Chapter 5
"Hey!" Lakad takbo ko hanggang sa maabutan ko yung lalaki.
"Nandito ka na naman? Nandito ka din kahapon ah?" Santos chuckled.
"Oo nga. Nandito nga ako kahapon pero mission failed na naman. Hindi man lang ako nagawang tingnan ng hambog mong boss!" Irap ko.
Napatawa siya. "Ganiyan naman talaga yan kahit noon pa. Hindi ka lang sanay na ginagawa niya na ngayon pati sayo"
Sinimangutan ko lang siya at nagpaalam na din dahil aakyat na ako papuntang office ni kage.
"Good morning!" I greeted mia when i reached her desk.
"Ay ms! Hello po. Good morning" nahihiya niyang ngiti pabalik.
"Yung boss mo?" Turo ko sa pintuan. "Nandiyan na?"
Umiling siya. "Wala pa po"
"Ahh. Maaga pa pala ako. Sige. Doon na muna ako maghihintay" paalam ko at tumungo na sa upuan.
Nilapag ko ang bag sa gilid and crossed my legs while waiting for kage to arrive. Ilang minuto pa tumunog na din yung elevator hudyat na may dadating. Bahagya akong napaayos ng upo nang makitang si kage iyon.
He looked formal as ever. He looked manly and neat with his coat and tie. May tila nagdiwang sa aking kaloob-looban nang mapansing napatingin siya sa akin. He cleared his throat and hastily looked away. The thin line on his lips is something i can recognize, he doesn't want me here. Hindi naman na bago iyon.
"Mia" he called out his secretary. Kaagad namang napatayo ang babae.
"Good morning sir!"
Pormal na tumango siya. "Tuloy ba ang meeting ngayong umaga?"
"Ah..yes po! The team assigned for the discussion of the agenda will be here any minute now."
"Good." Dumako ang tingin niya sa malinis na lamesa ng sekretarya. "But you seem to miss out something mia"
"Po!? S-sa tingin ko wala naman po. Nasa loob na din ang lahat ng kakailanganin. Pati yung para sa presentation" nababahalang ani nito.
"The coffees mia. I ordered you to buy the board coffees. Where is it?"
Nanlaki naman ang mga mata ng babae na tila ngayon lang na realize. She let out an awkward chuckle bago nagmamadaling kinuha ang bag.
"Sorry po sir. Mukhang nakalimutan ko nga." Tinaasan lang siya ng kilay ng boss. "Pasensya na talaga sir. Bibili na lang po ako ngayon. Sandali lang po ito."
"Kage" ani ko pero hindi man lang ako pinansin. Tumalikod na siya at walang salita na pumasok sa kaniyang office. Napasimangot ako.
"Mia?"
"Ano po yon ms?"
"Ako na lang bibili ng coffee nila." I offered. Maybe if i comply to his request, baka ma lighten up yung mood niya at baka sakaling papayagan na akong kausapin siya.
"Po? Nakakahiya naman po. Trabaho ko po iyon eh"
"Oh shush! It's not a big deal. Dito ka na lang. Baka kakailanganin ka dito" ani ko at hindi na siya hinayaang tumanggi pa. Tumalikod na ako at umalis.
Good thing i found a café near here. I stepped inside and ordered coffees and snacks. Since hindi ko alam kung ilan silang lahat doon na mag mi-meeting, dinamihan ko na which was i guess was a bad choice, narealize ko na lang nung tinulungan na ako ng isang empleyado nila doon na ipasok sa loob ng sasakyan ang mga pinamiling pagkain.
They had to fully seal the coffees at nilagay iyon sa box, so is the croissants. The consequences was later on known nang nakapameywang na akong nakatayo sa harap ng car trunk na kung saan ay nakalagay ang dalawang medium-sized boxes.
I thought, na ipapatong ko yung box ng kape sa mga tinapay at sabay na buhatin ang mga iyon, dahil nakakapagod naman siguro kung isa-isahin kong pag-akyat sa taas! Jusko! Naka heels pa naman ako. I was about to do that when i felt someone tapping my shoulder kaya napalingon ako.
"Hi! Do you need help with that? Baka mahirapan ka eh." Offered by a nice looking guy with a nice set of dimples.
"Oh! uh..sure?" Pagdadalawang isip ko pa. "Hindi ba ako makakaabala sayo?"
"Not at all. Saan ko ba ang mga ito dadalhin?" He said lifting up the other box. Ako naman sa isa.
"Doon" turo ko sa building sa harap. "Sa office ni kage"
"Kage?"
"Oo. Bakit? Ayy shi-- ni kaden pala. Sorry"
"You mean ni mr. Arguelles?" Taas kilay niya.
"Ah oo. Ni mr..Arguelles"
"Talking about coincidence, doon din tungo ko eh" ngiti niya. Ngumiti naman ako pabalik.
Sabay kaming pumasok sa building at elevator. I was slightly conscious dahil from now and then ay tumitingin siya sa akin di kaya sa mukha ko, i can see it through my peripheral vision.
"Dito na lang siguro" ani ko nang makarating sa table ng waiting area.
"Are you sure?"
"Yea-"
"Oh! There you are! You're such a life saver ms.." labas ni mia galing conference room.
"Zeph"
"Ms zeph. Thank you! Salamat talaga." Hawak niya sa kamay ko.
"You're welcome"
"How much do i owe you?" Aniya at nilabas ang pitaka. Pinigilan ko siya. Nagpapalakas ako dito dahil mukhang araw-araw tambay ata ako dito.
"No, it's okay. This one's on me" nagpumilit pa siya ng ilang beses pero hindi ko pa din naman siya hinayaang magbayad. She just gave up. She turned to my side.
"Mr Acosta? Anong ginagawa mo diyan? Bakit hindi ka pa pumapasok? Magsisimula na yung meeting!" Nakapameywang niyang sita.
Napakamot naman sa batok ang lalaking katabi ko.
"Papasok na nga-ah teka! Kailangan niyo ba ng tulog diyan?"
"Ah oo. Paki pasok na lang ng mga 'yan. Salamat" mia instructed. Sinunod naman nung acosta. Yung isang box lang muna yung pinasok niya kaya binuhat ko na lang yung isa at pumasok na din sa loob dahil ayoko namang lalabas na naman siya. At syempre gusto ko din masilayan si kage.
The room was occupied of formally looking gentlemen. Lahat ata ay may edad na kaya ang seseryoso ng mga mukha. Tila nahihiya naman ako yumuko lang. Napadako ang tingin ko sa kabilang dulo ng lamesa nang maramdaman na parang may nakasunod sa akin ng tingin. Bahagya akong nailang nang makumpirmang may nakatingin nga. It was the boss of the entire building. And he was watching my entire move.
Bahagya akong napatalon nang may kumuha ng box galing sa kamay ko. Napatingin ako sa mukha ng lalaking may dimples nang bahagyang tumama yung daliri niya sa braso ko.
"Uhm.." iwas ko ng tingin. "Lalabas na ako. Magsisimula na ata kayo" sabay pihit ko patalikod pero hindi iyon natuloy nang hawakan niya ako sa pulsuhan. My mouth slightly parted because of his sudden move.
"Dustin"
"Huh?"
"My name is dustin. And you're zeph?"
"Zephyrine" i breathed out. Lumingon ako kay kage and i saw him looking darkly at our direction-sa kamay ni dustin na nakahawak sa pulsuhan ko. Tila napapaso na kinalas ko iyon and chuckled awkwardly, massaging my wrist.
"Thank you for the help. Dustin?" Tumango siya. I smiled in return before leaving the tensed room.
Bumalik na naman ako sa pwesto kanina at naghintay na naman ng ilang oras. Bahagya pang tumutunog yung tiyan ko dahil hindi pa nga pala ako nakapag breakfast. I forgot to take my coffee and bread out of the box. Mukhang sa ibang tiyan pa napunta yung breakfast ko. Great!
Nilibang ko na lang ang sarili sa pag scroll sa social media.
Maya't-maya pa, bumukas na din sa wakas ang pintuan ng conference room. Unang lumabas doon si mia, kasunod niya ay si dustin na iba yung mood kesa kanina. He was now all frown na tila may nangyaring nakaka badtrip.
