PARANG naglalakad sa hangin si Maryjoy sa kalsada dahil hindi niya sukat akalain ang ipinagtapat sa kanya ni Rodney. Natutuwa siya pero naawa para kay Isabel. Bata pa lamang ito napakarami nang sakit ang kanyang dinanas at hanggang ngayon nanatiling lihim ang buong pagkatao nito. “Maryjoy? Maryjoy?” Hindi napansin ni Maryjoy ang motorbike na sumalubong sa kanya. Mabils na pinarada ni Kaden ang motorbike niya saka hinabol si Maryjoy na tila wala sa sarile. “Hey, Maryjoy!” Hinawakan ni Kaden ang kanyang kamay at kinabig siya. “Keb? baby?” biglang niyakap ni Maryjoy si Kaden sa pag-aakalang ito ang asawa niya. Medyo madilim kasi malayo ang streetlights Kambal pa naman ang dalawa kaya hindi nakakapagtaka kung mapagkamalan man siya ni Maryjoy. “Nakausap ko na si Rodney, baby! walan

