Third Person's POV
Nang paalis na siya ay nadapa pa siya kaya nagsihulugan tuloy ang mga bitbit niya.
'Jessica naman eh, ba't ba ang lampa mo,' sabi niya sa kanyang sarili habang pinupulot ang kanyang pinamili.
Pero natigilan siya nang may nakita siyang kamay na tumutulong sa kanyang magpulot. Hanggang sa tinaas na rin niya ang kanyang tingin sa mukha ng lalaki at mas lalo siyang natigilan nang malamang si Axel ito.
"Okay ka lang ba miss?" tanong niya rito pero hindi niya sinagot at tinanggap lang ang inabot niyang pinamili nito at tumayo na nga sila pareho.
"A-Axel?" hindi niya sinasadyang banggit.
"You know me?" 'di makapaniwalang tanong nito.
"Ahh hula ko lang yung pangalan mo," palusot ni Jessica pero alam naman niya na napakaimposibleng paniwalaan kaya hindi na rin siya aasang maniniwala ito. Nang hindi ito nagsalita ay pinangunahan nanaman siya ni Jessica. "Ano nga palang ginagawa mo rito?" tanong niya.
"So kilala mo nga ako?" tanong naman niya pabalik. Hindi na rin nakasagot si Jessica dahil doon. "Ahh baka empleyado ka lang namin kaya mo ako kilala," sabi muli niya.
"Ahh ganun na nga," pagsang-ayon nalang ni Jessica para hindi na rin ito magtaka pa.
"Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari sa asawa ko 'di ba?" malungkot niyang tanong kay Jessica.
"Ahh ano po bang nangyari?" tanong pabalik nito.
"Hindi mo pala nabalitaan," sabi niya. "Namatay na ang asawa ko," malungkot niyang saad.
Nalungkot na rin si Jessica sa sinabing iyon ni Axel.
"Pumunta lang ako dito para makalimot-limot kahit konti lang, kasi 'di ko talaga matanggap ang pagkawala niya," sabi niya na may luha nanamang kumawala sa mga mata niya.
"Sorry to hear that sir," sabi nalang ni Jessica at hinagod-hagod ang likuran ni Axel para kahit papano ay mabawasan ang dinadala niyang sakit.
'Kung pwede ko lang sabihin sa'yo na ang asawa mo ang kaharap mo ngayon, ginawa ko na,' sabi naman sa loob-loob ni Jessica.
"Kung hindi ko lang sana kinalimutan ang baon ko nun, buhay pa sana siya," sabi ni Axel at tahimik lang din na nakikinig si Jessica.
Nagdisisyon silang umupo muna sa isa sa mga bench dun para makapag-usap ng maayos. Ayaw na nga sana ni Axel na ikwento pa ang nakaraan para hindi na siya mas lalong masaktan pa. But Jessica insist, para na rin malaman niya ang totoong nararamdaman ni Axel nung mga panahong nawala siya.
"Makakalimutin mo rin siya sa tamang panahon sir," sabi ni Jessica sa kanya.
"Hinding-hindi ko siya kakalimutan," sagot niya na ikinabigla ni Jessica kasi ang alam niya ay ganun lang yun kay Axel. Ngayon alam na niya na mahal na mahal siya nito.
"Alam kong kung nasan man siya, mahal na mahal ka rin nun," sabi ni Jessica sa kanya.
"Alam kong mahal niya ako pero bakit hindi siya lumaban, bakit niya 'ko iniwan," mangiyak-ngiyak na sabi pa rin ni Axel sa kanya.
Oo mahirap para sa kanya na makitang ganun ang asawa pero ano nga bang magagawa niya. Hindi niya pwedeng sabihin sa kanya na siya ang kanyang asawa dahil malalagot talaga siya pag nagkataon.
"Hindi rin naman niya ginusto na nawala siya eh. Hindi ka niya iniwan sir. Kahit na wala na siya lagi ka pa rin niyang sinusubaybayan," sabi niya na ikinatingin ni Axel sa kanya. Kasi nga pano niya nalaman ang saloobin ng kanyang asawa.
"Pano mo nalaman eh hindi naman ikaw siya," tanong niya.
"Sa palagay ko lang naman po," sagot ni Jessica.
"I-I don't know. Masyadong mabilis ang pangyayari," wika ni Axel.
Naging tahimik na rin si Jessica dahil wala na siyang salitang maibibigkas pa kay Axel. Hanggang sa nagsalita na muli siya.
"Nagleave muna ako ng isang linggo sa kompanya," sabi niya.
"Mabuti na rin 'yan para matanggap mo na ang pagkawala ng asawa mo sir," sabi naman ni Jessica sa kanya.
"Sana nga," sagot lang nito.
"Ikaw ba't nandito ka? Wala ka sa kompanya ngayon?" tanong ni Axel na ikinabigla ni Jessica dahil wala siyang maisasagot dito.
"Ahm eh kasi ano sir eh-"
"Day off mo ba ngayon? Kasi nagawa mo pang magshopping eh," tinutukoy ni Axel ang mga pinamili ni Jessica.
"Ahh oo day off ko ng isang araw," sagot niya.
"Kaya nga day off 'di ba kasi isang araw lang," napangiti na konti si Axel dahil sa sinabi ni Jessica.
"Ahh oo nga pala," nahihiyang sabi niya rito.
Napatayo na si Axel sa kanyang upuan at ganun din si Jessica.
"Halika na," sabi ni Axel sa kanya.
"Uwi ka na ba sir?" tanong rin naman ni Jessica.
"Oo, ikaw nasan ba bahay niyo ihahatid nalang din kita," sabi ni Axel.
Medyo nagselos pa si Jessica sa time na yun dahil syempre ihahatid niya ang isang babae kahit sa totoo lang ay siya naman iyon. Nung nabubuhay pa kasi ito ay selosa rin siya.
"Ah huwag na. Nalalakad lang din naman ang bahay ko mula rito kaya huwag mo na akong ihatid sir, kaya ko na," sagot ni Jessica.
"Sabi mo 'yan ha," sabi niya at tumango na rin si Jessica. "Sige uwi na ako," paalam ni Axel and they separate ways.
Pumunta na rin si Jessica sa bahay ni Yesha at naghanap ng matataguan sa mga pinamili niya kasi nga baka magtaka rin siya at ilalabas lang din naman niya ang mga ito kapag siya na ang gagamit.
Nang napadako nanaman ang atensyon niya sa bag na bitbit-bitbit niya nang nagvibrate muli ang cellphone ni Yesha mula rito. Nakita niya sa screen na 'madam terror' nanaman ang nakalagay.
"Hello po," masigla niyang sabi kahit na ang totoo ay alam naman niyang sisigawan lang din siya.
"Ihanda mo na ang pagbayad mo, papunta na ako diyan," sabi niya na hindi man lang sumisigaw.
Sabi ni Jessica sa sarili niya na baka dahil sa nalaman niyang magbabayad ito kaya mahinahon ang boses niya. Nang maalala niya na konti nalang natira mula sa pinangshopping niya kaya naghalungkat ulit siya sa mga drawer-drawer ni Yesha at may nahalungkat din naman siya sa pinakadulo sa drawer niya.
Ito ay madaming envelope na nakasealed pa. Inopen ni Jessica ang isa at kita niya kung gaano kadami ang pinangshopping niya kanina ay ganun din ito kadami. Napagtanto ni Jessica na hindi niya ginagalaw ang kanyang mga sahod. Hindi nga din niya binubuksan mula sa pagkakasealed nito sa envelope.
Binilang niya ang isang envelope na binuksan niya at kumuha lang siya ng tamang pera para sa renta ng tinitirhan niyang bahay. 'Kung madami naman pala siyang ipon eh bakit kaya hindi pa siya nakakapagbayad sa renta ng bahay niya,' tanong muli ni Jessica sa kanyang sarili. Wala rin namang makakasagot sa mga tanong niya kaya natatanong nalang niya ito lahat sa kanyang sarili.
Ilang sandali pa ay may narinig na nga siyang katok sa pintuan. Dumeretso siya doon at pinagbuksan kung sino man ang kumatok.
"Hi," bungad niya rito na nakangiti pa.
Naninibago man ang maniningil ng renta ay pinunta niya pa rin kung ano ang intensyon niya doon.
"Nasan na yung bayad." Naglahad ng kamay ang maniningil para kuhanin ito kay Jessica.
"Heto na po," sabi naman ni Jessica at binigay na nga sa kanya ang bayad ng renta.
"Hays, salamat naman at nakuha ko na rin ng buo ang tatlong buwan mong hindi pagbabayad," sabi niya.
"Tatlong buwan!?" 'di makapaniwalang sabi ni Jessica.
"Aba oo, pinapatagal mo pa eh may pambayad ka naman pala," sabi ng maniningil at umalis na nga saka lang sinara ni Jessica ang pinto.
Iniisip niya sobrang tipid talaga ni Yesha sa kanyang sarili. Pansin din niya na sobrang mga luma na ng damit niya pero hindi yata niya ito napagtutuunan ng pansin.
At ilang saglit pa ay may kumatok ulit. Nagpunta muli siya sa pinto para buksan ito. Pero nagulat siya nang si Nash ang nadatnan niya doon.
"Anong trip mo?" tanong naman ni Jessica habang papasok na sila pareho sa loob kasi nga kamatayan siya at gaya ng ghost ay nakakalusot din siya sa mga bagay-bagay at bukod dun ay nakakapagteleport pa nga siya.
"Trip ko? Wala naman," sagot niya.
"Hays, pinaglalaruan mo nako Nash," sabi naman ni Jessica.
"Don't call me that name," sabi ni Nash na ikinatingin sa kanya ni Jessica.
"Huh eh 'di ba yun yung sinabi mong pangalan mo?" nagtataka nitong tanong.
"I mean tinatawag lang kasi saming kapwa kamatayan 'yan. At kung ikaw naman ang susunduin ko, master nalang din tawag mo sa'kin," paliwanag ni Nash.
"Ahh sige, sabi mo eh," sabi sa kanya ni Jessica.
"Yun naman talaga dapat," sabi muli ni Nash. "Tsanga pala nakita mo na ba ang asawa mo nung naglibot-libot ka?" tanong pa niya.
"Oo at hindi ko talaga siya kayang makitang ganun." Nalungkot si Jessica nang pinag-usapan nila si Axel.
"Ayos lang yun. Magagawa mo naman ang misyon mo 'di ba?" tanong ni Nash sa kanya.
"Oo naman 'no kayang-kaya ko yun," sabi lang din ni Jessica.
"Nakalimutan kong sabihin sa'yo ang rules nito," paalala pa muli ni Nash.
"Ano bang rules?" tanong niya.
"Una, huwag na huwag mong irereveal kung sino ka. Kay Axel man, sa parents mo o kahit sa friends mo. Walang dapat makaalam, naintindihan?"
"Yun lang pala eh," sabi naman ni Jessica.
"Pangalawa, huwag mong abusuhin ang katawan ni Yesha, hindi porket sinasakyan mo siya ay pwede mo na siyang sugatan o saktan, magtataka yun kung paggising niya ay masakit na katawan niya."
"Okay I understand," pahayag lang ni Jessica.
"Pangatlo, hindi ka gagamit ng sa kanya." Napahawak si Jessica sa kanyang bibig nang marealize niya ang kanyang ginawa.
"Eh pano 'yan nagamit ko na iba sa pera niya," saad ni Jessica kay Nash.
"Eh 'di magtrabaho ka, palitan mo yung kinuha mo kay Yesha. Baka rin naman may pinag-iipunan siya kaya matipid siya sa pera," sabi ni Nash.
Tumango-tango nalang sa kanya bilang sagot.
"Sige magpakabait ka ha," sabi ni Nash at tinaptap muli ang ulo ni Jessica.
"Teka, bakit ikaw nahahawakan mo ako tapos ako hindi kita mahawakan," reklamo ni Jessica sa kanya. "Ang unfair," sabi pa niya na ikinatawa ni Nash.
"Ganun talaga ang buhay. May mga bagay na unfair pero kailangan nalang nating tanggapin para rin naman ito sa atin eh," sabi ni Nash. "Sige bye na," sabi pa niya bago muli naglaho sa harapan ni Jessica.
"Iniwan nanaman ako," pagmamaktol niya pero wala na rin naman siyang magagawa kasi gaya nga ng sabi ni Nash ay busy talaga siya at madami siyang tratrabahuhin.
Wala na rin naman siyang ginagawa kaya nagsukat-sukat na siya sa mga pinamili niya kanina lang.
"Alam mo Yesha bagay mo lahat ng pinamili ko sa'yo," sabi niya habang tinitignan ang repleksyon niya sa salamin. "Hindi mo kasi alam magdala sa sarili mo, 'yan tuloy nalulusyang ka," sabi pa ni Jessica kay Yesha na hindi rin naman niya naririnig.
Ilang oras pa nga ang nakaraan hanggang sa oras na para ibalik niya ang katawan ni Yesha. Pagkaalis niya sa katawan nito ay yun din naman ang time na nagising siya. Syempre nagpalit na muna siya nang dating damit ni Yesha bago niya hiniram ang katawan nito para hindi mahalata.
Pinanood lang ni Jessica kung pano bumangon si Yesha still wala pa ring emosyon ang kanyang mukha. Dun lang siya pumunta sa kusina niya at kumuha ng cup noodles mula sa cabinet sa taas ng lutuan niya. Sinusundan lang din naman siya ni Jessica.
"Cup noodles lang kakainin mo? Bad 'yan sa health," payo ni Jessica sa kanya pero hindi nga naman niya ito makita o marinig kaya useless lang din.
Ilang sandali pa nang matapos na siyang kumain ay dun lang siya naligo saka niya sinuot ang uniform nila sa coffee shop na pinagtratrabahuhan niya. Sinuot na rin niya ang kanyang bag at lumabas na siya sa kanyang bahay.
Habang naglalakad si Yesha papunta sa kanyang pinagtratrabahuhan ay nakabuntot lang din naman si Jessica sa kanya.
"Buti nalang 'di mo tinignan yung lalagyan ng ipon mo," sabi niya kay Yesha kahit hindi naman niya ito naririnig. "Malalagot talaga ako kapag tinignan mo, saka promise ko naman na papalitan ko yung nagastos ko eh," sabi pa niya habang naglalakad palang sila.