Third Person's POV
"Ano sir?" 'di makapaniwalang tanong niya pero hindi na inulit pa ni Axel ang kanyang sinabi kanina at may dinial sa kanyang cellphone.
"Hello, bilhan mo nga ako ng bagong labas na cellphone diyan," sabi niya. "Kahit magkano at kahit anong brand basta bagong labas," sabi niya at gulat pa rin si Jessica habang nakatingin kay Axel.
Ilang sandali pa ay binaba na niya ang kanyang cellphone at pinagpatuloy na ang ginagawa niya kanina.
"Sir hindi mo naman kailangang gawin yun eh," sabi ni Jessica sa kanya.
"I have to Yesha, saka PA kita you have to act and dress properly," wika ni Axel dahilan ng pagtingin-tingin ni Jessica sa kanyang damit.
'Maayos naman ang damit ko ah,' sabi niya sa kanyang sarili.
"No what I mean yung mga gamit mo. When it comes to dress, well you have a sense of fashion," puri ni Axel kay Jessica. Pero nalungkot silang dalawa sa sunod na sabi niya. "Just like my wife," ika niya.
"I'm sorry pinaalala ko ulit siya sa inyo sir," sabi ni Jessica.
"No, it's okay," sabi niya at tinuon muli ang kanyang atensyon sa trabaho.
'Kailan kaya niya matatanggap ang pagkawala ko?' tanong ni Jessica sa kanyang sarili.
Ilang sandali pa nga ay may kumatok na sa pinto and Jessica just open the door.
"Hi," bati niya rito kahit hindi niya ito kilala.
"Hi," bati naman nito pabalik. "Sir, nandito na yung pabili niyo," sabi niya at binigay na ito sa table ni Axel.
"Thanks," sagot ni Axel nang hindi niya ito nililingon at focus lang siya sa kanyang trabaho.
Lumabas na nga ang babae na nagbigay ng pinabili ni Axel na cellphone sa kanya.
"Here," sabi niya at binigay naman na niya ito kay Jessica.
Pagkatanggap ni Jessica ay binuksan na niya ito agad.
"Seryoso ka sir para sa'kin talaga 'to?" nagtatakang tanong niya.
Hindi naman sa naninibago si Jessica. Actually pinanganak siyang mayaman pero hindi lang niya inaasahan na bibigyan siya ni Axel ng cellphone bilang Yesha at hindi bilang Jessica.
"Yeah," maikling sagot niya.
"Salamat talaga sir," paghingi niya ng pasasalamat rito.
"Maliit na bagay lang 'yan," sabi niya.
'Matulungin talaga ang asawa ko kahit kailan,' sabi ni Jessica sa loob-loob niya.
"Siguro sir ang yaman-yaman niyo 'no?" tanong ni Jessica.
"Sakto lang naman," sagot niya.
"Ang mahal kaya nito," she said while referring to the cellphone she was handling.
"Wala lang 'yan, saka magtratrabaho ka naman na rito so you should have one like that," pahayag niya.
"Sir," pagtawag naman ni Jessica sa kanya dahilan para mapalingon ito. "Ang swerte ng asawa mo sa'yo," sabi niya at pansin muli ni Jessica ang kalungkutan sa kanyang mga mata habang nakatingin ito sa kanya.
"Yeah, I guess," sagot lang ni Axel.
"Wala ka po bang balak na mag-asawa ulit?" tanong niya.
"I-I don't know. Sariwa pa ang mga pangyayari sa'kin and h-hindi ko alam," wika ni Axel. "Mahal na mahal ko ang asawa ko at hinding-hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino," sabi niya na nagpaantig sa puso ni Jessica.
'Axel mahal na mahal din kita at ngayong wala na ako, gusto lang naman kitang maging masaya,' sabi niya while looking at her husband. 'Ayokong dahil sa'kin hindi ka na sasaya pa sa buhay,' sabi niya muli.
"My wife is my treasure, my precious gem," sabi niya muli na dahilan para tumahimik si Jessica sa harap niya. "Wala siyang kapantay. Alam kong sinisisi niya ang sarili niya kung ba't hindi kami magkaanak pero I'm not blaming her, my wife is my life I can't imagine my life without her," sabi ni Axel na nagsimula ng humagulgol.
Lumapit na rin naman si Jessica kay Axel at hinagod-hagod ang kanyang likod para kahit papano ay mabawasan naman ang kanyang nadaramang lungkot at sakit.
"And now she's gone. I don't know what to do," sabi niya na tinigil muna ang kanyang ginagawa dahil hindi na rin siya makapagconcentrate rito.
"Tahan na sir," sabi ni Jessica sa kanya. "I'm sure kung nandito lang ang asawa mo, ayaw niyang nakikita kang ganyan," saad ni Jessica.
"Mahal ka rin ng asawa mo sir kaya gusto ka rin niyang maging masaya," sabi muli ni Jessica pero hindi siya sinagot ni Axel.
NGAYON ay tinitignan muli nila si Yesha habang naghahanda ito papunta sa trabaho niya.
"Master," pagtawag ni Jessica kay Nash.
"Ano yun?" tanong naman nito.
"Hmm ano kasi eh, miss ko na kasi bahay. Magpapaalam lang ako kung pwede akong pumunta mamaya," sabi niya.
"Oh sige ako na rin muna magbabantay kay Yesha ngayong gabi," sagot ni Nash.
"Salamat master," sabi lang ni Jessica. "Pero 'di ko alam ang daan papunta dun eh," napakamot ng ulo si Jessica dahil sa realization na iyon.
Pinatong lang ni Nash ang dalawa niyang kamay sa magkabilang balikat ni Jessica at ilang sandali pa ay naglaho na siya.
"N-nasan ako?" nagtatakang tanong ni Jessica nang nilibot niya ang kanyang paningin ay familiar ang nasa paligid nang ilang sandali pa ay lumabas ang yaya nila para magtapon ng basura.
"Yaya Bini," paghahabol niya sa kanya pero hindi niya naabutan na nakabukas ang pinto pero nakalusot pa rin siya.
"Sir! Kain na tayo," pagtawag ni Bini kay Axel nang nakapaghanda na siya ng kanilang dinner.
Nang hindi pa rin bumababa si Axel ay lumilingon-lingon si Bini na para bang nakakasense siya sa paligid. At kinabahan ng sobra si Jessica nang nakatingin siya ng diretso sa kanyang mga mata.
'Nakikita niya ako?' nagtatakang tanong ni Jessica sa kanyang sarili.
Pero napanatag siya nang binalik niya ang kanyang tingin sa hinahanda niyang pagkain. Ilang minuto na nga ay bumaba na si Axel mula sa kanyang kwarto. Walang imikan ang bumalot sa dalawa. Sabay na rin silang kumain tutal dadalawa lang din naman sila sa bahay.
Si Jessica naman ay nilibot na muna ang buong bahay. Bawat kwartong meron doon ay binisita niya hanggang sa makarating siya sa kwarto nilang mag-asawa. Pagpasok niya rito ay kita niya agad ang picture nilang dalawang mag-asawa na nakapicture frame pa na nasa higaan. Nilibot niya ulit ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Dati-rati masaya ang aura ng kwarto na ito pero ngayon hindi mo na mararamdaman ang saya na nandito ka sa kwarto nila.
Naupo muna siya sa bed at pinagmamasdan ang picture nila rito. Inangat niya ang picture nilang dalawa.
'How I miss this place,' sabi niya at nagsimula ng tumulo ang kanyang mga luha. 'I miss kung gaano kami kasaya noon,' sabi pa niya.
Pinunasan na nga niya ang kanyang luha saka ibinaba ang picture frame at tumayo mula sa kanyang pagkakaupo kanina.
"Bakit nga ba ako iiyak," sabi niya ng malakas pero wala nga namang makakarinig sa kanya kaya okay lang kahit anong pinagsasabi niya. "Tatanggapin ko nalang, yun ang tinadhana eh. Ito ang dapat mangyari kaya wala na akong magagawa tungkol dun," sabi niya pero hindi pa rin niya maiwasang maluha. Kahit na pigilan man niya itong tumulo.
Nang ilang minuto pa ay dumating na rin si Axel sa kwarto nila at umupo muna sa bed saka niya inangat ang picture nilang dalawa.
"Jessica..." Pansin ni Jessica kung gaano nasasaktan ang asawa pero wala rin naman siyang magagawa.
Niyakap na niya ang picture frame at umiyak doon nang umagaw sa pansin nilang dalawa si Bini na nasa pinto ngayon ni Axel.
"Sir," sabi niya rito dahilan ng pagtigil ni Axel sa pag-iyak dahil mukhang seryoso ang itsura nito ngayon. "Ang lakas ng enerhiyang aking nadarama," sabi pa nito.
"Anong ibig mong sabihin yaya?" tanong naman ni Axel.
"Sir may espirito ngayon sa bahay niyo," sabi niya.
"A-anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong naman ni Axel.
"Ang lakas ng enerhiyang iyon galing sa galang espirito," sabi muli niya na hindi naman maintindihan ni Axel kung anong ibig sabihin.
Dahil din sa sinabi ni yaya Bini ay natakot bigla si Jessica dahil baka malaman nila na siya ang kaluluwang iyon.
"Nandito siya ngayon sa kwarto niyo sir," sabi pa niya.
"Huwag mo nga akong takutin sa mga kwento mo yaya," sabi naman sa kanya ni Axel.
"Hindi ako nagbibiro sir, may kaluluwa talaga ngayon dito sa kwarto mo," pagpupumilit ni yaya Bini.
