kapatid sa mukha. "You know what?" Aniya "What?" Sabat ng lalaki. "You can be sooooo hot that you could hold me for ransom" pa cute niya. "Ooohhhhh!!" We all synced. Okay i admit it, that was on point. Pero papahuli ba ako? Natawa ako na ang lalaki na mismo ang bumaling sa akin. Na tila hinihintay ang sasabihin ko. "How about you pretty lady?" He grinned. "To be honest, sa lahat, ako lang talaga ang single. Kaya 'wag kang magpapaloko sa mga mukha nila. Mga scam 'yan. Lalo na 'to" turo ko sa pinsan na siyang sumimangot. "Anyways..oh! Is that the latest model of iphone?" Kunwaring amazed ko sa kaniyang phone na sa katunayan ay magkaparehas lang din naman kami. "Uh..yeah. I guess so. Why?" "Can i take a look?" I smiled widely, still looking at his phone. "Sure" agad niya namang iyong binigay. Nangingiting inabot ko iyon. I swiped left at dinial yung number ko sa supposed emergency dial. Pagkatapos no'n ay ngumingising hinarap ko iyon sa kaniya. "You can call me anytime" ani ko. Natatawang umiling naman siya. I can tell na ang lalaking 'to ay sanay na talaga na may mga lumalandi sa kaniya. Iaabot ko na sana sa kaniya ang kaniyang phone na may lamang number ko nang may biglang humablot noon. Sinundan ko iyon ng tingin at halos mapalunlk ako nang makitang si kage iyon. And All of my friend's boyfriends are behind him, Intensely Glaring at the poor guy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD