Third Person's POV
"Pano ko rin siya ipoposses?" nagtataka ulit na tanong ni Jessica sa kanya.
"Ang pagposses mo sa kanya ay kailangan tulog siya. Syempre dahil night shift siya ay umaga siya natutulog at gabi siya gising. Pero kailangan mo siyang ibalik at exactly 6 kasi magsisismula na night shift niya sa oras na yun," paliwanag ni Nash.
"Okie dokie, I now get it," masiglang sabi niya.
"Sa tingin mo makakaya mo kaya," nagdududang sabi ni Nash sa kanya.
"Carry'ng-carry ko 'no, ako pa," pagmamayabang naman ni Jessica sa kanya.
"Sige may tiwala ako sa'yo, bye-"
"Wait, iiwan mo ako?" tanong muli ni Jessica sa kanya.
"Aba sabi mo kaya mo na 'di ba?" tanong pabalik ni Nash sa kanya.
"Oo nga pero hindi na ba ulit kita makikita?"
"Bakit gusto mo ba ulit ako makita," tanong mulit ni Nash.
"Eh syempre pano kapag nafailed ako saan ako hihingi ng tulong 'di ba," saad ni Jessica.
"Just call my name and I'll gonna be there," sabi naman ni Nash sa kanya.
"Ano nga ulit pangalan mo, Nash?" tanong ni Jessica kay Nash.
"Oo," matipid na sagot ni Nash sa kanya. "Ako si Nash," pag-uulit na pagpapakilala nito sa kanyang sarili at naglahad ng kanyang kamay kay Jessica.
"Ako naman si Jessica," sabi niya at tinanggap ang kamay ni Nash pero napabitaw din siya agad. "Aray, ba't ako nakoryente," reklamo pa niya rito.
Nagpipigil naman ng tawa si Nash sa naging reaksyon ni Jessica.
"Hindi mo kasi ako pwedeng mahawakan, walang sino man makakahawak sa kamatayan," sagot ni Nash na natatawa pa rin.
"Eh hindi ka naman kamatayan kanang kamay ka lang ng kamatayan eh," reklamo muli ni Jessica.
"Parang parehas na rin yun. Pero iba pa rin si boss," sabi ni Nash.
"Boss tawag mo sa kamatayan?" tanong ni Jessica.
"Oo kasi kamatayan din naman kami. Siya lang talaga pinakaboss," sagot ni Nash.
Napatango-tango nalang si Jessica senyales na naintindihan niya ang mga pinagsasabi ni Nash sa kanya.
"Ikaw na bahala dito ha," sabi ng kasamahan ni Yesha nang panahon na ng shift niya.
"Oo," sagot naman niya at sinusuot na nga ang kanyang apron na binigay na nagsisilbing uniform nila sa shop.
Nasa gilid naman ng shop ang dalawa para panoorin si Yesha. Lumapit naman si Jessica sa kanya at tinitigan siya mula ulo hanggang paa.
"Ito ba ang ipoposses ko?" nakatingin niya na tanong kay Nash.
"Oo may problema ba dun?" nagtataka namang tanong nito.
"Mas better pa ako diyan eh," sagot ni Jessica at napaface palm nalang si Nash dahil sa kanyang sinagot.
"Hays hindi naman sa kung sino ang mas better sa'yo eh," sagot niya. "Siguro may dahilan din kung bakit siya ang kailangan mong iposses," sabi pa ni Nash.
"Hmm okay," Jessica just shrug her shoulders saka siya bumalik sa kinaroroonan nila ni Nash kanina. "So anong gagawin natin dito?" nagtataka pa nitong tanong.
"Papanoorin siya," maikling sagot ni Nash.
"Huh ba't naman," nagtataka namang tanong ni Jessica nang napatingin siya kay Yesha.
Nakita niyang nagseserve siya ng mga juices and coffee sa mga pupunta sa counter.
"Kayong mga multo ay hindi natutulog. Eh ano ring gagawin mo kung hindi mo siya papanoorin 'di ba? Saka para na rin makilala mo siya. Eh bukas mo na siya ipoposses pagkatulog niya," paliwanag ni Nash.
"Bakit naman hindi natutulog ang ghost?" nagtataka muli na tanong ni Jessica.
"Kasi nga patay na kayo, hindi kayo nakakaramdam ng kahit ano," sabi niya. "Hindi kayo makakaramdam ng pagod, ng masaktan o pagkaantok."
"Ahh okay I get it," sabi naman ni Jessica.
Hours passed at bagot na sila kakapanood kay Yesha.
"Alam mo sa ilang oras nating nanood sa kanya, never ko pa siyang nakitang ngumiti, what's wrong with her," nagtatakang tanong ni Jessica.
"Baka may pinagdadaanan?" maikli lang ulit na sabi ni Nash.
"Hindi mo ba alam?" tanong niya kay Nash ngunit iling lang ang natanggap niyang sagot. "Ba't naman 'di mo alam eh 'di ba kamatayan ka?" nagtataka niyang tanong rito.
