Third Person's POV
Mula sa black ay pinakita niya ang imahe ni Emily. Muli nanaman itong naghesterical. Mula sa isa hanggang sa napalibutan na siya ng mukha ni Emily.
"Ano bang kailangan mo!" sigaw niya.
Nagtaka na rin naman ang mga nanonood sa kanya kung anong sinasabi nito at nangyayari rito.
"Umamin ka na kasi tito," nag-eecho na boses ni Emily ang naririnig niya.
"Wala naman akong dapat na aminin," pagmamatigas nito.
Nagtataka man pero patuloy pa rin sila sa panonood kung anong nangyayari sa lalaki.
"'Di ba ikaw ang pumatay sa'kin? Pinatay mo ang sarili mong pamangkin. Dugo at laman mo ako tapos nagawa mo akong patayin?" tanong niya.
"H-hindi ko sinasadya, aksidente lang ang nangyari. Lasing lang ako kaya ko nagawa ang bagay na yun," pagtatanggi ng lalaki.
Nagsnap si Nash ng kamay niya at naging normal na ang paningin ng lalaki.
"Kinakasuhan ka namin ng murder, tara sa presinto," sabi ng police at balak pa sana ng lalaki na tumakas ngunit naposasan na ng police ang kamay niya. Dinala na nga siya sa presinto. Sa huling pagkakataon ay nilingon niya ang kanyang asawa pero isang disappointed face lang ang kanyang nakita.
"Walang hiya ka! Sarili mo pang pamangkin," nakarating na rin sa ina ni Emily ang balita at ngayon ay pinaghahampas niya ngayon ang lalaki na nakaupo sa harapan ng table ng police.
"H-hindi ko sinasadya," yun nalang ang tanging sagot ng lalaki.
"Panong hindi mo sinasadya ha? Ginusto mo yung nangyari," sabi ng nanay niya at pinaghahampas muli ang lalaki.
"H-hindi ko sinasadya ate maniwala ka, lasing lang sako sa mga oras na yun," pagrason niya.
"Huwag mo akong maate-ate dahil simula ngayon wala na akong kapatid," sabi niya.
Dalawa lang din kasi silang magkapatid. Huling pinagawa sa kanila ay pumirma sa papeles. Ang nanay ni Emily ay pumirma siya sa papel habang ang tito naman nito ay thumb mark lang ang ginamit.
Pinanood na rin nila ito habang papasok siya sa selda niya. Pansin pa ni Emily ang luhaan niyang mga mata. Ayaw rin naman ni Emily na nakitang ganun ang tito niya pero kasi pinatay siya nito kailangan lang mabigyan siya ng hustisya.
Nang naglalakad na sila sa kawalan ay lumitaw nanaman sa harapan nila si Zeke. Ilang sandali pa nga ay hindi nila mahintay si Zeke na magsalita pero nakangisi lang ito.
"Hindi naman 'to sapilitan Zeke eh. Ngayong nakamit na ni Emily ang hustisya ay sasama naman siya sa'yo," sabi ni Nash.
Natatakot man si Emily ay wala na rin siyang magawa at dahan-dahang lumakad papalapit kay Zeke.
"Mamimiss ko kayo ate, kuya," sabi ni Emily sa dalawa.
"Mamimiss din kita," sagot ni Jessica.
"Mamimiss ka rin namin," sagot din naman ni Nash.
Pero bago pa sila tuluyang makaalis ay natawa pa si Zeke sa pahabol na sabi ni Jessica.
"Ang ganda ng nail polish mo ha?" sabi niya at sinamaan lang siya ng tingin ni Nash. "Ahh hindi ba yun nail polish?" nahihiyang sabi nito.
Hindi siya sinagot ni Zeke at naglaho nalang sila na parang bula.
"Bakit ba sinabi mo yun kay Zeke ha?" tanong ni Nash kay Jessica.
"Eh kasi naman ang ganda eh," sagot lang ni Jessica sa kanya.
"Naku naman," tanging nasabi nalang ni Nash saka sila nag-appear muli sa bahay ni Yesha.
Nadatnan nila doon si Yesha na mahimbing ng natutulog. Pinagmasdan pa ito ni Jessica bago siya sumakay sa katawan niya.
"Maiwan na kita okay? Kaya mo na rin naman eh," sabi ni Nash kay Jessica.
"Oo, kaya ko na," medyo nalungkot na sabi ni Jessica pero gusto pa rin niya ng kasama kahit kaya naman niya ang kanyang sarili.
"Mag-iingat ka ha?" tanong ni Nash. "Ahh ang ibig kong sabihin ingatan mo ang katawan ni Yesha," pagbabawi niya sa nauna niyang sinabi.
"Oo naman master," napangiti si Jessica dahil sa sinabi ni Nash.
Napangiti na rin si Nash pabalik kay Jessica saka muli ay pinatong nanaman niya ang kanyang kamay sa ulo ni Jessica. Gaya rin ng laging ginagawa ni Jessica ay hinahayaan lang niya ito sa ginagawa ni Nash.
Nakatitig lang siya sa mga mata ni Nash nang bigla nalang itong naglaho.
Naghahanda na rin siya para sa pagpunta niya sa kanyang trabaho.
"Good morning sir," bati ni Jessica nang papasok na siya sa kanyang trabaho.
"Good morning din?" sagot ni Axel.
Nang hinilot-hilot ng bahagya ni Jessica ang leeg sa katawan ni Yesha dahil feeling niya nangawit ito. Wala ba naman siyang pahinga? Sinong hindi mangangawit dun.
Nang makita ito ni Axel ay natanong siya agad. "Bakit?" tanong niya kay Jessica.
"Ahh medyo masakit po kasi ang leeg ko," sagot naman ni Jessica.
"Wala ka pang ginawa ngayong araw pero masakit na katawan mo," natatawang sabi ni Axel sa kanya at lumapit siya sa likuran niya.
Anong gagawin niyo sir?" nagtatakang tanong ni Jessica.
"Hihilutin ka," sagot naman ni Axel na nagpalaki ng literal sa mga mata ni Jessica.
"Huh? Huwag na po sir," pagtanggi ni Jessica pero nasa likuran na nga niya si Axel at nagsisimula ng hilutin ang balikat niya.
"Ahh nakakahiya sir. Huwag mo na sana ginawa 'yan," pagtanggi muli ni Jessica pero ang totoo ay gusto niya rin naman ngunit kailangan din niyang tumanggi dahil sa tingin kasi nila ay empleyado lang siya at boss niya lang si Axel at hindi niya asawa.
"Hayaan mo na 'kong hilutin ka para gagaan na rin pakiramdam mo," sabi ni Axel kaya hindi na tumanggi pa si Jessica.
"Salamat sa pagke-care sir," sabi ni Jessica kay Axel.
"Oo naman lahat ng empleyado dito mahalaga sa'kin kaya nagke-care rin ako para sa kanila," sagot ni Axel.
Axel, sana masaya ka na kahit wala na ako.
"Mapagmahal ka rin pala sir 'no," sabi ni Jessica pero hindi ito sinagot ni Axel at nagpatuloy lang ito sa kanyang ginagawa.
Natahimik sila ng ilang minuto at ilang sandali pa nga ay binasag ni Axel ang katahimikan.
"Okay na ba ang leeg mo?" tanong ni Axel.
"Ahh opo, ayos na 'ko," sabi naman ni Jessica dahilan para tumigil si Axel sa kanyang paghihilot kay Jessica.
Bumalik na rin si Axel sa kanyang upuan saka sila natahimik ng ilang minuto.
Hanggang sa binasag na rin ni Axel ang katahimikan na bumabalot sa dalawa.
"Pakikuha ang schedule ko kay miss Mabie," sabi niya.
"Ahm sino si miss Mabie?" tanong naman ni Jessica.
"Magtanong-tanong ka nalang dun. Alam naman nila kung saan ang office niya," sabi ni Axel na hindi tinitignan si Jessica dahil busy na siya sa ginagawa niya.
"Hmm okay," sabi nalang niya at nagtungo na sa labas ng office ni Axel.
'Nasan ba dito?' tanong niya sa sarili niya habang nagmumuni-muni sa paligid.
Nang may nadaanan siyang naglalakad-lakad na mga empleyado doon.
"Excuse me," sabi ni Jessica kaya tumigil sila sa paglalakad.
"How may I help you," tanong naman ng babae.
"Alam niyo po ba dito kung nasaan ang office ni miss Mabie?" tanong niya.
"Sundan mo lang ang daan na 'yan tapos kumanan ka at yung unang makikita mong pinto yun na yung office ni miss Mabie," Tinuro-turo pa niya ang daan kung saan siya pupunta.
"Ahh okay thanks," sabi nalang niya rito at pumunta na nga siya sa tinuro ng babae na daan.
Pagkapunta niya doon ay kumatok muna siya bago siya nakarinig ng salita sa loob.
"Pasok," sabi nito kaya binuksan na rin ni Jessica ang pinto.
"Hi miss Mabie, kukunin ko po sana yung schedule daw ni Axel, I-I mean sir Axel," sabi niya kaya hinanap na rin ni Mabie kung saan niya nilagay ang schedule nito.
"Here," sabi ni Mabie nang makahanap na niya ang schedule ni Axel.
Inabot naman ni Jessica ang kulay white folder na kung saan nakalagay ang mga schedule ni Axel.
"Salamat po," sabi niya at lumabas na ng office ni Mabie.
Habang naglalakad ito pabalik sa office niya ay tinitignan naman ni Jessica ang schedule ni Axel.
"Ang dami pala niyang ginagawa," sabi ni Jessica nang nakatingin pa rin sa papel.
Nang dahil sa hindi niya tinitignan ang daan niya kaya may nabunguan siyang mga grupo ng babae.
"Ahh sorry," sabi niya pero tinignan lang siya ng mga ito ng pataas at pababa.
"'Di ba siya yung bagong PA ni sir?" tanong ng isa sa kasamahan niya.
"Oo, balita ko hindi sana siya matatanggap sa kompanya kung hindi dahil kay sir," sabi naman ng isa.
Si Jessica kasi ang uri ng babae na mas pipiliin nalang na huwag makisangkot sa away kaysa patulan sila kaya dadaan na sana si Jessica palagpas sa kanila pero nahawakan pa ng isang babae ang braso niya at binalik sa dati nitong pwesto kanina.
"Ahh so bastos ka, tatalikuran mo kami?" tanong ng isa.
"Hindi ako bastos. Saka hindi ko naman kayo kinakausap kaya hindi ko rin kayo tinatalikuran," wika ni Jessica that makes them triggered.
"Ahh so ano ngayon gusto mong mangyari?" tanong ng nasa gitna na pansin mong nawawalan na ng pasensya kay Jessica.
"Ang gusto ko lang namang mangyari ay padaanin niyo na 'ko," sabi ni Jessica na nakahalukipkip na.
Si Jessica rin ang uri ng babae na hindi nabubully kasi palaban din siya. Kung siya ang inaapi lalaban siya pero hindi umaabot sa point na siya na ang nang-aapi.
"Ahh padaanin ka namin? Oh sige daan ka na," sabi ng babae na nakangisi at nang padaan na sana si Jessica ay hinarang ng babae ang paa niya ng hindi naman pansin ni Jessica kaya ang resulta ay napatid si Jessica at napaupo siya sa sahig.
Masama naman niyang tinignan ang tatlo na panay nalang ang pagtawa nila. Nang sinubukan ni Jessica na tumayo ay hindi na niya kaya dahil nasprain ang paa niya.
"Ahh," pagdaing ni Jessica dahil sa sakit na nadarama.
Tumatawa lang din naman ang tatlo. "Let's go girls," sabi ng nasa gitnan at tumatawa lang sila hanggang sa makaalis sila sa kinaroroonan ni Jessica.
Sinusubukan na ni Jessica na tumayo pero masakit talaga ang paa niya kaya mahirap din sa kanya pero nang nakatayo na nga siya sa wakas ay nawawalan siya ng balanse at patumba na ulit sana. Napapikit pa siya ng kanyang mata inaasahang babagsak muli siya sa lupa pero hindi. Kaya dahan-dahan niyang minukat ang kanyang mga mata only to see Axel na sumalo sa kanya.
"Sir," she gasp in shock at napalayo na sana sa katawan ni Axel nang hindi pa rin niya kaya ang kanyang sarili kaya napayakap muli siya rito.
"Ano kaya mo ba," tanong ni Axel at isang iling lang ang naisagot ni Jessica kaya walang ano-ano'y binuhat na ni Axel si Jessica na parang newly wed couple.
Gulat man si Jessica pero hinayaan niya na rin ito. Saka hindi niya na rin naman kayang maglakad mag-isa niya. Nakatitig lang si Jessica sa mukha ni Axel habang buhat-buhat niya ito. Si Axel naman ay nakalingon lang sa daan nila.
Marami ring gulat sa mga nadadaanan nila. Lalo na ang tatlo kanina na hindi makapaniwala sa kanilang nakikita.
"I-is this even true?" rinig ni Jessica na tanong ng isa nang saktong padaan na sila sa kanila.
Ngayon alam na ni Jessica na nagseselos lang sila kay Axel dahil hindi nga naman niya masisisi ang tatlo. Na kay Axel na nga naman ang lahat ng hahanapin mo sa isang lalaki. Kumbaga, he's the dream boy of many.
Nang makarating sila sa clinic nitong kompanya ay binaba agad ni Axel si Jessica sa bed nito.
"Doc, I think she sprain her ankles, can you see?" tanong nito sa doctor.
Hindi na rin naman magtataka si Jessica kung bakit may clinic sa loob ng kompanya nila dahil mayaman talaga ang kompanya nila Axel.
"Ahh let me see," sabi ng doctor at naglabas ng maliit lang na pang-xray para makita ang buto ni Jessica sa kanyang paa.
Hindi naman gumalaw si Jessica dahil sa ginagawang iyon ng doctor. Si Axel naman ay tinitignan lang sila.
"Dito ba masakit?" tanong ng doctor.
"Opo doc," sagot naman ni Jessica na halatang nasasaktan.
Nang napabaling si Jessica kay Axel na hanggang ngayon ay nandun pa rin.