Chapter 13

2026 Words
Third Person's POV Kaagad din namang tumayo sina Jessica at Nash para sundan si Yesha. "Ma'am sorry po talaga," sabi ni Yesha pero nilabas lang ng manager ang envelope at tinignan lang ito ni Yesha na puno ng pagtataka. "That is your last payment, your fired," pansin mo ang paluha na mata ni Yesha at gulat na rin ang ekspresyon sa mukha nina Jessica at Nash. "Pano na 'yan master," tanong ni Jessica kay Nash. Pero hindi sumagot si Nash at nakatingin lang kay Yesha. "Ma'am please bigyan niyo pa 'ko ng isa pang pagkakataon," pagmamakaawa ni Yesha. "Take it," yun nalang huling sinabi ng manager at pinahawak sa kanya ang nakaenvelope na pera. Pagkalabas niya sa office ng manager ay dere-deretso na siya sa labas. "Yesha-" pagtitigil pa ni Jamie sa kanya pero hindi na niya ito mapigilan dahil tuloy-tuloy na siya sa paglabas sa coffee shop. Nakasunod lang din naman ang dalawa sa kanya nang naglalakad na siya pauwi sa bahay niya. Pansin nila na naluluha na ang kanyang mata pero pinipigilan niya ito. "Huwag mong pigilang umiyak Yesha," sabi ni Jessica kahit na alam niyang hindi naman niya ito maririnig. Pasinghot-singhot lang siya hanggang sa makaabot na siya sa bahay niya. Pagkarating niya ay tinanggal lang niya ang sapatos niya at nagmukmok sa sulok. Hindi na rin siya nakapagpalit ng kanyang damit. "Nakakaawa siya master," sabi ni Jessica kay Nash. Ilang oras lang na ganun. Pinapanood siya ng dalawa habang umiiyak ito sa sulok. Hanggang sa wala na silang marinig naiyak. "Tulog na ba siya?" nagtatakang tanong ni Jessica at sinilip pa ang mukha ni Yesha kung tulog na ba ito at tama nga siya, tulog na ito dahil sa pag-iyak. "Master, iayos mo naman siya. Baka mangawit siya pagkagising niya," sabi ni Jessica kaya sinunod niya naman ito. Gamit ang kamay lang niya ay inangat niya ito pahiga. Yung straight talaga na higa para siguradong hindi siya mangawit. "Kawawa talaga siya master," sabi muli ni Jessica. "Huwag mo siyang kaawaan," sabi lang naman ni Nash sa kanya. "Huh? Ba't mo naman nasabi 'yan master?" tanong pa niya. "Kasi meron talaga yung mga taong, oo kaawa-awa sila pero ayaw nilang kinakaawaan sila ng ibang tao," sagot ni Nash. "Alam mo ba na yun ang saloobin niya master?" tanong ni Jessica. "Hindi," maikling sagot ni Nash. "Baka hindi rin naman yun ang saloobin ni Yesha," wika ni Jessica. "Hindi natin alam," sabi lang din naman ni Nash. "Oo nga," sagot nalang ni Jessica. Ilang oras na nga ang hinintay nila at pinapanood lang nila si Yesha habang natutulog ito. "Pwede ko na ba siyang saniban?" tanong ni Jessica nang pagtingin niya sa oras sa wall clock ni Yesha ay malapit na sa oras na dapat papasok siya sa kompanya. "Wait," sabi ni Nash at pagkatapos na pagkatapos naman niyang sabihin iyon ay yun ang pagmulat ni Yesha ng kanyang mata. "Nagising na siya," sabi ni Jessica. Pagkabangon ni Yesha ay pansin nanaman nila ang pagtulo ng isang luha niya saka siya bumangon. Hindi rin nila maintindihan kung bakit siya nagreready para lumabas ng bahay niya. Ni hindi pa siya nakapalit ng kanyang damit. Pero sinundan lang naman siya nila Jessica at Nash. "Saan kaya siya pupunta?" nagtatakang tanong ni Jessica kay Nash. "Wait and see," sabi naman ni Nash. Padaan na sila sa isang tulay nang tumigil ito. Nagtatakang tinignan lang siya nila Jessica at Nash. "Bakit ba ganito ang mundo ang unfair!" sigaw ni Yesha rito habang patuloy na ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi na rin niya inalala kung may makakarinig man sa kanya o kung may nanonood sa kanya ngayon. "Hala master anong binabalak niyang gawin?" tanong muli ni Jessica pero nanatili muling tahimik si Nash at nanonood lang kay Yesha. "Wala na nga ang pamilya ko, ang pinakamamahal kong lalaki, pati ba naman ang trabaho ko," pabulong na niyang sabi habang umiiyak pa rin. Nang humakbang siya ng isa paakyat sa railings ng tulay. "Yesha anong ginagawa