- Suicide -
Hindi pa din ako makapaniwala na may kababalaghang nangyayari sa harapan namin. Muling nabuhay ang magulang namin sa hindi namin malamang paraan. "Teka nga! Ano bang nangyayari dito? Ba't nasa sementeryo tayo?" Hindi pa natigil ang tanong ni Mom. "Tsaka bakit parang miss na miss nila ang isa't isa... Pati kayong dalawa, parang miss na miss niyo kami ng Dad niyo."
Wala kaming naitugon ni Ate Allison. Paano ba namin ito ipapaliwanag ng malinaw? Hindi naman namin pwedeng sabihin na lang bigla na matagal na silang patay. Baka hindi lang nila kami paniwalaan o sabihin na kalokohan lang namin ito.
"Mom... Dad, wala kayong naaalala?" Gusto kong mag pasalamat sa pag sasalita ni Ate ngunit hindi 'to ang tamang panahon para doon. Dahil kasi sa pag sasalita ni Ate, nawala ang nagtatanong na mata nila Dad.
"Hmm.. Ano bang dapat namin alalahanin?" Tanong ni Dad. Wala na din ba silang maalala ngayon?
Nakuha ng atensyon ni Mom ang dalawang kabaong na nakalabas mula sa hukay. Pinagmasdan ko lang siyang mag pikit-pikit ng mata. "Ka-kanino t-to?" Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ayoko sanang humantong sa ganto pero ano bang magagawa ko? Hindi ko naman kontrolado 'tong mga bagay na'to.
"f**k!" Naantig ang tenga namin ni Ate mg marinig namin ang mura na yun. Nag mula kay Dad. "Uhmm.."
Wala kaming kaalam-alam na nag mumura pala si Dad. "Yang bunganga mo kasi!" Kinurot ito ni Mom sa tagiliran na ikina daing ni Dad.
"Tapatin niyo nga ako. Are we dead?" Kagatlabi akong tumingin kay Ate Allison. Inaantay ko lang na may gawin siya subalit ng humarap ito saakin, nag susumamo siya na parang sinasabi na ako na daw ang bahala.
Napa buntong hininga na lamang ako dahil sa gagawin ko. Tama lang 'to kasi kanina si Ate ang nag salita, dapat ako naman ngayon. "Yup." Di ko talaga alam kung saan ko nahugot ang lakas para sabihin yun.
Gusto ko lang namang yakapin sila ng pagkahigpit-higpit. Pwede bang lampasan na lang ang pagkamatay nila? Pwede bang ngiti muna ang puminta sa mga mukha namin!
"So hindi pala panaginip yung naalala namin." Malumanay lang na saad ni Mom. "Anong nangyari sainyo after ng pagkamatay namin?" Sinusubukan naman nila ngayong pagaanin ang damdamin namin base na rin sa tono ng pananalita ng nanay ko.
Sa katunayan, hindi maganda sa tenga ko yung salitang after ng pagkamatay namin. Para kasing pinapaalala nila na patay na sila.
Naramdaman ko na lang bigla ang malamig na kamay ni Ate. Hinawakan niya ang balik ko na animo'y na nangangailangan ng masasandala. "Ate." Hindi ko din mapaagaan ang pag hikbi nito. Sigurado akong mas masakit ang nararamdaman niya ngayon kasi silang tatlo ang mag kakasama nung panahon na yun.
"Sinisisi mo ba ang sarili mo? Allison, anak. Wala kang kasalanan don. Hindi mo naman din ginusto na mangyari yun." Pagpapataha ni Dad na imbes na mapatigil, mas lalo lang na lumakas ang pag hikab nito. Ganon din ang naririnig ko sa ibang katabi namin na nabuhayan din ng minamahal. "Kasalanan ko yun, Pa!" Hinagod ni Dad ang likod nito, hinayaan ko din kay Dad si Ate Allison.
"Chase, okay ka lang ba?" Pilit na lang akong ngumiti. Hindi ko kayang sagutin yung tanong ni Mom tyaka wala din akong balak.
