#6

2700 Words
Chapter 6 "Zephyrine linnett! Nasaan ka na naman ba!" "Nasa daan. Nagmamaneho ako kaya wag kang maingay" sabat ko sa kaibigan sa telepono. "Nandito ako sa bahay niyo ngayon." "Ano naman ginagawa mo diyan?" Kunit noo ko habanag nakatingin pa din sa daan. "Pupuntahan sana kita! Bruha ka! Umuwi ka na nga!" Pautos nito. "Bakit? Wala ka naman bang magawa? Na miss mo ko no?" I teased. "Luhh! Asa ka! Kadiri kang babae ka!" Napatawa ako sa singhal niya. Nandidiri talaga eh. "Bukas na lang tayo magkita. Pupuntahan ko si kage sa opisina niya" "Kage na naman! Malapit isang linggo mo na siyang pinpuntahan pero ni isang beses ba pinaunlakan ka?" Napairap ako sa phone. Iniisip na si van ang aking iniirapan. Bwesit talaga yun! "Wag ka ngang epal! Tsaka nakamintis ako kahapon eh. Bumisita kasi ako sa pinsan ko. Pinapa follow up yung pinagawang gown nung kaibigan niya" "Isa pa yan! Maiba nga ako. May balak ka pa bang ipatayo yung pangarap mong shop?" "Oo naman. Hindi nga lang ngayon pero soon." "Yan! Inuuna kasi ang paglalandi! Chaka ka! Unahin mo kaya yun! You're not getting any younger, you should pursue your career. Build your future! Conquer!" "I am pursuing my future. At tama ka, ilang taon na lang lagpas na ako sa kalendaryo, that's why I'm trying to get my man. At isa pa, Nakakamiss madiligan girl! Ilang years na! Tuyong-tuyo na 'ko my God!" Dahil sa sinabi ay nakatanggap ako ng sunod-sunod na mura galing sa kaibigan. Napatawa ako ng malakas. "Puntangina mo zephyrine ang TMI mo! Nakakadiri kang babae ka!" Tinawanan ko lang ang kaibigan na kung umasta ay tila virgin. I parked my car on the same parking spot again, kage's parking spot. Ang pinagtataka ko ay sunod-sunod ang araw na pagpwesto ko dito ay hindi na ako sinusuway pa ng mga guards. Compared nung una. Tuluyan na akong nakapasok ng building. I looked to my right, sa may cafeteria banda, at doon ay nakita ko si santos na umuupo sa isang table doon. Tatawagin ko sana kaya lang may kasama, nakatalikod ang babae sa akin pero kung pagmamasdan mabuti tila pamilyar ang likod nito sa akin. Hindi na ako nag-abalang e confirm pa at umakyat na. "Sandali!" I ran towards the elevator, nagbabasakali na maabutan iyon bago pa sumara kaya lang ilang dangkal na lang ang layo ko ay sumara na iyon. I even shouted to the one person inside it to stop the door from closing for me kaya lang mukhang antipatiko yung nasa loob. Naiiritang hinampas ko yung nakasarang elevator at napamura ng malakas. Pero ilang segundo pa lang ay bumukas na ulit ang parehong lift. Hindi tumitingin sa taong nasa loob na pumasok ako. Still mumbling harsh words for the guy while brows were forming one line. "Binuksan mo pa? Thanks huh?" I sarcastically said. Hindi nagsalita ang katabi kaya mas lalo akong nairita. "You do know that i was wearing heels diba? Nakita mo namang tumatakbo na ako papunta hindi mo man lang pinigilan yung pagsara. Kung makaasta ka parang pagmamay-ari mo yung buong building! Bwesit!" I whispered the last curse. "I do" Natigil ako sa pag-irap nang magsalita yung katabi. The familiar harsh voice sent me shivers. Napatingin ako dito at ang dilim ng tingin ng lalaki sa akin—ni kage sa akin. "I uh..." i cleared my throat "sorry. Hindi ko alam na ikaw pala" "Nandito ka na naman? I see." Sandal nito sa pinaka corner ng elevator. Na tila ayaw mabangga ang kaniyang balat sa akin. Na tila may nakakahawa akong sakit. Napalunok ako para mawala ang bara sa aking lalamunan. "Kage i—" "I get it. You want us to talk. You said that a lot of times every day. Pero hindi ka ba talaga nakakaintindi ng salitang hindi zeph? I don't and I won't..talk to you. If you want closure f**k that. If you want me to understand your side, f**k that also. Ayokong kausapin ka. Ni ayaw nga kitang makita." Bumagsak ang balikat ko sa kaniyang sinabi. Naramadaman ko ang bahgyang pag blur ng paningin kaya binaba ko yung tingin. "I don't have time for craps zephyrine. I'm a very busy man. Kaya sana umalis ka na lang. matuto kang tumanggap ng hindi. Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo." He said at sakto namang bumukas yung lift. He stepped out first and i was glued on the floor. Hindi pa ako kaagad nakagalaw, natauhan na lamang nang sumara na yung pintuan. I just pushed a button to open it again and stepped out. Ilang oras na naman na paghihintay ang ginawa ko sa labas ng office niya. Sa tingin ko nga ay nauumay na si mia sa pagmumukha ko. Sa ilang oras na iyon, hanggang sa dumating ang lunch ay hindi man lang siya lumabas sa office niya kaya bumaba na lang din ako para makapag hanap ng kakainin. Thirty minutes pa lang ako nawala ay pagkaakyat ko ay pinaalam na sa akin ni mia na umalis na daw ang boss niya. Sinundo daw ni charm at kumain sa labas. Bumuntong hininga na lang ako para mailabas ang sakit na nararamdaman thinking na baka hinihintay niya lang na bumaba ako para makaalis siya. He really doesn't want to see me on plain sight huh? I called van para magpasundo. Mukhang sumama yung pakiramdam ko ngayong araw dahil sa mga salitang binitawan niya at pangbabaliwala niya. I let van took a cab since i brought my car with me. Siya na yung pinagdrive ko ng sasakyan ko pauwi sa amin. Buong biyahe ay pilit niya akong kinakausap pero wala akong imik. I just close my eyes at nagkukunwaring tulog. The next day, hindi ako nag-abalang puntahan si kage. At dahil na din sa kadahilanang may imi meet ako. I was meeting with sumner and my client, her friend who was already getting married. I didn't even know why i accepted this project since napaka sensitive ko pagdating sa kasal-kasal na yan. Thinking about weddings makes me emotional. Ako din dapat eh... "Hello cuzzyyy!" Napatayo ako sa kinauupuan nang marinig ang nakakairitang boses ng pinsan. "Oh hi" i smiled faintly. "What's wrong? You seem weak. Masama ba pakiramdam mo?" Hindi, Loob lang. Inayos ko naman ang mukha ko nang makita ang babaeng nasa gilid niya. "Hindi, inaantok lang. alam mo na" tawa ko ng pilit. Thank god she bought it. "Oh by the way! This is carolina, my friend and your client. The bride to be!" "Hello" ngiti niya. She's pretty. What a blooming bride. "Hi. I'm zephyrine and i will be designing your gown. Glad to meet you in person." "Oh yes! I saw your sketch that sumner here sent me and it was beautiful! I really like it!" Puri niya. Napangiti naman ako. "I'm cali by the way" "Oh thank goodness you love it! " Umupo naman na kami. "So may ipapadagdag ka pa ba? Mga beads or anything? Adjustments?" "Ah yes! It's just that, yung neckline, sabi kasi ni daxton—ng fiancé ko, i mean, is masyado daw mababa? Kaya hindi ko pa magawang aprubahan" ngiwi niya. Nagkatinginan naman kami ni sumner. "Alam niyo naman. Boys, napaka strikto pagdating sa damitan" she chuckled. You know what they say, ang mga hindi maka relate, look away! Kaya kaming magpinsan ay umiwas ng tingin at ngumiti na lang. "Okay, so is that all? May ipapabago pa ba? Para maka start na tayo sa fitting. Oh By the way! i would like to apologize, narinig ko sa pinsan ko na last three months mo pa daw gustong magpagawa ng gown kaya lang wala ako dito? Hinintay mo pa talaga akong makarating kaya medyo rush tayo ngayon. Pasensya ka na huh?" "No, it's okay! I completely understand. Ako pa nga dapat magpasalamat dahil tinanggap mo itong project eh." She thanked. After that we proceeded to the agenda, i showed her some other sketches, baka kasi may makuha siyang ideas or may mga beadings siyang magugustuhan doon na pwedeng ilagay sa gown niya. After that, we ordered and as we wait nagkwentuhan kami. Magaan naman yung loob ko sa kaniya dahil halos parehas lang din naman pala kami ng energy nitong babaeng to. Mas lamang pa nga siya ng kaunti. "Girl, did you know na ang ex nitong pinsan mo ay kapatid ko?" Daldal nito sa akin. Tahimik namang sinasamaan siya ng tingin ni sumner. My mouth shaped in an 'o' as i gaped at sumner teasingly. "Talaga? So i assume that's how they met? Because of you?" "Actually no, they first met in the airport, then in a random email—" "Random email?" Hindi makapaniwalang baling ko sa pinsan. "Is this the same boy na iniiyakan mo before i left? Na ang dahilan kaya ka umuwi dito sa atin?" "Caliii!!" Ingos niya sa kaibigan. "Tumahimik ka na nga!" "Cali?" I held her friend's hand above the table na tila close kami. "Tell me...everything!" ngisi ko. "Don't you dare cali!" Banta ng pinsan. "Okay ka lang ba dito mag-isa? Sorry huh? May shift pa kasi ako eh" ngiwi ng pinsan. "Oo naman. Okay lang ako dito. Ikaw? Okay lang ba?" Ngisi ko. She just shot me a sarcastic smile at umalis na nakasimangot. "Aalis na din ako. Thank you so much for your time."cali, her friend said. "You don't need to thank me for my time, malaki ka naman ang ibabayad mo eh" sabay kaming napatawa. "I'm just gonna keep in touch with you for the update." "Sure" she leaned at nag beso kami. Ganon na kami ka close ngayon. Haha! "Cali?" Bago pa siya makatalikod ay tinawag ko na siya. "Hmm?" She turned. "Can i ask you a favor?" "Sure! What is it?" "Pwede mo bang 'wag ipalapit yung kapatid mo sa pinsan ko? From the looks of it, she still hasn't moved on." I said in a tone of concern. "Bakit naman?" Kunot noo niya. "I don't want my cousin to get hurt. Kasalanan niya man ang nangyari. Ayoko siyang nakikitang pinapahirapan ng kapatid mo" katulad sa'kin... Pinagkatitigan niya lang ako ng ilang segundo. After that, she smiled brightly. "We both want the same thing. But unfortunately, we can't keep them apart" "Bakit naman?" Kunot noo ko. The corner of her lips rose na tila pinipigilan ang kilig. "Araw-araw na silang magkasama ngayon dahil parehas sila ng ospital na pinagtatrabahuan." Was all she said before turning around and left, leaving me in shock. That..sumner! Ang martyr! I got up. Mabilis na kinuha ang bag at susundan sana ang pinsan nang makita kung sino ang pumasok sa pintuan ngayon-ngayon lang. Charm was all smiles as they head towards the table meters away from me. Nakakapit siya sa braso ni kage. Si kage na seryoso man at ni walang ngiti na makita sa mukha ay hinahayaan pa din si charm. He doesn't feel disgusted by her touch. Walang disgusto na makikita sa mukha niya, hindi katulad nung nakita ko sa elevator nung ako ang kasama niya. I was pained by the sight yes, but i decided to hurt myself more by sitting back again and watching them from afar looking good together. I hate to admit it, but they are. It was like they were the perfect couple, the opposite. It was like charm was the ice and kage was her fire. Charm was bubbly while kage was the all opposite. I would give up everything just to be in her shoes. I miss going on dates with him. Napaiwas ako ng tingin nang bigla dumako ang tingin ni charm sa banda ko. Her smile faded when she saw the sight of me. Tumaas ang kilay niya and turned to kage. She said something to him at tumango naman si kage. Tumayo siya bigla at napataas ako ng kilay ng matanto kung saan siya patungo. She stopped in front of me. Mukha na siyang bitchesa ngayon na kahit anong oras ay susugod. She looks like an immature grade school student who would usually pick a fight. A reckless war freak. "Ano na naman ginagawa mo dito?! Hindi ka ba talaga titigil zeph? Sinundan mo pa talaga kami dito?" Nakapameywang niyang sabi. I just calmly looked up at her. Still sitting and legs crossed. "Ano ba tingin mo sa sarili mo? Artista na kailangan sundan?" Irap ko. Tumalim ang tingin niya sa'kin. "Tigilan mo na kami zephyrine. Hindi ka na niya mahal. Kulang pa ba ang pagtataboy niya sayo? Isn't those enough justification na ayaw niya na sayo? O sadyang tanga ka lang kaya hindi mo iyon nare realize?" Mariin niyang sabi. Tumayo ako at nilebel ang tingin sa kaniya. "Wala ka ng pakialam doon charm. At sino ka ba para sabihan akong tanga?" Madilim kong sabi. "Girlfriend lang naman ng hinahabol-habol mo. Bakit?" She fired. Boasted. I was taken aback. "You're lying. You just assumed that charm." "Really? Why don't you ask him yourself? Ano ba tingin mo sa sarili mo zeph? Na worth the wait ka? Na walang makakapantay sayo? Na hindi ka kayang palitan?" She sarcastically laughed. Kinuyom ko naman ang kamao ko sa likod ko. I was trying to calm myself even though I'm starting to feel furious. I wanted to slap her across the face. Pero hindi ko ipababa ang tingin ng ibang tao sa akin, we were in public after all. "Hindi naman talaga charm. You see..i was holding on to this" nilabas ko ang bagay na nakatago sa aking damit. Pinakita ko sa kaniya ang singsing na ginawa kong kwintas. Now it was my turn to smirk. Lalo na't nakita ko ang pagtalim ng kaniyang tingin doon. I tauntingly wiggled it in front of her. Inipit ko na iyon sa aking damit pero nakasunod pa din ang tingin niya doon. "That old thing zeph? 'Yan yung pambato mo?" "This might be old, pero at least ako meron. Binigyan. Ikaw? Binigyan ka ba?" I pouted mockingly nang napatahimik siya. "Boo! Poor little girlfriend." I taunted then laughed. Lalo na't parang maiiyak na siya sa galit. "Anong nangyayari dito?" Ani ng isang maotoridad na boses. Napatahimik naman ako nang makita kung sino iyon. I looked away. "Kage. She was so mean to me" kapit niya kay kage sabay turo sa akin. I scoffed unbelievably. "What the f**k are you doing here zephyrine? Didn't i already told you to leave us the f**k alone?" He said like he was disgusted. Nasaktan ako sa uri ng tingin niya, Pinagkatitigan ko siya ng ilang segundo bago nilunok ang bara sa aking lalamunan. "I didn't do anything" it was almost a whisper. "Then bakit ka nandito?" He asked. I turned to look at charm at iniwas niya naman ang tingin niya. "For the record charm, hindi ko kayo sinundan dito. I came here first" She scoffed. "As if naman maniniwala ako sayo. You're so obsessed with kaden kaya hindi imposibleng sinundan mo kami dito. Or maybe all day." Maarte niyang sabi. Oh i would pay much kung sinong makakapag patahimik dito! "Maniwala man kayo o hindi. Basta hindi ko kayo sinundan. My already used plate can justify to that." I stepped aside so they can see ang pinagkainan namin kanina. "Kung gusto mo charm. Simutin mo. Tutal sanay ka namang saluin yung mga tira-tira ko diba?" Napaawang ang mga labi niya doon. If van was here, he would be proud of me. "Why you!—sumosobra ka na zephyrine!" "Enough!" Kage's loud voice made me stop. "Zephyrine. Can you just..leave?" Masahe nito sa noo. "Bakit ako? E nananahimik ako dito kanina nang linapitan ako ng babae mo! Bakit hindi 'yang girlfriend mo ang pagalitan mo? Tahiin mo yung bunganga dahil wala namang kwenta ang mga lumalabas sa bibig niyan!" Singhal ko dahil hindi na ako nakapag pigil pa. I saw him taken aback. Bahagyang umawang ang kaniyang labi pero maya't-maya pa ay kumunot ang noo nito na tila may mali sa sinabi ko. Kinuha ko yung bag ko sa lamesa. Inirapan ko si charm. Pero dahil siguro sa sobrang galit ay hindi ko na namalayan na pati pala si kage ay nairapan ko na din. Tinalikuran ko na silang dalawa at padabog na lumabas sa restaurant. So much for a peaceful lunch meeting.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD