Chapter 14
"Ano? Bachelorette party? E tapos na ang bachelorette party mo diba?" Kumunot ang noo ko.
"Ah—Oo nga pero hindi naman masyadong maganda ang kinalabasan e. Kaya uulitin natin ulit"
Mas lalong kumunot ang noo ko. Pero nang maalala, oo nga pala, hindi siya isang normal na bride. Hindi na talaga dapat ako magugulat na dalawa ang magiging bachelorette party niya.
"Teka nga...kailan nga ulit ang kasal mo?" Nagtataka talaga ako na four days na kami dito, hindi ko pa alam kung kailan ang date ng kasal niya. Basta ang alam ko this week iyon.
"Next week." Magiliw na sagot niya.
Or so i thought...
"Next week? E bakit maaga mo kaming pinapunta dito? Kaya naman pala wala pa akong nakikita na may ini-entertain ka na guest" ani ni van.
"I just want all of us to bond. That's all" she shrugged. "Okay, so about sa bachelorette. In this very resort, hindi kalayuan, may bar—"
"Pass ako." Napabaling kaming lahat kay sumner ng bigla siyang magsalita.
"Bakit?" Taka ni cali.
"Bar? Bawal ako."
"Ano ka? Seventeen?" Taas kilay ni cali. "Wag kang mag-alala. Kakausapin ko si kuya kung 'yan ang inaalala mo"
"Teka! Wala naman akong sinabing ang kuya mo 'yung nagbaba—"
Hindi na siya pinansin ni cali at bumalik na sa pagsasalita.
"Basta mamaya huh? Pangako, hindi na mauulit ang nangyari nung last time. Tsaka zeph?" Baling niya sa'kin. "Pwede mong isama ang dalawang kaibigan mo. Mas marami, mas masaya" ngiti niya. Tinanguan ko naman siya.
"So it's settled then!" She clasped her hands loudly. "Tsaka, wag kayong mag-alala. All the guys are coming with us"
"Ano?" Agad kong tanong.
"Anong ibig mong sabihin na sasama?" Gulantang naman ni sumner.
"Sasamahan nila tayo. Do you think papayagan ako ulit ni daxton kung hindi siya kasama?" Tanong niya pabalik. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. But one thing's sure. Dapat hindi ako magkalat mamaya...
Kinagabihan ay bihis na kaming lahat. Usapan namin na sa lobby na kami ng hotel magkikita-kita lahat kaya eto na kami ngayon ni van, sumasakay na ng elevator pababa ng lobby ng hotel.
Tinapik ko si van sa kamay. Napatingin siya sa'kin. Pumwesto ako sa harap niya at nilingon siya mula balikat.
"Pwede mong ayusin ang bra ko sa likod? Medyo masakit kasi" ngiwi ko.
Tumango naman siya, ako naman ay nililingon pa din siya, sinisigurado kung tama ang ginagawa niyang pag-aayos.
"Should i lift it up slightly?"
"Yes please"
"Bakit kasi napakahigpit naman nitong sinuot mo na bra. Alam mo bang magko cause 'to ng breast cancer?"
"Sa tingin mo ba natatakot pa ko diyan sa lintek na cancer na 'yan?" Irap ko. "Tsaka 'yan lang ang dinala kong strapless e. Kaya no choice kahit na mahigpit"
"Oh ayan! Okay na ba?"
"Hindi. Pakitaasan pa ng bahagya" ani ko at inalalayan pa ang kamay niya. "Diyan"
Ginawa niya naman. Inaayos niya pa lang din ay biglang bumukas na ang pintuan ng elevator kaya bigla akong napaayos ng tayo. Lalo na't namataan ko na lahat na naghihintay sa amin. Kami na lang ata 'yung kulang.
Bahagya kong Tinapik ang kamay ni van lalo na't patuloy pa din siya sa pag-aayos sa likod ko. Mukhang wala namang nakakakita. Baka ano kasing iisipin nila.
"Finally!" Ani ni cali.
"Bakit ba ang tagal niyo?" Kunot noo ni sumner.
"Ang tagal kasing magbihis nito" turo ni van sa akin.
"Magkasama kayo sa iisang kwarto?" Tanong ng groom ni cali.
"Oo. Bakit?" Sagot ko.
"Brooooo!!!!" Mahabang sabi nung lalaki na na hanggang ngayon ay hindi ko pa din matandaan ang pangalan "my mannnn! Van! Ang lakas na'tin ah! Ano?" Tango-tango nito na may nakakalokong ngisi na tila naghihintay ng tugon mula kay van.
"Unggoy ka, umayos ka nga!" Napatawa ako nang bigla na lang batukan ng pinsan ko 'yung lalaki. Mukhang papatulan pa sana si sumner pero bigla din namang hindi natuloy.
"Teka lang. Asan si kage?" Pansin ko. Wala kasi siya.
"Huh? Ah-eh. Nandito lang 'yon kanina e. Baka nabagot na 'yon sa kakahintay sa'tin? Labas na nga tayo" sabi ni chase at nauna na sa paglalakad kasama si tasmine.
"Eto na yung sasakyan natin" pa alam ni cali.
"A van?" Tanong ni liya.
"Oo bakit?"
"Kasya ba tayo diyan?" Riggs said in an unsure tone.
"Oo nga. Ang dami natin oh" linga ni van na nasa tabi ko.
I agreed silently.
"Well..I didn't thought of that" kamot ni cali sa leeg tsaka biglang hinampas ng marahan ang fiancé niya na mukhang nagulat din. "Ikaw kasi e! Sabi nang hindi tayo kasya diyan e"
Hindi nagsalita ang lalaki at tila nag-iisip din. Ako naman ay luminga-linga pa din. Hinahanap ang presenya ng isang lalaki na akala ko ay nauna na dito sa labas.
"Paano na ngayon 'yan? Malayo ba dito yung bar na sinasabi niyo?" Tanong nung lalaki na nakapangalang ken ata?
"Zephyrine will go with me" ani ng isang boses. Napatingin kaming lahat sa bagong dating lang na si kage na hindi ko alam kung saan pumunta. Bigla lang kasing sumulpot. "I brought my car with me." Aniya na hindi pa din inaalis ang tingin sa akin kaya ako na ang umiwas.
"Bro! Saan ka naman kumuha ng sasakyan?"
"Ano ba 'yan chase! Kakasabi lang na sakaniya iyon diba?" Simangot ni tas.
"Okay, let's say na sa'yo sasakay si zeph. Pero hindi pa din kami kakasya" sabi ni cali.
"Edi isasama ko si van" hapit ko sa kaibigan sa kamay. Kinuotan niya ako ng noo at pasimpleng umiling sabay nguso kay kage na ngayon ay madilim ang tingin sa amin. "Tsaka ang pinsan ko"
"Sumner will go with me" hila pabalik nung seryosong lalaki nang hapitin ko din ang pinsan.
"As i said, si zephyrine la—"
"Great! Pasok na tayo!" Putol ni cali at nagsimula na silang magsipasukan sa sasakyan before kage could even oppose.
Natatawang Tinapik ni riggs si kage sa balikat at siya na ang huling pumasok. Nakasunod lang ang tingin naming tatlo nang isara nila ang pintuan ng puting van.
"Dammit!" narinig kong mura ng lalaki hindi kalayuan mula sa'min. Tumalikod na siya at Nagsimulang maglakad papunta sa sasakyan na nasa harap lang din naman pala ng entrance ng hotel.
Nagkatinginan kami ng kaibigan. Nagdadalawang isip pa kung papasok ba sa sasakyan o hindi. But in the end, wala na kaming nagawa kundi pumasok na lang din. Sabay kaming pumasok at naupo sa passenger seat sa likod. Van cleared his throat while I uncomfortably looked at the window.
"Do i look like a f*****g uber driver?" Ani ng malamig na boses.
"Ano daw?" I mouthed silently, looking at van. He motioned his eyes sideways trying to say something.
"Well?" He said impatiently. "Do i need to get out of this damn car and f*****g carry you to the front seat?"
Nanlaki ang mga mata ko at agad na lumabas sa sasakyan at lumipat sa harap. Not because i was afraid of him, but because it would be too awkward for my friend to see.
"Good girl" bulong niya "seatbelts on" Aniya na ginawa ko naman. Pagkatapos ay pinaandar niya na ang sasakyan. We just tailed the white van in front since none of us knew kung saan ba ang bar na sinasabi ni cali.
On our way there. Bigla akong napakapit sa car handle sa ibabaw nang bigla na lang tumigil ang sasakyan kahit na nakagreen light naman. Even though i had my seatbelts on, i was worried dahil nakarinig ako ng mahinang mura galing sa kaibigan sa likod, and not to mention na bahagya siyang muntikan nang tumilapon sa harapan dahil sa biglaang pagpreno, mabuti na lang mabilis niyang nasuportahan ang timbang sa pamamagitan ng paghawak ng dalawang kamay sa upuan ng front seat. Pero kahit gano'n ay narinig kong tumama pa din ang paa nito sa kung anong parte ng sasakyan.
"Van! Are you okay?" I asked worriedly. Annoyance was evident on his face but he just kept his mouth shut and just glared on the person driving who is smirking right now seeing my friend's state.
"What the hell kage! Ano bang ginagawa mo! Bakit bigla-bigla ka na lang tumigil?" I can't help but feel annoyed at him too.
He just shrugged nonchalantly at pinausad ulit ang sasakyan.
"A cat suddenly crossed the street" he simply said. He did not even bother to ask van kung okay lang ba ito. I'm starting to think na sinadya niya iyon. "And it's not my fault na hindi nagsusuot ng seatbelt iyang kaibigan mo" he said defining the word 'kaibigan'
"Sa susunod, pwedeng dahan-dahan ka lang?" i unintentionally said harshly, more like, i kinda delivered it like a demand kaya bahagya kong minura ang sarili nang mawala ang ngisi sa kaniyang mukha at bumalik ulit sa malamig ang ekspresyon niya.
Binalingan ko na lang ulit ang kaibigan.
"Okay ka lang?"
"I'm fine" sagot niya. Pagkatapos ay minuwestra ang ulo sa kay kage na balik sa pagiging mainitin.
Ilang minuto pa ay tumigil na ang sasakyan.
"Great! We're f*****g here. Finally" aniya at walang salita na lumabas na ng sasakyan. Padabog pa nitong sinarado ang pintuan sa driver's seat. Nasa loob pa din kami ay sinundan ko siya ng tingin habang binibigay niya ang kaniyang car keys sa lalaki doon sa labas sabay turo dito sa amin.
Lumabas na din kami ni van at pumasok naman yung lalaki na pinagbigyan ng susi. I guess he would be the one to park the car.
"Bakit parang mainit na naman ata ang ulo no'n?" lapit ni riggs sa akin at nginuso ang kaibigan na nauuna na sa paglalakad.
"Ano pa bang bago? Palagi namang mainit ang ulo no'n" sabat ni chase na nasa tabi din pala.
Pumasok na kami sa loob, at napag-alaman naming hindi naman pala ito fully na bar. It was more like a resto bar. Nasa tabing dagat din ito kaya kahit hindi naka airconditioned ay malamig pa din ang hangin. And there were a lot of people.
Umupo na kami sa table na pina reserve ni cali. We were seated in a rounded table. The Led lights on each tables and corners makes the place look warm which was a good thing, hindi parehas sa bar na mahihilo ka at sa lakas ng tugtog.
"What?" Napatingin ako kay cali nang bigla siyang magsalita. My cousin was eyeing her suspiciously.
"Bakit parang hindi ito katulad ng ibang bar na madalas nating pinupuntahan?"
"And so?"
"Wala. Nakakaduda lang. This is your bachelorette party right? What makes this place so special na dito mo mismo naisipang pumunta?"
Natawa naman ang kaibigan niya na tila na amaze sa kung paano siya kilalang-kilala ng pinsan.
"Order na lang tayo" aniya na hindi pa din natatanggal ang ngiti sa mga labi. She gestured her hand at may mga lalaking lumapit para ibigay ang mga menu.
Gano'n na lamang ang pag-awang ng mga labi naming mga babae nang makita ang suot nila. No! Wala silang suot pang-itaas! And they were just wearing a tight faded jeans with matching black bet. WHAT THE HELL!
Natatawang umiwas ako ng tingin. Kapag kasi tumingin ako ay baka hindi na ako tatanggapin sa langit pag nagkataon.
"Ma'am?" since nasa dulo ako ay ako ang pinag-abutan ng isang waiter ng isang menu.
"T-thank you" nanginginig na ang balikat ko sa pagpipigil ng tawa.
There wasn't definitely funny in this situation. Lalo na't nakita ko kung paano sumama ang tingin ng mga lalaki especially sa mga girlfriend nila na ngayon ay busy pa din sa kakanganga. Pero hindi ko mapigilan e! Si cali kasi!
I mean..paano ba siya mag search online? 'Palawan Bars na may libreng pa abs' gano'n ba 'yon?! My goodness!
"Tumigil ka nga zephyrine! Hindi nakakatawa" pikon na sabi ni chase sa isang sulok.
Napangisi ako. Ang sarap nilang pikunin lahat.
"Ang sarap pala tumambay dito 'no?" Ani ni sumner. Nakasunod pa din ang tingin nila sa papalayong mga hubad na lalaki.
"Kaya nga. Sabihin niyo, salamat cali" ngisi ni cali.
"Magtatagal tayo dito ah?" Ani liya. Seeking assurance.
"Anong oras nga tayo uuwi?" Yassy asked dreamily.
"Uuwi pa ba tayo?" Hagikhik ni tas.
"Ang harot niyo!" Saway ko. "Pero nakita niyo ba yung isa? Ang cute!" Tawa ko ng malakas. Sumama na din sa bulong-bulongan nila.
"Alin doon?" Tanong pinsan.
"Yung lalaking may suot na calvin klein na brief!"
"Nakatingin ka sa ilalim?" Tawa ni tas ng malakas.
"Hindi ah!" I defended.
"E paano mo malalaman na calvin klein suot niya kung hindi ka nakatingin sa ilalim?" Giit pa niya sabay tawa ulit. "Ikaw huh!"
Napabaling ako kay van nang pasimple niya akong kurutin sa gilid. Binalingan ko siya at sinamaan ng tingin. Nginuso niya ang ang mga tao sa sulok at napatahimik kaming lahat nang makita kung gaano nananahimik ang limang lalaki doon pero masamang masama ang tingin sa amin. I swear, if looks could kill, we would really be dead by know, lying pale in our own pool of blood.