Chapter 5

2058 Words
Third Person's POV Si Nash naman ay nakahalukipkip lang na nakasunod sa kanila. Wala na rin naman siyang magagawa, pinangako niya kay Jessica na sasamahan niya ito buong araw kaya ito ang gagawin niya. "Dito ang office ng finance department," sabi ni Axel at inopen ang office nila. "Hi I'm Yesha, ako ang bagong PA ni sir," pagpapakilala naman ni Jessica sa mga busy na empleyado sa department na iyon. "Hi," sabi naman ng iba kahit sobrang busy nila. "Dito naman ang marketing department," sabi niya at pinakita naman ang office ng taga marketing department. "Dito naman ang production department," sabi muli ni Axel kay Jessica. At tumango-tango siya nang tinuturo nalang niya kung nasan ang office ng bawat department. "At dito naman kung saan nagmimeeting ang mga heads," sabi muli ni Axel habang nakaturo sa isang pinto. "And here is my office," sabi ni Axel nang patungo na sila sa pinakadulo ng hall na kung saan matatagpuan ang kanyang office. Pinagbuksan siya ni Axel ng pinto bago sila tuluyang pumasok. Si Nash naman dahil nasarahan na siya ng pinto ay tumagos nalang siya rito na nakahalukipkip pa rin. "Take a sit," sabi niya na nakaturo sa upuan sa harap ng table niya. At gaya nga ng sabi ni Axel ay umupo nalang din si Jessica. Nilibot-libot ni Jessica ang kanyang paningin at maraming memories ang sumasagi sa isipan niya tungkol sa office na ito. Dahil kahit hindi employed si Jessica sa kompanya ay sumasama pa rin siya sa kanyang asawa para bantayan ito. Mga happy memories, yung iba malungkot kaya hindi niya namamalayan ang isang luhang kumawala sa mata niya. "Are you crying Yesha?" tanong sa kanya ni Axel nang mapansin niya ito. Kaagad din naman niya itong pinunasan. "Ahh may naalala lang po kasi ako sir kaya napaluha ako," sagot niya. "Pwede mo bang ishare?" tanong ni Axel. "Ahh hindi pa po kasi ako ready'ng pag-usapan iyon," sagot ni Jessica sa kanya. "Sige, nirerespeto ko kung ayaw mo munang sabihin," saad ni Axel. "Tsk hindi ka sana makukuha kung hindi lang dahil sa asawa mo eh," sabi naman ni Nash na nasa tabi lang ni Jessica at wala na rin naman siyang magawa kundi irapan si Nash dahil sa sinabi nito. Hindi nga maintindihan ni Jessica kung nasa side ba niya ang kamatayan kasi kung iisipin mo ay para mas madaling masagawa niya ang kanyang misyon ay kailangang mapalapit siya kay Axel pero hindi niya lubos maisip kung anong inaakto ni Nash ngayon. "Bakit ba ganun inaasal mo kanina," tanong ni Jessica nung palakad na sila pauwi sa bahay ni Yesha. "Eh kasi hindi ka naman sana makakapasok dun," sagot lang ni Nash habang nakaturo sa kompanya sa likuran nila. "Eh ano naman kung makapasok ako dun," tanong naman ni Jessica sa kanya. "Saka ayaw mo nun para magawa ko na yung misyon ko ng mas madali," sabi pa niya. "Ayoko lang kasi yung nakapasok ka kasi magkaibigan na kayo ni Axel," sabi muli ni Nash. "Eh wala na rin naman tayong magagawa, nangyari na ang nangyari," saad naman ni Jessica. Ilang minuto na nga ay nakarating na sila sa bahay ni Yesha. As usual nagpalit na muli si Jessica sa dating damit ni Yesha. At humarap siya kay Nash. "Ba't ganyan ka makatingin?" nagtatakang tanong ni Nash. "Bakit ba kailangan mong umalis," sabi niya. "Anong gusto mo nasa tabi mo lang ako palagi?" tanong ni Nash. "Eh kasi naman wala akong masyadong kasa-kasama, walang nakakaintindi sa'kin," sabi pa ni Jessica. "Namimiss mo lang ako eh," sabi ni Nash na pinatong muli ang kamay niya sa ulo ni Jessica. "Eh 'di ba kamatayan ka? 