Chapter 11
"Excuse me!" Tawag ko sa mga papalayong lalaki. Sa pagkakaalala ko ay sila yung mga kasama ni kage kahapon sa resto. Nandito kami ngayon sa dalampasigan kasama sila sumner nang dumaan sila sa harapan namin. Nagtataka may ay lumingon pa din sila. "Uh..hi" I awkwardly greeted.
I looked at each and one of them. Tila nahiya naman ako sa uri ng tingin nila. But i needed to ask them something kaya kinain ko na lang ang hiya ko.
"Hi ms beautiful! Anong kailangan mo?" Said by the most approachable looking on all of them.
"May itatanong lang sana ako. Kung okay lang?"
"Ask away ms" said by the most formal looking one. I can't help but stare at him. May itsura ha! Gwapo! Actually lahat naman sila.
"You guys are a friend of kaden right? Nakita ko kayong magkasama kahapon"
"Oh that's why she looks familiar! You're the one who made my bride's gown!"
"I'm sorry but...your bride?" Taka ko. As far as i know, si cali pa lang naman yung first client ko—wait! "Ikaw yung asawa ni cali?!" Nanlaki ang mga mata ko. So stupid of me to not know my clients!
"Not yet" ani nung seryosong lalaki na ikinatawa naman nung groom.
"Asshole" nangingiting bulong niya habang umiiling.
"bakit mo hinahanap si kage?" Ani nung isa na naka glasses.
"Oh right, uhm..i just wanted to know kung umuwi na nga siya? Medyo nagkasagutan kasi kami kagab—" kaagad akong napatuptop ng labi, TMI.
Nagkatinginan yung apat na tila nag-uusap gamit ang mata.
"Pardon me for asking ms, but does your name happen to be zefrine?"
"It's zephyrine." Simangot ko. "At..pano niyo naman nalaman?"
Sa muli ay nagkatinginan sila.
"Umuwi na nga siya ms. Kahapon lang. Sabi niya magkikita pa daw sila ng girlfriend niya."
"What the hell jay?!"
"G-girlfriend? Wala siyang girlfriend" pagalit ko.
"Meron! Yung charm! Oo tama! Si charm" maloko niyang ngiti.
"Oh Okay" was all i said before i stormed away from them. Nagagalit ako. Nasasaktan na naman ako. Bakit sa kabila ng lahat ng sinabi ko, bakit sa gitna ng efforts ko, si charm pa din yung iniisip niya? Kaya ba siya umuwi dahil hinahanap na siya ni charm? Is she really his girlfriend?
Wala man lang ba siyang reaction, hindi man lang ba siya nasaktan nung sinabi kong sinusukuan ko na siya? I was just angry last night. That's why i said what i said. I was too caught up by my emotion. Kaya nung makarating sa hotel ay hindi ako pinatulog kakaisip sa kaniya at sa mga binitawan kong salita. Kaya ko nga siya hinahanap e, dahil gusto kong bawiin. Gusto kong malaman niya na hindi pa din ako sumusuko. Na kahit kailan ay hindi ko siya susukuan.
But then...
How can i be involved with someone who doesn't even acknowledge my efforts? Who doesn't even care to know kung nasasaktan ba ako sa mga salitang binabato niya.
"Saan ka galing?" Tanong ng pinsan nang makabalik na ako. She was lying on a thin cloth above the sand, sunbathing.
Hindi ako nagsalita. Kinuha ko mula sa mata niya ang kaniyang sun glasses at humiga sa tumabi niya.
Maybe i was too pale, kaya hindi ako magawang tingnan ni kage katulad ng dati. I need to tan myself.
"i'm excited for tonight" aniya.
"Me too. Let's hunt some f*****g men" ani ko habang nakapikit.
Mabilis lang lumipas yung oras. Natagpuan ko na lamang ang sarili na nag-aayos para sa bachelorette party ni cali. I wore a double wrap satin velvet dress. The dress' length stops below my knee pero yung slit no'n ay sobrang haba, hanggang hita ko iyon. Sa tingin ko nga kahit konting galaw o upo ko lang ay makikita na yung panty ko. But that's the best part of it, it was daring, plus the super low neckline that really defines my boobs. Ang kulay pink sa tingin ko ay mas lalong bumagay sa kulay ng balat na dulot ng pagbilad ko kanina sa araw ng ilang oras.
"Let's go?" Aya ko kay van nang matapos na akong mag-ayos. Tumango siya at bumaba na kami para salubong sila sumner.
We got on a car. Hindi ko alam kung kanino iyon pero hindi ko na iyon inisip pa. I thought that it would take us half an hour to arrive at our destination pero hindi pa lang ata uminit yung pwet ko doon sa upuan ay tumigil na yung sasakyan.
Lumabas kami ng sasakyan at sumalubong sa akin ang napakalaking neon sign. I rather not tell the name, it was like a lewd tagline. I don't know if i should laugh or what. Napatingin ako kay cali nang bigla siyang tumili.
"Pasok na tayo! Excited na 'ko!"
Kahit ako ay nakaramdam din ng excitement. I looked at sumner at nakita ko ang bahgyang pagdadalawang isip sa kaniyang mga mata.
"You look worried. Why is that?" Tanong ko sa kaniya. Liningon niya ako at bahgyang nginitian.
"Don't tell me magba back out ka?" Taas ko ng kilay.
"Hindi! Hindi ako natatakot sa kaniya" lutang niya na kinanuot ng noo ko.
"Ano?"
"A-ang ibig kong sabihin, hindi ako natatakot pumasok diyan. You just misunderstood my excitement with fear"
"I said worry, not fear"
"Right" aniya bago nauna na. Nagtataka ko siyang sinundan ng tingin. Weird.
At tuluyan na nga kaming nakapasok doon. And the first word that came out of my mouth was "oh f**k". More likely, it was a cuss.
Nagkatinginan kami ng pinsan. Si van ay nasa likod lamang namin kaya hindi ko makita ang reaksyon niya. But i bet nakanganga din siya dahil sa nakikita.
"Damn!" Narinig kong sabi ni cali sa gilid.
"Bakit parang kinakabahan ata ako?" Bigla kong sabi sa katabi.
"Ako din" bulong ng pinsan.
Napalunok ako nang makitang halos nakahubad na yung mga lalaki sa stage. The led lights was in full red kaya ang kinalabasan ay nagiging erotic yung buong bar. The loud sound sent vibration on my ear as i question myself kung tama nga ba na sumama pa ako dito.
Namilog ang aking mata kasabay ng pagpula ng pisngi nang mag body roll yung isang dancer doon. All of the dancers only has this tight boxers which serves as their only clothing. May bowtie din silang suot sa kanilang mga leeg. Hindi ko mapigilan ang pagkawala ng mahinang tawa dahil doon. They look sexy but funny at the same time.
"Saan ba tayo?" Narinig kong tanong nung tahimik na babae. Mukhang napagod na din sa kakatingin—este! Kakatayo.
"May kinuha akong private room. Dito tayo" aniya at sumunod naman kami sa kaniya. Umakyat kami sa taas, may second floor kasi doon. Nakita ko naman ang bahagyang pagsunod ng tingin ng ibang customer sa'min doon. Mukhang kami lang kasi ang babae doon. Puro kasi bading. Malamang! Gay bar e!
And we did went inside a private room. Noong una ay ayoko ko pang humawak sa kahit anong bagay doon. Kahit sa sofa, kasi naman eh, hindi namin alam kung sino ang mga gumagamit dito, malay ba namin na may kababalaghan na nangyari sa kwartong ito. But it was okay compared sa labas, doon kasi ay sobrang ingay at medyo awkward.
Nililibot ang tingin na umupo ako sa sofa. Gano'n din ang ginawa nila. Tumabi sa akin si van habang sa kabilang gilid ko naman si sumner.
"I like your ring" biglang sabi ng pinsan kaya napadako ang tingin ko sa aking daliri.
"Hindi, ano...itatapon ko na 'to" agarang hubad ko no'n at nilagay sa purse.
"Bakit naman? Sayang. Ang ganda pa naman. Akin na lang" kunot noo niya. Pagkatapos no'n ay narinig ko ang bahagyang tawa ng lalaki sa tabi ko.
"You rather not sumn" van chuckled.
"Why?"
Hindi siya sinagot ni van at nagkibit balikat lang. Humarap sa'kin ang kabigan.
"Bakit mo hinubad?"
"Walang silbi" ani ko at iniwas na ang tingin ko. Ayokong pag-usapan.
The mini program hosted by the bride itself was something I didn't expect. Akala ko kasi mag-iinuman lang kami e. Little did i know na may pa games pa sila kahit kami-kami lang din naman. Inuman nga, but with a twist.
We had our red cups line up in a triangle formation sa pinakadulo ng mahabang table. And it was like some game that we particularly see on movies. May parang pingpong ball kami tapos yung sa pinakadulong cup na mag-isa, yun lang ang walang laman na inumin. So if we ended up shooting our ball on one of the third row lined up with three cups, ang tatlong iyon ay iinumin namin. And as for the second row with two cups, ang laman ng dalawang cups na 'yon ang iinumin namin. So the only safe cup in here is the first one. It was too damn difficult to even bounce the ball from there.
The hosting was replaced by van dahil masyadong na excite ata si cali kaya napag desisyunan na sumali na lang din. Tumayo siya sa kaniyang one person tall chair na pinasok pa talaga dito ng mga crew kanina dahil napag alaman na bridal shower pala 'to.
We were lined up while the bride was the first to take her shot. Napanganga kaming lahat nang ma shoot niya sa nag-iisang baso ang bola. Meaning she didn't have to drink any. We groaned when she triumphantly swung her hips sideways habang pumunta sa pinakalikod para mag linya ulit.
"Cheater!" Ani ni liya.
"Oo nga!" Finally the quiet girl said. If my memory is correct, i heard them saying that her name is clove..r?
"You definitely cheated" sali ko na din.
Cali gasped dramatically, "i did not!"
"Palibhasa magaling sa shootingan e" bulong ni sumner sa harap ko at sabay kaming napatawa doon.
After clover and sumner. On which Parehas silang uminom ng dalawang shot, it was my turn. Before sumner could even hand me the ball, narinig ko na ang pagsaway ng kaibigan. Dinig na dinig ko kahit na malakas ang music kasi naka mic siya.
"Bakit ka nandiyan? Bawal ka ah?!" Sita niya na nagpasimangot sa'kin.
"Ngayon lang 'to e!" Reklamo ko.
"No! Umalis ka diyan" he said in a bossy tone.
"Ay bawal ba siya?" Narinig kong sabi ng pinsan sa tabi. "Minsan lang naman 'to eh. Payagan mo na" pakiusap niya.
"Oo nga van." Dugtong pa ni Cali.
Napangisi ako sa pagtatanggol ng pinsan. Van just stared at her for a couple of second before sighing heavily. Inirapan niya ako bago tumango ng dahan-dahan.
I mouthed thank you to sumner and she winked at me. Ngayon i'm starting to think na kung hindi niya ba talaga alam na may crush sa kaniya itong si van. Pero kung ano man, At least i know where i can hit van in the right spot. Iharap lang sa kaniya ang pinsan, ibibigay niya na lahat ng hihilingin ko. Haha!
I rolled the ball on my hand as i was silently praying for luck to possess me just once. Even if i wanted to drink, i'd prefer it slow ayokong malasing ng maaga. But it seems tempting though, i want to sleep peacefully tonight, siguro kapag malasing ako ay sunod-sunod na yung tulog ko. If lucky, I wouldn't have those stupid nightmare—memories.
And even just for the night, makatulog din ako nang hindi ko SIYA naiisip. Kahit ngayong gabi lang.
"Throw it already!" Rinig kong sigaw ng pinsan kaya kahit hindi pa tinantiya ay pinatalbog ko na iyon.
"s**t!" Mura ko ng mag landing iyon sa mismong ikatatlong row.
Narinig ko ang hiyawan nila. Si sumner pa mismo ang tumakbo sa dulong table at kinuha yung tatlong inumin para sa'kin. Nangingiting hinarap niya ito sa'kin. Nakangiwi ko naman iyong tinanggap at ininom na.
Napangiwi ako sa lasa no'n. But what do you expect with an alcohol right? Strawberry juice? Of course it will taste bitter. Katulad na lang sa pagiging bitter ni kage. Tsk!
"Uhaw na uhaw?" Tawa ng kaharap nang sunod-sunod kong ininom yung tatlong shots. Tatlo pa lang iyon pero nakaramdam na ako ng init, kumalat iyon sa buong katawan ko. Nahihilo man ay naglakad pa ako papuntang pinakalikod para mag linya ulit. Hindi ko alam kung kailan pa to matatapos.
My question was answered nang unti-unti na naming naubos yung tatlong malalaking bottles sa harapan. Nahihilo na ako na parang masusuka na ewan. I felt numb on my lips, even on both my hands kaya i kept shaking them. Hindi na din mawala ang mga ngisi sa mga labi namin kahit wala namang nakakatawa.
Sa lahat, mukhang kaming dalawa ata ni sumner ang pinakamaraming nainom. We could tell that it was on our blood ang hindi pagiging marunong sa kahit ano mang sports, even on just a simple shooting. Even on physics bobo ako. Kaya siguro hindi ako maka shoot man lang sa first row.
"Girls? Ano? Okay pa ba kayo?" Sabi ni van sa mic na may pag-aalala sa boses. Siguro iniisip na kung pano niya kaming mahahandle na lima. Perks of being the only one who didn't drink.
May tv doon na pwedeng pag videokehan kaya nang makita iyon ni cali ay agad siyang nag-ayang mag videoke. She was the first who sang. She sang her heart out. Kahit na wala sa tono sige pa din. Liya was next, and it wasn't singing that she just did, it was literally shouting and squealing. Mas lalong nadagdagan ang sakit ng ulo ko sa pagsisigaw niya.
Binagsak ko ang likod sa sofa and tried my best not to close my eyes. Bukod sa nahihilo ay inaantok na din ako. Siguro dahil sa numbness sa katawan ay hindi ko namalayan na nahiga na din si sumner, inunan niya ang kaniyang ulo sa aking hita. Pinilit ko ang sarili na abutin ang bag at ilagay sa kaniyang bandang pwetan, umaalsa na kasi yung dress niya sa kakahiga.
"Who's next?" Ani ni liya pagkatapos kumanta. Tumingin siya sa'kin at agad akong umiling. "Sumn?"
"Pass ako." She mumbled sleepily.
Nagulat ako nang biglang tumayo yung isa nilang kaibigan. Si clover. Kinuha niya ang mic mula kay liya pagkatapos mag enter ng kaniyang ikakanta.
Comparisons are easily done
Once you've had a taste of perfection
Nagtaka ako kung bakit 'yon ang napili niyang kantahin. Is she heartbroken or something? Tumingin ako kila cali na tahimik lamang sa gilid. Nakatingin sila sa kaibigan nilang kumakanta na puno ng awa at panghihinayang?—sa kanilang mga mata.
Like an apple hanging from a tree
I picked the ripest one
I still got the seed
He kissed my lips
I taste your mouth
He pulled me in
I was disgusted with myself
Cause when I'm with him
I am thinking of you
Thinking of you
What you would do if
You were the one
Who was spending the night
Oh I wish that I
Was looking into your eyes
Oh won't you walk through
And bust in the door
And take me away
Oh no more mistakes
Cause in your eyes I'd like to stay
The last few lines ay kinanta niya ng buong puso. Nakapikit pa ang kaniyang mga mata. Nagulat ako nang bigla na lang may tumulong luha sa mata niyang nakapikit. Bahagya pa siyang pumiyok hanggang sa magkasunod na na lumandas ang mga luha sa kaniyang pisngi.
Nagkatinginan kami ni van. Buong akala ko ay may alam siya sa nagyayari dahil magkakilala naman sila dito pero nagkibit balikat lang siya.
"Okay lang ba yung kaibigan mong yun?" Tanong ko sa nakapikit na si sumner. Nakaunan pa din siya sa aking hita.
She groaned.
"Dave died" she mumbled softly.
"Who?"
"Dave. The man she loves. He was murdered"
Napasinghap ako. "Oh my God!"
Tumingin ulit ako kay clove na ngayon ay tinatahan na nila cali. Sumali na si van dahil lasing na din yung mga babae. Hindi na nila kaya yung kaibigan lalo na ng nanghihina na itong napaupo sa sahig.
I can't imagine what she's been going through right now. He just lost her boyfriend. Hindi ko mapigilang maawa sa kaniya. Malalaman mo talaga ang sakit na dinadaranas ng isang tao base sa kanilang hikbi. She's in her worst state right now, breaking down. Alam ko dahil naiintindihan ko siya. Sometimes crying is what you need para hindi ka tuluyang sumabog.
Maybe his death was the reason why she was so silent the whole time? She was grieving.
"I feel bad for her" ani ko.
"Ako din. Pero wala na kaming magagawa e. Nangyari na" kusot niya sa mata niya sabay bangon.
Napadapo ang tingin ko doon sa kalahating tirang inumin sa lamesa. Nanuyo ang lalamunan ko kakatingin doon kaya dinampot ko iyon. I drank the alcohol sa mismong bottle. Pagkatapos maubos iyon, tumayo ako when i felt the need to pee which was a wrong move dahil sa biglaang pagtayo ay muntikan pa akong matumba. Bukod sa mataas ang stilleto ko ay sobra-sobra na yung hilo ko.
I laughed and felt the urge to do a cat walk while making my way on the comfort room na connected lang mismo ng kwarto.
"Hep! Saan ka pupunta?" Napatigil ako sa pagtatawa sa sarili nang harangan ako ng unggoy kong kaibigan.
"Shi-ar" tawa ko ulit "bakit? Shama ka? Lika! Shama ka na! Ligo tayo!" Hagikhik ko at sinubukan siyang hilahin.
"Tumigil ka nga zeph! Lasing ka na. Pag nalaman 'to ng daddy mo, patay tayong dalawa!"
"Panong patay? Pano yung itsura ng patay? Sige nga!" Sundot ko sa tagiliran niya.
"Isa zephyrine!" Tapik niya sa kamay ko palayo.
"Duwa van!" Hagikhik ko. "Tatloapatlima~animpitowalo yow breyk it dawnn yowwww~!" I rapped with a random beat.
Tila Nase stress na minasahe niya ang noo. "Tumigil ka na. Tama na yang pag-iinom mo. Alam mo namang bawal sa'yo yan diba? May iniinom ka pang gamot zephyrine!"
"Yieee!" Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon at kung paano ako nakatakas sa kaniya basta natagpuan ko na lamang ang sarili na tapos ng umihi. Pagkalabas ko ay wala na siya doon. Sila chaz, liya at cali naman ay nakasandal na din sa mga sofa. Si van, hindi ko alam. Baka hindi ko lang makita dahil baka nag camouflage na, kakulay kasi ng suot niya yung walls. Black haha!
"Labas tayoooo!!" Biglang kuha ko sa mic at malakas sinigaw iyon. Bahagyang napatalon naman sila at tila natakasan ng kaluluwa.
"Pucha ano ba zephyrine!" Singhal ni sumner na kanina lang ay nakapikit na naman.
The three girls who were dozing kanina ay nagreklamo din.
"Ano ba tinira mo!" Ani ni cali.
Humagikhik na naman ako. Napapadalas ata ang pag ganon ko ngayong gabi.
"Labas tayo. May pa abs sa labas" i whispered even though malakas iyon dahil nakatutok ang bibig ko sa microphone.
"Abs? Saan! Gusto ko yan!" Cali raised her hand like as if she was in a class.
"Ako din!" Biglang bangon ni sumner. Ganon din yung dalawang inaantok na ata.
Excited na lumabas kaming lima sa kwartong iyon. Hindi ko alam kung saan pumunta si van pero mabuti na lang dahil nakalabas kami ng walang pumipigil. Hinubad ko ang suot na heels dahil bahagya akong nahirapan sa paglalakad lalo na nung pababa na kami ng hagdan.
"Oooohhhh!!" My mouth was in a an 'o' shape after feasting my eyes on the male dancers. The music was so loud that it added to my energy.
"Oh my goodnessss!! My heart, my soul!!!!!!" Tili naman ng pinsan na parang baliw.
"Bachelorette parties was supposed to have male strippers right?" Pasigaw ni cali. Hindi na kami masyadong magkarinigan dahil sa napakalakas na tugtog. Bahagya na din akong nahilo sa mabilang flash ng iba't-ibang kulay ng lights.
"I'm thirsty! I'm going to get a drink" ani ni liya at sumama naman sa kaniyang si clove.
"Kayo?" Tanong ni cali.
"I want to danceeee! Woooohhh!" Sigaw ko
"Ako dinnnnnnn!!!" The two of them vibed.
Natagpuan na lang namin ang sarili naming nasa taas na ng stage na kung saan ay sumasayaw yung mga lalaking strippers. There was like a pole on middle so i hold on to it to balance myself. Habang ang isa ko namang kamay ay hawak-hawak ang aking sapatos. I was swaying my hips sideways slowly.
"Hi pretty lady" tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan nang bulungan ako ng isang stripper doon. In my normal state, I wouldn't imagine myself talking to them but right now, i was too drunk to even care.
"Hi baby" i smirked.
Hinapit niya ako sa beywang at mas lalong nilapit ang aking likod sa kaniyang katawan. I continued to dance daringly. Minutes of dancing, I smirked when i felt something poking my behinds. I know what it was, and i should be pulling myself away from him pero bukod sa lasing ako ay lumalakas din ang hawak niya sa'kin.
I moaned when the unsteady lights made me wanna vomit again. Pero napigilan ko naman na. I was feeling uncomfortable on the way he dance on my back, i gotta admit i was getting turned on, but at the same time, nandidiri din ako. Especially that i remembered that i
was in my drunk state and i would probably regret this tomorrow morning.
"Excuse me, pwede mo na ba akong bitawan?" Ani ko. I felt him placed a disgusting kiss on my shoulders na nagpasinghap sa akin. f*****g--!
"Why? We're just dancing" he said huskily.
"No, bitawan mo na ako. I want to get off the stage"
"Oh sure!" Ngisi niya. "You want us to go find a room? Oo ba, basta malaki lang yung bayad mo. Pero kung titingnan" i took a step backward nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. Now that i could fully see him, he looks ugly and perverted. "Hindi naman na ako lugi sa'yo. Ang ganda-ganda mo na, tapos mukhang mayaman ka pa"
"Hindi ako interesado sayo" ani ko at tumalikod na pero hinila niya ulit ako pabalik. Napasubsob ako sa kaniyang dibdib. He didn't have any shirt on so i was really disgusted. Especially that i smelled his barf-worthy scent.
"Oh? Saan ka pupunta? Wag ka nang pakipot. Alam ko na kung anong hanap mo. Kaya nga kayo pumunta ng mga kaibigan mo dito diba? Sige na. Hindi naman ako kamahalan e. I will make this night your best"
Napangiwi na naman ako. Bukod sa disgusto,dahil na din sa trying hard niyang ingles.
Nanlaki ang mga mata ko nang maglakbay ang kaniyang kamay sa slit ng dress ko. Tumama ang kaniyang magaspang na palad sa aking balat. Ngumisi siya habang tumataas ang kaniyang kamay sa aking hita. Uminit ang dugo ko. Tumaas ang kamay ko at malakas na dumapo iyon sa pisngi niya.
I scoffed looking at him shocked. Before i turned my back on him, liningon ko pa sila cali at sumner at natanto kong wala na sila doon. Kinabahan ako, yung mga nakasayaw nila kanina, baka kung saan na sila dinala. I started to panic for my cousin and cali.
Napatili ako nang may umangat sa akin. It was the guy, and he looked angry now.
"Pakipot ka pang tanginang babae ka huh!" Pagalit niya at kinabahan ako nang wala man lang nakapansin na binaba niya na ako sa stage. Nakita kong papunta na kami doon sa isang pintuan.
"Noooooo!! Get off me you creep!!" I tried screaming but the music was too loud.
Nagtaka ako nang bigla na lang siyang tumigil sa marahas niyang paghila. Nakatalikod kasi ako. Sinusubukang hilahin ang kamay ko sabay hanap kay van. Bigla akong nakarinig ako ng kung anong pagtama kasabay ng pag-igik at tuluyan na ngang lumuwag yung hawak nung manyak sa akin.
I turned and saw him grunting on the floor. Sapo-sapo ang kaniyang pisngi at tiyan.
I felt someone looking at me from the front. Nang itaas ang tingin ay napalunok ako sabay panlalaki ng mga mata.
"K-kage"