NATAGPUAN ni Lanie ang sarile sa mismong harap ng mansyon ni Walter. Nakatayo lamang siya sa harap ng gate. Ang usapan nila ni Maryjoy ay dito lang siya sa gate pero nang makita niya ang sirang mansyon ay biglang nahabag ang puso niya. Hindi naman buong nasira sa part lang sa harap pero pumangit ang desinyo. “Lanie? Lanie, ikaw ba ‘yan?” “Ate Loida? Narito ka pa rin? Sina ate Shanti at Sayong nando’n na kay sir Kaden.” Mangiyak-ngiyak si Loida na lumapit sa kanya. Namamaga ang mata nito bakas ang pag-iyak. “Bakit po ganyan ang hitsura mo, ate?” “Kasi nga Lanie… hindi ko maiwan-iwan si Doc kasi kawawa siya. Walang mag-aasikaso sa kanya kung bakit umalis pa ang mga kasama ko.” “Bakit nga po?” “Kasi si señorito Doreen kinidnap ng mga tulisan. Tapos ayaw ipaalam ng pamilya ni señ

