Third Person's POV
Lumitaw sila sa hindi pamilyar na lugar para kay Jessica.
"Nasaan tayo?" nagtatakang tanong niya.
Nang nagulat siya sa sinigaw ng bata at napasunod nalang siya ng tingin nang papunta siya sa isang direksyon.
"Mama!" masayang sabi nito nang nakita ng bata ang kanyang ina na palabas ng bahay at patakbo naman siyang pumunta rito.
Pero gaya ng inaasahan nila ay hindi nga naman nakikita ng mama ng bata ang kanyang anak.
"Ang anak ko," sabi niya habang hawak-hawak ang teddy bear ng bata.
"Mama nandito lang ako," sabi niya at sinusubukang hawakan ang kanyang ina pero hindi nga naman niya ito mahawakan dahil isa na itong multo ngayon.
"Anak, kung meron ka man ngayon dito. Pwedeng magparamdam ka?" sabi ng babae at ilang sandali pa nga ay biglang humangin ng hindi naman gaano malakas. Sapat lang para maihangin ang ilang hibla ng buhok ng ina ng bata.
"Ang mama ko," sabi naman ng bata pero kahit ganun ay pinipilit pa rin nitong yakapin ang kanyang ina.
Ang dalawa ay tahimik lang naman na pinapanood ang mag-ina sa medyo malayo mula sa kanila.
"Tulungan mo akong bigyan ka ng hustisya anak ko," sabi niya habang umiiyak pa ito.
"Oo ma, pangako ko makukuha rin natin ang hustisya," sagot naman ng bata kahit na hindi naman talaga niya ito naririnig.
Nang yakapin na niya ng mas mahigpit pa ang teddy bear at pumikit siya saka siya umiyak doon.
"Ma, huwag ka ng umiyak," sabi ng bata na naiiyak na rin.
Nalulungkot ang dalawa dahil sa bata dahil namatay na nga ito, hindi pa rin nila nahanap ang hustisya para sa kanya. Pinipigilan lang din nila ang umiyak dahil sa nasasaksihan.
"Ano ba talagang nangyari bata?" tanong ni Jessica nang nakaupo na silang tatlo sa benches sa tabi ng kalsada. Pinaggitnaan nila ang batang babae.
Kahit na duguan pa rin ang katawan nito ay hindi na masyado takot si Jessica dahil sa tagal niya na ring tinitignan ang bata.
"Yung tito ko po kasi," Maiksing sabi niya.
"Yung tito mo ang pumatay sa'yo?" gulat na tanong ni Jessica sa kanya.
"Ginahasa niya po ako tapos pinatay na rin." Mas lalo pang gulat si Jessica dahil sa sunod na sinabi ng bata.
"Ano? Pano niya nagawa yun sa sarili niyang pamangkin," gulat at nagtatakang tanong ni Jessica.
"Meron kasi yung taong alam mo kakampi mo, yun pala ang tratraydor sa'yo," makahulugang wika ni Nash. Nagtataka naman siyang tinignan ni Jessica.
"Totoo po," pagsang-ayon naman ng bata. "Hindi ko po talaga inaasahang gagawin niya sa'kin 'to. Pinagkatiwalaan ko siya pero nagawa niya sa'kin ang bagay na yun," umiiyak na sabi ng bata.
"Papangako ko sa'yo na makukuha rin natin ang hustisya para sa lalaking yun," sabi ni Jessica. "'Di ba master?" Nang bumaling siya kay Nash.
"Oo naman," sabi ni Nash at nginitian ang bata.
"Salamat po talaga sa inyong dalawa ate, kuya," maluha-luha pa ring sabi ng bata.
"Nasan ka nung nangyari yun?" tanong ni Nash nang naglalakad na sila malapit lang sa bahay nila.
"Dun po," turo ng bata sa madamong parte ng isang bakuran.
Pansin din ng dalawa ang kalakihan ng bahay.
"Kaninong bahay 'to?" tanong ni Jessica.
"Kay tito po. Pumunta po kasi ako sa bahay ni tito kasi sabi niya puntahan ko raw siya dito para kahit pano mapasaya ko siya, kasi nung time na yun ay nag-aaway sila ni tita," pahayag ng bata.
"P-pero ba't ka niya nagahasa at napatay?" tanong muli ni Jessica.
"Lasing po kasi si tito sa mga oras na yun kaya siguro nagawa niya sa'kin yun," sagot ng bata.
Nang nagulat ang bata at si Jessica sa sinabi ni Nash.
"No," sabi niya. "Matagal ng may pagnanasa sa'yo ang tito mo, kapag pumupunta ka sa kanila lagi siyang may alibi para machansingan ka lang o kaya masilipan," sabi pa ni Nash.
"P-pano mo po alam?" tanong ng bata sa kanya pero nag-gesture lang si Nash na waring hindi niya alam kung bakit.
"Totoo ring nagkaroon ng away ang mag-asawa at dun nagkaroon ng tiyempo ang tito mo para masolo ka niya sa bahay," wika pa nito.
Mangha na ang dalawa kay Nash.
"Huwag ka ng magtaka sa kanya, walang bagay ang hindi niya nagagawa," bulong naman ni Jessica sa bata.
"Narinig ko yun." Umakto si Jessica at ng bata na pawang walang nangyari kanina lang.
Nakatingin sila ngayon sa bangkay ng bata na nakasako na ngayon. Nilinis na rin ng tito ng bata ang kalat sa pagpatay para hindi ito maging suspect sa pagpatay ng bata.
Nang napatingin sila sa loob ng mansion dahil may nag-aaway mula rito.
"Kumikilos na ang lahat para maghanap sa pamangkin mo tapos ikaw nandito ka lang?" sabi ng asawa ng tito ng bata na wala ring alam sa pagpatay ng asawa niya sa bata.
Hindi sumagot ang lalaki.
"H-hindi ko sinasadya," Yun lang ang lagi nitong sinasabi. Wari bang nababalisa na ang tito ng bata dahil sa ginawa.
"Ano bang hindi mo sinasadya ha? Hindi na rin kita makausap ng maayos," sagot naman sa kanya ng kanyang asawa.
"H-hindi ko sinasadya," pag-uulit nito.
"May cctv dito," pahayag ni Nash at nakaturo ang daliri sa itaas na kung saan nakakabit ang cctv. "Hindi ba nila chinecheck?" tanong niya pero wala nga palang makakasagot sa kanya dahil wala ring may alam.
"Hindi siguro nila pinagkakamalan ang tito nito na isa sa mga suspect," sabi naman ni Jessica.
"Akyat tayo kung nasan ang pagtignan ng cctv," sabi ni Nash at siya na nga ang nanguna sa paglalakad at nakasunod lang din naman ang dalawa.
Binuksan ni Nash ang pinto kung saan makikita ang pagtignan ng cctv. Naglakad pa si Nash sa loob hanggang sa makita niya ang madaming tape ng cctv na nakunan sa mga nagdaang araw.
Tinignan lang niya ang isang tape at umangat ito kasabay naman nun ang pagplay sa screen. Mahigit sampu pa siyang tape hanggang sa mahanap na nga niya ang kanilang hinahanap.
Nakita nilang dun din ginahasa ng lalaki ang bata saka dun na rin niya ito sinaksak ng limang beses hanggang sa mawalan na ng hininga ang bata. Habang tinitignan naman nila ang video ay pansin nilang nagpipigil ang bata ng iyak.
"Napakabait ni tito sa'kin, 'di ko inaasahang gagawin niya ang bagay na 'to sa'kin," sabi niya na pahikbi-hikbi na.
Kinuha na ni Nash ang tape saka sila bumalik sa madamong bakuran nila at kinunan ng picture ni Nash ang sako at kinuha na rin niya ang kutsilyo na naiwan pa sa lugar na iyon.
"Tara na," sabi ni Nash at tuluyan na nga silang lumabas sa mansion.
"Saan na tayo pupunta nito?" nagtatakang tanong ni Jessica nang naglalakad sila sa daan.
"Sa police station malamang," pabalang na sagot ni Nash kay Jessica.
"Wala ka talagang matinong sagot sa'kin master 'no?" sabi ni Jessica at umirap pa rito.
Hanggang sa narating na nga nila ang police station at nagkatawang tao na muli si Nash para maibigay ang mga ebidensya.
"Ebidensya sa pagpatay sa syam na taong gulang na nangangalang Emily Delmar, namatay siya sa lunes ng gabi sa oras na alas otso," pahayag niya.
Natunganga pa ang mga police na nandoon dahil sa tuloy-tuloy niyang saad.
"Heto na ang ebidensya, 'di ba 'yan naman hinahanap niyo ng isang linggo?" tanong pa ni Nash.
"Detective ka ba?" tanong ng isang police na nandun.
"Ahh parang ganun na nga po. Part time detective kumbaga," sabi ni Nash at tinanggal ang glasses niya.
Sa pagpasok kasi niya ng police station ay nagpalit siya ng instant ng kanyang kasuotan. Nakalong sleves siya na pinatungan niya ng leather shoes saka jeans at nakasuot na rin siya ng cap na pang porma talaga.
"Ang astig," yun nalang ang tanging nasabi ni Jessica kay Nash.
"Ahh," sabi ng mga police at inexamine na nga ang mga dinala ni Nash na ebidensya.
Tinignan ng police isa-isa ang mga pictures na naprint na kaagad. Huwag na kayong magtaka dahil na rin sa kakayahan niya iyon kaya naprint niya kaagad ang napicture niya lang sa cellphone. Ang kutsilyo ay naiplastic na rin. At pansin pa dun ang mantsa ng dugo.