Satingin ko kailangan ko ding dumistansya sakanilang dalawa kahit na hindi ko gusto. Kapag napalapit kasi ako, hindi ko maaalala na patay na sila. Baka hilingin ko pang manatili sila sa tabi ko at mas lalo lang hihirap ang sitwasyon.
Gagawin ko na lang ang nakasanayan ko para hindi sila mag hinala na lumalayo ako sakanila.
"Mom, mag babanyo lang po ako." Nag thumbs-up lamang ito at umalis na ako doon. Wala naman talaga akong balak na pumunta sa banyo, ginamit ko lang iyon bilang excuse.
Balak ko kasing hanapin yung iba, si Dale, Arc, Maurice, Heather at Lyle. Na cucurious din kasi ako kung parehas ba kami ng pinaghantungan. Na nabuhay din ba ang mahal nila sa buhay.
Una kong naka salamuha ay si Maurice kaya siya muna ang pinuntahan ko. "Chase. Napaka weird na bigla na lang bumalik si Tita mula don sa hukay." Hinatak ko siya patungo sa pinaka malapit na puno. "Oo nga eh, bumalik pala ang Tita mo? Saakin si Mom and Dad." Para kaming tanga ditong nag chi-chismisan sa may puno. Madilim na pero may ilaw naman.
"Ganto. Kailangan natin mag grupo kaagad para mag simula tayong mag imbestiga sa mga nangyayari dito." Pahayag ko na taimtim niya lang na pinakingan. "So anong balak mong gawin ko? Sabihan ko sa mga kasamahan natin kapag natagpuan ko sila?"
"Yep." Tinapik ko lang ang balikat niya tyaka nag paalam. "Kita na lang sa sasakyan." Umalis din naman siya kaagad. May kutob na ako ma si Dale ang uunahin nun na pupuntahan. Syempre, mag jowa yung dalawang yun e..
San kayang lupalop namalagi yung iba naming kasamahan? May pupunta kaya sa Museleo? Wait! Si ARC!! Naalala ko na kaninang umaga ay may binisita siyang museleo. Dali dali na akong kumaripas, mag babaka sakali na lang ako na makita ko yung museleo na yun kasi hindi ko tinandaan ang kulay at pintuan nito.
Pagkakatiwalaan ko na lang ang mga paa ko sa misyong ito.
Sa paglalakad ko sa iba't ibang museleo, madaming kabaong din ang nasa labas. Ngayon palang ay nakakabuo na ako ng idea sa mga nangyayari ngayon. Maliban na lang sa pagkabuhay ng mga patay.
Hindi na kasi 'to weird! Nakakakilabo't na ng balahibo. Nagagawa na nilang bumuhay ng mga patay na hindi karaniwan sa normal na mundo. Napa isip tuloy ako, baka nasa loob lang kami ng isang panaginip na akala naming totoo? Ayoko namang saktan sarili ko kasi hindi ako naniniwala sa mga ganon.
Pag nananaginip ka kasi, hindi mo control ang katawan o visuals na lumalabas at nakikita mo kaya walang paraan para makapag isip o gumawa ng kahit na anong hakbang.
Nalaman ko lang na dapat daw saktan ang sarili para malaman kung nanaginip kaba sa isang shared post sa f*******:. Kay Ate nga yata yun galing o kay Maurice? Basta!
Na didistract nanaman ako sa mga iniisip ko. Di ko kasi namalayan na wala na pala ako sa mga museleo subalit mukhang hindi ko na kailangan pang mag saliksik kay Arc. Papalapit na kasi siya sa pwesto ko. "Chase! Hinahanap kita. Sabi ng Ate mo nasa banyo ka. Kaya hinanap kita sa ibang lupalop," What? Di ko na gets.