"Mapapadala lang kami kung saan ang mga namatay at susunduin sila," sagot niya.
"Akala ko kasi alam mo," sabi naman ni Jessica.
"Alam mo ikaw ang daldal mo," sabi ni Nash nang napansin niyang kanina pa tanong ng tanong si Jessica sa kanya.
"Eh sorry naman 'no? Curious lang," sagot lang niya.
"Manahimik ka na nga lang muna kahit isang segundo lang," pansin ang pagkairita na sabi ni Nash.
"Ang harsh nito. Ganyan ba talaga lahat ng kamatayan, kailangang masungit," tanong niya muli.
"Hindi naman," maikli niyang sagot.
"Gwapo sana kung hindi masungit," bulong nito sa kanyang sarili.
"Anong sabi mo?" nagtataka naman nitong tanong kay Jessica kasi hindi niya naaninag ang sinabi niya dahil sinadya talaga ni Jessica na ibulong lang sa kanyang sarili.
"Ahh wala, ang sabi ko bumait ka na sana," palusot niya pero hindi naman talaga yun ang totoo niyang sinabi.
Another hours had passed, hanggang sa natapos na ang shift ni Yesha. Sinundan nila ito hanggang sa makarating na siya sa kanyang tirahan.
At dahil babae din naman si Yesha ay lumabas muna si Nash nang magpapalit ito ng kanyang damit. Saka niya inayos ang higaan niya at nahiga na siya agad duon.
"Yun na 'yon? Ganun nalang tatakbo ang buhay niya?" tanong ni Jessica nang nakatingin kay Yesha na mahimbing ng natutulog ngayon.
"Oh ano pang hinihintay mo, saniban mo na siya," sabi ni Nash sa kanya.
"Ehh hindi ba siya magagalit?" tanong muli niya.
"Ang kulit mo rin minsan eh 'no? 'Di pa kasi saniban, ang dami-dami pang sinasabi," napakamot si Nash sa kanyang batok dahil sa kakulitan ni Jessica.
"Eh syempre iniisip ko rin naman siya, ano nga ulit name?" tanong niya.
"Yesha ang name niya. Oh, go saniban mo na siya," pagtutulak ni Nash sa kanya.
"Heto na nga 'di ba," sabi ni Jessica at lumuhod muna sa kung nasan si Yesha. "Yesha huwag kang magagalit kung sasaniban kita ha? Para lang talaga sa misyon ko," pakikipag-usap niya sa tulog na si Yesha.
"Hays," sabi nalang ni Nash dahil nga alam niya namang hindi siya maririnig tapos kakausapin pa.
Hanggang sa tuluyan na nga siyang sumanib kay Yesha. Ilang sandali pa ay nagmulat na siya ng mata at bumangon na rin ng kanyang higaan.
Pagkatapos niyang tignan-tignan ang katawan ni Yesha ay tumingin siya kay Nash.
"Yieh this is it. Makakausap ko na ulit si Axel," sabi ni Jessica na malawak ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Alalahanin mo na huwag ka masydong magpadala sa emosyon na nararamdaman mo, ang misyon mo ay ipapatanggap mo lang sa kanya na wala ka na at pwede na kita sunduin. Matatahimik na rin ang kaluluwa mo," payo ni Nash.
"Grabe naman, hindi ba pwedeng magsaya muna ako sa katawan na 'to," reklamo ni Jessica.
"Pwede pero huwag mong itodo-todo okay?" Napatango nalang din si Jessica dahil sa sinabi ni Nash. "Sige na 'kaw na bahala, alis muna ako," sabi ni Nash.
"'Di mo 'ko sasamahan," tanong ni Jessica sa kanya.
"Hays ang kulit mo, marami pa akong trabaho at hindi lang ikaw ang tanging susunduin ko," paliwanag ni Nash.
"Okay naiintindihan ko," malungkot na sabi ni Jessica at dahil ayaw ni Nash ng malulungkot na bagay ay pinat-pat nalang niya ang ulo ni Jessica sabay ngiti rito.
"Pwede mo naman akong tawagin kapag may problema ka eh," sabi niya rito.
Pero hindi maintindihan ni Jessica kung bakit siya napatitig sa kanya. 'Marunong pala siyang ngumiti,' sabi sa loob-loob ni Jessica. At ilang sandali na nga ay naglaho na si Nash.
Pagkaalis ni Nash ay nagtingin-tingin muna si Jessica sa cabinet ni Yesha kung meron siyang masusuot na maayos. Pero pagbukas niya ay mga simpleng shirt and pants lang ang nakita niya. Eh hilig niyang magdress at magoutfit lagi kahit wala naman siyang pupuntahan.
"Ano ba 'yan walang matinong damit," sabi niya habang nagtitingin-tingin pa rin siya sa cabinet ni Yesha.
Nang may pumukaw sa atensyon niya. Dahan-dahan niyang kinuha ang box na nasa pinakailalim ng cabinet niya. Binuksan niya ito agad at laking gulat niya nang makita ang magandang dress na laman nito.
"May tinatago rin pala 'to eh," masiglang sabi niya.
Kaagad siyang nagpalit ng damit at tinignan-tignan ang repleksyon niya sa salamin.
"Alam mo Yesha, maganda ka sana kung lagi kang nakangiti," sabi ni Jessica na waring kinakausap ang kanyang sarili.
At naisip ni Jessica na siya na rin naman ang sasakay kay Yesha araw-araw eh kailangan niya ng mga damit na bago kaya naghalungkat siya sa kanyang bag. At binuklat niya ang envelope na laman ng bag niya na dala-dala niya nung nagpunta siya sa kanyang trabaho.
"Ang dami namang sahod nito pero ang tipid niya sa sarili niya, hays," banggit nalang ni Jessica sa kanyang sarili.
Kaya naghanda na rin siya para magshopping.
"Pasensya na kung gagamitin ko ang pera mo Yesha, para din naman 'to sa'yo eh," sabi niya bago tuluyang sinarado ang pinto ng bahay ni Yesha.
Nakangiti siya ngayon habang naglalakad papuntang mall dahil makakapagshopping na siya muli.
"Hi," bati niya sa mga nalalagpasan niyang tao. Ang iba ay ngumingiti sa kanya. Ang iba naman ay hindi siya pinansin. Hanggang sa tuluyan na nga siyang nakarating sa mall.
Nagpunta na nga siya sa mga booths na pinakamura ang benta para marami-rami siyang mapamili. Pati mga sandals bumili na rin siya.
Nakangiti pa rin siyang lumabas ng mall nang mabili na niya lahat ng kailangan niya. Nang narinig niyang may nagvibrate sa bag na dinala niya.
Nilabas niya ito at kita niya ang keypad na cellphone ni Yesha. Kita niya sa screen nito ang 'madam terror,' kaya nagtaka nitong sinagot ang tawag.
"Hello?" malumanay niyang sabi.
"Hanggang kailan kaya ang next week mo ha Yesha!" Nilayo konti ni Jessica ang telepono sa tenga niya dahil na rin sa sigaw ng babae.
"Huh anong next week," tanong naman ni Jessica kasi nga 'di pa niya alam kung anong ganap sa buhay ni Yesha.
"Aba, nagmamaang-maangan ka pa ngayon. 'Di ba next week ang sabi mo sa pagbayad ng renta sa bahay?"
'Nagrerenta lang pala siya,' pahayag ni Jessica sa kanyang sarili.
"Ahh sige po, mamaya bibigay ko sa inyo," pagkasabi ni Jessica nun ay binaba na niya agad ang telepono saka nilagay sa bag na dala niya.
'Siguro naman may extra money pa siya. Kung hindi ako talaga ang malalagot,' sabi muli niya sa kanyang sarili.
Pinili niyang dumaan sa park para makadaan siya sa mga bata. Hilig din kasi niya sa mga bata pero tatlong taon na nga lang nung nagpakasal sila ni Axel noon ay 'di pa rin sila nabiyayaan ng anak.
"Hi," bati niya sa mga bata.
"Ate," sabi ng mga bata at dinumog siya ng yakap. Nagtaka naman agad si Jessica kasi parang matagal na nilang kilala ito.
"Kilala niyo ako?" tanong niya.
"Opo ate, pumupunta ka rin kaya noon dito pero nawalan nalang kami ng balita sa inyo," sabi ng pinakamatanda sa kanila.
'Pumupunta rin pala si Yesha rito,' sabi niya sa kanyang sarili.
"Bakit nawala ka bigla ate?" tanong naman ng isa.
"Ahm, 'di ko rin alam eh," napakamot si Jessica sa kanyang ulo dahil sa naisagot niya.
"Ate kwento ka ulit tungkol sa inyo ng boyfriend mo," sabi rin ng isa.
"M-may boyfriend ako?" 'di makapaniwalang tanong ni Jessica.
"Oo kaya ate, kapag dumadaan ka rito lagi mong kinekwento ang boyfriend mo," sabi rin naman ng isa.
"Ahh siguro huwag muna ngayon mga bata ha," sabi niya sa mga bata dahil kung papayag man siya eh wala naman din siyang mahanap na ikwekwento niya sa mga ito.
"Ate sige na," pagmamakaawa ng mga bata sa kanya.
"Ahh pasensya na mga bata pero wala talaga akong makwekwento ngayon eh," paghingi naman niya ng paumanhin sa kanila.
Nang tignan na niya ang kanyang wrist watch. Kasi dapat maging aware siya sa kanyang oras ngayon.
"Ahh pasensya na mga bata kailangan ko ng umuwi eh," sabi niya na ikinamaktol ng mga bata doon.
"Ate naman."
"Ate ang bilis naman."
"Stay ka pa ate."
Ilan sa mga sinabi nila.
"Sorry talaga mga bata pero babawi ako next time," sabi niya sa mga ito at binigyan nalang sila ng tig-iisa nilang chocolate na maliliit lang.
Syempre bibili na nga siya ng gamit niya, bibili na rin siya ng makakain niya. Para kapag magutom siya ay may kakainin siya.