Chapter 8

2071 Words
Third Person's POV "Hmm master?" pagtawag naman ni Jessica sa kanya. "Ano yun?" nagtataka namang tanong ni Nash. "Bakit nga pala lagi mong pinapatong kamay mo sa ulo ko?" tanong nito. "Ahh kasi... Hindi ko rin alam," napakunot noo ni Jessica sa sinagot ni Nash. "Huh? Panong hindi mo alam?" tanong ni Jessica sa kanya. "Gusto ko lang gawin yun pero hindi ko alam kung bakit," sagot naman ni Nash. "Meron bang ganun?" tanong ni Jessica. "Sa lahat lang din naman ng nakikilala ko ikaw lang yung ginaganito ko, hindi ko rin alam," naguguluhang sagot ni Nash. "Siguro sobrang cute ko 'no," sabi ni Jessica pero tinawanan lang ulit siya ni Nash. "Anong nakakatawa?" tanong niya na naghalukipkip na ng kanyang braso. "Ah wala," sagot naman ni Nash na natatawa pa rin. "Sabihin na anong nakakatawa ba ha?" tanong niya pa rin. "Sige na nga cute ka na," sabi ni Nash sabay pisil ng magkabilang pisngi ni Jessica. Pero natigilan si Nash nang tumunog ang wrist watch niya na senyales para may susunduin nanaman itong kaluluwa. Nalungkot siya ng hindi niya malamang dahilan. "May susunduin ka nanaman 'di ba?" tanong ni Jessica. "Oo eh," sagot ni Nash. Nalungkot din si Jessica everytime na wala si Nash sa kanyang tabi, hindi rin niya alam kung anong dahilan. Namimiss din kasi nila ang kulitan nilang dalawa. "Oh pano 'yan. See you tomorrow nalang," wika niya. "Ayos lang ako," banggit naman ni Jessica. "Sure ka okay ka lang ha?" nagtatakang tanong ni Nash kay Jessica. "Oo naman magiging okay rin ako," sagot niya at nagbigay pa siya ng fake smile kay Nash. Hinawakan na muna siya ni Nash at napunta na siya sa bahay ni Yesha pero hindi na rin niya ito nakita. Napadako naman ang tingin niya sa mahimbing na natutulog na si Yesha. Sumakay na rin siya agad sa kanya saka siya naghanda para sa pagpasok niya sa kanyang trabaho. Ngayon ay naglalakad na siya papunta sa office ni Axel. "Magandang buhay sir," bungad niyang bati kay Axel pagkabukas na pagkabukas palang niya ng pinto. "Maganda yata ang gising mo ah," sabi naman ni Axel kay Jessica. "Ahh oo naman sir," nakangiting sabi nito sa kanya. "Magandang umaga rin sa'yo," sagot lang din ni Axel. "Bakit umaga sir?" nagtatakang tanong ni Jessica. "Huh?" tanong din naman ni Axel sa kanya. "Dapat magandang buhay kasi nga kapag umaga kasi syempre marami namang umaga, hindi 'yan natatapos pero kapag buhay automatic buhay mo," paliwanag niya. "Ganun ba yun?" tanong ni Axel. "Opo sir," sagot ni Jessica. "You know, your impressing me," sabi ni Axel. "Talaga ba sir?" tanong naman ni Jessica. "Yes," maikling sagot niya. "What do you want sir? You want coffee? Sabihin niyo lang sa'kin," sabi pa nito. "Nagpapaimpress ka talaga sa'kin ha," nakasmirk na sabi ni Axel sa kanya. "Ah eh para naman maganda performance ko sa inyo sir," nahihiya pang sagot ni Jessica kay Axel. "Oh sige, get me coffee," sagot niya kaya dali-daling lumabas si Jessica sa office ni Axel. "Miss, alam mo ba kung saan pagkuhanan ng coffee dito?" tanong niya sa nadaanan niyang babae kasi sigurado siyang may pagkuhanan ng kape dito sa building. "Ahh dun po oh," turo naman ng babae sa hall kung saan sila kumakain ng lunch. "Ahh sige thanks," sagot niya rito at dali-dali na siyang pumunta doon. Namangha pa siya dahil ang mga cups nila ay parang sa mga pagbilhan sa labas na may takip. Kumuha na siya ng cup at nagsalin na ng kape mula coffee machine. Nakangiti naman siya habang tinitignan ang nasalinan ng kape. Nanghingi na rin naman siya ng sticky note mula sa mga dumadaan-daan sa hallway at maswerte na nga siya dahil binigyan siya ng naghingian niya. Saka siya nagsulat ng 'smile, everyday is a new day' saka siya nagdrawing ng smiling face sa ibaba lang din ng sticky note. "Umagang-umaga kasi nakakunot ang noo," sabi niya sa kanyang sarili habang papunta na siya sa office ni Axel. "Sir here is your coffee," sabi niya nang nakangiti pa habang nakaabot ng kape kay Axel sa kanyang table. "Thanks," sabi niya pero pumukaw ng atensyon niya ang sticky note na nakalagay sa kape. Gulat ang kanyang reaksyon at imbes na ngumiti ay mas lalo lang nalungkot ang mukha ni Axel sa ginawang iyon ni Jessica sa kanya. Ngayon ay nakatingin na siya ng mataman kay Jessica, si Jessica naman ay kinakabahan na at baka hindi nagustuhan ni Axel ang kanyang ginawa. "Ah sir? Ayaw mo po ba ng quote na nakalagay? O ayaw mong nilalagyan ng sticky note ang kape mo-" "Jessica?" Natigilan si Jessica kung anong sinabi ni Axel sa kanya Natigilan si Jessica kung anong sinabi ni Axel sa kanya. "A-ano sir?" nagtataka niyang tanong rito. "Ahh sorry, naalala ko lang kasi ang asawa ko sa'yo," sabi niya na nagparealize din kay Jessica ang kanyang ginawa. Nung buhay pa kasi ito ay lagi niyang ginagawa iyon kay Axel lalo na kapag malungkot ito o may problema siya. Para na rin mapangiti ang asawa. "Ahh," naiilang na wika ni Jessica. "I see my wife in you and I don't know why," sabi naman ni Axel. "Okay lang sa'kin yun sir," sagot lang din naman ni Jessica. Nginitian siya ni Axel bago siya bumalik sa upuan nito at pinagpatuloy ang kanyang trabaho. Sa isang linggo ay yun na ang kadalasang ginagawa niya sa umaga. "Here's your coffee sir," sabi niya at pinatong na ang kape ni Axel sa table nito at tinignan naman siya ni Axel saka niya kinapa ang drawer nito. "This is your first pay," sabi niya at binigay na kay Jessica ang nakaenvelope pa na pera. "Pero second week palang po ng trabaho ko ah?" nagtatakang tanong nito. "Mabuti na 'yan para hindi ka na rin maghintay ng matagal para sa sahod mo saka 3 months lang din naman ang leave ni Kiel at babalik din siya," sabi ni Axel. "Ahh okay sir," sabi ni Jessica at naupo na nga muli sa upuan na kaharap lang ng table ni Axel. "Isang oras na rin naman bago ang out mo kaya pinapayagan na kitang umuwi," saad ni Axel habang inaayos ang mga papeles na kanyang trinatrabaho. Gulat si Jessica nang marinig niya ang sinabi ni Axel kasi bakit naman niya ito papaboran. Ang trabaho ay trabaho lang dapat hindi dahil kaibigan na niya ito bilang Yesha ay papaboran na niya siya. Unfair yun kay Jessica para sa ibang mga empleyado. Saka para na rin mas matagal pa niyang makasama ang kanyang dating asawa. "Hindi po. Magstay lang ako hanggang sa mag-out ako," sagot lang ni Jessica. "Hindi naman sa pinapaburan kita kaya lang kasi wala ka na rin namang ginagawa rito," sagot ni Axel. "Basta I will stay sir. I will stay at your side," dahil sa sinabi ni Jessica ay napatingin sa kanya si Axel. "Ano?" naguguluhan niyang tanong. "A-ang... ibig ko pong sabihin ay magstay po ako sa natitirang oras ko before akong mag-out," pagmamatigas ni Jessica. "Okay sabi mo 'yan ha?" sabi naman ni Axel sa kanya. "Opo sir," ngumiti nalang si Axel sa kakulitan ni Jessica. Hindi nga niya maiwasan na isipin ang asawa sa katawan ni Yesha dahil maraming aspeto na rin niya nakita ang asawa niya sa kanya. Pero ano nga bang magagawa ni Jessica, hindi naman niya mabago personality niya dahil siya na 'yan. Magpapanggap lang siyang Yesha gamit ang katawan nito pero hindi niya magaya ang personality ni Yesha. Lumipas ang isang oras at out na nga ni Jessica. Pero imbes na lumabas na siya at umuwi ay tinitigan niya lang si Axel. "Oh out mo na, ba't 'di ka pa umuuwi?" tanong ni Axel pero imbes na sundin siya ay hinila lang ni Jessica ang kamay ng dating asawa patayo sa kinauupuan niya. "Anong ginagawa mo Yesha?" nagtatakang tanong niya. "Halika sir, may pupuntahan tayo," sabi niya at hinila na ng tuluyan si Axel papunta sa labas ng building. "Yesha, hindi pa tapos mga paper works ko," reklamo ni Axel pero hindi ito pinakinggan ni Jessica. Hinila lang ni Jessica si Axel papunta sa park. Malapit lang naman ito mula sa kompanya. Mga ilang hakbang lang. Ilang layo pa nga ang nararating nila ay rinig na nila ang ingay ng mga batang naglalaro rito. "Ikaw na ang taya." "Ang