mo," nag-aalalang sabi ni Jessica. Ilang segundo din niyang pinakatitigan ang tubig sa ilalim ng tulay. "Master gawan mo ng paraan," natataranta namang sabi ni Jessica kay Nash. "Relax ka lang okay?" "Pano ako ngayon makakarelax eh binabalak magpakamatay ng taong sinasaniban ko. Pano kapag tinuloy niya yun, eh 'di wala na rin ang misyon ko," natataranta pa ring saad ni Jessica. Pasinghot-singhot na si Yesha nang humakbang ulit siya ng isa. Dumadami na rin ang nakiusyoso sa kanila. "Huwag mong ituloy," napatingin siya kay Nash nang magsalita ito. Napangiti na rin si Jessica dahil sa wakas ay binigyan na niya iyon ng aksyon. "S-sino ka?" sabi ni Yesha pero dahil nga nasa iba ang atensyon niya ay nawalan siya ng balanse sa kanyang inaapakan. Maraming nagulat sa nangyari pero nang pahulog na sana siya ay nahabol pa ni Nash ang kanyang kamay. Gulat din na nakatingin si Yesha kay Nash dahil hindi naman niya ito kilala pero tinulungan niya ito. "Kumapit ka lang," sabi ni Nash at pilit siyang inaangat. "Bitiwan mo na 'ko," gulat din si Nash dahil sa sinabi nito. "Hindi maaari," sabi ni Nash. "Bitiwan mo na 'ko! Ayoko ng mabuhay," sabi niya at pilit kumakawala kay Nash ngunit inangat lang siya ni Nash na waring hindi siya nahirapan. At napahiga na sila, nang tuluyan na ngang naiangat ni Nash si Yesha. "Bakit mo ginawa yun," sabi ni Yesha na umiiyak na ulit. "At bakit ka naman magpapakamatay ha? Dahil lang ba nasesante ka sa trabaho?" Nagulat si Yesha dahil sa sinabi ni Nash. Gulat siya kung pano niya nalaman ang bagay na yun. "Pano mo alam?" tanong niya. "Hindi na mahalaga yun ngayon," sabi naman ni Nash sa kanya. "Eh sa gusto ko na ngang mawala sa mundo!" sigaw niya na patuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha. "Marami pang nagpapahalaga sa'yo," sabi ni Nash. "Sino? Wala na lahat, nawala na sa'kin lahat," sabi naman ni Yesha. "Yesha makinig ka, huwag mong tapusin ang buhay mo ng ganun-ganun nalang," paliwanag ni Nash. "Wala kang alam sa'kin, at wala ka ring alam sa buhay ko kaya pwede ba huwag mo akong pakealaman," pahayag naman ni Yesha. "Yesha makinig ka nalang please para rin naman sa ikabubuti mo 'to eh," sabi ni Jessica sa kanya kahit alam niyang hindi naman niya ito naririnig. At muli ay humarap siya sa malawak ng ilog. "Ako na yata ang pinakamalas na tao sa buong mundo," sabi nito na tumutulo pa rin ang kanyang mga luha. "Don't say that Yesha please," sabi ni Jessica. "Hindi totoo 'yan," banggit naman ni Nash. Nilingon naman niya si Nash. "Alin ba ang totoo?" sabi niya at tumawa siya ng mapait. "Palibhasa kasi meron kayong pamilya na laging nandiyan para sa inyo, meron kayong mga kaibigan at jowa eh ako wala lahat, yung trabaho nga na tinuturing kong pamilya wala na rin dahil sa pagiging lampa ko," sabi niya na lumingon na muli sa ilog. "Magandang mabuhay Yesha," sabi ni Nash kay Yesha. "Sinasabi mo lang 'yan ngayon dahil wala kang problema," saad naman ni Yesha. "Marami akong problema Yesha pero hindi ko tinalikuran ito, hinarap ko mga problema ko," wika ni Nash. Tinignan na lang siya ni Yesha na luhaan ang mga mata at kaagad din silang lumapit sa kanya nang mawalan ito ng malay. "Tumawag kayo ng ambulansya," sabi ni Nash sa mga nanonood sa kanila kanina pa. At ilang minuto na nga ay dumating na ang ambulansya. Syempre sumakay na rin si Jessica at Nash sa loob ng ambulansya. "Sana maging okay lang siya," nag-aalalang sabi ni Jessica nang nasa emergency room na ito. "Magiging okay lang siya," sabi naman ni Nash at hinawakan pa ang kaliwang balikat ni Jessica para mabawasan ang pag-aalala niya. Nang lumabas na ang doctor mula sa loob ng emergency room. "Ang pasyente po ay nasobrahan niya lang sa stress saka pakainin niyo rin po siya ng masusustansiyang pagkain," sabi ng doctor kay Nash na nagkatawang tao. "Puro cup noodles kasi inuulam niya," sabi ni Jessica. At nilipat na nga ng kwarto si Yesha habang ito'y tulog pa. Nakatingin lang sila sa kanya. "Pano 'yan master kapag matatagalan pa siya rito. Pano na rin work ko?" tanong ni Jessica sa kanya. "Mamaya makakalabas na rin siya," sabi lang naman ni Nash. Sa gilid na table ay merong dinala si Nash na mga apples, oranges, grapes. At syempre dala pa rin ng magic niya ang mga 'yan. Natahimik na rin naman si Jessica dahil sa sinagot ni Nash at gulat sila dahil sa dumating sa kwarto ni Yesha. "Yesha bakit naman ganito," sabi ni Jamie at hinawakan ang isang kamay ni Yesha. "Dinalhan ka pa namin ng prutas oh," sabi naman ni Rocco. Dahil sa ingay nila ay tuluyan na nga itong nagising. "N-nasan ako?" nagtataka niyang tanong. "Pagkatapos mong nag-attemp na magpakamatay nahimatay ka nalang daw bigla," sagot ni Jamie. Natahimik naman si Yesha, inaalala ang mga nangyari. "Bakit mo naman tinangkang magpakamatay," napalingon naman siya kay Jamie na waring naluluha na. "S-sorry," 'yan nalang ang tanging masasabi ni Yesha sa mga oras na 'to. "Huwag mo ng uulitin yun ha?" tanong ni Jamie pero hindi makasagot-sagot si Yesha sa kanyang tanong. "Nakausap na namin si ma'am, pababalikin ka na raw niya sa trabaho," sabi pa nito. "Huh? Pano niyo nagawa yun?" nagtataka nitong tanong. "Kinulit talaga namin siya hanggang sa mapapayag din namin," sagot ni Rocco. Napangiti nalang si Yesha sa ginawa ng dalawa. At narealize niya na tama ang ang sinabi sa kanya ng estranghero na kakakilala lang niya sa may tulay. Maganda ngang mabuhay. Pinagpapasalamat din niya na dumating ito para sagipin siya. "Anong iniisip mo Yesha?" nagtatakang tanong ni Jamie nang pansin niyang napapangiti nalang ito mag-isa. "Ahh wala. Thankful lang ako kasi nandiyan kayo lagi para sa'kin," sagot naman ni Yesha. "Aww nakakatouch, nakahanap na si Yesha ng totoo niyang kaibigan," sabi ni Jessica habang nanonood sa kanila. "Kain ka ng prutas," sabi naman ni Rocco at binalatan na nga siya ng isang orange. Nang pumukaw sa pansin niya ang isa pang basket ng prutas. "Kanino galing 'to?" tanong niya at kinuha na rin ang basket. "Maganda nga 'yan eh para mas madami kang makakaing prutas," sagot ni Rocco. Ibinalik na niya muna iyon at ang dala ni Rocco muna ang inuna niyang kainin. "Dito ka muna ha?" sabi ni Nash kay Jessica. "Saan ka nanaman pupunta? Iiwan mo nanaman ba 'ko?" tanong naman nito sa kanya. "Tinatawag kasi ako may pag-uusapan nanaman sa amin," sagot lang ni Nash. "Pero babalik ka master ha?" tanong nito sa kanya. "Oo naman babalikan kita." Pinatong na muli ni Nash ang kanyang kamay sa ulo ni Jessica bago ito naglaho. *** Magkaharap ngayon si Nash at ang boss sa malaking table. Kasama na rin ang iba nilang kauri. Tinitignan nilang lahat kung pano mamili si boss ng ligaw na kaluluwa para higupin. Ito kasi ang nagbibigay ng enerhiya sa kanya, sa kanila. Dahil kapag nakahigop si boss ng kaluluwa ay lalakas na rin ang mga kasamahan niya. "Let's see," sabi niya habang nakasmirk sa direksyon ni Nash at iniscroll nanaman ang bola na kung saan siya pumipili. Kinabahan si Nash nang si Jessica na ang nasa bola. "She's jolly and I think masarap siya," sabi ni boss. "Hindi!" gulat ang lahat habang nakatingin kay Nash. "Anong ibig mong sabihin Nash?" tanong naman ni boss kahit alam na niya ang dahilan. At dahil makapangyarihan ito ay nakikita niya na napapalapit na ng napapalapit ang dalawa sa isa't-isa. Alam din niya na nahuhulog na ang loob nito sa dalaga. Nakasmirk rin si Zeke sa direksyon niya dahil maski siya ay alam na rin niya ang dahilan. "Hindi pwede siya boss, meron pa siyang misyon na hindi nagagawa," rason ni Nash pero ngumisi lang si boss. "Yun ba talaga ang dahilan mo Nash? O nahuhulog ka na sa babaeng yun?" tanong ni boss. "H-hindi boss. Hinding-hindi mangyayari yun," pagtanggi ni Nash na umiiwas ng tingin kay boss at baka malaman niya ang totoo nitong nararamdaman mula sa kanyang mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD