Hindi ko alam kung ilang oras na akung umiiyak dito pero mukhang ang lintik kung luha walang humpay at hindi talaga nauubos kasi kahit ilang oras na akung umiiyak dito at ang sakit at hapdi na ng mata ko hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak. Sa ilang oras kung upo dito wala akung ibang ginawa kundi ang umiyak at sa bawat patak ng aking luha mas lalong sumasakit lang ang aking loob pero kahit na umiiyak ako napapaisip din naman ako sa nangyayari at kahit paano naintindihan ko si Zen pero nandito parin ang sakit kaya kailangan ko nga talaga ng pras upang makapag-isip ako ng maayos hanggang sa maging magaan ang aking pakiramdam. Inabot na ako ng gabi dito pero hindi parin ako tumatayo at pakiramdam ko namanhid na ang aking buong katawan at paa kaya dahan-dahan na akung tumayo at hindi ko a

