Ramdam na ramdam ko ang lamig ng buong katawan ko habang pinapasok ko ang lagusan na iyon at kahit anong gawin ko pa siguro ako nalang talaga ang makakatulong ng aking sarili wala ng iba pa. Sa pagdilat ko ng aking mga mata ang malawak na kakahuyan ang sumalubong sa akin at ang mga knight na mukhang nagulat ng makita nila ako dahil nanlalaki pa ang kanilang mga mata at sino ba naman ang hindi magugulat kung bigla-bigla nalang akung susulpot sa harapan niyo at habang nakatingin ako sa kanila na nakabantay dito nilakasan kuna ang aking loob kasi kagaya ng sinabi ni Cassania kailangan kung maging malakas kasi hindi naman sa lahat ng oras kasama ko sila at aasa nalang ako sa kanila. “Nasa labas ng lagusan na ito si Cassania kailangan niyo siyang tulungan dahil nakikipaglaban siya sa mga demo

