Third Person's POV
"Ah sir, pwede ka na pong bumalik sa trabaho niyo. Kaya ko na po sarili ko," sabi ni Jessica pero tinanggihan lang ito ni Axel.
"No, sasamahan kita," sabi niya.
"Pero sir-"
"No but's," pagtitigil niya sa sasabihin ni Jessica.
"Sir napalitan na ba ang pwesto ni ma'am Jessica sa puso mo?" tanong ng doctor habang nilalagyan ng bandage ang paa ni Jessica.
Nakatingin nalang si Jessica kay Axel nag-aabang kung anong isasagot nito pero nanatili lang siyang tahimik.
"Ah sorry sa tanong ko sir," pagbabawi ng doctor sa kanyang tanong.
"No, it's okay, pero hindi ko 'yan masasagot," sagot ni Axel na nagpadisappoint kay Jessica kasi ang inaasahan nito na magiging sagot ni Axel ay 'hindi' pero hindi daw niya masasagot, eh 'di ibig sabihin na maaaring mapalitan siya sa kanyang puso.
Natatakot man si Jessica na mangyari iyon pero wala na rin naman siyang magagawa. Patay na siya at hindi niya mapipigilan si Axel na magmahal ng iba.
Hanggang sa tapos na nga ang pagbabandage sa paa ni Jessica.
"Salamat doc," sabi ni Axel nang inalalayan niyang makatayo si Jessica.
"Alagaan mo siya sir ha?" tanong ng doctor sa kanya.
"Opo doc," sagot lang din naman ni Axel at lumabas na nga sila sa clinic.
Alay-alay lang din naman ni Axel si Jessica.
"Ano kaya mo pa ba?" tanong ni Axel sa kanya.
"Ahh oo kaya ko pa naman," sagot nito.
Alam naman niyang ang tinutukoy niya ay kung bubuhatin pa ni Axel ito. Pero nakakahiya nga naman lalo na kapag madaming nakakakita sa kanila.
"Sigurado ka ha?" tanong ni Axel na alay-alay pa rin si Jessica at tumango lang ito hanggang sa makarating na nga sila sa office ni Axel.
Pinaupo niya ito sa dati nitong upuan at siya naman ay bumalik sa table niya.
"Teka sino ba kasi may gawa niyan sa'yo?" nagtatakang tanong ni Axel sa kanya.
"Hindi ko kilala sir eh pero ang alam ko may highlight na pink yung isa sa kanila," sagot naman ni Jessica.
"I knew it," hindi man maintindihan ni Jessica ang tinutukoy ni Axel ay mas minabuti niyang huwag nalang itong tanungin.
'Ano kaya ang alam niya?' nagtatakang tanong nito sa kanyang sarili.
"Dito ka lang ha? May pupuntahan lang ako," sabi niya.
Hindi na rin naman makapalag si Jessica at hindi na rin niya ito natanong dahil dali-dali siyang lumabas sa office niya.
Nakalingon nalang si Jessica sa dinaanan ni Axel.
"Saan kaya pupunta yun?" nagtataka niyang tanong nang tuluyan na ngang makaalis si Axel.
Nung wala pa si Axel ay nilibot-libot niya ang kanyang paningin sa paligid.
"Ang organize tignan ha," sabi niya.
Sa office kasi ni Axel ay may mga display siya rito na mga antiques. Sa tinagal-tagal niyang pumupunta sa office ni Axel nung nabubuhay pa ito ay hindi niya napansin ang mga displays niya.
Hanggang sa agad siyang napatingin sa pintuan nang may ingay na bumabalot mula rito.
"Sir please give me another chance," umiiyak na sabi ng isang babae. "Hindi ko na yun uulitin pa," sabi pa niya.
"Hindi mo talaga yun mauulit pa dahil sinesante na kita," may halong galit na sabi nito.
"S-sir..." pagmamakaawa na sabi ng babae.
"Get out now," maautoridad na wika ni Axel sa babae na pumatid kay Jessica that time.
Pinilit tumayo ni Jessica para magmakaawa rin kay Axel na bigyan pa ito ng pangalawang pagkakataon. Pero nang nakita ni Axel na patayo na ito ay lumapit siya sa kanya.
"Yesha anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Axel sa kanya.
"Please sir, bigyan niyo pa siya ng pangalawang pagkakataon," saad niya.
Gulat si Axel pati na rin ang babae dahil sa sinabi nito.
"Huh? Bakit mo nasabi 'yan?" tanong ni Axel sa kanya.
"Eh kasi kawawa naman siya," nakayukong sabi ni Jessica.
"Inisip mo na ba kung anong ginawa niya sa'yo? 'Di ba hindi ka na rin makalakad ng maayos dahil sa kanya?"
"Pinapatawad ko na siya sir," wika nito na nakayuko pa rin.
Hindi naman makapaniwala na nakatingin lang ang babae kay Jessica. She never knew a kind person like her.
"S-sigurado ka ba diyan?" nag-aalinlangang tanong ni Axel.
"Opo sir kaya patawarin niyo na rin po siya," sabi ni Jessica kaya wala na ring magawa si Axel.
"Hays okay sige. Get back to work," Hindi makapagsalita ang babae na lumabas ng office ni Axel.
Dumaan pa ang mga oras at out na ni Jessica.
"Sir, mag-out na po ako," sabi ni Jessica at biglang tumayo dahilan para matumba siya muli pero buti nalang at may nahawakan siya para hindi siya tuluyang matumba.
"Kaya mo bang mag-isa?" nag-aalalang tanong ni Axel.
"O-oo sir," nag-aalangan niyang sagot.
"No, halika ihahatid na kita," nabigla man si Jessica ay hindi nalang niya ito pinahalata at um-oo nalang kay Axel dahil na rin sa hindi na talaga siya makalakad ng maayos.
Hindi ulit inaasahan ni Jessica na bubuhatin siya nito.
"S-sir huwag na po," pagtanggi niya pero patuloy na rin si Axel sa paglalakad.
Buhat-buhat na rin niya ang bag ni Jessica. Si Jessica naman ay tinatago nalang ang mukha niya dahil na rin sa nahihiya siya sa mga nadadaanan nila.
Nagsimula na siyang kabahan nang papunta sila sa may kotse ni Axel.
"Ah sir dito nalang po, kaya ko na mag-isa," sabi ni Jessica pero hindi nga naman pinakinggan ni Axel ang sinasabi ni Jessica.
"Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo," sabi naman ni Axel sa kanya.
Wala ng nagawa si Jessica at hinayaan niya nalang ito. Hanggang sa tuluyan na nga silang makarating kung nasaan ang kotse ni Axel. Binaba ni Axel si Jessica at syempre nakaalalay siya rito pero pabukas palang si Axel sa pinto nang may narinig silang boses kaya napabaling sila sa direksyong iyon.
"Ako na maghahatid sa kanya bro," sabi niya.
"Who are you?" tanong naman ni Axel sa kanya.
"Ako? Kaibigan lang naman ako ni Je- ay ni Yesha pala," sagot ni Nash.
"Eh bakit ngayon lang kita nakita? At ngayon lang kita nakilala," sabi pa ni Axel sa kanya.
"Kapag ba kaibigan ni Yesha kailangan mong makilala?" nakangising saad ni Nash.
"Hindi naman sa ganun pero-"
"Pero baka may iba ka lang nararamdaman para kay Yesha?" nakangisi pa ring tanong ni Nash na waring may ibang pinapahiwatig.
"Ano?" naguguluhang tanong ni Axel kay Nash.
"Hindi ka naman ganyan kaconcern sa kaibigan ko kung wala kang nararamdaman na something sa kanya hindi ba?" tanong muli ni Nash.
Nang hindi na rin nakaya ni Jessica ang mga katanungan ni Nash kaya sinuway na niya ito. "Nash," pag-suway niya sa kanya.
"Bakit hindi ba totoo?" patuloy pa rin na tanong ni Nash sa kanya.
Kaya pinilit ni Jessica na pumunta sa pwesto ni Nash pero sa kalagitnaan palang ng paglakad niya ay matutumba na sana siya nang sabay ang dalawa na sumalo sa kanya.
"Yesha," nag-aalalang sabi ni Axel.
Napatingin naman ang dalawa sa isa't-isa nang sabay nilang nasalo si Jessica si Jessica naman ay nagpalit-lipat nalang ng tingin sa dalawa. Walang gustong bumitaw hanggang sa si Axel na ang unang lumayo.
"Mukhang ikaw ang may pagtingin sa best friend mo bro," sabi ni Axel at sumakay na nga siya sa kanyang kotse saka niya ito pinaharurot.
Nakatingin nalang si Jessica kay Nash nang hanggang ngayon ay ganun pa rin ang pwesto nila.
"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Nash kay Jessica pero hindi ito sumagot.
Ginamit na nga ni Nash ang kanyang mahika para makateleport sila patungo sa bahay ni Yesha.
"Ikaw bakit mo shini-ship si Yesha kay Axel ha?" tanong niya na nakaturo pa ang isang daliri kay Nash.
"A-ano ang shini-ship?" nagtataka niyang tanong kaya napatawa nalang si Jessica.
"Pft hindi mo pala alam," natatawa pang sabi nito.
"Kamatayan ako eh, wala akong alam sa mga ganyan," sagot naman ni Nash.
"Ang ibig sabihin nun ay gusto mo sila together, gusto mo na magkatuluyan sila ganun," sagot ni Jessica.
"Kailangan mong tanggapin na makakahanap na rin si Axel ng ibang babae maliban sa'yo," sabi ni Nash dahilan ng pagtahimik ni Jessica.
Iniisip niya totoo naman kasi ang sinasabi ni Nash hindi na sila pwede at hahayaan na niyang makamove on si Axel sa kanya kahit na masakit man para sa kanya.
Nang maramdaman muli ni Jessica ang sakit ng kanyang paa kaya napaupo siya sa sakit. "Ahh," pagdaing niya.
"Hayan kasi hindi ka nag-iingat," sabi ni Nash at tinitignan ang paa ni Jessica.
"Hindi ko rin naman sinasadya eh. Yung mga babae kasi naiinggit lang yata na malapit ako kay Axel kaya pinatid ako," sagot ni Jessica.
"Huwag mo na kasing patulan mga ganung klaseng tao," sabi naman ni Nash sa kanya.
"Eh hindi naman. Paalis na nga sana kasi ako kaso ayaw nila akong paalisin," sagot muli ni Jessica.
"Hays mga taong yun nga naman," wika ni Nash at pumikit siya saka niya hinawakan ang masakit kay Jessica.
Kita naman ni Jessica na umilaw ito at ilang sandali pa ay hindi na siya makaramdam ng sakit.
"Woaahh ang astig, hindi na siya masakit," sabi niya na napatayo pa at nakakatayo na rin siya ng maayos.
"Magpalit ka na at ibalik mo na rin ang katawan niya," sabi ni Nash at sinunod naman ito ni Jessica.
Ngayon ay nakaupo silang dalawa ni Nash at Jessica sa sahig habang pinapanood si Yesha na mag-ayos sa kanyang sarili.
At ilang sandali pa nga ay papunta nanaman sila sa pinagtratrabahuhan nito. As usual ay naupo muli sila sa dati nilang upuan kung saan konti lang ang napipili nun para pag-upuan.
"Master," pagtawag niya kay Nash.
"Ano yun?" tanong naman ni Nash sa kanya.
"Ano nga pala yung sinabi ni Zeke sa'yo na kinuha mo na raw lahat sa kanya?" nagtatakang tanong nito.
"Alam mo kung ano-anong naalala mong tanungin," sabi ni Nash. "Hayaan mo na yun si Zeke," sabi pa ni Nash.
"Ehh sige na ikwento mo na master," pagpumilit ni Jessica kaya wala na ring magawa si Nash.
"Okay at dahil mapilit ka, sasabihin ko na," sabi ni Nash.
"Sige master," excited na sabi ni Jessica.
"Isang araw pagmulat ng mata ko wala akong maalala, as in wala talaga hindi ko alam kung ba't ako nandun at kung anong mga ganap nung pagkabata ko. Pagkatapos nun nagpakilala sila sa'kin bilang pamilya nila pero si Zeke ay hindi niya ako tinuturing na pamilya. Yung para bang dumating nalang ako ng biglaan sa buhay nila, ganun," paliwanag ni Nash.
"So yung dalawang kapatid niya ang sinasabi niya na inaagaw mo ang atensyon?" tanong nito.
"Oo, at pati na rin daw si ina," sagot naman nito.
"Baka nagseselos lang kaya ganun," sabi ni Jessica.
"Normal din namang magselos sa isang pamilya 'di ba? Pero hindi ko talaga siya maintindihan," paliwanag muli ni Nash.
"Hayaan mo na siya, master baka nagseselos lang talaga siya," sabi ni Jessica sa kanya.
"Hinahayaan ko naman siya eh pero kasi minsan sumusobra na siya," wika pa ni Nash.
"Hmm," sabi ni Jessica nang wala na siyang masabi kay Nash.
Ilang oras na nga ang lumipas hanggang sa nagulat silang dalawa at napatingin kay Yesha nang gumawa ito ng ingay.
Nakatingin na sila ngayon kay Yesha na nililinis ang nabasag na baso.
"Yesha," pag-alo sa kanya ni Jamie.
"S-sorry," sabi niya at pinupulot ang mga piraso ng basag na baso.
Pero umiirap-irap lang sa kanya ang mga may order nun. Mayaman nga naman ang mga customers dun.
Tinulungan na rin ni Jamie ito na magpulot sa nabasag na baso. Pero dahil sa pagkataranta ni Yesha ay nasugat ang isang daliri niya.
"Anong meron dito?" Napatayo sila at napaharap nang dumating ang manager ng coffee shop.
"Ahh nabasag po kasi ni Yesha ang dalawang baso-" sabi ni Jamie dahil sa alam naman niyang hindi sasagot si Yesha.
"Ano?" 'di makapaniwalang tanong ng manager.
"Ah sorry po ma'am, h-hindi ko po sinasadya," sabi ni Yesha na nakayuko.
"Come to my office now," nauna na ring maglakad ang manager at sumunod na rin si Yesha sa kanya.