Nakatulala lang ako dito sa loob ng bahay ko habang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko lalo pa at wala naman dito si Zen, ang kasama ko lang naman dito ay sina Maverick at Cassania na mukhang alam nadin nilang dalawa kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi na naman nila ako tinanong kasi panay lang naman ang iyak ko habang inaalala ang mga sinabi sa akin ni Zen ng gabi na iyon at hindi kuna siya makita kasi mukhang bumalik na ito sa kanilang mundo at naiwan lang ako dito. Para naman akung tanga dito na umiiyak matapos ng umalis si Zen kasi alam kuna hindi ko di naman kaya kung wala si Zen, hindi ko din alam kung ano ang gagawin ko kapag wala siya sa aking tabi. Pinahid ko ang aking luha at napasandal sa pader habang iniisip na sana bumalik na siya sa akin habang nakatingin ako sa labas