"Mia? Tapos na kayo?" turo ko sa loob.
"Opo ms. Lunch break na"
"Lunch time na?" Kunot noo ko sabay tingin sa phone. Tama nga siya 12 na. Ilang oras ba akong naghintay dito? Grabe naman.
"Nasa loob pa ba?" Tanonv ko kay mia
"Yes po. May kinakausap pa."
"Sige. Hintayin ko na lang dito"
"Eh?"
"Bakit?" Kunot noo ko.
"Pansin ko lang kasi na pinapahirapan ka ni sir. May ginawa ka bang kinagagalit niya?"
"Oo" ngiti ko ng mapakla. Tumango-tango naman si mia at bahagyang nakaawang ang labi. Mabuti naman hindi na siya nagtanong kung ano iyon.
"Tip lang po ah. Kung talagang kilala mo ang boss ko, alam mo na na hindi siya basta-bastang nagpapatawad ng mga may atraso sa kaniya. Kaya ganon ka na lang niya tratuhin. So ms, goodluck" she smiled and walked to her table.
Napaharap ako sa lalaking nasa harapan ko na pala nang hindi ko man lang napapansin.
"What happened to you? You seem in a bad mood. May nangyari ba?"
"Nakakainis kasi yung boss namin. Ako palagi yung tinatanong. At tila ang init pa ng ulo sa'kin. Ang sama pang tumingin. Ewan ko ba!" Salubong ang kilay niyang sumbong.
"Baka kaya ikaw palagi ang tinatanong kasi mukha kang matalino?" pampalubag loob ko.
"Talaga?" Taas ng tingin niya sa'kin
"Oo" ngiti ko.
"Baka nga." He muttered under his breath. "Siya nga pala, lunch na. Baka gusto mong sumabay sa'kin? Pupunta akong cafeteria."
"May cafeteria dito?"
"Oo naman. Ano? Sabay ka na? I'm sure you're already hungry with all that waiting. Teka..sino nga pala hinihintay mo dito?"
Ay s**t! Nakalimutan ko! Nag-aalalang tumingin ako sa b****a ng conference room. Baka kasi dumaan na si kage ng hindi ko nalalaman.
Napahinga ako ng malalim nang makitang nandoon siya hindi malayo sa amin. Three men were talking to him but he doesn't seem attentive. Nakatingin kasi siya ng matalim sa banda namin. No! More like sa akin.
Oh come on! What did i do this time?
I excused myself to dustin and walked towards that group of men. Nakasunod naman ang tingin ni kage sa akin. His expression was now shifted to confusion.
"Gentlemen." I said formally. "Good afternoon"
"What is it hija? We're in a middle of a private discussion at the moment."
I looked at the old man na nagsalita then smiled patiently.
"My name is zephyrine. Eduardo Nava's only daughter?"
In this circle that i live in, kailangan mo pang magpakilala and i know it's necessary to have a surname brag-worthy, dahil kung hindi, tatratuhin ka nila na parang hindi ka importante at nababagay.
The three old men looked at me wide-eyed because of what I've said.
"You're eduardo's daughter? So you're the heiress of your father's company?''
Seriously! Big deal ba talaga sa kanila ang pagiging heiress?!
"Sure am"
"So what are you doing here hija?" Taas kilay nung isa.
"mali na ba ngayon na bisitahin ang kompanya ng mapapangasawa ko?" I chuckled and made a quick second glance at kage. I smirked at his face. Nakakunot kasi ang noo niya. Mukhang galit pero ayaw naman akong pahiyain sa harap ng mga kasama niya.
"M-mapapangasawa?"
"Uhuh. So will you please excuse us gentlemen? Nagugutom na kasi ako. Hindi ako pwedeng malipasan ng gutom sabi ng doktor ko"
"Anong ibig mong sabihin?may sakit ka?" Salita nung isa.
"Bawal kay baby." Ani kong nakangiti habang hinihimas-himas ang flat na tiyan.
Narinig ko naman ang bahagyang pagsinghap ng mga kaharap namin.
"Halika na?" Taas ko ng tingin kay kage. I took the time para hilahin siya while he was still shocked.
Hinila ko siya papuntang office niya. Kumindat naman ako kay mia nang mapadaan kami sa table niya. She made a face like she was impressed.
"What the f**k was that zephyrine!? Ano ba ang pumasok diyan sa isip mo!?" Sigaw niya pagkatapos kong maisara ang pintuan sa likod namin.
"I was shocked to know that you still know my name kage." I acted shock and placed a hand on my chest.
"Cut the bullshit lady. Answer my damn question!''
"Gutom na 'ko eh."nguso ko. "And i just did that para makaalis ka na doon. That discussion i think was boring you. And you weren't even listening on what they're saying"
"Ano bang alam mo sa mga gusto kong gawin? Ang ayoko sa lahat ay pinapangunahan ako zephyrine!"
"And you think i don't know that kage? We've been together for almost a year!"
"6 months" he corrected.
"6 months. Sabi ko nga" bumuntong hininga ako. "Okay let's just drop this. I'm glad that you're speaking to me again. Pero sana naman, wag yung ganito. Na nagsisigawan tayo. Sige ka! Baka marinig ni baby" i wiggled my brows while caressing my stomach.
"Are you bullshitting me zephyrine!?"
Napanguso ako sa bulyaw niya.
"Ano bang gusto mong gawin ko?"
"Umalis ka na. You just caused me my reputation" he mumbled.
"Reputation?" I scoffed. "Reputation as what? A free man? A bachelor? Hindi naman mahalaga yun eh.''
"Ano bang alam mo sa mga mahalagang bagay at hindi zeph? Kaya ka nga umalis diba? Because you didn't see the importance of our relationship back then" hinilamos niya ang palad sa kaniyang mukha. Na tila nasabi niya ang mga salitang hindi dapat.
"Get out. Hindi ako sasama sayo kung 'yan ang gusto mo" he turned his back and walked to his swivel.
"Hindi ako aalis dito kage. Kung ayaw mong lumabas kasama ako, edi sige. Dito na lang tayo mag-uusap"
But i really am hungry...
"I won't be listening to you crap of a reasons so better leave. Habang nakakapagtimpi pa 'ko" he said without looking at me.
Bahagyang sumakit yung dibdib ko. Is my reasons really all craps kage? Hindi ba acceptable ang mga 'yon?
"Aalis lang ako saglit. Babalik ako kage" i breathed out and turned my back.
"You're meeting with that boy? Good."
Napalingon ako ulit dahil sa sinabi niya.
"Ano?"
Hindi na siya nagsalita ulit at tinuon ang lahat ng attensyon sa kaniyang binabasa. I let out a harsh breathe before getting out.
Pinikit ko ng mariin ang mga mata pagkatapos makalabas. Ang hirap namang pakiusapan ng isang 'yon!
The back of my head says that it's just normal for a guy to react that way after being dumped. I guess he is just testing my patience. If he is, then game on.
I just found myself walking towards mia's table.
"Mia? Nasaan yung canteen?"
Meeting with that boy pala huh?
"Hello! Can i sit here?" I smiled at dustin after ko siyang mahanap sa dagat ng tao dito sa cafeteria.
tumanganga naman siya at hindi agad nakatugon kaya kusang umupo na lang ako. Placing my tray of food in the table.
"May dumi ba 'ko sa mukha?"
"Wala lang. I just didn't expect na susunod ka. After mo 'kong iwan doon"
"Ay grabe! I excused myself to you kaya!"
He chuckled as a reply.
"What?" I asked when i caught him staring habang sumusubo ako ng kanin ng sunod-sunod.
"Wala lang. Yung suot mo kasi, at yung buong aura mo mukhang hindi bagay sa ganitong mga lugar"
I just rolled my eyes on him at nagpatuloy na kumain. Gutom ako. Bakit ba?
"I have a question"
"Hindi ka ba nauubusan ng laway sa kakasalita? Ang daldal mo eh"
Tumawa naman siya. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Wala naman ah?
"So ano nga?"
"Shoot"
"Okay. I'm just curious. Si mr. Arguelles. Yung boss ba natin ang hinihintay mo kanina sa taas? May relasyon ba kayo?"
Napahalakhak naman ako sa sinabi niya.
"I'm sorry but..boss NATIN?"
"Oo" kunot noo niya.
"You must've misunderstood pero boss NIYO lang. I don't work here bud. Di kaya ng braincells ko ang ganitong klaseng marketing at chemical mixtures eklavu"
Mahinang tumawa siya.
"Hindi mo tinanggi. So may relasyon nga kayo ni sir?"
"More like may relasyon noon" pagtatama ko.
"So you're one of the exes in movies na humahabol?"
"Me? Like them? I maybe an ex pero iba ako. I intend to be his future dustin." I bragged confidently.
"Committed ka na pala? Sayang naman" he muttered under his breathe.
"Yeah" sagot ko at bumalik na sa pagkain.
"Uy pare! Nandito ka na pala? Hindi ka man lang nang-aya!" Biglang dating ng grupo ng kalalakihan. Mukhang empleyado din dito. May mga ID kasing suot.
Napatingin ako sa kanila at nakita ko kung paano tapikin ng patago ng lalaking nagsalita yung lalaking nasa likod nito. They all turned to me and their expression turned into a teasing one.
"Ohoyyy!! Sino naman itong magandang babaeng kasama mo?"
"Oo nga! Pakilala mo naman kami."
"Girlfriend mo ba dust?"
"Mga gago hindi!'' Natatawang iling ni dustin.
I smiled at all of them.
"Hello. Kaibigan ba kayo nitong si dustin? Ako nga pala si zeph"
"Hi ms zeph! Ang ganda mo naman." Napangiti ako.
"Salamat"
"Pinopormahan ka ba nitong kaibigan namin? Wala kasi siyang sinasabi sa amin na may magandang nililigawan pala siya."
"Oo nga. Mukhang natatakot na maagawan" sabad nung isa. Tumawa na din ako.
"Hindi. Magkaibigan lang kami"
Dahil sa sinabi at kinantiyawan nila si dustin na na "friend-zoned" daw.
"Kung hindi ka pala syota nito. Baka naman ms zeph, gusto mong lu--"
Natigilan silang lahat at agad na humarap ng pormal sa taong nasa harapan nila.
Napalunok ako. It was kage and i was surprised that he went down here.
"S-sir"
"Magandang hapon po sir"
Hands on his pocket, he took a quick glance at me bago nagpatuloy ng lakad sinundan namin siya ng tingin. Halos lahat ng tao sa cafeteria ay ganoon ang ginawa. The place also went silent compared kanina.
He took a seat on the vacant table meters away from us. Agad naman siyang dinaluhan ng vendor doon.
I cleared my throat after the guys left. Napainom ako ng tubig nang matanto na nako-concious na akong sumubo pa ulit.
"Nakakapagtaka" biglang sabi ng kaharap ko.
"Bakit?"
"Hindi naman kasi siya pumupunta dito eh"
"Huh? Talaga?"
"Ngayon lang talaga siya kumain dito. Mostly kasi lumalabas yan para kumain sa mga mamahaling restaurant kasama si ms charmaine"
"Si charmaine? Teka matanong ko nga. Palagi ba silang magkasama?"
"Hindi naman araw-araw. Pero palaging pumupunta at bumibisita dito 'yang si ms charm"
"Sila na ba?" Matalim kong tingin at sinimulang tusok-tusukin yung tirang manok.
"Maraming nagsasabi na oo daw. Pero sa tingin ko hindi. Kita naman sa galaw nung babae na siya yung naghahabol. Pinapabayaan lang niyang si sir."
Mukhang naalis naman ang mabigat na nakadagan sa aking dibdib.
"You seem loosened up. Did that made you feel better?"
"Oo naman. Thank you for that" i chuckled and so did he. Bahagya ko pang tinapik ng marahan ang kaniyang kamay na nasa ibabaw lamang ng lamesa.
Natahimik na naman ang buong caf nang marinig ang tunog ng paghampas sa lamesa at kasunod no'n ay ang paghulog ng kung anong kubyertos. Nanggaling ito sa bandang hindi kalayuan sa amin. At dahil nga tahimik, it echoed in all four corners of the place.
Napatingin ako kay kage and i saw him getting up and exiting the cafeteria. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa pangingin ko.