KINABUKASAN ay inasikaso siya ni Kaden para sa pagpasok niya sa eskwela. Maagang nagising si Kaden at pinagluto siya ng almusal. Nagsisipilyo siya sa lababo nang yakapin siya mula sa likod. Pagkatapos niya ay humarap siya sa nobyo. “Bakit ganyan ka makatitig?” natatawa niyang tanong dahil ang lumbay ng mukha ni Kaden. “Hindi ko maiwasan isipin na maraming nanliligaw sa ‘yo sa school na kaedaran mo. Tapos palagi pa akong wala dito sa bahay baka nawawalan na ako ng time sa ‘yo.” “Ano ka ba Kaden? bakit nag-iisip ka ng ganiyan? Wala akong ibang gusto kundi ikaw lang. Mahal na mahal kita, Kaden at nag-aadjust ako para bumagay ako sa ‘yo.” Hinawakan ni Kaden ang kamay niya at hinalikan. “Hindi mo kailangan mag-adjust sweetheart. Ako ang gagawa no’n para bumagay ako sa ‘yo. Saka, dumaan