daya naman." "Nahuli kita kanina eh." "Lagi nalang akong taya," reklamo ng isang batang lalaki. Hanggang sa makarating na nga ang dalawa sa pwesto ng mga bata. "Atee!" sinalubong muli ng mga bata si Yesha ng yakap. "Mukhang gustong-gusto ka nila ha," pahayag ni Axel. "Ah oo, hindi ko nga alam kung bakit," sagot lang din naman ni Jessica kasi nga baka may memories sila ng totoong Yesha. She never knew kasi hindi naman siya si Yesha. Nang bumaling siya sa mga bata, "anong problema dito?" tanong niya. "Lagi nalang po kasi nila akong kinukuha. ang daya na eh," sabi ng batang lalaki na kanina pa nila tinataya. "Ikaw kasi ang nataya ko kanina eh kasi ikaw pinakamalapit sa'kin," sagot naman ng batang babae na siyang humuli sa kanya. "Lagi nalang ako ang hinuhuli niyo," sabi naman ng lalaki na nagsisimula ng umiyak. "Don't cry little boy." Umupo si Axel para magkalevel sila saka niya hinawakan ang magkabila nitong balikat. "Kung mahuli ka man, that's part of the game. Huwag kang magpapaapekto kapag ikaw nanaman ang taya. Umiikot naman ang laro eh not all the time ikaw ang taya," paliwanag ni Axel na siyang ikinangiti ni Jessica sa kanya. 'That's my husband,' sabi ni Jessica sa kanyang sarili pero nang marealize niya ito ay bigla ring napawi ang kanyang ngiti. 'Yeah he's my husband before,' muli niyang saad sa kanyang sarili. Hindi nagsalita ang bata at kaagad nalang na niyakap si Axel ng mahigpit. At dun pinagpatuloy ang pag-iyak. "Stop crying na okay? Sige ka masasabihan kang bakla diyan pag nakikita ka nilang umiiyak ng ganyan," dahil sa sinabi ni Axel ay tumahan na rin sa pag-iyak ang batang lalaki. "Salamat kuya," sabi ng bata at todo ngiti na kay Axel. Hindi ito sinagot ni Axel pero ngumiti lang ito pabalik at ginulo ng bahagya ang buhok niya. "Sinong gusto ng ice cream?" pag-aannounce niya sa mga bata at parang nabuhayan sila ng makarinig sila ng ice cream. "Ako kuya." "Ako po." "Me please." Ilan lang 'yan sa mga sagot nila kaya dalawa sina Jessica at Axel ang pumunta sa ice cream stalls. At syempre dahil asensadong tao si Axel ay binilhan niya isa-isa sila ng pinakamalaki at pinakamahal sa mga pagpilian. Sobrang saya naman ng mga bata nang makita iyon. "Yeyyy," sabi nila. Si Axel at Jessica ay naupo nalang sa swing habang kumakain na rin ng ice cream. At nakatingin sila sa mga bata na nagkumpulan habang kumakain din ng ice cream. "Ba't nga pala naisipan mo 'kong dalhin dito?" tanong ni Axel habang nagsusubo ng kanyang ice cream. "Kasi sobrang tutok ka sa trabaho mo, hindi mo na nabibigyan ng pansin ang ibang bagay," sagot ni Jessica. Natahimik si Axel dahil sa sinabing iyon ni Jessica dahil totoo naman kasi na sobrang tutok na siya sa kanyang trabaho. Sa isip niya ay wala na rin naman siyang ibang pagtutuunan ng pansin niya dahil wala na ang kanyang asawa na kanyang pinakamamahal. "Saka nabanggit mo rin dati sa'kin na wala kayong naging anak ng dati mong asawa kaya naisipan kita idala sa mga bata. Para kahit konting panahon lang ay mapasaya ka nila," wika pa ni Jessica. "Actually napapasaya mo naman ako paminsan-minsan," sabi ni Axel na ikinatingin ni Jessica sa kanya na waring gulat. "Same kasi kayo ng personality ni Jessica na jolly," sabi pa niya. "Ahh ganito na po kasi talaga ako eh," saad naman ni Jessica. "Yeah, and I understand that," pahayag ni Axel saka nag-iwas ng tingin. "Sarili ko lang talaga hindi ko maintindihan," sabi niya na pansin ni Jessica ang namumuong luha sa kanyang mga mata. "B-bakit naman sir? Anong hindi niyo maintindihan?" nagtatakang tanong naman ni Jessica sa kanya. "Hindi dapat kita kinocompare kay Jessica but I couldn't help it. Just see your gestures and everything, you reminded me of her," sagot niya. Naging tahimik lang din naman si Jessica dahil sa sinabi ng kanyang asawa. 'Kung alam mo lang na nandito ako Axel...' sabi niya sa kanyang loob-loob at naluluha na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD