Pasensiya ka na Marco siya ang nagsabi sa akin a
na huwag ibibigay kahit kanino ang kanyang address doon alam mo na nahihiya rin naman ang anak ko sa trabahong pinasok niya. Kaya lang ay wala kaming magagawang mag - iina.
Nag kausap ho kami ni Franklin noong isang araw nabangit niya sa akin ang tungkol sa pangangailangan ninyo ng malaking halaga upang matubos ang bahay at lupa ninyo nakahanda ho akong tumulong sa inyo kung tatanggapin ninyo ang tulong ko
Hindi ako ang makakapagpasya ng tungkol diyan Marco.
Kung saiyo manggagaling ang Pera ay kailanggang alam muna ito no lea
Bakit hindi ninyo ibigay sa akin ang address niya.
Pasensiya ka na talaga ayaw niya e Napa buntunghininga ang lalaki pagkuwan ang malungkot na itong nagpaalam sa kanya
Hindi na niya ito hinintay na makaalis. Iniwan na agad niya ito at nagbalik siya sa pagdidilig ng mga halaman.
Naghihonayang din naman siya Kay marco nagging mabuti rin naman ito sa kanila noon at alam niyang talagang minahal nito ang kanyang anak. Pero alam niyang nasaktan nang husto si lea dahil sa ginawa nitong pagkampi sa nanay nito
Wala siyang magagawa dahil si lea na ang umayaw..
Ilang gabi na siyang bigo sa paghihintay Kay edcel
Ngunit no anino ng lalaki ay hindi na nagpakita pa sa kanya sa club na iyon. Par itong bula na bigla na lamang naglaho at hindi na nagbalik.
Baka v nga hindi magbalik iyon dito. Sabi no Jena sa kanya nang tanungin niya ito tungkol sa lalaki habang naghihintay siya ng kanyang number sa dressing room tinanggihan mo pala ang inaalok niyang tulong, e. Siyempre iisipin niyon na wala na siyang pag - Asa dahil sa pagtanggi mo kaya bakit pa vnga naman siya mag-aaksaya ng oras dito.
Malungkot siyang napatango.
Mukha naman v talaga hindi mahilig sa mga ganitong lugar ang lalaking iyon. Palagay ko kaya lang nagbabalik - balik iyon dito ay dahil sa iyo. Pero Ngayon tinanggihan mo siya hindi na siguro iyon babalik.
Nakagat niya ang kanyang labi.
Nahihirapan siyang isiping hindi na niya makikita pa ang lalaki
Hindi naman Yung perang itutulong nito sa kanya ang naiisip niya kundi si edcel mismo. Si edcel mismo ang kinasabikan niyang makita.
Ganoon yata talaga ang mundo. Kapag wala na sa iyo ang isang tao o bahay at saka mo natutuklasang gusto mo pala siyang nasa paligid lamang. Yung abot-, tanaw mo at puwedi mong makausap kapag kapag gusto mo.
In love ka na sa kanya no? Pang huhuli sa kanya ng bakla. Huwag kang magkakaila sa akin at sanay na sanay na ako sa mga ganyang eksena!
H-hindi ko alam kung pag - ibig itong naramdaman ko para sa kanya tita. Pero nami-miss ko siy at nasasabik akong makita vsiyang muli...
Hay naku, kasalanan ko iyan kaya magdusa ka?
I, hayan na si Daisy at Roma. Ikaw na ang susunod. Tayo na!
Tumayo na siya at tinungo ang stage ilang saglit pa at nagsasayaw na naman siya sa harap ng mga lalaking hindi yata nagsasawa sa panonood sa kanilang mga katawan.............
Natapos ang kanyang number nang hindi nagpapakita si edcel kaya malungkot na naman siyang umuwi nang gabing iyon. Wala siyang kamala - malay na naksunod sa sinasakyan niyang taksi ang kotse ni marco......
Katatapos lang mananghalian si lea at gusto na talaga uli niyang bumalik sa higaan nang lapitan siya ng isang kasamahan sa boarding house na iyon.
Lea may bisita ka! Sabi nito.
Sino?
Hindi ko kilala. Lalaki at gwapo!
Lalaki at gwapo. Kinabahan vsiya. Naisip agad niya si edcel
Umugong ang kantiyawan ng iba v niyang mga kasamahan sa boarding house ma iyon na nakarinig b sa sinabi ng kausap niya. Agad naman siyang tumayo at lumabas para makaiwas na sa panunukso ng mga kasamahan.
Natigilan siya nang makita niya si marco. Hindi agas siya nakapagsalita.
M-maari bang tumuloy?
sabi nito sa tonong nagsusumamo.
Paano mo nalaman ang lugar na ito? tanong niy Asa halip na papasukin na ito.
Sinundan kita ka Gabi paglabas mo sa club.
Gusto niyang magalit pero ano pa ba ang magagawa niya. Alam na nito ang kinaroroonan niya at wala n a siyang magagawa pq tungkol doon.
Maari na ba ako tumuloy? Gusto ko lang namang makapag - usap tayo lea.
H-halika! Mapipilitan sabi niya.
Dinala niya sa terrace sa liked-bahay ang lalaki.
Ayaw niyang mapagtuksuhan b sila ng mga kasamahan kung sa sala niya ito iistimahin. Hindi na niya ito inalok pa ng kahit anong maiinom
Maupo ka sabi niya rito pero hindi siy tumitingin vsa Mukha nito.
Salamat sabi nito at saka umupo
Wala naman akong alam na dapat nating pag - uusapan marco sabi niya sa lalaki nang maayos na silang nakaupo.....................
Lea, mag kasintahan tayoat gusto kong ayusin ang ating relasyon.
Wala na tayong aayusing relasyon Marco sinira mo na ang relasyong ito. Hindi mo ba natatandaan?
Dahil sa isang bulaklak ay ipinagmukha mo sa amin na kami'y ang masama at walang utang na loob!
Hindi nakakibo so marco
At higit na masakit, ipinagpalit mo na ako sa iba!
Mariin niyang sabi................
Lea alam ko na ang pakakamali ko. At hindi ko iyon itatangi. Humihingi ako sayo ng tawad at gusto ko sanang magkaayos tayong muli. S-si Dorothy nakipagkalas na ako sa kanya..
Masyado ako nasaktan Marco
K-kaya nga humihingi ako ng tawad sa iyo lea
Ang totoo, handa kitang paghiramin ng halagang kailangan ninyo para matubos ninyo ang bahay at lupa!
Napatitig siya sa lalaki
Nabanggit sa akin no Franklin ang tungkol doon
Salamat marco pero hindi ko matatanggap
At ayoko nang madagdangan pa
ang isusumbat sa amin ng inay mo.
Lea.........!
Masakit sa dibdib Marco alam mo bang nasusuklam ako sa trabahong ito. pero napilitan akong pasukin ito dahil sa malaki naming pangangailangan at dahi mahihinto din sa pag aaral ang kapatid kung si Justin.
Kung hind ako kikilos. Dahil lang sa isang bulaklak ay nawasak Pati kinabulasan ko!
Tuluyan na siyang napaiyak.
L-lea....... `
Piahid niya ng mga kamay ang luha sa kanyang mga mata........
Gusto ko nang magpahinga marco. May trabaho pa ako mamaya...........