Third Person's POV
At ilang sandali na nga ay nakarating na sila sa coffee shop. Si Jessica ay pumwesto naman sa pinakagilid na upuan. Siguro papanoorin niya nanaman si Yesha habang nagtratrabaho ito. Wala na rin naman siyang ginagawa. At gaya nga ng sabi ni Nash na hindi natutulog ang mga ghost kaya wala rin siyang magagawa.
Sinuot na rin ni Yesha ang apron niya at hanggang sa may mga bumibili na rin sa kanya. Nagmumuni-muni lang din naman si Jessica. May mga nakikita siyang magjowa na nakaupo malapit niya. Meron din namang mag-asawa at meron ding isang pamilya.
"Siguro mararamdaman ko ang totoong saya kapag nagkaanak kami ni Axel," sabi ni Jessica sa sarili niya.
"Isa nga po nito." Napatingin naman siya sa may counter nang may mga grupo ng kababaihan dito.
"Kayo anong gusto niyo?" tanong ng nasa gitna nila.
Iniisip ni Jessica na baka manlilibre yun sa mga kaibigan niya. Well, wala namang masama basta alam nila ang limitations nila. Binigay lang ni Yesha ang mga orders nila na hindi ngumiti o kahit tignan man lang ang kanyang mga costumers.
"Ang laki siguro ng problema nito sa buhay," Jessica murmured.
Time had passed, at napapatong nalang ang ulo ni Jessica sa table dahil sa pagkabagot.
"Yesha nakita nga pala kita kanina sa mall." Napaangat si Jessica ng kanyang ulo dahil sa sinabi ng kasamahan niya nasi Jamie.
Mababakas ang pagtataka sa mukha ni Yesha ngayon.
"H-hindi naman ako lumabas kanina," pagdepensa lang ni Yesha.
"Ang dami mo ngang pinamili eh, saka ang ganda ng itsura mo kanina," sabi muli ng kasama niya. "Para bang ibang kang tao kanina eh," sabi niya.
"Bakit mo sinabi," sabi ni Jessica habang nakaturo ang daliri kay Jamie. "Hays malalagot talaga ako nito pag nagkataon," sabi niya muli.
'Pano nangyari yun,' sabi naman sa sarili ni Yesha.
"Sigurado ka bang ako talaga ang nakita mo?" nagdududa pang tanong ni Yesha.
"Oo naman, sigurado akong ikaw talaga yun," sagot niya.
Another hours had passed at sa wakas ay pauwi na muli sila.
"Hays tapos nanaman ang shift natin," sabi ni Jamie at naghahanda na para umuwi.
"Bye Yesha," sabi pa ng isa nilang kasama na si Rocco.
Kumaway lang siya rito at ngumiti ng konti saka siya lumabas.
Ngayon ay naglalakad nanaman siya pauwi sa kanyang bahay. Pero habang naglalakad siya ay may sumusunod sa kanyang lalaki na hindi niya alam. At dahil kita naman ni Jessica yun ay sinusubukan niyang balaan si Yesha pero ano nga bang inaasahan mo, ghost siya at walang sino man ang makakarinig or makakakita sa kanya. Tanging kapwa niya lang na ghost at ang mga kamatayan.
"Yesha bilisan mong maglakad, may nakasunod sa'yo," sabi nito at dahil wala siyang naririnig ay normal pa rin ang paglakad niya hanggang sa nakahanap na nga ang lalaki ng tiyempo at hinablot ang bag nito.
Buti nalang at nagawa pang hawakan ng mahigpit ni Yesha ang kanyang bag kaya hindi pa niya ito tuluyang nahablot.
"Tulong!! May snatcher!" sabi ni Yesha pero walang ni isang nakarinig sa kanya sa paligid.
"Hala pano na 'yan," sabi naman ni Jessica na walang magawa kundi panoorin ang dalawang mag-agawan ng bag.
"Ano ba, bibitiwan mo o masasaktan ka," pagbabanta ng lalaki kay Yesha.
"Kahit naman bibitiwan ko o hindi masasaktan lang din naman ako sa bandang huli," sabi ni Yesha na maluhahluha na ang kanyang mata.
"Ay grabe yung hugot nito, maiisnatch ka na nga tas huhugot pa," sabi ni Jessica sa gilid.
Pero ilang sandali pa nga ay may humawak sa likod ng damit ng lalaki at itinaas siya sa ere na waring walang kahirap-hirap na buhatin ang lalaki sa iisang kamay niya lang. At dahil din dun ay nabitawan niya ang bag ni Yesha.
"Nash? I-I mean master?" 'di makapaniwalang sabi ni Jessica.
"Umalis ka na ngayon habang nakakapagtimpi pa 'ko sa'yo," sabi ni Nash at binaba na nga ang lalaki.
Pagkababa ng lalaki ay dali-dali na siyang tumakbo palayo dahil na rin sa naramdaman niyang takot kay Nash.
"Ayos ka lang?" tanong ni Nash kay Yesha at hindi maipinta naman ang mukha ni Jessica habang nakatingin sa kanila.
"Oo ayos lang ako," sabi niya at nagsimula na muling maglakad.
Nilapitan naman ni Nash si Jessica. "Ba't kaya ang cold niya," nagtatakang tanong ni Nash kay Jessica.
"Aba'y itanong mo sa kanya. Saka bakit hindi mo sinabi sa'kin na pwede ka palang magkatawang tao?" tanong din naman ni Jessica sa kanya na nakahalukipkip sa harapan niya.
"Eh hindi ka rin naman nagtanong," sagot naman ni Nash at nauna ng maglakad kay Jessica pasunod kay Yesha.
"Ang kamatayan na yun talaga, marunong din siyang mamilosopo," sabi ni Jessica bago din siya sumunod sa dalawa.
Sinundan nanaman nila si Yesha papunta sa bahay niya. Gaya nanaman kahapon ang routine niya.
"Tapos na," pagtawag ni Jessica kay Nash sa labas nang natapos ng makapagpalit si Yesha ng damit.
Naupo muna ang dalawa sa sahig habang nakatingin kay Yesha na nagaayos ng kanyang gamit.
"So anong pinuntahan mo kahapon?" tanong ni Nash sa kanya.
"Nagshopping," sagot niya.
"Pinaggagasto mo na pera ni Yesha ah," sabi naman ni Nash.
"Papalitan ko rin naman eh. Saka magwowork na 'ko sa kompanya ni Axel para makabayad na rin ako sa utang ko kay Yesha," sagot ni Jessica.
"Mabuti 'yan," sabi ni Nash at pinatong na ulit ang kamay sa ulo ni Jessica.
"Nga pala buti hindi ka na busy, nagawa mo pa akong bisitahin ngayon," saad ni Jessica.
"Oo naman 'no kahit papano nakatalaga ka pa rin sa'kin," paliwanag ni Nash. "Ako ang master mo eh," sabi pa niya.
"Ahh okay," sagot niya.
Natapos na rin si Yesha sa pag-aayos sa mga gamit niya saka siya humiga at nagsimula ng matulog.
"Punta ka na." Pinagtutulak naman ng mahina ni Nash si Jessica papunta kay Yesha.
"Masyado ka naman sigurong excited master," sabi niya at nagpatuloy nalang sa naglakad papunta kay Yesha at humiga na nga siya papatong sa kanya hanggang sa bumangon na siya bilang Jessica.
Tumingin siya kay Nash na todo ngiti.
"Oh anong nginingiti mo diyan, gawin mo na yung misyon mo," sabi ni Nash sa kanya dahilan ng pagsimangot ni Jessica.
"Alam mo ang lungkot ng buhay mo, hindi ka ba marunong ngumiti man lang sa'kin pabalik," nakasimangot na sabi ni Jessica sa kanya.
"Yun ay kung buhay pa 'ko," sagot naman ni Nash. "Pareho na nga tayong wala ng buhay eh," sabi niya ulit na nagpaisip kay Jessica.
"Oo nga 'no," sabi naman ni Jessica na tumayo na.
"Sige na, good luck," sabi ni Nash at akmang aalis na nanaman sana nang pigilan siya ni Jessica.
"Teka lang," wika niya na dahilan para lumingon si Nash.
"Ano nanaman yun," tanong niya rito.
"Ahm ano kasi eh, pwede mo ba akong samahan," sabi ni Jessica pero hindi mo naman maipinta ang mukha ni Nash dahil sa kanyang sinabi. "Sige na, ngayon lang eh. Saka mag-aapply kasi ako ngayong araw sa kompanya nila Axel eh," pagpipilit niya kaya wala na ring magawa si Nash.
"Sige na sige na, basta ngayong araw lang ha," tanong ni Nash na nagpangiti kay Jessica ng malawak.
"Yey," sabi niya at napayakap pero napahiwalay din siya agad nang nakoryente siya. "Ouch," sabi niya.
At tumawa nalang si Nash dahil sa naging reaksyon ni Jessica.
"Bakit ba kasi hindi kita mahawakan," reklamo pa nito.
"Para kapag daw may masama kang balak sa'kin, hindi mo magagawa," natatawa ulit na sabi ni Nash.
"Ang daya naman eh tas ikaw nahahawakan mo 'ko," reklamo pa muli niya.
"Okay lang 'yan, huwag ka ng umiyak," natatawa ulit na saad ni Nash at pinatong muli niya ang kanyang kamay sa ulo ni Jessica.
"Hindi ako iiyak 'no," pagdepensa pa nito.
"Maghanda ka na para makapunta na tayo sa kompanya ng asawa mo," sabi ni Nash sa kanya kaya kumuha na rin siya ng dress mula sa nagtaguan niya ng mga pinamili niya kahapon.
Naghahanda na si Jessica habang si Nash ay nakaupo lang sa sahig habang nagbabasa ng libro.
"Ano 'yang binabasa mo," tanong naman ni Jessica nang nag-aayos palang ng kanyang buhok.
"Ahh inaaral ko kasi ang mga buhay ng tinalagang susunduin ko," saad niya.
"So aaralin mo rin ba buhay ko?" tanong ni Jessica.
"Hindi pa sa ngayon kasi matagal ka pa namang magpapasundo 'di ba? May misyon ka pa, kaya dun muna pagtuonan natin ng pansin," paliwanag ni Nash kaya pinagpatuloy nalang ni Jessica ang kanyang ginagawa.
Pagkatapos mag-ayos ni Jessica ay kinuha na niya ang kanyang bag saka sila lumabas.
"Maglalakad talaga tayo hanggang dun?" tanong ni Nash.
"Ako maglalakad, hindi ko nalang alam sa'yo," sabi ni Jessica na patuloy pa rin sa paglalakad.
Hanggang sa napatingin nalang siya kay Nash nang lumutang ito.
"Hays, ano pa ba ang hindi mo kayang gawin," nagtatakang tanong ni Jessica sa kanya.
"Ahm, wala," sabi naman ni Nash na sinundan si Jessica habang naglalakad ito.
Hanggang sa nakarating na nga sila sa kompanya nila Axel. Dumeretso sila sa kung saan magaganap ang interview.
"So your Yesha Ortega," sabi ng taga interview habang tinitignan ang documents ni Jessica.
Nagtataka kayo kung saan nakuha ni Jessica ang document niya? Sabi nga ni Nash na wala siyang kayang gawin so prinovide niya ang documents ni Jessica para makapasok siya sa kompanya.
"Yes sir," sagot naman ni Jessica.
"Anong kaya mong gawin," tanong ng lalaki.
"I can love each and every one of you," dahil sa sinabi ni Jessica ay naimpress ang mga taga-interview.
"Mapagmahal ka pala," sabi ng babae.
"Yes po, cause all we need is pag-ibig," saad pa niya.
"Pst, anong pinagsasabi mo diyan," sabi ni Nash na katabi lang niya.
Pero hindi nilingon ni Jessica kasi mapagkakamalan siyang baliw kung nakikipag-usap siya sa hindi naman nila nakikita.
"Tahimik," bulong lang niya na hindi pa rin siya tinitignan para hindi maghinala ang mga taga interview.
"Anong tahimik ka diyan, pinapahamak mo lang sarili mo sa mga pinagsasabi mo," reklamo ni Nash na hanggang ngayon ay nasa tabi niya.
"Tahimik sabi eh," napalakas ang pagkakasabi ni Jessica kay Nash iyon kaya gulat ang ekspresyon ng mga taga-interview habang nakatingin sa kanya.
"Ahh sorry," sabi niya sa kanila.
"I'm very sorry miss Yesha but we think you are not suitable for the job," sabi ng mukhang masungit.
"Sabi sa'yo eh, kung ano-ano kasi pinagsasabi mo," saad ni Nash.
"No please let me pass the interview," pagmamakaawa niya sa kanila.
"We're very sorry miss," sabi pa nila.
"Ikaw kasi eh," pagsisi niya kay Nash nang palabas na sana sila sa silid na iyon nang gulat si Jessica sa kung sino man ang pumasok mula sa pinto.
"Sir Axel," gulat na sabi ng mga taga-interview.
"Oh Yesha you're here pala," sabi niya nang mapansin si Yesha.
"Ah yes sir," sabi naman ni Yesha.
"Kilala mo pala siya sir?" tanong ng isang taga-interview.
"Ahh yes kahapon ko lang siya nakilala, nag-aapply ba siya dito sa kompanya?" tanong niya sa kanila.
"Ahh yes sir," sagot naman nila nang bumaling siya kay Yesha.
"Akala ko ba dati ka ng nagtratrabaho dito?" tanong niya.
"Ahh ang ibig kong sabihin, mag-aapply po palang ako ng trabaho rito sir," sagot naman ni Jessica sa kanya.
"Ahh ganun pala, okay kukunin kita as my PA," gulat ang lahat ng nasa silid na iyon sa sinabi ni Axel.
"Sir?" gulat na sabi nila.
Si Nash naman ay nakaabang lang sa susunod na mangyayari.
"Yes, nagpaanak kasi si Kiel sa asawa niya kaya three months siyang magleleave," sagot niya.
"Akala ko ba sir, mag1 week leave ka?" nagtataka namang tanong ni Jessica kay Axel.
"Akala ko din, pero mas malungkot pala sa bahay. Mas maalala ko lang ang asawa ko, kaya for now magpapakabusy nalang ako sa trabaho," sagot naman sa kanya ni Axel.
"Pero seryoso sir kukunin niyo siya as your PA?" tanong ng isa sa taga-interview.
"Oo masama ba? Saka ano sana ibibigay niyo sa kanyang trabaho?" tanong pa ni Axel.
"Hindi po namin siya kinuha," sabi naman ng isa.
"Tsk," sabi lang naman ni Nash na ikinatingin ni Jessica sa kanya.
'Psh ang sungit,' sabi lang ni Jessica sa loob-loob niya.
"So ngayon kinukuha ko na siya as my PA," sabi ni Axel sa kanila. "Come, ililibot kita sa buong kompanya para naman maging familiar ka rito," sabi ni Axel kaya sumunod lang din naman si Jessica sa kanya.