HAYAAN mo na lang sila, baby. Nariyan na sina Kaden at Lanie sila—” “Hindi!” pinutol ni Maryjoy ang sasabihin ng asawa. Napailing si Keb buhat kasi nang dumating sila dito sa Pilipinas namoroblema na si Maryjoy kay Isabel. Kung tutuusin ay matanda na si Isabel para magdesisyon sa sarile niya. “Dahil sa pagmamahal ko sa ‘yo Keb kaya sumama ako at sumunod sa gusto mo. Hindi ako nagsisisi dahil mahal na mahal kita. Pero ngayon nandito na ako sa Pinas at nakikita ko ang sitwasyon ni Isabel hindi ako mapapanatag hanggat hindi ako nakakabawi sa kanya. Iniwan ko siya para sa iyo kaya sana support mo na lang ako, ba?” “Ano pa nga ba ang magagawa ko.” Napangiti si Maryjoy at niyakap ang asawa. Niyakap rin siya pabalik ni Keb. “Tumawag pala kanina ang panganay natin. Sa Monday siya pupunta

