Third Person's POV
"Halika rito," nilagay ni Rocco si Yesha sa storage room nila.
Sumunod lang din naman ang dalawa sa kung nasan si Yesha.
"Nakakaasar," sabi ni Jessica at nagsimula na ngang umiyak.
"Anong problema mo?" nagtataka rin namang tanong ni Nash sa kanya.
"Kasi wala akong magawa para tulungan siya," sabi niya at nilagay ang dalawang kamay sa bibig niya dahil sa kanyang pag-iyak.
Nakatingin lang din naman si Nash sa kanya. Wala ring magawa sa pag-iyak ng kaluluwang binabantayan niya.
Nang matapos na nilang ifirst aid kit si Yesha at nanginginig pa rin ito.
"Ayos ka na ba?" tanong muli ni Jamie.
"H-hindi ko alam," sagot naman niya.
"Diyan muna kayo ha? Titignan ko lang sa counter," sabi ni Jamie at nagtungo na nga roon.
"Halika ihahatid nalang kita sa inyo," sabi naman ni Rocco.
"Huwag, hindi ko pa out. Ayokong mabawasan yung sahod ko para lang dito," sagot nito.
"Isang oras nalang naman yung out natin eh, sige na Yesha," sabi pa ni Rocco.
"Ayoko, kaya ko pa naman," sabi ni Yesha at tumayo na sa kanyang pagkakaupo.
Pero hinawakan lang ni Rocco ang balikat ni Yesha para pigilan ito sa pagpunta sa labas.
"Guys need ko na ng kasama," sabi ni Jamie ng padami na ng padami ang customer nila at dumungaw pa sa pinto ng storage.
Una ng lumabas si Yesha at akmang tutulong na dun pero hinawakan ni Rocco ang kamay niya na hahawak sana sa pile ng mga baso doon.
"Yesha hindi ka okay, halika na ihahatid na kita," sabi ni Rocco pero hindi umimik si Yesha at binawi lang ang kamay niya na hinawakan ni Rocco.
Tinignan lang din naman siya ni Jamie habang gumagawa na ito ng order ng kanilang customer. At hinawakan din ang balikat niya.
"Yesha tama naman si Rocco eh kailangan ding magpahinga, uwi ka muna," sabi sa kanya ni Jamie.
"Marami tayong customers oh," sabi ni Yesha pero hindi sila gumalaw.
"Please Yesha," pagpumilit pa ni Jamie.
Natigilan naman siya na para bang nag-iisip.
"Please Yesha pumayag ka na," panalangin naman ni Jessica.
"Sige na nga, mapilit kayo eh," dahil sa sinabi ni Yesha ay napangiti silang lahat.
"Yey," sabi naman ni Jessica at napatingin kay Nash.
"Ang saya mo," sabi ni Nash na poker face pa rin ang mukha.
"Syempre naman para makapagpahinga si Yesha," sagot ni Jessica na hindi nalang pinansin ni Nash.
"S-salamat ulit sa inyo ha," sabi niya.
"Ihahatid na kita at baka 'di mo kayanin sa daan," sabi ni Rocco.
"Ano ba kayo ayos lang ako, saka pano 'tong shop hindi kaya ni Jamie mag-isa kaya dito ka nalang," sagot ni Yesha sa kanya. Sa shift kasi nila ay tatlo lang ang tao pero syempre mas madami namang pumupunta sa shop nila ng umaga compared sa gabi and mas madami talaga sahod ng night shift kaya yun ang piniling shift ni Yesha.
"Basta ingat ka sa daan ah," payo ni Rocco.
At niyakap pa ni Jamie si Yesha. "Ingat ka ha?" tanong niya pa at tumango lang rito si Yesha bago siya tuluyang lumabas sa shop.
Naglakad na rin muli si Yesha sa daan habang madilim pa. Nakasunod lang din muli ang dalawa sa kanya hanggang sa umabot sa bahay niya. Pero hindi nila inaasahan na hinagis nalang ni Yesha ang kanyang bag sa kung saan at binaon sa unan ang kanyang ulo at nagsimula ng umiyak.
"Sabi sa'yo may pinagdadaanan siya eh," sabi ni Jessica kay Nash.
"Meron naman talaga siyang pinagdadaanan," sabi ni Nash dahilan ng pagtingin ni Jessica sa kanya ng 'di makapaniwala.
"A-anong ibig mong sabihin?" nagtataka niyang tanong. "Alam mo pero hindi mo sinabi sa'kin?" tanong niya na nakatingin pa rin kay Nash ng hindi makapaniwala.
"Meron siyang boyfriend at naaksidente ito kaya namatay siya," sabi ni Nash nang nasa rooftop sila ng isang building habang kitang-kita nila ang kabuuan ng siyudad.
"Nasan ang mga magulang niya?" nagtatakang tanong naman ni Jessica.
"Nanggaling siya sa orphanage at kinuha lang siya dun ng babae na walang pamilya at hindi magkaanak. Ginawa niyang parang alipin si Yesha nun. Pinagawa niya ng iba't-ibang rocket para lang pagkakitaan niya si Yesha pero nang tumuntong ito ng 18 ay pinabayaan na niya ito," paliwanag niya.
"Bakit hindi mo nakwento 'yan nung time na tinatanong ko sa'yo?" tanong muli ni Jessica kay Nash.
Nagagandahan talaga si Jessica sa view na kanyang nakikita. Nung nabubuhay pa kasi siya ay wala siyang nakitang ganito kaganda saka she doesn't appreciate little things dati so 'di niya naaappreciate ang mga ganitong bagay and ngayon lang niya nakita ang totoong kagandahan ng kapaligiran.
"Kasi may mga bagay na hindi basta-basta malalaman," makahulugang sagot lang naman ni Nash.
"Just to remind you master ha, I hate secrets," sabi ni Jessica.
"Alam ko, nabasa ko tungkol sa'yo," sabi naman ni Nash.
"So pinag-aaralan mo na rin pala ako, sabi mo 'di mo pa ako pinag-aaralan," saad niya.
"Konti lang naman tungkol sa'yo," sagot ni Nash.
"Kaya nga nung nabubuhay pa 'ko, never naglihim ang asawa ko sa'kin kasi nga ayoko talaga ng mga sikreto," paliwanag ni Jessica.
"Yun ang alam mo, may lihim din siya sa'yo na hindi niya sinasabi," sabi niya na ikinagulat ni Jessica.
"Ano? Alam mo yun?" tanong niya pero hindi siya sinagot ni Nash. "Sabihin mo ano yun," pangungulit niya.
"Ayoko nga, sikreto nga 'di ba," sabi naman ni Nash sa kanya.
"Sabihin mo na kasi master," pangungulit pa ni Jessica kay Nash.
"Pilitin mo muna ako," pang-aasar na sabi niya.
"Sige na kasi," sabi ni Jessica na nakasimangot na. "Kung hindi mo sasabihin, hindi kita papansinin," sabi niya.
"Eh 'di hindi, hindi mo rin naman ako matitiis kasi kailangan mo ng tulong ko," sabi naman ni Nash sa kanya.
"Hmp hindi 'no," pagmamatigas ni Jessica.
"Tignan lang natin," natatawang sabi ni Nash.
"Ba't kasi ayaw mo pang sabihin?" tanong muli ni Jessica na nakabasungot na.
"Kasi may mga bagay na kailangang ilihim para hindi masaktan ang pagsasabihan mo," makabuluhan muling sabi ni Nash.
"Oo nga naman pero mas better pa rin na sabihin mo kasi oo masasaktan nga ang pagsasabihan mo nun pero at least malalaman niya ang totoo at hindi siya nabubulag sa kasinungalingan," saad din naman ni Jessica. At napahanga si Nash sa sagot niyang iyon.
"Sige balik na nga lang tayo dun, mag-uumaga na rin eh. Malelate ka pa sa first day mo," sabi ni Nash at tumayo na mula sa pagkakaupo niya.
Tumayo na rin naman si Jessica. At nagteleport na rin sila gaya kanina. Nadatnan nilang mahimbing na natutulog si Yesha sa kanyang kama. Dahan-dahan din namang pumatong si Jessica sa katawan ni Yesha kaya nasakyan na niya muli si Yesha.
"Maghanda ka na riyan ha?" sabi ni Nash.
"Aalis ka nanaman ba?" malungkot na tanong niya.
"'Di ba sabi ko isang araw lang kita sasamahan," sabi ni Nash sa kanya.
"Okay fine, kaya ko naman siguro mag-isa ko," sabi naman ni Jessica.
"Oo kaya mo 'yan," pag-eencourage ni Nash at hinawakan pa si Jessica sa balikat nito.
"Pang-aasar lang kasi aabutin ko sa'yo," sabi ni Jessica kay Nash.
"Hindi kaya, ineencourage din kita saka pinapayuhan," wika niya na natatawa kasi hindi naman kapani-paniwala ang sinabi niyang iyon.
"Oo na, sige na bye na kala ko ba aalis ka na?" tanong ni Jessica sa kanya.
"Aalis na nga 'di ba," sabi ni Nash. "Namimiss mo rin naman ako eh," sabi pa niya.
"Hindi kaya," pahabol na sabi ni Jessica bago tuluyang umalis si Nash. "Hays, kakaiba yung kamatayan na yun ha," sabi nalang ni Jessica sa kanyang sarili.
Niready na nga niya ang kanyang sarili para makapasok na siya sa kanyang trabaho bilang isang PA ng kanyang dating asawa. Nag-apply muna si Jessica ng cream na lagi niyang inaapply sa mukha niya nung nabubuhay pa siya.
"Ayoko sanang maglagay nito pero kasi... I can't live without it," sabi ni Jessica sa kanyang loob-loob. "Kaya sorry Yesha, kung ano-anong ginagawa ko sa katawan mo," sabi niya muli.
At nang tuluyan na siyang nakabihis ay kinuha na niya ang kanyang bag at lumabas na ng bahay ni Yesha.
"Hi, good morning," panay ang bati ni Jessica sa mga taong nakakasalubong niya.
Makikita mo talaga ang pagkagalak sa kanyang mukha.
"Good morning sir," pagbati niya kay Axel.
"Ang aga mo yata," sabi ni Axel pero napatingin siya sa orasan ng keypad na cellphone ni Yesha at sakto naman ang oras ng pagdating niya.
"Sakto lang naman sir ah," sabi ni Jessica sa kanya.
"Joke lang," patawa namang sabi ni Axel.
"'Di ka pa rin talaga nagbabago, mahilig ka pa rin sa joke," natatawa na ring sabi ni Jessica pero nang makita niya ang reaksyon ni Axel ay napatakip siya ng kanyang bibig gamit ang dalawa niyang kamay.
"Nagkakilala na ba tayo?" nagtatakang tanong ni Axel sa kanya.
"Ahh oo naman sir, sa park nung isang araw?" sagot ni Jessica para hindi na siya mag-isip pa ng kung ano.
"Hindi, before that?" tanong muli niya.
"Ah hindi pa po, ngayon palang kita nakilala," pagsisinungaling ni Jessica sa kanyang asawa para hindi na ito magduda pa.
"Parang matagal mo na kasi akong kilala eh," saad ni Axel.
"Ah hindi po sir, nagkakamali ka lang po," wika naman ni Jessica.
"Yeah maybe that's just my imagination," sabi niya. "Parang may similarities kasi kayo ng dati kong asawa," sabi pa niya na nagpabigla kay Jessica.
"Ahh baka imagination mo lang talaga yun sir," pahayag ni Jessica sa kanya.
"You know, mahal na mahal ko lang kasi talaga ang asawa ko kaya ganun siguro," saad muli ni Axel.
"At alam ko rin po na kung nasan man siya ngayon, mahal na mahal niya rin po kayo," sabi ni Jessica na nagpangiti na ng tuluyan kay Axel.
"I know mahal din ako ng asawa ko," nakangiti pero malungkot na sabi ni Axel. "At dahil first day mo ngayon," sabi pa niya at nakaturo sa tambak na papel sa kanyang desk.
"Anong meron diyan sir?" nagtatakang tanong niya.
"Idistribute mo lahat ng 'to sa every department ng kompanya," sabi ni Axel at literal na napalaki ang mata ni Jessica dahil sa kanyang sinabi.
"Seryoso ka sir," gulat pa ring sabi niya.
"Mukha ba akong nagbibiro?" tanong naman niya na seryoso talaga ang mukha habang sinasabi iyon.
"Sabi ko nga hindi ka nagbibiro sir," sabi niya at nagsimula ng hawakan ang papel sa table ni Axel.
"Oh 'yang kalahati muna para hindi ka mahirapan," sabi ni Axel kasi ang dami talaga nitong papel na nakatambak sa desk niya.
Gaya nga ng payo ni Axel ay yung kalahati muna ang kinuha niya at babalikan nalang niya ang kalahati. Nagsimula na siyang maglakad palabas sa office ni Axel at papunta sa every department. Syempre mas uunahin niya ang mas malapit kaya una siyang pumunta sa production department para dun siya muna magdeliver.
Binuksan niya ang office nila at ang mga nakakitang boys sa kanya ay tinulungan nila ito.
"Anong gagawin dito?" tanong ng iba.
"Idistribute daw every department," sagot lang naman ni Jessica sa kanya.
Kaya yun nga ang ginawa ng iba, tumulong nalang kay Jessica sa pagdistribute hanggang sa nabigyan na lahat ng nandun kaya lipat naman siya sa next department. Ganun din ang ginawa niya. Nung naubos ay kumuha ulit siya sa office ni Axel ng ididistribute. At napaupo siya sa upuan sa office ni Axel nang natapos na niya ang kanyang trabaho.
"Tapos na sir," sabi ni Jessica na halatang pagod na pagod.
"Pahinga ka muna diyan," sabi ni Axel sa kanya habang busy ito sa kung anong ginagawa niya.
"Okay sir," sabi naman niya at prenteng nakaupo nalang.
At dahil wala naman siyang ginagawa ay nilabas niya ang keypad ni Yesha para tignan kung anong mga laman nito. Tinignan muna niya ang mga contacts at konti lang naman ang mga nandun. Hanggang sa pumunta siya sa games at snakes lang din ang games na nandun.
"'Yan lang ba ang cellphone mo?" nagtatakang tanong ni Axel at napalingon naman si Jessica sa kanya.
"Ah opo," sagot niya.
"Bakit hindi ka bumili ng touch screen?" nagtataka muli niyang tanong.
"Ahm ano po kasi eh. May pinag-iipunan," saad lang din naman ni Jessica.
"Ibibili nalang kita," sabi niya dahilan ng pagkagulat ni Jessica.