"In other words sa bahay ng tito niya 'yan nanggaling," sabi pa ni Nash habang nakahalukipkip na.
"Hindi ka ba nangpapahamak lang? Pano mo ito nalaman kaagad ng ganun kabilis?" tanong naman ng isang police sa kanya.
"Sinabi ko ngang detective ako saka bakit naman ako mangpapahamak ng tao," natatawa niyang wika. "Puntahan niyo, dun kayo mismo mag-embestiga. Kausapin niyo ang tito niya tignan ko lang kung makausap niyo siya ng maayos," sabi pa niya.
Nagtinginan muna ang mga police saka rin sila sumang-ayon sa pinagsasabi ni Nash. Nagkuripasan na silang pumunta sa mga sasakyan nila. Sumakay na rin naman ang tatlo sa sasakyan ng mga police papunta sa bahay ng kanyang tito.
Nang makarating sila ay nagsibabaan na agad sila saka sila nagdoor bell.
"Ano pong kailangan nila?" tanong ng asawa niya.
"Pwede po ba namin makausap ang asawa niyo?" tanong ng isa.
"Ahh hindi ko na nga po siya makausap ng maayos eh," sagot naman niya.
"Pwede po bang kahit makita lang namin ang kalagayan niya," tanong lang ulit ng nagtanong kanina.
"Ah sige po pasok kayo," sabi ng babae saka niluwagan ang pag-open sa gate.
Pumasok na ang lahat ng police at walang naiwan sa sasakyan. Pati ang tatlo ay bumaba na rin ng sasakyan saka pumasok sa loob.
"Nasan siya madam?" tanong muli ng police.
"Wait lang po tawagin ko sa kwarto niya," sabi niya at umakyat na nga siya papunta sa kwarto nilang mag-asawa.
"Hon may naghahanap sa'yo sa labas," sabi niya at niyugyog ang balikat ng lalaki.
Gaya nga ng inaasahan niya ay gising siya pero may binubulong muli siya sa kanyang sarili.
"H-hindi ko sinasadya," rinig muli niya na sabi ng lalaki.
"Tara baba ka na riyan," pinatayo na niya ang lalaki ngunit iyon at iyon pa rin ang binubulong niya.
"H-hindi ko sinasadya," bulong niya.
Inalalayan ng babae ang lalaki hanggang sa makababa ng hagdanan. Pero nang makita niya ang mga police kahit hindi pa siya tuluyang makababa sa hagdanan ay natigilan siya ng ilang segundo nang patakbo siyang babalik sana sa kwarto nila pero nahawakan pa siya ng kanyang asawa dahilan para hindi matuloy ang balak niya at tuluyan na nga siyang nakababa ng hagdanan.
"Heto na po siya," sabi ng babae.
"Anong pinagkakaabalahan mo ngayon sir," tanong ng police.
"H-hindi ko sinasadya," pag-uulit muli nito.
"Hindi sinasadya ang alin sir?" nagtatakang tanong ng police.
"H-hindi ko sinasadya!" ngayon naman ay napalakas na ang pagkakasabi niya iyon.
Pansin rin nila ang panginginig ng buong katawan niya. "H-hindi ko sinasadya," muling bulong niya.
"Sir, nasan ka nung mga panahong namatay si Emily?" tanong ng police dahilan para mas lalo pang maghesterical ang lalaki at ngayon ay nakaupo na siya habang ang dalawang kamay niya ay nakatakip sa magkabilang tenga nito na waring naiingayan.
"Hindi ko sinasadya!" Mas lalong napalakas na sigaw niya.
"So pinagbibintangan niyo ba ang asawa ko?" Umabante ang babae dahil sa sinabi ng police.
"Hindi naman sa ganun misis pero sa kinikilos palang ng asawa niyo makikita na ang katotohanan," nakangising wika ng police kaya nilingon ng babae ang kanyang asawa.
"Hon hindi naman totoo ang sinasabi nila 'di ba?" Nakaupo na rin ang babae habang tinatanong ang bagay na iyon.
"Hindi ko sinasadya," sabi muli niya habang nginangatngat na ang kuko niya.
"Hon kausapin mo ako!" Nagulat ang lahat dahil sa biglang pagsigaw ng babae. "Hindi naman totoo ang binibintang nila sa'yo 'di ba," tanong niya pero wala pa rin siyang makuhang sagot.
Hanggang sa ginawa ni Nash na madilim ang paligid sa paningin lang ng lalaki. Syempre dahil sa pagtataka ay nakatayo ito at tumingin-tingin sa paligid pero purong black lang talaga ang kanyang nakikita. Nakikita pa rin naman nila kung anong ginagawa ng lalaki kahit na hindi sila kita nito.
"Tumino na ba pag-iisip mo sir? Pwede na kitang interview-hin?" tanong ng police pero hindi pa rin sumasagot ang lalaki.