Pakiramdam ko nawawasak ang aking puso habang yakap-yakap ko siya, sino ba naman ang hindi masasaktan kung nakikita mo ang iyong mahal na nagdudusa at hindi makagalaw ng maayos habang wala kang magagawa. Habang ang tulo ng aking luha wala talaga akung magawa kundi ang yakapin nalang niya kasi ano ba ang aking magagawa kundi wala talaga. Isang prinsipe ng mga bampira ang lalaking ito tapos dahil sa akin naging ganito lang siya at isang normal na babae langa ko pero nagawa ko siyang saktan ng ganito. Napakalamig ng kanyang buong katawan at kahit anong yakap ko sa kanya hindi parin siya gumigising at hindi manlang gumagalaw ang kanyang mga kamay. “Zen gumising kana please hindi ko kaya ang ganito hindi ko kayang hindi ka nagigising alam mo naman na marami ang umaasa sayo, alam mo naman na

