Chapter 4
Pinaharurot ko yung sasakyan ko hanggang sa nakarating sa isang mataas na building. I parked it on the parking lot spot on which it has sign on it.
Reserved parking for Mr. Arguelles
Pagkalabas ko ng sasakyan ay nagtitinginan na yung mga tao sa akin. Nagtataka siguro kung anong ginagawa ko at nagpark ako sa reserved spot ng boss nila.
But as for today, i wasn't the type that gives a f**k about their gossips. I walked to the entrance with my prada shoes. I walked like i was in a fashion runway with the same designer shades on and a bloody red lipstick.
I looked up at the high buildings, actually it has two parts. The one is like a wide curved building at hanggang 6 floors ata iyon, while the other on the right is connected and high as hell. I don't know kung ilang floors, basta madami! Mataas! What I can see were all glass and a huge logo and the company name on the right tall building. It doesn't look like an ordinary building, it kinda looked like a hospital? I don't know. But one thing's certain, everything screams "successfulness"
The logo. I stared at the logo for a couple of minutes. It seems familiar. It was like a connected line art kaya hindi ko masyadong ma identify kung ano iyon. But it shaped like something i saw before, hindi ko lang ma point out. I just shook my head lightly at bumalik na sa paglalakad.
Napatigil ako sa pagpasok nang humarang ang dalawang guards sa harap ko. Tinanggal ko yung shades ko at tinaasan sila ng kilay.
"What are you doing? Papasok ako."
"Nakita ko po kayong nag park sa spot nung boss namin"
"And so?"
Nagkatinginan yung dalawang guard sa pagsagot ko.
"Pakitabi na lang po ng sasakyan niyo. Kami po mapapagalitan"
"I'll face him. Where is he?" Walang sumagot sa kanila kaya nagsubok akong makapasok nang harangan na naman nila ako.
"Ano ba! Papasukin niyo na nga ako! Ang init-init dito sa labas!"
"May visitor's pass ka po ba ma'am? Dahil kabisado namin lahat ng empleyado dito. At sa tingin ko hindi ka kabilang sa kanila."
Bakit ba palagi na lang akong hinaharang kapag pumupunta ako kay kage? Sa pagkakaalala ko, ganito din nangyari sa'kin nung unang subok kong pagpunta sa bahay nila limang taon na ang nakalipas. Does my face screams impostor or something?
"Wala akong visitor's pass okay? Jeez! But i have my I.D with me. And no! hindi ko ipapakita sa inyo dahil baka magulat kayo kapag nalaman niyong magkaibigan ang dad ko at ang dad ng boss niyo! Kaya tumabi na kayo bago ko pa kayo isumbong!" I said to cover up the fact na wala nga akong dalang I.D
Napabaling kami sa hawak na two way radio nung isang guard nang tumunog ito.
"Sino yan reyes?"
"Sir? Uh..hindi po importante."
"Tinanong ko ba kung importante o hindi?!" Ani ng tao sa kanilang linya sa maotoridad na boses.
"Ah-eh..isang babae po. Nangungulit na pumasok." I glared at him when he looked at me. "Ano nga po ulit pangalan niyo ma'am?"
"Zeph" halukipkip ko. "Zephyrine Nava"
"Zephyrine daw po" kamot nito sa ulo. Hindi naman na nagsalita yung lalaki sa kabilang linya so i assume sinawalang bahala na nila ako. Bumuntong hininga ako. Hindi ba talaga nila ako papapasukin? Letseng buhay naman 'to oh!
Someone cleared their throat on the back kaya napabaling ang attensyon ko doon. Lumiwanag ang mukha ko nang makita kung sino iyon.
"Santos!" i smiled widely.
"Sir" sabay na sabi ng dalawa at bahgya pang yumuko.
"Papasukin niyo siya"
"Po?"
"Papasukin niyo sabi eh! Gusto niyo bang malintikan sa boss niyo?"
Natatakot na tumabi naman yung dalawa at nangingiting dumaan ako. My old guard was already raising his hand for a handshake when i suddenly gave him a hug, cutting him off guard.
"Na miss ko kayo! Kamusta? Teka! Nasaan yung iba?"
Kumakamot sa ulo siyang tumawa ng mahina. Nabigla pa ata sa yakap ko.
"Nandito din. Nagbabantay sa assigned floors nila"
"Ahh! So you're the one giving them orders now?" Turo ko sa dalawang guards na nakikiusyoso sa amin pero nang makitang lumingon ako ay nag kaniya-kaniyang iwas ng tingin.
"Yes. Ako na yung ginawang head security ni kage simula nung nagbukas itong kompanya" he smiled.
Kage? Not sir kage? And why is he looking kinda formal compared to the other securities?
"So you've been with him since day one?" Ngiti ko ng mapait. Ako din dapat eh...
"Yes" he looked at me intently kaya inayos ko kaagad ang mukha ko.
"I want to see the others. Pero pupuntahan ko muna si kage. Nasaan ba yung office niya?"
"Let me. Sasamahan na kita" he led the way.
"Sure!"
Sumakay kami sa elevator at kinabisado ko ang floor na pinindot niya. This won't be my last time Of visiting here.
"Kamusta naman siya?"
"Sino?"
"Kamusta siya. Nung umalis ako"
Saglit kaming napatahimik. Na parang pinag-iisipan niya pa ang sasabihin niya sa akin.
"to be honest. Hindi siya naging okay. He was a mess when you left." I didn't said anything. I just listened.
"Kamuntikan pang hindi natuloy yung pagpatayo ng kompaniyang ito dahil—"
Napaawang ang mga labi ko dahil sa narinig.
"Ano? Bakit!?"
"Palagi siyang naglalasing. Sa tuwing may mga leads lang siya galing sa ama niya tumitigil."
Natandaan ko yung sinabi ng mommy niya.
"He was always led wrong."
Tumango-tango siya na tila alam niya. Even though i expected that, i was still shocked.
"Nadidismayado siya. Mas lalo siyang nagagalit. Hindi na siya nakakapag-isip ng tama kaya napabayaan na niya at nakakalimutang may pinapatayo siyang kompanya" napailing siya ba tila naalala ang mga panahong lugmok yung boss niya.
"Then what happened?"
"Unti-unting nagback out yung mga investors niya" i gasped in horror. How?
"But i though..mga kabigan niya ang mga iyon?"
"Only true ones stayed. Kaunti lang. kaya hindi kinaya. They reasoned na malaki daw yung pinagkatiwala nilang pera at malaking kawalan sa kanila iyon kapag nagpatuloy na nagpabaya si kage. Sa huli, humingi pa din siya ng tulong sa ama niya"
He did? But he was disgusted by that thought! Oh God! This is all my fault! I felt bad. Hindi siya hihingi ng tulog sa dad niya kung hindi dahil sa'kin!
"How come you know all of this?"
If my eyes were kidding me, I'd say i saw him smirked. He f*****g smirked! Hindi na natuloy ang pagtatanong ko nang bumukas yung pintuan ng elevator. He stepped out at sumunod naman ako.
He led me to a floor with only two rooms. And i guess the other was his office, at yung isa naman ay conference room? I can tell by the blinds.
"Mia! Nasaan yung boss mo?"
"Sir! Good morning po!" Nagtaka ako nang tumayo pa yung babae at bahagyang nag bow sa kaniya. "Si sir kage po? Nasa meeting"
"Meeting? Meeting with whom?"
"Ms charmaine po. Bakit niyo po siya hinahanap? At..sino po siya?"
That f*****g charm again! That w***e just won't stop ruining my day!
"Where is this conference room?" I breathed out angrily. She backed out a little because of my glares pero natatakot na tinuro pa din naman ang pintuan na nasa right.
I walked furiously towards the room. My game face was on like it was like no one can stop me. Not even the man catching up with me from behind. The click-clack sound on the floor indicated that i was releasing heavy steps.
Malakas na tinulak ko yung pintuan at bumungad sa akin ang halos walang taong kwarto. Except for the two people who are inches close to kissing each other, kage was nearly leaning on the table while charm was locking her arms beside him. Nang makitang may tao ay bahagyang tinulak ni kage si charm. Ang bruha, nang makitang ako iyon ay lumapit ulit kay kage. Hinawakan niya ito sa suit at sinubukang ilapit ulit ang mukha nito sa kaniya. It made my teeth clench.
Out of anger, marahas na hinubad ko yung suot na shades at tinapon iyon sa table malapit sa kanila. Napatalon at napatili ang linta nang marinig ang pagbasag nito.
"s**t! What the hell is wrong with you! You could've hit me!"
"Wala ba? Oops! Sayang naman" i smirked.
"Nananadya ka ba!"
"Obvious ba? Do you think i would throw a prada at you if I weren't?"
"WHAT THE HELL IS SHE DOING HERE SANTOS!"
I looked at kage who was looking furiously on the man behind me. nagkibit balikat lang yung sinasamaan niya ng tingin.
"I came to see you baby"
"Hindi mo ba alam na bawal ka dito?" Sabat naman ni charm.
"Nakapasok ka nga kahit na ang laki-laki ng no pets allowed sign sa labas. Ako pa kaya?"
It made her gasp. Narinig ko naman ang pagtawa ng lalaki sa likod ko. Hindi pa ba 'to umaalis?
I slowly walked to them.
"Oh charm! Akala ko ba nakuntento ka na nung nakuha mo si ralph? Ngayon, ang fiancé ko naman?" I referred to mu ex na nilandi niya.
"It's EX fiancé for you sweetie. Wag kang ambisyosa. Iniwan mo siya diba?"
"Sorry honey pero alam kong sanay ka na sa pagkuha ng mga nilumaan ko na but b***h, not this." I looked at her disgustingly, "congratulations charm, you stood high up, hindi ka na pala pang eskwelehan lang, pang kompanya ka na"
"Why you—"
"Enough! Zephyrine, pwede ba! Umalis ka na! No one wants you here."
"Oh really? Even so. I don't mind, Aalis din naman ako eh. Kasama ka" ngiti ko sa kaniya.
"What makes you think that i would go with you?"
"Remember? The auction? I spent a lot of money on that auction kage"
"I could've won it" whispered by charm kaya bumalik na naman ang tingin ko sa kaniya. "Besides, you cheated! I could've won kung hindi ka lang humirit ng dollars!"
"How is that cheating? Oh charm, minsan talaga pinagtataka ko kung saan pumunta lahat ng brain cells mo eh. Hindi kaya diyan sa boobs mo? Tama nga talaga ang kasabihan." Panunuya ko. "At masisi mo ba ako? Blame my family tree instead! It wasn't my fault that i was affiliated with a rich ancestors"
If looks could kill, i was already dead by now, laying in the pool of my own blood dahil sa sama ng tingin ng babae sa akin. Si kage naman ay halos mag-isang linya na yung dalawang kilay. His jaws were clenching looking at me.
"I saw a fine restaurant near here. Come with me."
"I don't take orders from you lady. Not anymore"
"I know that lovey. I just want you to do the honors of giving me my damn money's worth" i said sweetly and walked out.
I sat on the sofa outside at nakita kong pinagmamasdan ako ng sekretarya niya. Umiwas naman kaagad ito ng tingin nang makitang nahuli ko siya. Unang Lumabas sa kwarto si santos, come to think of it. Hindi ko pala alam ang name niya, only his surname. He gave me a wink and a thumbs up bago tumungo sa elevator. Nawe wierduhan ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa sumara iyon.
I turned to the door again nang walang kasunod na lumabas. Did that two continued yung naudlot nilang halikan kanina!? Tumayo ako at tumungo doon pero napatigil din naman kalaunan.
"Kaden! Saan ka pupunta!" The higad asked with a nagging voice.
"I'm going out"
"Sasama ka sa kaniya? Pagkatapos ka niyang iwan papayag ka na lang na utos-utusan ka ng bitchesang 'yon!?"
I heard none from kage's voice after that.
"Ipaalala ko lang sa'yo huh? Baka kasi nakakalimutan mo eh. Ako yung nandiyan noong mga panahong lugmok na lugmok ka dahil iniwan ka ng babaeng 'yon! Ako yung nandoon kaden! Asan siya? Wala! Kasi pinagtaguan ka!"
Kahit kumukulo na naman yung dugo ko sa kaniya ay hindi na ako sumali pa. I let her look desperate in front of kage. Wala siyang alam sa mga nangyari, and it's best to stay that way.
"I don't have time for this charmaine"
"Bakit? Totoo naman diba? Pinagtaguan ka niya dahil wala ka nang maibigay noon! Ngayong kumalat na sa buong mundo na isa ka na sa pinakamayamang tao sa bansa, basta-basta na lang siya magpapakita na tila walang nangyari!? Hindi mo man lang ba naiisip na baka pera lang yung habol niya sayo?!"
Okay that's enough. Humakbang ako paalis sa pinagtataguan. I cleared my throat kaya napabaling silang dalawa sa akin. Nakita kong bahagyang pumupula na yung mata ni charm. When she found out that i was looking at her, she shot me a glare. Akala ko ay aatakehin niya ako dahil marahas siyang naglakad papunta sa akin, kaya bahagya din akong napaatras. Yun pala ay nilagpasan lang ako at nag walk out.
"Ano? Let's go?" Halukipkip ko habang nakatingin sa seryosong si kage. Napakurap akong nang lagpasan niya lang din ako.
"Kage! Saan ka pupunta!" Sigaw ko nang mabilis siyang naglakad at sumakay sa elevator. Hindi ko na siya naabutan. Nanghihinang umupo ako sa sofa just by thinking of the thought na kaya siya nagmamadali dahil susundan niya sa charm. I fought the urge of tearing even though my vision was starting to get blurry.
"Ah-eh..Lunch na po ma'am" nahihiyang tawag nung sekretarya niya sa akin.
Higit dalawang oras na akong nag-aantay dito. I made sure that I wouldn't blink much para makita ko kung sino ang lumalabas galing elevator. Bukod sa babaeng sekretarya na ito na naghahatid ng mga papeless sa baba, wala naman masyadong umaakyat dito.
I waited and waited. Another hour of waiting, tumunog yung elevator kaya napatingin ako doon. It revealed kage and charm. Humahagikhik na kumakapit si charm sa braso ni kage at bahagyang tumataas naman ang sulok ng labi ni kage. Looking at them, happy at tila walang nangyaring away kanina, it hurt me. Nasasaktan akong makitang tumatawa si kage sa ibang babae, noon, sa akin lang siya ngumingiti...masaya.
Tumayo ako. They both looked at me and their smile faded. In this scene, ako yung nagmumukhang kontrabida. Ako yung desperada na humihingi ng oras at attensyon. I was expecting for charm to yell, or say something at me. I expected kage to look at me coldly. But instead, ilang segundo pa lang ata sila nakatingin at binawi na nila at nagpatuloy na naglakad papuntang office na tila hangin lang ako dito. The office door shut leaving me here alone, again.
"Zeph"
Napatingin ako sa lalaking tumawag sa akin. I looked at him questioningly.
"Can i call you zeph?" Aniya. Habang hawak-hawak na naman ang kaniyang video camera.
Hindi ako sumagot at binalik lang ang tingin sa labas ng bintana where i can see the busy streets and the blue summery sky.
"Bakit mag-isa ka dito? Asan ang dad mo?"
"He went home, kukuha ng mga damit niya" i uttered softly.
Bahagya akong naalarma nung inilapit niya ang kamay sa akin, i first thought that he was about to touch my body so i was ready to yell at him.
"Relax, hindi tayo talo" he chuckled and made my arm face out. Bahagya kasi iyong nakaipit dahil nakaupo akong nakataas ang dalawang paa habang ang kamay ay nakadantay sa tuhod. "hindi dapat nakaipit yung IV mo ng ganiyan. Hindi ka ba nasasaktan?"
"Nasasaktan" i whispered.
"Ibang sakit ata yung tintukoy mo e" hindi ako umimik. Ilang segundo pa ay naramdaman ko ang pagkuha niya ng upuan at pag-upo sa tabi ko.
"Nung napagpasyahan mong pumunta dito, naisip mo din ba ang mahal mo sa buhay na naiwan sa pilipinas?" I asked out of the blue, still looking outside the window.
"Oo naman. May mga magulang din naman ako eh. Hindi ako palaboy" tawa niya pero hindi iyon nakatulong para gumaan yung pakiramdam ko. "Bakit mo naitanong? Ikaw ba? May boyfriend ka ba na naiwan doon?"
"More like iniwan."
"So may boyfriend ka nga?"
"Fiancé"
"Ay shet! Iniwan mo? E mang-iiwan ka pala eh!" Biro nito.
Dahil sa sinabi ay naramdaman ko na lang ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi. I heard him cuss beside me. Mas lalo akong napaiyak. Everything in here reminds me of kage. Van's cuss, his clothes on which i brought with me here, yung buhok ko na unti-unti nang lumalagas, he would be angry pag nakita niyang ilang buwan na lang ay wala na akong buhok. He was fond of my hair so much. I always imagine him beside me every night, running his fingers on it.
"Sorry girl huh? Pasensya ka na. Minsan talaga walang preno itong bibi—"
"We're friends right?"
"Huh?"
"I assume that we're already friends dahil tinawag mo na 'ko sa nickname ko"
"Ah-eh..oo naman. Oo na lang—este! Oo! magkaibigan na tayo."
"Since we're already friends, i want you to do something for me" i looked at him and he looked back with a confused expression. Marahan akong ngumiti. "Please?"
"Paki check na lang kung 'yan talaga 'yan" ani nito at nilapag ang malaking kahon sa aking harapan. The white box was almost flat tied with a pretty bow, there was also a printed logo on it.
Excited na sinalubong ko siya. Agad niya naman akong dinaluhan. "Dahan-dahan naman zeph! Yung IV mo! Juskong babaeng 'to oo! Ang manhid!"
I was even too happy to even make a glare. I kneeled on the floor and touched the box lightly.
"That'll be thirty thousand for the plane ticket. Hindi pa kasama ang pocket money" nakapameywang niyang yuko sa akin. Sinimangutan ko naman siya.
"Sa tingin mo, may bulsa itong hospital gown? Si daddy na lang singilin mo"
"Paano mo naman susuotin yan aber?"
"Tutulungan mo ako" pilyang ngiti ko sa kaniya.
bumuntong hininga siya at sinamaan ako ng tingin. I made sure that the room was locked bago ko hinubad ang hospital gown ko. I saw van looked away. I took the gown out of the box at sinuot iyon pataas. Tinawag ko siya and made him zip me up.
"Lahat ba ng kaibigan mo inuutusan mo ng ganito?" Aniya habang sinasara yung sa may bandang likod ko.
"Hindi, ikaw lang. ikaw lang naman ang una kong kabigan na lalaki e"
"Girl! babae ako. Babae!" Pinatinis niya yung boses niya.
"Oo na lang" tawa ko. Humarap siya sa'kin ng nakasimangot. Kinuha niya ang huling accessories sa box at marahang sinuot iyon sa ulo ko. Pagkatapos ay tinuon niya sa akin ang full length mirror na hindi ko alam kung saan niya kinuha.
Nang makita ang itsura sa salamin, hindi ko mapigilan ang maging emosyonal. It's feels like the first time i wore it. I was right, it was too beautiful, but too useless. Hindi naman na mapakinabangan pa kaya pinakuha ko na lang kay van.
"How do i look?"
"You look like a beautiful bride" he complimented from my behind. Nang lingunin ko ay may hawak na siyang camera.
"Ano 'yan?" Tawa ko habang lumuluha. Para na akong baliw.
"I'm taking a video of you."
"Para sa ano?"
"Basta! You'll thank me one day"
I never knew what he meant by that. Kaya simula nung araw na 'yon ay halos araw-araw niya na akong kinukuhanan ng video. When i asked him why, he just always say na 'for reminiscing' daw.
As if mapapanuod ko iyon sa kabilang buhay.
"Tantantanan! Tantan tanan! Tantan tananan tan tantantanan!~"
Napatawa na lamang ako sa kabaliwan ng kaibigan. I tried covering my face nang makitang may hawak na naman siya camera. Nakatutok iyon sa'kin.
"Ano na naman?" Ngiti ko nang inilahad niya ang kamay sa aking harapan.
"Nakatulala ka na naman diyan sa gown mo"
"Wala lang. Naiisip ko lang yung sarili ko na naglalakad sa altar. Kung sana alam kong magkakasakit ako, sana nagpakasal ako ng maaga no?" I chuckled.
"And drama mo! Kinaganda mo ba 'yan?" Biro niya.
Unti-unting nawala yung ngiti sa aking labi.
"Bakit? Pangit na ba ako? Hindi ba bagay sa akin ang pagiging maputla?"
He looked at me apologetically. Concern was written in his almost innocent face.
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. It was just a joke"
"I'm sorry, I've been really moody and emotional lately" nahihiyang yuko ko.
Nagulat ako nang hawakan niya ako sa kamay. Hinila niya ako patayo at ikinawit ang braso ko sa kaniyang leeg.
"May i dance with the beautiful bride?"
It made me smile bitterly.
"Naikwento mo kasi sa'kin. Na sumayaw kayo ng fiancé mo sa il—"
"Under the pouring rain"
"Mali! Sa ilalim ng ulan. Tagalog dapat" pareho kaming napatawa. Ilang segundo lang ay napawi din kaagad ang ngiti ko. He initiated the first step kaya sumabay na din ako. We both danced as i reminisced the times nung kami pa ni kage ang nagsasayaw ng ganito.
"Ang iyakin mo talaga zephyrine"
"Sorry. Hindi ko lang mapigilan" punas ko sa basang pisngi. He took his handkerchief out of his robe and gave it to me. After that, he let me lean on his chest, a friendly comfort on which I didn't know i would have.
When the visions around you
Bring tears to your eyes
Napataas ako ng tingin nang bigla na lang siyang kumanta. I didn't know he could sing well?
And all that surrounds you
Are secrets and lies
I'll be your strength
I'll give you hope
Keeping your faith when it's gone
His singing didn't do no help. Mas lalo lang akong napaiyak.
And I promise you never
Will you hurt anymore
I give you my word
I give you my heart
This is a battle we've won.
"Ms? Gising na po"
Napatingin ako sa paligid nang makitang medyo madilim na. I looked at the exhausted lady in front of me. Mia is it?
"I'm sorry. Nakatulog ako" i stated the obvious. But the secretary seems nice kaya siguro hindi ako pinilosopo.
"What time is it?"
"Lagpas seven na po ng gabi. Kanina pa po kayo nakatulog diyan. Nung mga four siguro"
"I'm sorry"
"Okay lang po"
"Si kage, yung boss mo? Nasaan? Nakalabas na ba?" I touched my left temple at natanto kong bahagyang basa iyon.
"Opo, kanina pa. Gigisingin nga sana kita eh kaya lang sinita ako ni ms charmaine. Sabi niya 'wag daw kitang gisingin"
Tumango lang ako. Wala akong lakas para magalit ngayon.
"Anong oras umuwi si kage?"
"Mga six po. Actually, ang aga niya nga pong umuwi. Usually nago-overtime kasi siya"
"Ah sige. Salamat" she kindly smiled at me and i did the same.
I can't believe him! Alam niyang buong araw akong naghintay sa kaniya, hindi man lang ako pinaunlakan kahit isang minuto man alng ng oras niya! Nagkulong pa talaga sa office niya kasama yung higad! I even fell asleep waiting for him. How rude of him to just pass by me and not even bother to wake me up!
Tumayo na ako at tumungo sa elevator. Kinuha ko ang aking phone sa loob ng bag and when i opened it, ang unang bumungad sa akin ay ang bilang ng miss calls. Mostly galing kina van at dad.
116 texts, 48 miss calls.
Okay. I'm dead.