- Good Night - "Kuya, may note po." Natigilan ako at bumaling sa tinuturo nung bata. Hindi ko iyon mabasa mula sa kinatatayuan ko kasi nababalot na ito ng lupa. Pinulot ko ito. Pinunasan muna gamit ang aking kamay para mabasa ng matino. "Congrats!" Basa ko kasama nung tandang padamdam. Inikot ko ito, nag babaka sakaling may karugtong at tama nga ako kaso hindi maganda ang laman nun. "But sorry, we haven't started yet." Takte! Tinutukoy ba nito ang mga nangyayari? Paanong hindi pa kami nag sisimula gayong ang daming namatay. Ano bang binabalak nun saamin! Nakaka kaba na kasi talaga. Hindi na maganda ang pinatutunguan nito. Bumalik na lang kami ni Syra habang bitbit ko ang bagay na pinangalingan ng kunwaring hamog. Pagka balik namin ay muli kong kinuha ang susi sa bulsa ni Dale para buk