"Alam ko kasing hindi ka mag ba-banyo." Hindi niya kasi nililinaw ng maayos kaya hindi kaagad nag process sa utak ko. "May nabuo kang conclusion sa mga nangyayari?" Nilingon-lingon ko ang mga taong nasa paligid namin habang tinatanong ko iyon. Mababahid mo kasi sa mukha nila ang saya, lungkot, pagka mangha, hindi makapaniwala at natatakot.
Natural na expresyon lang naman ang mga nasasaksihan ko. "Meron pero wala pa akong patunay na totoo ito. Mamaya ko na sasabihin pag buo na tayo," Tumango na lang ako. "Ikaw anong napagtanto mo?"
"Sa isang tao, isa lang ang bumalik sa mundong ibabaw gaya na lang namin ni Ate Allison. Nabuhay ang Nanay at Tatay namin. Kay Maurice naman ay Tita." Kumamot ito ng ulo. "Hindi ko naman kilala yang mga yan pero sige, ituloy mo muna."
He's right. Wala pa nga pala akong nakwe-kwentong tungkol saakin at sa iba pa. Kakakilala pa lanh namin sakanila nung umaga kaya hindi namin magagawang ipaliwanag ang past life namin.
"Ang conclusion ko, kung sino yung pinaka malapit na tao sayo na namatay, siya yung mabubuhay ngayon." Huminto muna ako kasi nakita namin si Lyle kasama ang isang batang babae na siguro mga nasa 7 o 8 base sa pag tingin ko rito. "Kaanu-ano niya kaya yan?" Kumibit balikat na lang ako sa sinabi ni Arc. "So kaya ko nasabi na mahalagang tao sa buhay ang nabubuhay kasi yung Tita ni Maurice ang pinaka malapit nito. Magkakaalaman na lang tayo kay Lyle kong tama ba ang Ideya ko na yun." Paghahabol ko sa hininto kong pahagay kanina.
Sa wakas! Nakita na din kami ni Lyle. Ang problema lang parang natataranta ito na ewan. Parang gusto niyang itago yung bata. "Another weird." Saad ko na lang.
"Kapatid niya yan. Si Syra Napiri, 9 years old." Teka nga! Paano niya nalaman yun? Itatanong ko sana kaso nakarating na kami sa pwesto ni Lyle. Maitatanong ko naman yun kahit na nasa pwesto na kami nila Lyle, ang problema kasi ay nag salita na si Arc.
Something fishy happening huh? Stalker kaya 'tong si Arc? Maybe and maybe not. Mamaya jan, alam ng karamihan ang tungkol doon pero bakit naman itinatago ni Lyle yung kapatid niya? It make me confuse as f**k!
Napasinghap na lang ako ng matalisod ako. Pinagmasdan ko yung bato tapos pinag sisipa ko ito. Mabuti na lang din at hindi iyon napansin nitong dalawa kasi nakakahiya naman yun. Sa pag mamasid ko sa sahig, napagawi ang tingin ko sa naka kuyom na kamao ni Arc.
Sinundan ko kung saan ito nakatingin. Nakatingin ito don sa batang nag ngangalang Syra na sabi nitong lalaking katabi ko ngayon.
Hinayaan ko silang mag usap na dalawa, nakita ko kasi si Heather na papunta sa direksyon namin. Kumaway lang ako na kinawayan niya din pabalik.
Ba't ba ako kumaway? Pahamak din talaga 'tong sarili ko.
Napakunot na lang ako ng mapatingala ako sa kalangitan. Wala man lang akong nakikitang kahit anong stars. Baka siguro uulan lang ngayon.
"Nakasalubong ko pala si Dale at Maurice kanina." Hingal nitong bungad. Di ko man lang namalayan na nasa tapat ko na pala siya. "Sino yan?" Nginuso ni Heather yung bata na nasa gilid ni Lyle.
Hindi kilala mi Heather yung bata. Ibig sabihin niyan, unti lang ang nakakaalam na may kapatid si Lyle. Nag sisimula na ang utak kong bumuo ng mga questions para kay Arc. Gaya na lang ng paano niya nalaman ang tungkol sa kapatid ni Lyle, pati age alam niya.
