Chapter 8

1397 Words
Sa simula ay gusto sanang sundan no marco sina lea At ang lalaking sinamahan nito pero naisip niyang Magkakagulo lamang silang tatlo kung gagawin Kiya iyon. Kanina pa niya gustong sapakin ang lalaking kasama ni lea dahil sa nakikita niyang kalapitan nito sa kanyang kasintahan. Pero masakit na masakit sa loob niya ang pagsamang iyon no lea sa lalaking kung tutuusin ay tatay na lamang nito......... Ngayon siya nagsisisi kung bakit pinasakitan niya si lea. Kung bakit niya ito isinali sa gulo ng nanay niya ta nanay nito. Hindi siya papaya na matagal pa si lea sa pagsasayaw sa club na iyon. Hindi siya papayag na patuloy na pagpasaan ng kung sinu-sinong lalaki ang katawan nito. Para sa kanya lamang si lea..... At kahit na nagalaw na ito ng hindi niya alam Kung ilang lalaki, handa pa rin niya itong tanggapin. Bukas na bukas ay tatapusin na niya ang pakikipaglapit niya kay Dorothy at makikipag - usap siya nang masinsinan kay lea. Pahihintuin na niya ito sa pagsasayaw at yayayain na niya itong pakasal kahit nag-aaral pa ito. Kung kinakailangang siya na ang magpaaral dito. Ay gagawin niya. Huwag lamang itong tuluyang masadlak sa trabaho nito Ngayon. Mabigat na mabigat ang loob niya nang umuwi siya sa cavite nang hatinggabing iyon higit kailanman Ngayon niya napatunayang na mahal NA mahal niya si lea at parang hindi niya makakayang mawawala ito sa kanya. Madilim - dilim pa ay binisita na ni Marco ang kanyang mga palaisdaan. Balak niyang pagkaalmusal ay pupuntahan niya sa bahay si lea bago soya pumasok sa kanyang opesina. Gusto niyang makausap na sila ng kanyang kasintahan ayaw niyang magtagal pa ang nangyayaring hindi maganda sa kanilang pagitan. Siguro naman ay gising na si lea pag dating niya sa bahay ng mga ito. Pag-usad ng sasakyan niyang bangka sa daungan ay nakita niya si Franklin. Tiyak niyang papunta ito sa binabantayang palaisdaan. May dala itong isang malaking bayong na plastic na puno ng laman. Siguro'y mga supplies na binili nito sa palengke. Nagkatinginan sila at napansin niyang parang gustong umiwas sa kanya ang lalaki tinawag niya ito at hindi naman umiwas sa kanya nang makita siyang papalapit. Kamusta ka na nakangiting bati niya sa lalaki. Mabuti naman sagot nitong parang naiilang sa kanya... Saan ka galing pala?, tanong niya. May pinamili ako sa palengke mga gamit sa palaisdaan..... Hindi ka ba galing sa inyo? Dumaan ako nag almusal Gising na ba si lea? Nakita niyang parang biglang nalito ang lalaki wari ay hindi malaman ang isasagot sa tanong niyang iyon. W-wala siya sa bahay. Nagbo - board siya sa malapit sa pinagtatrabahuan niya. Dalawang beses lang umuuwi sa loob nang isang linggo..... Nadismaya siya pero hindi siya nagpahalata. Alam mo ba kung saan siya nag Bo - board? Umiling ang lalaki. Hindi na siya nah pilit pa. Ayaw mo na bang bumalik sa pagmamaneho sa amin? tanong niya rito. Nag baba nag tingin si Franklin pag kuwan ay parang nahihiyang tumingin sa kanya habang nagkakamot ng ulo. Pasensiya ka na marco medyo okey na rin ang trabaho ko ngayon e, Mas maliit nga lang ang kita ko kesa sa pagmamaneho pero maayos naman ang trato sa akin ni mang romulo. Gusto niyang itanong kung siya ba'y hindi maayos ang trato rito hindi na niya ginawa. Alam naman niyang kasalanan niya ang pagkawala ng mga ito sa kanila. Puwedi kang bumalik kung gusto mo , Sabi niya............ Hindi na siguro ako Marco nakakahiya naman kasi, Kay mang romulo kung aalis na agad ako sa kanya gayong kapapasok ko lang.. Sabi ko naman saiyo isang linggo lang na pahinga e^ naghanap na agad ka ng trabaho Pasensiya ka na, medyo hirap kasi kami ngayon dahil sinisingil na kami sa mga utang namin, e hindi kami maaring tumunganga na lamang. Kaya nga Pati si lea pinayagan na naming mag trabaho. Anong utang?tanong niya. Hindi agad nakasagot si Franklin wari ay nabigla lamang kaya nasabi nito ang tungkol doon Franklin anong mga utang ang sinasabi mong sinisingil na sa inyo? Untag niya K - kuwan..... Nakasangla kasi ang bahay at lupa namin dahil sa pagkakasakit ni itay. Hindi naman kami nakakahulog kaya hayun malamang na mailit yung bahay at lupa, Napatitig siya sa mukha ng kaharap Hindi niya alam bang bahay na iyon. Nakagipit pa pala ang pagpapahinto niya sa mga ito vsa trabaho......... Hindi nga siguro kataka-takang pumasok si lea sa ganoon trabaho. At hindi rin kataka - takang sa kabila nang pagiging bdisente ng pamilya nito ay pinayagan itong magsayaw. Gipit ang mag - iina At lalong nagipit dahil sa ginawa niyang pakikisimpatiya sa inay niya. Mapait siyang Napailing siya ang may kasalanan kung bakit napilitang magsayaw si lea sa club na iyon. Dalawang numbet na ang matapos ni lea pero hindi pa rin niya nakikitang dumating si edcel. Dalawang beses na rin siyang naiteybol ng magkaibang lalaki dahil wala nga si edcel na hindi niy alam kung darating pa o hindi na. Hindi naging maganda ang paghihiwalay nila nang sinungdang Gabi dahil tinanggihan niya ang tsekeng ibinigay nito sa kanya ipinilit nito iyon ngunit vnagpakatanggi-tanggi siya. Siya man ay nagtataka rin sa kanyang sarili. Nang magpasya siyang magsayaw sa club na iyon ay buo na sa loob niyang hahanap ng lalaking may pera na maari niyang ungutan ng pantubos ng kanilang bahay at lupa handa c pa nga niyang ipagkaloob ang kanyang sarili manatili lang sa kanila ang alaalang naiwan ng kanilang ama. Pero bakit ngayong naririto na, ang kailangan niya ay hindi niya basta - basta matanggap iyon? Alam niyang nagdamdam sa kanya si edcel. Umasa na kasi itong tatanggapin niya ang tulong nito. At kahit alam niyang gustong-gusto siya nito ay dama naman niyang totoo sa loob nito ang sinasabing okay. Lang kung hindi niya ito magugustuhang pakasalan Pero iba nga kasi si edcel kaya hindi niya magawang tanggapim ang pera, Natapos ang oras ng kanyang pagteybol at nagbalik na siya. Kasama ng ibs pang dancer sa dressing room para sa kanilang hauling number. Tita hindi ba dumating si edcel? tanong niya Kay Jena nang makita niya ito sa loob Hindi ko pa nga nakikita, e palagay ko'y hindi na darating iyon ngayong Gabi. Kusi kung dumating iyon dito ay maaga. Nass first number mo pa lang ay naririto na iyon. Pero ngayon huling number mo na ay wala pa hindi na darating yon Nadismaya siya at hindi iyon nakaila sa kanilang choreographer tumitig ito sa kanya nanunukso ang mga mata. Uy, Nami-miss niya si tatang! Sobra ka naman! Hindi naman siya mukhang matanda, no!............... Aba at ipinagtatanggol pa masama na Yan. Kung sabagay ay gwapo naman siya at madatung pa Tse..... Abangan mo na lang siya at baka sakaling dumating PA kahit hating gabi na! Opo senyora! Sagot ng bakla at nilapitan ang ibang dancer na Mas na una sa kanyang magpepetfotm. Matagal pa siyang naghintay sa dressing room bago sumapit ang kanyang number. Nagsasayaw siya ay sa may pinto siya nakatingin umaasa pa rin siyang darating si edcel kahit hatinggabi na pero hindi ito dumating. Malungkot siyang umuwi nang gabbing iyon at kahit hatinggabi at siya'y pagod, hindi siy agad - agad nakatulog Naiisip niya si edcel At hindi niya alam kung bakit nananabik siyang makita ito at makausap. Nagdidilig si Lorna ng mga halaman nang umagang iyon nang may humintong sasakyan sa labas ng kanilang bakuran Natigilan siya nang makilala ang sasakyan. Kotse iyon ni Marco Nag - iisa na siya sa bahay dahil nag sipasok na sa trabaho at school ang kanyang mga anak. Kaya nga naharap na niya ang mga halaman. Napahinto siya sa ginagawa. Pinatay niya ang gripo. Nakita niya nang bumaba si marco Binitawan niy aang hose at saka lumapit sa gate. Magandang Umaga ho ninang. Bati sa kanya nito Magandang umaga naman Sagot niyang hindi kumikilos para buksan ang pintong kawayan may kailangan ka ba? M-may itatanong lang ho maari ko bang malaman ang address ni lea sa maynila? Tanong nito. Bahagyang siyang Natigilan. Hindi iyon ang inaasahan niyang itatanong nito. Gusto ko lang ho sanang magkausap kami ang Sabi niya sa akin ay nagkita na kayo sa club na pinagtatrabahuan niya. Bakit hindi mo na lamang siya puntahan v Doon? , maari naman kayong mag - usap doon hindi ba? Mahirap hong makausap siya roon dahi sa kanyang trabaho saka maingay ho sa loob ng club kaya hindi rin kami makakapag usap nang mayos ninang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD