- Mysterious Fog - Bumalik na lang ako sa pwesto nila Tita Erin. Medyo inaantok na rin kasi ako, ang weird nga kasi natulog naman ako ng hapon tapos inaantok na ako bigla. Kumibit balikat na lang ako. Payapa kong pinagmasdan ang nakalatag na higaan ko. Inayos na nila ang lahat ah! Di ko malaman kung anong dahilan kung ba't parang naging masaya ako ng bahagya. Hindi lang basta saya, hype siya. "Oh! Chase, matutulog na kami. Hinanda na rin pala ng mga kaibigan mo yung hihigaan at gagamitin mo. Ngumiti lang ako tyaka nag pasalamat. Inaantok ako subalit parang ayaw naman ng katawan kong mahiga. Mamaya na nga ako mahihiga, hindi ko rin naman kasi alam ang oras kasi nga wala kaming cellphone na matitignan ng oras. Isang hamok naman ang aking natanaw. Nag mula sa di ko malamang dereksyon kas