Kung ang bestfriend nga ni Lyle na si Heather ay hindi alam ang tungkol dito si Arc pa kaya? Satingin ko hindi basta-bastang stalk ang ginawa ni Arc.
Ang hirap ipaliwanag. Basta yun na yon.
Pinakilala lang ni Lyle saamin ang kapatid niyang si Syra na 9 years old. Tamang tama sa sinabi ni Arc.
Napagdesisyunan na din naming bumalik sa base namin. Baka kasi gumagawa na ng milagro si Dale at Maurice doo kasi ang tagal namin. Ay! Hindi pala gagawa ng milagro yun kasi nais ni Dale na ikasal muna sila. Parehas lang naman sila na gustong ikasal muna bago yang mga bagay na yan.
Ako naman, siguro depende sa tinitibok ng damdamin. Kung payag ang dalawang panig edi sige ngunit kung may isang mang ayaw hindi wag. Ganon lang kadali pero teka! Ano ba 'tong tumatakbo sa isip ko.
Hindi ko man lang namalayan na nakarating na pala kami sa kampo. Hmm.. Mukhang magandang pangalan yung Kampo sa base namin. "Hay Salamat at dumating na din kayo. Kanina pa kami nandito." Tinaas ko lang ang kamay ko at sumenyas ng share mo lang?
Pinanlisikan naman niya ako ng mata na tinawanan ko lang. Ano ka ngayon! Kanina ako yung pinagtri-tripan mo ngayon ikaw naman.
"May kulang pa tayo ng isa." Sambit ni Heather. Shemay! Si Ate pala nakalimutan kong sabihan.
"Wag mo nang tampalin pa yang noo mo. Maalog lang yang utak mo at baka mas lalo kapang maging makakalimutin." Nagulat tuloy ako kasi bigla ba namang sumulpot mula sa harap ng sasakyan.
"Ngayong kumpleto na tayo, bubuo na tayo ng Strategy dito tyaka plano." Pangunguna ni Ate Allison. "Sisimulan muna natim sa mga conclusion niyo." Naghayag lang kami ng mga Ideya. Pare-parehas lang naman ang mga napagtanto namin.
Maliban na lang kay Lyle. Ang sinabi niya kasi ay tungkol sa mga taong nasa paligid namin. "Paano mo nasabing nabawasan tayo ng mga kasamang tao dito?" Tanong ni Maurice.
"Para kasing medyo mataas yung bilang ng mga tao dito kaganina tyaka hindi ko makita yung ibang taong nakasalamuha ko." Tinignan ko ng maiigi ang mga tao. Parang pwede ko ng bilangin yung ngayon.
"Maaaaaa!!!" Rinig naming sigaw ng isang babae na di kalayuan saamin. Lahat kami ay napag desisyunan na tulungan ito kaya agad kaming lumapit sa pwesto nito.
"Ma!? Lumabas kana jaan." Wait what? Ibig sabihin ba niyan ay bumalik sa kabaong yung nanay niya?
"Tita Bea ano pong nangyari dito?!" Hindi ito nagawang sagutin kasi patuloy lang sa pag hikbi yung tinatawag niyang Tita.
Muli uling nag tanong yung Lalaki na pamangin yata nung babaeng sumigaw. "Tita Bea?" Medyo may pagtaas na nitong tanong.
"N-nasa loob s-si mama." Utal na bulaslas nitong babaeng nagngangalang Bea. Yun yung tawag nung lalaki kaya yun ang itatawag ko sakanya.
Humingi ito ng tulong na buksan ang kabaong. Nagtagumpay kami na buksan ito pero sa laman nito, hindi.
"Pabayaan niyo na ako. Patay na ako at ang mga patay ay hindi dapat muling mabuhay." Natahimik kami at napabitaw sa bukasan ng kabaong.
Bakit naluluha niyang sinabi yun? Parang labag sa kalooban niya yung sinabi niya.