Chapter 13
"Tas? Yassy?" Tawag ko sa mga kaibigan na ngayon ay nakababa na sa bangka pero mukhang hindi ako napansin.
Sabay silang tumingin sa akin at nakita ko kung paano sila natigilan at nanlaki ang kanilang mga mata.
"What are you guys doing here?" Taas kilay ko at humalukipkip.
Wala sa kanila ang nakapagsalita kaagad. Tas opened her mouth to speak but ended up closing them again. Na parang nahihirapan siyang mag explain kung kaya't binaba niya na lang ang tingin niya.
"Babe! Wait up!"
"Hon. Who are you talking to? Ang init dito sa labas. Bakit hindi pa kayo pumapasok sa loob?"
Napabaling ang tingin ko sa mga lalaking nagsalita sa likod. I moved sideways para tuluyan ko silang makita at ganon na lamang ang gulat ko nang matanto kung sino ang mga iyon.
"Chase? S-santos?" Hindi makapaniwala kong saad. "What the f**k!?" Bahagyang tumaas ang boses ko at pinandilatan ang magkapatid na umiiwas pa din ng tingin.
Sabay na natigilan ang dalawang binata.
"Uhh.."
"Z-zeph! Long time no see. You look good!" Energetic na sabi ni chase pero umiwas pa din naman ng tingin.
"You assholes! I thought we were safe!" Singhal ni tas sa dalawang lalaki.
"Safe from who? From me?" Taas ko ng kilay. "You two. Come with me" ani ko sa magkapatid at tumalikod na.
"Where are we going?" Rinig ko pang tanong ni chase. I heard someone shushed him.
"Pwedeng sumama ka na lang?" Maldita kong sabi.
"Sundin mo na lang pre" rinig kong bumulong.
Magkasalubong ang dalawang kilay na pumasok ako sa resto. Ramdam ko naman ang pagsunod ng apat. Nakita kong nagtatayuan na sila sumner at mukhang lalabas na nang makita ako.
"Akala ko ba sa labas mo na kami hihintayin?" Ani ni van. Hindi ko siya pinansin at umupo sa kabilang mesa. Gumuhit naman ang taka sa kaniyang mukha. Lalo na nang makita kung sino ang mga nakasunod.
"Dude! What the f**k? Nandito ka din?" Dinig kong sabi ni chase at tumungo doon sa table nila kage kasama si santos.
"Iba din! Sinundan mo pa talaga hanggang dito ano?" Ani ni santos.
Hindi ko na sila binigyan ng pansin at tinaasan na lamang ng kilay ang dalawang kaibigan na nakatungo pa din habang nakatayo sa harapan ko. Halatang mga guilty.
"Girls, Chill. Hindi ko kayo kakainin. Tatanungin ko lang kayo dahil sobrang lito ko na ngayon" ani ko.
They awkwardly sat on the chairs in front of me. Tumikhim ako.
"Kailan niyo balak sabihin sa'kin?"
"Z-zeph...sorry" bulong ni yassy.
"Sasabihin naman talaga namin e. Kaya lang hindi namin alam kung paano. Natatakot kami na baka magalit ka"
"Kailan pa 'to?"
"Sa'min ni Riggs. Ilang buwan pa lang. ilang linggo bago ka dumating" bulong pa don ni yassy.
"Riggs?" Taka ko. Riggs pala pangalan ni Santos? Ilang buwan ko din siya nakasama noon pero hindi ko man lang inalam ang pangalan niya o ng ibang body guards ko.
"Oo"
"He was my bodyguard. I did not know that you liked him before"
"Hindi ko naman siya gusto noon e. Mapilit lang talaga siya" bulong niya.
"Unbelievable" i threw my head back.
"Zeph" tawag ni tas.
"Isa ka pa! Akala ko ba hindi kayo nagkakasundo ng chase na 'yon! Akala ko ba asshole? 'Yon yung sabi mo noon diba?"
"Iiihhhh! Kasi naman e!" Nguso niya na parang bata.
"Ewan ko na lang talaga sa inyong magkapatid."
"Galit ka ba zeph?"
"Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit? Dahil lang sa boyfriend niyo yung ex bodyguard at kaibigan ng ex-fiancé ko? I'm not mad. Hindi lang ako makapaniwala."
"Sorry"
"Sorry naman"
"Oo na lang. Basta sa susunod 'wag na kayong magtago ng sikreto sa'kin huh? Nakakatampo kaya"
Magiliw silang nagtanguan.
"Oh by the way. May sasabihin ako" ani ni yassy.
"Ano? Buntis ka?"
"What? No!" Panlalaki ng mata niya. Halatang nagulat sa sinabi ko.
Tumawa ako ng malakas.
"So ano nga?"
"Basta sa'tin-sa'tin lang 'to huh? Baka pagalitan ako ni riggs na sinabi ko sa'yo"
"Ano nga?"
"Si riggs. Hindi mo siya totoong body guard"
Kumunot ang noo ko.
"Ano? Kapatid ko siya?" Biro ko.
"Gaga hindi! Umayos ka nga!" React ni tas sa gilid.
"Ugh! Bodyguard mo siya. Pero ang totoo niyan. Magkaibigan sila ni kage."
"What? Totoo ba 'yan?"
"Oo naman, siya mismo nagsabi sa'kin e. Tsaka nakikita ko sila palagi na magkasama pagkatapos mong umalis. Nung tinatayo pa lang ang kompanya ni kage"
"So what does that mean?"
"Let's put it this way, okay? He is not the santos you knew. Your kage just asked him a favor na magkunwaring body guard mo. And he is one of kage's investors. Kaya palagi siyang nandoon sa building at nakakasalubong mo"
"Okay, this is one confusing revelation. Bakit naman siya nagkunwaring bodyguard ko? Well in fact, katulad nga ng sinabi mo na isa siya sa investors at matalik na kaibigan ni kage. He must be super rich. So what's the point?"
"He said it's both for training and fun" yassy shrugged.
Training? That doesn't make sense at all. And I'm not in the mood to connect the puzzles together so i just dropped it.
"So the four of you here are all for vacation i assume?"
"Yep! We wanted to take a break from work"
"At pumunta din sana sa lugar na wala ka dahil hindi kami mapakali sa tuwing lumalabas kami sa manila. Natatakot na baka makasalubong ka sa mga malls."
"s**t happens. What can i say? Walang sikreto na hindi nabubunyag diba?" Iling ko.
"Hindi naman kasi namin alam na magbabakasyon ka din e. Akala namin nasa bahay ka lang ninyo o di kaya kinukulit na naman ang nagsusungit mong bebe" tawa ni tas. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Kakain kayo?" Lingon ko sa mga lalaki sa kabilang table.
"Hindi. Magche-check in muna kami. Bakit mo naitanong?"
Tumayo na ako.
"Lalabas na kasi kami. Baka kai gusto niyong sumama. But since magchecheck in kayo."
"Susunod na lang kami" ani ni tas.
Tumango lang ako. Tumayo na din sila at tumungo na doon sa table kung saan ay nagkakamustahan ang mga lalaki na tila ilang taon silang hindi nagkita lahat. Hindi alam ng mga kaibigan ko na sumunod ako sa likod nila.
Inaya na nila ang mga boyfriends nila na pumunta sa hotel. May sasabihin pa sana si yassy nang higitin ko na ang dalawang lalaki palayo sa table na 'yon.
"Zeph, teka—saan mo sila dadalhin?"
Tumigil kami sa table ilang metro ang layo na kung saan sila kage.
"Totoo bang girlfriend niyo yung mga kaibigan ko?" Ani ko sa malamig na boses habang nakahalukipkip. I wanted to intimidate them but don't seem fazed.
Nakagkatinginan ang dalawang lalaki bago sabay na tumango.
"Yes, why?"
"And you wanted them to keep it a secret from me? Why?"
Chase grinned.
"No, you got it all wrong sweethear—" napatigil siya sa sasabihin niya nang bigla ko siyang suntukin ng malakas sa tiyan. Bahagyang sumakit ang kamao ko doon pero hindi ko pinahalata.
He grunted and shock was evident in his pretty face. "What the hell lady!" Aniya habang sapo-sapo pa din ang tiyan.
"Umayos ka dahil kung magloko-loko ka o kung lolokohin mo 'yung kaibigan ko, malalagot ka sa'kin, naiintindihan mo?" Duro ko.
"Look zeph, it's not like we were the ones who decided to keep it a secret from you. It was actually their idea. They were afraid that you were gonna get mad. Atsaka, kakarating mo lang din at hindi sila makahanap ng panahon na sabihin sa'yo dahil busy ka din naman sa pangkukulit kay kage" sabat naman ni riggs.
"Isa ka pa! Halos araw-araw ata tayong nagkikita sa building ah? Bakit hindi na lang ikaw ang nagsabi? O di kaya, bakit hindi mo pinaalam sa akin na magkaibigan pala kayo niyang si kage, at hindi pala kita totoong bodyguard!?"
"How did you know that?" Kunot noo niya pagkatapos ay Saglit siyang natigilan at bumuntong hininga "Kasi naman—"
"Ah basta! Ewan! Basta ang sinabi ko ah? Kasama ka na do'n!" Pinandilatan ko na rin si riggs. "Wag niyong sasaktan ang mga kaibigan ko dahil kita niyo 'to?" Dampot ko sa bread knife na nasa lamesa at tinutok iyon malapit sa kanilang mga pantalon. "Ako mismo ang puputol sa mga 'yan, nagkakainitindihan ba tayo?"
Maybe the firmness on my voice was enough to faze them now dahil wala sa sariling nagtanguan sila sabay lunok. Tumango ako at Padabog na binalik na sa lamesa ang kutsilyo. Tumalikod na din para bumalik at magbeso sa mga kaibigan.
"I'll see you girls later." Ngiti ko at umalis na doon.
"Bro, babae ba 'yon? Ang sakit manuntok!"
"Hon? Kita mo 'yon? Nanunutok ng kutsilyo e! Mas natatakot pa ata ako sakaniya kesa sa'yo." Narinig ko pang sumbong nila chase.
"Oh this one is nice too!" I exclaimed holding the other accessory. Nandito kasi kami ngayon sa souvenir shop para mamili ng kung ano-ano. Kakatapos lang din namin maligo nila sumner sa dagat at nakasalubong ko sila yassy nang papalabas na kami kaya inaya ko na din sila dito.
"Eto din ang cute" i pertained to the anklet. "This one too! What do you think van? Pwede nating ilagay 'to sa condo" tanong ko sa kaibigan na namimili din.
Bumaling siya sa'kin. "Pwede din" aniya pagkatapos makita ang medyo kalakihan na jar na may pangalan ng resort.
"Tama ba ang pagkakarinig ko? You live in van's condo?" Biglang sulpot ni yassy.
"Oo. Last week lang din naman"
"Ahh. Does tito know?"
"Of course. Ang bait ko kayang anak" tawa ko pero napatigil din kaagad nang may magsalita sa gilid.
"Excuse me, but can i get my girlfriend now? We need some you know..alone time?" Ani ni chase.
I glared at him.
"Mukha ba kaming tapos na? Kita mong namimili pa doon oh!" Irap ko at hindi na siya pinansin.
"Sabi ko nga" buntong hininga niya at bumalik na doon sa gilid kasama ang iba pa. Sila kage, ang groom na si daxton, dahil nandito din sila sumner at ang bride niyang si cali. Tsaka si riggs ang at ang iba pa nilang mga kaibigan na hindi ko alam ang pangalan.
"Okay na siguro 'to" ani ko kay van pagkatapos ng ilang minuto pang pagpili.
Kumunot ang noo niyang tumingin sa akin at tsaka sa basket kong dala.
"Oh Tapos? Edi bayaran mo na doon"
"Uhh.. 'yon na nga e. Wala akong dalang cash. And It looks like they don't accept credit cards..as payments?" Ngiti ko ng matamis. Lightly scratching the back of my head.
Tumaas ang kilay niya.
"Deretsuhin mo na lang kaya ako zephyrine?"
"Hulaan mo na lang" hagikhik ko.
He groaned and threw his head back. "Mangungutang ka?"
I flicked a finger and clapped my hands as if i was amazed. "Grabe! Ang galing mo talagang manghula bestfriend! Alam mo? Pwede ka maging psychic sa Quiapo!" Pambobola ko.
"Mind you na may utang ka pa sa'kin zephyrine linett" salubong ng kilay niya pero nilabas pa din naman ang wallet. Mabilis ko namang tinanggap. Mahirap na, baka bawiin.
"Yieee! Love you na talaga!" Tawa ko at mabilis na tumungo na sa cashier.
Nagbabayad na ako ngayon pero ang mata ko ay hindi pa din tumitigil sa pagtitingin sa mga paninda doon. Binilin ko muna ang mga pinamili ko sa counter and just found myself reaching for this one particular cropped top shirt from the top shelf.
Gusto kong bilhin dahil naaalala kong paubos na din ang mga dinala kong damit. I tried reaching for it but I can't. Luminga-linga ako, trying to find some assistance pero natanto kong busy ang lahat ng tindera doon dahil medyo madami din ang mga pinamili ng mga kasama ko.
I tried reaching for the shirt again, jumping, at kamuntikan pang mahulog ang buong plastic na mannequin sa akin, mabuti na lang ang may pumigil noon. When i looked at that person. Bigla akong nailang nang matantong si kage iyon. Magkaharap ang mukha namin ngayon, ilang pulgada lang ang layo lalo na't tinitingala ko siya.
"Is this what you want?"
"Y-yes please" tulala ko sa mukha niya.
"You know, you should've just asked. Tutulungan naman kita e"
"I'm sorry. Hindi kita napansin" bulong ko. Alam ko naman na nandoon ka lang sa gilid e. I just don't have the guts to ask you at the moment.
"Here"
"T-thank you" sabi ko nang ibigay niya na sa akin ang shirt. "Babayaran ko na 'to" paalam ko at tatalikod na sana.
"How much is it?" Biglang tanong niya kaya napalingon ako.
"Huh?"
"Ang mga pinamili mo. Magkano lahat?" He said cooly.
"B-bakit mo naman naitanong?"
He shrugged then swiftly shove his hand inside his pocket at inilabas doon ang kaniyang wallet. Nagulat ako nang iabot niya iyon sa akin.
"Here"
"Ano 'yan? I mean, a-anong gagawin ko diyan?" My eyes were glued at his wallet. I have a slight hint kung anong pinaparating niya.
"Take it. Ako na magbabayad sa mga pinamili mo"
"What? Oh! No..no! No need. Ako na bahala doon. May pera naman ako dito e" gulantang ko. I wasn't expecting his gesture at all. Lalo na't alam kong galit siya sa'kin.
"You mean your boyfriend's money?" Nakita ko siyang masama ang tingin sa wallet ni van na nasa kamay ko.
"Wala akong dalang cash e" ani ko sa nahihiyang boses.
"Exactly. So use my money instead. I'm not comfortable of you using his money"
Wait! What does that mean?
"Mas hindi naman ako komportable na pera mo yung gamitin ko." Mahinang bulong ko sa sarili.
"Ano 'yon?"
"Wala. Ang sabi ko, Ilang beses ko nang sabihin sa'yo. He is not my boyfriend—"
"Well then, More reasons for you to use my money instead." Aniya at may inilabas doon sa kaniyang wallet. Nabigla ako nang hawakan niya ako sa pulsuhan at inilagay sa aking palad ang isang manipis na bagay.
"Use his money for know, pay him with this afterwards." Aniya at tumalikod na and i was left shock.
Binaba ko ang aking tingin doon sa bagay na pilit niyang inabot sa akin at gano'n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita kung ano iyon.
A card. A damn black card!!