- Terrible Night -
"K-kirk, asan si Lance?" Nakaluhod na ngayon itong si Bea sa damuhan. "Na-nag paiwan p-po sa ba-banyo."
"Ate Lyle, gusto ko na din pong bumalik sa ganyan ko." Tinuro nung batang kapatid ni Lyle yung kabaong na kinalalagayan ng Nanay ni Bea.
Hindi ko alam kung anong emosyon ba ang dadaloy sa puso ko ngayon. Para akong dinudurog sa mga nangyayari. Hindi lang kasi dito ang nagkakagulo pati na rin don sa kabilang banda, sa gitna ng sementeryo at kung saan-saan.
Kailangan na din pala naming bumalik para ikumpirma kung ayos pa ba si Mom and Dad. Nauna ng maglakad papalayo yung iba habang ako ay nag dadalawang isip pa. Ayoko din naman kasing iwanan na lang itong mag tiya.
May puso din ako at kapag nakikita ko silang nahihirapan, tumutulong kaagad ako. Kahit na ga-gago 'tong ugali ko. May mga emosyon din akong nararamdaman.
"Chase!" Tawag ni Ate kaya sumenyas na kaagad ako na mauna na siya. "T-tita, nag babalak pong mag pakamatay itong si Kuya Rohan." Pinagmasdan ko yung lalaking bitbit nung lalaking pamangkin. Pansin na pansin ko din ang pagkahawig nung Rohan tyaka Bea. Baka mag kapatid sila?
Baka nga. "Ano bang balak niyo ni Mama at talagang gusto niyong magpakamatay!?" Nararamdaman ko ang galit mula sa boses nito pero hindi niya ginawang itaas ang boses niya.
"Patay na kami ni Mama, Beatrice. Kaya wag kanang maghangad na bumalik pa kami." Umaksyon na ako ng mapansing medyo dumadrama na ang senaryo. Tahimik akong nag lakad papalayo sa pwesto na yun. Ayoko ng makagambala pa sa mga personal na usapan.
May sarili akong problema at meron din siya. Sa ngayon, uunahin ko muna ang mga magulang ko.
Muntik na akong matumba. "f**k!" Tangina! Nasaksihan ko yun, nasasaksihan ko kung paano kitilin nung isang lalaki ang kanyang sariling leeg gamit ang Bubog ng bote.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanginginig ang dalawang tuhod ko, hindi ko na din malaman kung anong mura ba ang bibigkasin ko sa gantong sitwasyon. Para na din akong naistatwa.
Pinikit ko na lamang ang mata ko at dahan-dahan na huminga. Pinapakalma ko ang puso't isip ko subalit parang may mali. Ba't lumalabas parin sa utak ko yung nangyari kanina. Parang nag pla-play ang utak ko ng isang loop and the worst part is slow motion pa.
Nag pla-play sa utak ko kung paano sumirit ang dugo mula sa lalamunan nito. Dahil sa mga nasasaksihan ko ay di ko na kinaya pa ang pagtayo at tuluyan na akong napaupo sa malamig na sahig. "Chase! Anong---"
Hindi na natuloy pa ni Heather ang sasabihin niya sa hindi ko malamang dahilan. Hindi kasi ako nakatingin sakanya, nakatingin ako sa lapag. Siguro nakita niya yung lalaking nakita ko rin.
"Anong ginagawa niyong dalawa rito?" Sulpot naman ni Dale. Wala akong lakas para sagutin iyon at sa palagay ko ay ganon din si Heather. We're speechless. Mas lamang lang ako kasi nasaksihan ko ba naman ng Live.
Naiimagine ko tuloy na parang ginagawa din yun sa leeg ko. Hindi ko mapigilang hawakan ang leeg ko na animo'y pinoprotektahan. Hindi 'to ang mundong inaasahan ko sa araw ng mga patay. Kung alam ko lang na ganto pala ang mangyayari sa paligid ko. "Hello? May kausap ba ako?" Naramdaman ko na lang ang isang kamay ni Heather na nakahawak saakin. Siguro kinakailangan niya ng sasalo at ako lang ang naisip niyang makakapitan.
Ramdam ko din ang tensyon nito dahil sa pangi-nginig ng kamay niya. Hindi kami dapat mawala ng pag-asa sa mga panahong ito. Nandito na kami, hindi na namin maari pang ibalik ang oras para baguhin ang mangyayari.
"Hoy! Ano bang problema niyong dalawa at nakaka nginigan pa talaga!" Walang kaalam-alam si Dale sa mga nangyayari.
"Ohhh Babe, bakit ka umiiyak?" Narinig naman namin ang pag iyak ni Maurice, kumapit lamang ito sa braso ni Dale. Nangangailangan din ng magpapagaan ng loob niya. "Anong nangyari?"
Gusto kong ibulyaw sakanya ang mga nasaksihan namin kaso hindi sapat ang lakas ko para gawin ang bagay na iyon. Hinirap ko na lamang si Heather at tiningala ko ang mukha nito. "O-okay ka la-lang ba?" Mahina lang ang paghikbi nito ngunit malakas naman ang epekto sa puso ko.
Ayokong pakingan yang pagiyak niya na kahit mahina ay nakakawarak parin sa damdamin. "Ka-kaya k-ko," Utal nitong sabi saka biglaan niya akong niyakap. "Pagaanin mo muna ang nararamdaman mo ngayon." Pinilit niyang ituwid ang sinabi niya gamit ang natitira niyang lakas.
Grabe na kami mag iyakan dito. Paano pa kaya kung sarili naming kadugo ang masasaksihan namin? Mas masakit pa dito. Ganon ang nararamdaman ngayon ng ibang taong nasa paligid namin.
Hindi na rin ulit nag tanong si Dale tungkol sa nangyayari. Panigurado akong nakasaksi din si Maurice sa karumaldumal na scenario. "Nasa ang kamag anak niyo?" Naipon ko na ang lakas upang makapag salita ng mas malakas kesa kanina.
"Hinahanap ko nga e. Nawala sa pinagiwanan ko si Lolo." Si Lolo, naging malapit din ako sa lolo ni Dale subalit iba pa din talaga ang bonding at connection nilang dalawa ng apo niya.
Lahat nga ng nabuhay ay nakahango sa pinaka malapit mo sa buhay... tyaka teka! Nakahango din sa pinakahuling namatay sa pamilya niyo.
Gaya na lang ng tiyahin ni Maurice, Nanay at Tatay namin ni Ate Allison, Lolo ni Dale at batang kapatid ni Lyle. Hindi ko pa alam kung sinong kamag-anak ang nabuhay kay Arc at Heather. Hindi din naman namin napag uusapan ang tungkol sa mga ganon kasi nga hindi pa kami nag bubukas ng ganong topic.
"Kaya mo na bang mag lakad?" Umiling lang si Heather kaya hinila ko siya at dahan dahang nilagay sa likod ko. Iilan lamang ito sa mga tinuro saamin nung Junior at Senior High School ako. Hindi ko nga lang nagagawa dahil wala naman akong mabubuhat na tao.
"Okay ka lang ba jan sa likod ko?" Tumango lang ito at bahagyang ngumiti ng pilit. "Tara na Dale, buhatin mo na din yang si Maurice. Kailangan na talaga nating mag pulong, isa na itong urgent at emergency."
Hindi na nag inaso pa si Dale bagkus ay binuhat niya na rin si Maurice. Si Maurice ay may binubulong, halatang sinasabi niya kay Dale na wag siyang buhatin pero yung pisnge niya ay iba ang sinasabi. Mamula-mula ito.
Inangat ko lang si Heather sa likod ko kasi medyo bumababa na ang level niya. "Salamat talaga." Kung ikukumpara ko ngayon ang boses nito kesa sa kanina, mas tumaas ngayon. Ibig sabihin nun ay nakaka bawi na siya kahit papaano.
"Dad! Mom!" Medyo binilisan ko na ang paglalakad ko ng marinig ko ang boses ni Ate Allison. Anong nangyayari? Gagaya na din ba si Mom and Dad sa ibang nasaksihan namin? Na papatayin din nila ang sarili nila. Hindi ko alam kung ano ang magiging emosyon ko, pag pinatay nila ang kanilang sarili baka sumama na ako sa pagkamatay nila. Ayoko at hindi ko kakayanin lalo na't sa harapan ko pa?
Nagawa ko ngang libangin ang sarili ko kanina para hindi maalala ang pangyayaring iyon tapos ngayon naman ay may ganto? Wala pa ngang nangyayari, maluha luha na ang mata ko.
"Mom please don't do this." Lumuhod na si Ate. Marahas kong binaba si Heather, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kaya hindi ko maingat na nababa siya. Sana maunawaan niya. Gusto ko sanang humingi ng despensa ngunit kumiras kaagad ako papalapit sa magulang ko. "Chase."
Huminto ako sa tapat nila. Tinignan ko si Ate habang nakaluhod sa sahig at nag mamakaawa.
"Mom, Dad. Please don't." Hindi ko na napigilan pa ang dumadalo'y na emosyon ko kaya nag si bagsakan na ang mga luha ko.
"Patay na kami Chase at dapat ang patay ay mananatili na lang na patay. Dapat hindi ginagambala ang kaluluwa't katawan namin," Wika ni Dad ng may halong lungkot. "Tanggapin niyo na."
"No Dad! Hindi ko kaya. Namatay na kayo ng isang beses at ayokong maulit uli iyon." Tingala na saad ni Ate. Nasa lapag parin siya hanggang ngayon. "Sweetie please, hayaan mo na kaming bumalik sa pahingahan namin ng papa mo." Umiling iling ako. "Mom and Dad please." Pagsusumamo ko na rin.
Lumuhod na rin ako gaya ni Ate para wag na nilang gawin pa ang pinaplano nila. Ayoko, ayoko at ayoko. Hindi ko hahayaan na masasaktan ulit sila. Nagawa ko silang iwanan at hindi natulongan kaya ngayon, ito ang oras para bumawi ako sa pag kukulang ko.
Binalot kami ng katahimikan na hindi magandang senyales para saamin ni Ate. Senyales na pwedeng mag pa bago sa desisyon nilang dalawa. "We need to."
"Bakit ba Ma? Kanina mo pa sinasabi na kailangan niyong gawin ang pagpapakamatay! Hindi niyo ba naiisip kung anong mararamdaman namin kapag ginawa niyo yun!?" Puno ng emosyon na sigaw ni Ate. Wala akong kaalam-alam sa pinag usapan nila kanina pero isa lang ang matitiyak ko at ito ang tamang desisyon ni Ate na pinaglalaban niya ang magulang namin.
May kakaiba rin akong nararamdaman sa nanay at tatay ko. Parang may gusto silang sabihin ngunit hindi nila magawa. Ang katanungan don ay bakit hindi nila magawa at ano ba talaga ang tunay na dahilan kung bakit nais nilang bumalik sa mundo ng mga kaluluwa. Hindi detalyado kaya naguguluhan ako kaso ano bang magagawa ko? Ito lang ang meron kaming kaya ito lang din ang magagamit namin sa gantong panahon.
"Please.." Bumuntong hininga si Dad at Mom. Sana ayos na ang problemang ito. Oras na para mag simulang alamin ang mga nangyayari, kailangan din pala namin hanapin ang mga nawawalang kamag-anak ng mga kaibigan namin.
Siguro si Ate na muna ang bahala dito sa magulang namin... Hindi pala! Ayoko na ulit mangyari ang nangyari nakaraan kaya mananatili ako dito. Ibibigay ko na lang ang misyon sa tatlong nandito. Sila na muna ang maghanap kay Lyle at Arc tyaka sa mga kapamilya nila.
"Ate."
Tumugon kaagad ito. "Ako ng bahala kay mama at papa." Umiling ako dahil sa sinabi niya. Hindi niya kasi ako pinatapos kaya yan kaagad ang iniisip niya. "Mag iistay ako, Ate. Ayoko ng maulit ulit iyon."
"Okay lang Chase, handa na kong protektahan ngayon kaya wag ka ng mag alala pa. Sumama kana kela Dale para sa paghahanap don sa iba tapos mag kita na lang tayo sa may kotse para mag pulong." Hindi ako sumang-ayon sa sinabi niya. "Ate ayokong iwanan kayo."
Hinilot niya lang ang sintido niya tyaka ako binalingan. "Trust me with this, Chase tyaka kailangan na nating mag usap sa mga nangyayari para matigil na ang kahibangan na'to."
Tatangi pa ulit ako ngunit tinulak na ako papalayo. Pwede akong tumutol ulit subalit hindi ko na ginawa pa, ilalagay ko na lang ang tiwala ko sa Ate ko. Sana maging maayos na ngayon.
"Chase pwede ka namang mag paiwan, okay na kami saka madali lang ang paghahanap sa dalawang yun." Bigkas ni Maurice. "Sasama ako sainyo, binigay ko na kay Ate Allison ang tiwala ko kaya gagawin ko na rin ang parte ko sa grupong ito.
Wala ng umangal pa datapwat ay nag simula na kaming mag hanap. Hindi ako gumagawa ng masinsinang eye contant sa mga nakikita ko sa gilid namin kasi alam ko na ayaw ko ang kakalabasan nito. "Ang alam ko magkasama yung dalawang yun. Siguro hinahanap ni Arc yung kamag-anak niya." Pahayag ni Heather. Naalala ko din na parehas ng dereksyon ang pinuntahan nila kaya matitiyak ko ang pahayag ni Heather.
"Maghiwalay-hiwalay kaya tayo para mas mabilis ang paghahanap sa kanila!" Mungkahi ni Dale na pinag sangayunan naming lahat pero bago kami tuluyang mag hiwalay hiwalay. Kinausap ko muna si Heather tungkol sa Museleo na kinaroroonan ni Arc nung una ko silang makilala.
"Mag iingat ka." Kumaway lang ito pabalik. Nag pokus na ako sa paghahanap kay Arc.
Sinunod ko ang sinabi ni Heather na nasa pangalawang row ng Museleo ang libingan ng tatay ni Arc. Binangit din nito na puno iyon ng kulay black, white at gray kaya mas madali kong malalaman kung aling museleo ba ang tama.
Sa paghahanap ko sa Museleo, natagpuan ko si Arc at kasama ang isang lalaki na naka tuxedo. Paniguradong ama ito ni Arc kasi magkahawig sila ng katawan.
Binalak kong lapitan sila subalit ng marinig ko ang pinag uusapan nila ay hindi na ako nag balak.
"Dad, buhay ang kapatid ni Lyle na pinatay mo." Hindi ko na kinaya ang aking mga narinig.
Tangina!