Pansin mo na natatakot na talaga si Jessica at baka ito'y mahuli hanggang sa lumitaw sa tabi niya si Nash.
"Master," bigla niyang sabi rito.
"'Di ba sabi mo bibisita ka lang? Ba't ka nagtagal? Mahahalata talaga nila ang presensya mo," sabi ni Nash.
"Pano? Hindi ko alam na esperetista pala itong si yaya Bini," sagot naman ni Jessica.
"Halika na," pag-aya ni Nash sa kanya and one thing Jessica knew, that they popped up at the coffee shop Yesha was working. "Pinapahamak mo lang sarili mo," sabi ni Nash na nasa harapan na niyang nakaupo.
"Huh? Pano namang mapapahamak ako? Sa anong paraan?" nagtatakang tanong ni Jessica sa kanya.
"Yung mga esperetistang ganun, pwede silang mangtrap mg kaluluwa basta maramdaman nila ang presensya mo," paliwanag ni Nash. "At kapag natrap ka sa kanila, hindi ka na makakaalis pati ako hindi na kita matutulungan," wika niya muli.
"Huh? 'Di ba sabi mo wala kang hindi kayang gawin?" tanong ni Jessica sa kanya.
"Pero makapangyarihan sila Jessica kaya huwag na huwag ka ng uuwi sa inyo kung nandun ang yaya niyo," payo ni Nash kay Jessica.
"Okay sige master, pero kasi hindi ko talaga alam na esperetista si yaya Bini," sabi ni Jessica.
"Ngayon alam mo na kaya iwasan mo na siya," payo muli ni Nash sa kanya.
Nalungkot si Jessica dahil sa sinabi ni Nash pero ano nga bang magagawa niya. Mapapahamak lang siya kapag pinagpatuloy pa niya ang pagpunta sa bahay nila. Wala rin namang time na wala si yaya Bini sa bahay nila. Dahil binabantayan na rin niya ito habang nasa trabaho palang si Axel.
"Ano bang pinagsasabi mo yaya?" nagtataka pa ring sabi ni Axel kay yaya Bini nang kakaalis palang nila Jessica at Nash.
"Bakit biglang naglaho ang enerhiya?" tanong niya sa kanyang sarili.
"Yaya naman, ano ba 'yang pinagsasabi mo?" tanong ulit ni Axel.
"Sigurado akong may enerhiyang malakas dito kanina lang," pagpipilit naman ni yaya Bini.
"Alam mo yaya, itulog mo nalang 'yan. Siguro kulang ka lang sa tulog," sabi ni Axel at ipinunta na si yaya Bini sa pinto.
"P-pero sigurado ako-" pagpipilit pa rin niya pero sinarado nalang ni Axel ang pinto ng kanilang kwarto.
Napaupo nalang si Axel sa sahig habang nakalean ang kanyang ulo sa tuhod niya. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin.
"Alam mo, dalasan din natin ang pagpunta dito, nagagandahan ako sa view," sabi ni Jessica nang nasa taas muli sila ng building.
Napangiti nalang konti si Nash dahil sa naging reaksyon ni Jessica dahil nirequest nanaman nito na pumunta sila sa taas ng building kung saan sila pumunta nung nakaraan.
"Sige ba, sabi mo eh," sabi ni Nash sa kanya. "Favorite place mo na ba 'to?" tanong pa nito.
"Oo," naeexcite na sagot ni Jessica.
"Pano mo naman naging favorite place 'to?" nagtatakang tanong ni Nash.
"Kasi maaliwalas saka sa sobrang busy ko sa ibang bagay hindi ko na nakikita ang totoong ganda ng nature," sagot ni Jessica at natawa nanaman konti si Nash sa kanya.
"Ehh anong nakakatawa master?" nagtataka namang tanong ni Jessica.
"Ahh wala, dati ko na kasi 'tong pinupuntahan. Nung nagsimula akong magkamalay, magkaalaala," medyo nalungkot na wika ni Nash.
Nalungkot din naman si Jessica para kay Nash kasi nga nung bata siya wala na siyang maalala. Eh ang importante ng alaala para sa isang tao.
"Favorite place mo rin ba 'to master?" tanong muli ni Jessica kay Nash.
"Oo naman, pinakafavorite place ko sa lahat," saad niya.
"Same pala tayo master," sagot lang din naman ni Jessica.
"Hindi mo naman magiging favorite place 'to kung hindi kita dinala rito nung una," wika ni Nash na waring nang-iinis kay Jessica.
"Aba eh kahit na favorite place ko pa rin 'to 'no," sabi naman ni Jessica.
Napangiti si Nash dahil sa kanyang sinabi. "Nakakatawa ka talaga," sabi ni Nash habang pinapatpat muli ang ulo ni Jessica saka siya napatingin ng mataman sa kanyang mga mata.