NATATAKOT ako sa kambal mo, Keb. Baka barilin niya ako. “Bakit mo naman kasi ginawa ‘yon? talagang malilintikan ka ni Kalex.” “Paano kung barilin niya ako tas mamatay ako? anong gagawin mo?” “Ililibing syempre. O kaya ipaanod kita sa baha.” Mabilis na kinurot ni Maryjoy ang hita ni Keb at napadaing ang binata. Kahit walang kuko si Maryjoy ay parang natanggal ang balat niya. “Ililibing pala ha?” nangigil si Maryjoy at agad na sumuko si Keb. “Binibiro lang naman kita. Bitawan mo na ako.” Pagmamakaawa ni Keb. Ngunit mas hinigpitan pa niya ang pagkurot. “Maryjoy, bakit ka nariyan sa labas dis oras na ng gabi?” Mabilis niyang nabitawan si Keb at napatayo siya. Pero nahuli na sila ni Nanay Delyn dahil lumabas na pala ito ng bahay para umihi sapagkat nawawala ang arinola nito. D