'Di ka nakakaramdam ng kahit ano?" tanong ni Jessica sa kanya. "Oo," sagot niya. "Nga pala, san kayo galing? I mean pinapanganak din ba kayo gaya ng sa aming mga tao?" tanong ni Jessica. Pero pansin ni Jessica na nalungkot ang itsura ni Nash ng hindi niya alam ang dahilan. "Oo, nakikita ko ang mga bagong silang na sanggol at sila ang susunod na magiging kamatayan pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit wala akong maalala nung bata pa ako," sabi ni Nash na nagpalungkot din kay Jessica. "Meron naman akong pamilya kaya lang kasi hindi sila nagsasabi sa'kin eh. Para bang may tinatago sila na hindi ko naman alam kung ano," paliwanag muli ni Nash. "Eh 'di tanungin mo sana ang boss mo," she said. "Sinubukan ko, maraming beses na pero wala akong nakuhang sagot," sabi naman ni Nash. "Don't worry masasagot din ang tanong mo soon," nakakasiguro namang sabi ni Jessica. "Sana nga," sagot ni Nash. "Oh sige na ibalik mo na 'yang katawan niya," sabi pa niya. Gaya nga ng sabi ni Nash ay humiga na rin si Jessica sa kama ni Yesha at lumabas na ang kaluluwa niya. "Pero alam mo bang naaawa ako kay Yesha," sabi niya kay Nash nang nakatingin na silang dalawa sa natutulog na si Yesha sa kama niya. "Bakit naman?" tanong ni Nash sa kanya. "Kasi I think wala siyang pamilya, wala siyang friends tapos wala din siyang jowa. 'Di ba nakakaawa," sabi ni Jessica na awang-awa talaga kay Yesha. "Hindi ko rin alam kung ba't ganun," sabi ni Nash. "Siguro sobrang lonely talaga ng buhay niya kaya nagpapadami nalang siya ng pera," sabi pa ni Jessica at ilang sandali na nga ay kita nilang nagmulat na ng mata si Yesha at bumangon na rin. Nang mapatingin siya sa salamin ay napatitig siya rito. At ginalaw-galaw ang mukha niya gamit ng dalawa niyang kamay niya. "Hala baka napansin niya yung pagbabago ng mukha niya," sabi ni Jessica kay Nash. "Bakit ano bang nilalagay mo sa mukha niya?" nagtatakang tanong ni Nash. "Cream lang naman eh, binili ko nung nagshopping ako kasi you know I can't live without creams," sabi ni Jessica sa kanya. "Patay ka na nga eh," natatawang sabi ni Nash sa kanya. "I mean sobrang love ko lang kasi ang mga beauty products," sabi rin naman ni Jessica. "Oo na," sabi ni Nash. "Pano kapag magtaka siya? Ano yun natulog lang siya tapos ganun na, gumanda na siya?" tanong muli ni Nash. "Hindi ko rin alam," sagot ni Jessica. "Maganda nga yun eh kasi sa sobrang stress niya hindi na niya naaalagaan ang sarili niya," sabi pa ni Jessica. "Pero makakahalata pa rin siya?" wika ni Nash. "Pero kahit na, ayaw niya nun gaganda siya," sabi ni Jessica at wala na rin namang masagot si Nash kaya pinabayaan nalang niya ito. Ngayon ang buhok naman ni Yesha ang ineexamine niya. Hinawak-hawakan niya at inamoy pa ito. "Ano nanamang ginawa mo sa buhok niya," tanong ni Nash habang nakatingin pa rin sila kay Yesha sa harapan ng salamin. "Ah bumili rin kasi ako ng conditioner para sa buhok niya eh," sabi ni Jessica. "Naku naman, bakit ang dami-dami mong binibili sa kanya?" tanong ni Nash. "Kasi ganyan din ako nung nabubuhay pa 'ko eh. Sobrang maalaga ako sa sarili ko," sagot niya. "Pero iba ikaw at siya, at kung ano ang nakagawian niya ay yun dapat gawin mo," saad ni Nash sa kanya. "Wala naman yun sa rules 'di ba?" tanong muli ni Jessica. "Oo nga naman, pero kasi... Hays kung mahuli ka man diyan sa ginagawa mo ikaw ang malalagot. Wala kang back up," nananakot naman niyang sabi. "Hindi mo ako tutulungan? Iiwan mo 'ko?" parang nangongonsensiya na sabi ni Jessica sa kanya. "Eh kasi nga ayusin mo pinaggagawa mo sa kanya. Saka hindi mo naman yun katawan eh, katawan niya 'yan," sabi ni Nash. "Hayaan mo, gusto naman niya siguro yun eh," napaface palm nalang si Nash dahil kahit anong sabihin niya ay hindi pa rin nakikinig sa kanya si Jessica. Finally ay nilisan na nga niya ang harapan ng salamin at nagtungo na sa kusina niya. Nagbukas siya ng cup noodles at yun lang ang kakainin niya. Sinundan lang din ng dalawa ito papuntang kusina. "Ganyan ba talaga ang lifestyle niya?" tanong ni Nash. "Itanong mo sa kanya," hindi naman maipinta ang itsura ni Nash dahil sa naging sagot ni Jessica. "Marunong ka na rin," sabi ni Nash at piningot pa ang ilong ni Jessica. "Ano ba 'yan," sabi naman ni Jessica at hinawakan ang piningot ni Nash na ilong niya. Nang natapos na ngang kumain si Yesha ay dumeretso siya sa banyo para maligo na ito. Pagkatapos nitong maligo ay nagbihis na siya ng kanyang uniform sa kung nasan siya nagtratrabaho. Kinuha na rin niya ang kanyang bag at lumabas na ng bahay niya. Nilock muna niya ito bago siya nagsimulang maglakad patungo sa kanyang pinagtratrabahuhan. Nakasunod lang din naman ang dalawa. "Kailangan ba talaga natin siyang sundan araw-araw papunta dito?" nagtatakang tanong ni Jessica kay Nash nang sinusundan pa rin nila si Yesha. "Oo naman, pano kung mapahamak siya sa daan eh 'di hindi mo nagawa ang misyon mo," sagot naman ni Nash. "Eh imposible namang may mangyaring masama sa kanya ngayon. Dati nga mag-isa lang din siyang pumupunta at umuuwi galing sa coffee shop," sabi ni Jessica. "Eh sa ngayon kasi ang isipin mo," sabi naman ni Nash sa kanya. "Ang gulo mo talagang kausap master," wika ni Jessica. "Sabihin mo nga ulit yun," parang nang-aasar na sabi ni Nash. "Ang gulo mo kausap," sabi ni Jessica. "Hindi yun," saad naman ni Nash. "Master?" nagtataka niyang tanong. "Hayan, ulitin mo pa," nang-aasar pa na tanong ni Nash. "Master master master master master," medyo naiinis ng sabi ni Jessica. "Okay na yun," natatawa pang sabi niya at hanggang sa nakarating na nga sila sa shop. Naupo na muna sila sa isa sa mga table habang si Yesha ay dumeretso sa counter. Plain lang ang mukha ni Yesha at walang emosyon na iyong makikita. "Yesha," tawag ng isa niyang kasamahan na si Jamie. "Bakit," nagtataka naman niyang tanong rito. "Bakit parang blooming ka ngayon? Lagi naman tayong puyat dito ah," sabi niya. Napaisip naman si Yesha dahil sa sinabi ni Jamie. "Hindi ko rin alam," yun nalang ang tanging sagot niya sa tanong nito. "Sige duty na muna tayo," sabi niya kaya yun nga ang ginawa nila. Hours passed at nakalean na rin si Jessica sa table. "Bakit ba kasi hindi natutulog ang mga ghost. Pano kung wala na silang magawa, nababagot ganun," tanong niya kay Nash. "Eh 'di magmumulto," gulat naman ang ekspresyon sa mukha ni Jessica dahil sa sinabi ni Nash. "Ano," gulat niyang sabi. "'Di joke lang. Ang mga ghost lang kasi na naiiwan sa lupa ay yung mga misyon din gaya mo but as long natapos na nila ang kanilang misyon ay kukunin na rin sila ng nakalaan na kamatayan sa kanila," paliwanag niya. "Eh how about yung mga magmumulto talaga na ghost, 'di ba may ganun," tanong muli ni Jessica. "Masamang ghost yun, nung nabubuhay pa sila ay puro krimen at masasamang gawain ang ginagawa nila," sagot naman sa kanya ni Nash. "Ahh ganun pala yun." Nakatingin lang nanaman sila kay Yesha habang nagtratrabaho ito. Pero naparami sila ng customers kaya si Yesha na ang naghatid ng orders sa isang table kasi konti lang din naman silang crew na night shift. Ilang oras pa ang lumipas at maghahatid na muli si Yesha ng orders nang may dumaang customer kaya ang ending ay natapon ang mga orders. Nang makita ito ni Jessica ay napatakbo agad siya sa direksyon ni Yesha. "Yesha," sabi niya pero wala namang makakarinig sa kanya. Walang tumulong sa kanya, nakayuko nalang siya at tahimik na umiiyak. "Ang lampa kasi," sabi ng nakasalubong niya kanina. Mabuti nga at hindi siya natapunan ng mga bitbit kanina ni Yesha. "Yesha," sabi muli ni Jessica na pansin mo ang pagkaawa sa kanya. "Jessica," pagtawag naman ni Nash kay Jessica at napahawak din ito sa kanyang balikat. Lumingon si Jessica sa kanya na pansin mo talaga ang pagkaawa sa kanyang mukha. "Wala ka rin namang magagawa diyan eh, hindi mo rin siya matutulungan," sabi nito. "Naaawa ako sa kanya, wala man lang tutulong sa kanya kahit isa," sabi ni Jessica. "Yesha," nang ilang saglit pa ay dumating na si Jamie at si Rocco isa pa nilang kasama at pinatayo si Yesha mula sa kanyang pagkakaupo. "Ayos ka lang ba?" tanong niya pero pinakita lang niya ang sugatan niyang kamay dahil sa nabasag na baso. Umiiyak na nanginginig na si Yesha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD